KAPAG WALA KANG MAGAWA KUNG MINSAN…

EPISODE 1: ANG ANAK NA NAGLALAMBING

Isang gabi, habang nanonod kami ng Pinoy Bingo Night at tuwang-tuwa kami na may sigaw nang sigaw ng “BINGO, BINGO, BINGO!!!” nang walang humpay, tinitingnan ko ang mukha ng tatay ko. Lagi kasi siyang simangot. Hindi mo alam kung maraming problema sa buhay o kung ganoon lang talaga ang mukha niya since birth.

Inilapit kong bigla ang pisngi ko sa mukha niya na nakangisi ako na mukhang gago.

Tatay: (galit at inis) Anak, ano ba ‘yan? (sabay tulak sa mukha ko)

Ako:(hindi natinag at ganoon pa rin ang mukha) ‘tay, kiss mo ’ko.

Napahinto ang tatay ko at nagtatatawa. Napahinto.

Tatay:Ay aba! Ang putang inang ito, naglalambing!

Hinagod niya ako at binigyan ng sweet na sabunot. Inakap ako at hinalikan ako sa noo. Nagtaka ako.

Ako: ‘tay, bakit?

Tatay: Sabi mo, kiss kita? Ulol ka pala eh.

Nagtatatawa kaming dalawa.

Ako: Alam mo ‘tay, pwede ka nang sumali sa gameshow kung ganyan ka nang ganyan, na ngumingiti…

Tatay: Talaga? Saan naman?

Ako: Doon sa Wowowee. ‘yung MUKHASIM. Ahahahahah! Whatever! You’re such a loser!

Tatay: Mukha mo!

Ayun, nakonyatan ako. Pero ang maganda ro’n, napatawa ko si Tatay. At ni-lotion-an ko na siya ng Off bago matulog.

EPISODE 2: EXERCISE TO LIVE LONGER

Nagpunta ako sa isang parke isang magandang umaga na medyo malamig. Hindi ko alam pero mukhang in the mood ako mag-exercise at mag-jogging. Wala doon ang free exercise team kaya naglibot-libot na lang ako. Medyo nahihiya ako sa mga tao pero, ano bang nakakahiya kung iniisip mo ang kalusugan mo?

Iniwan ko ang hiya at nag-jogging. Mabagal lang ako at maliliit ang steps ko. Mabigat kasi ako at nakakapagod kung magmamadali [sino naman ang kakaladkad sa akin kung paplakda ako, di ba?] nang biglang may sumulpot na kung ano sa may bandang gilid ko.

Mama na may histura naman pero matanda na:Wow! Nagpapa-sexy ka?

Ako with matching hingal: Hindi naman po. [With forced humility] Tamang naisipan lang mag-jogging. Good morning po sa inyo!

Mama na may histura naman pero matanda na: Good morning din. My name is Kyeme. [ganda ng pangalan! Haha!]

Ako (slow run habang kausap si Kyeme): Julia po [hindi ako nagtitiwala basta ibigay lang ang pangalan ko.]

Mama na may histura naman pero matanda na: Ah! Mabuti iyan! Pero bilisan mo nang konti kasi ang bagal mo. (medyo pabiro niya sinabi at mukha siyang kinikilig sa akin. Hehe!)

Ako with matching hingal pa rin: Alam niyo sir, hindi po ako magpapakamatay. Gusto ko lang pong mag-exercise. Saka wala naman po akong hinahabol. Kung bibilisan ko po, baka mauna pa ako sa inyo [sa kabilang buhay.]

Kasi naman si sir, nakikialam eh! Kaya nga ako nagja-jogging para humaba ang buhay ko, hindi para mamatay agad.

PS: Bakit ba ang prone ko sa mga lalaki pero matatanda naman? *sigh* [With a teardrop at the back of my head]

EPISODE 3: CALL CENTER AGENT AKO AH! [DATI IYON.]

Matagal na ito. Noong mga araw na may trabaho pa ako.

Nag-special trip ako sa tricycle dahil nagmamadali akong umuwi noon dahil antok na antok na ako. Maganda ang salubong sa akin ng umaga. At nang makababa na ako sa harap ng bahay namin, nag-rapport building pa sa akin si Manong Tricycle Driver dahil hinihintay niya ang bayad ko…

[Pinili ko na lang na huwag buuin ang episode na ito dahil nangangamba ako na may super duper mega maramdaming mambabasa at eksaheradang echusera at magalit sa akin nang bonggang-bongga. Baka abangan ako sa Commonwealth at tambangan ng mga ka-gang niya. Baka atakihin sa puso at ako pa ang dahilan. Baka dinggin pa sa senado. Alam niyo naman, may masagi ka lang nang konti these days, may masabing hindi mo sinasadya dahil sa sobrang pagod at puyat, may nagawa ka lang na hindi gaanong trip ng nakakita, o nakatapak ng nuno sa punso; kahit punuin mo ng disclaimers ang sinulat mo, o kaya halos magsumamo ka na sa kaso-sorry, o mag-tabi-tabi po, nagiging big deal na sa lahat at akala mo mortal sin na at sa impyerno ka na dadalhin kapag namatay ka! Kaloka di ba?! Hindi pwedeng kumeber lang! Ayoko matapos rito ang blogging career ko ‘no? Scary Spice! So Hard rock! Nag-iingat lang po. You know naman…]

EPISODE 4: MY WAIST LINE

Nahihiya talaga ako kapag nagkakasukatan na ng waistline. Eh oo na! Wala namang mawawala at eh ano naman kung malaman nila? Pero nahihiya kasi talaga ako. Bawal ba akong mahiya?

Sa 2 buwang katatambay at hindi pagkain ng kanin at kaunting exercise, nabawasan na ako ng 4 inches. Tapat na iyan. Wala nang tawad.Mahilig kasi akong matulog. Alam ko na rin ang timbang ko dahil hindi na lampas sa weighing scale. [at ngingiti-ngiti ka naman diyan!]

Patago lagi ako kung magsukat gamit ang aking secret tape measure na tinatago ko talaga sa kailaliman ng damitan ko. Doon sa kuwarto namin. Hinuhukay ko lagi iyon kaya yung damitan ko mukha ng basurahan sa sobrang gulo.

Ipinosisyon ko ang sarili ko. Stand erect. Breathe naturally. Huwag pigilin ang paghinga. Maging tapat sa sarili. Huwag sikipan ang pagsukat. Huwag din naman luwagan. Iyong tama lang. Huwag biased. Huwag madaya.

Isinara ko ang pinto kaso walang lock iyon kaya dinikit ko na lang nang mabuti. Lahat ng tao sa bahay bising-busy sapanonood ng Wowowee kaya alam ko na walang magbubukas ng pinto nang biglang…

Tatay: BULAGA! Nagsusukat ka ‘no?

Tinigil ko ang ginagawa ko dahil nagulat ako.

Tatay: Ilang ektarya na lang bewang mo? [at nagtatatawa na naman siya dahil wala siyang maasar.]

Ako: [gulat na gulat] Tatay naman eh! Epal! Doon ka na nga po. Mag-practice ka na lang kung paano ka makakapasok sa Mukhasim.

Para sa inyong hula kung ano ang sukat ng waistline ko, just key in HULA[space]YOUR GUESS [space]YOUR NAME[space]BIRTHDATE[space]GENDER[space]ADDRESS WITH ZIPCODE[space]KUNG SINONG MAYOR SA LUGAR NIYO[space]PANGALAN NG MGA KAPATID MO[space]PANGALAN NG ASO MO O NG ALAGA MO[space]ANONG GRADE MO SA CHEMISTRY[space]SKETCH KUNG PAANO PUMUNTA SA INYO GALING COMMONWEALTH at pupuntahan ko kayo. Lumabas na ang matapang sa inyo para banatan ko kung sobra ang hula niyo. [eching lang!] Send it to 2313897895457863825675324 for all networks. P300 per text. Kaya huwag niyo na pag-aksayahan ng panahon. At huwag niyo na rin i-post sa comment niyo ang hula niyo. Kakahiya! Haha! Pero kung gusto niyo talaga malaman, i-text niyo na lang ako at wala kayong mapapala.

Kuwentong Tambay

Written by: NIcanor DAvid Jr.

Nung una kong makita ang librong ito sa estante, napaisip ako kung gusto ko itong bilhin. Nabasa ko sa likod na nakakatawa raw ito at siraulo ang sumulat at isa ring blogger ang may gawa nito. Nahikayat akong bumili dahil sa aking curiosity pero parang hindi ako nasiyahan masyado. Siguro, hindi lang ako gaanong maka-relate dahil kuwento ng isang OFW ang nakasulat dito. Hindi pa kasi ako nagiging OFW. Naudlot. Tae! Hindi rin siya nurse. (Pero yung asawa niya, OO!) NAkakatawa at nakakatuwa naman ang ilang bahagi ng libro pero kung may karapatan akong i-rate ang librong ito, I may give a 7 out of 10. (yun eh kung may karapatan ako.)
Pero totoo ang sinabi ng ilang commenters sa libro. Kakaiba nga ang binigay niyang image sa mga green jokes. Hehehehe! Dun ako nabuhayan! Hahahahah!

BAKIT BALIGTAD MAGBASA ANG MGA PILIPINO

Written by: BOB ONG

Magaling na si Bob Ong. Totoo. At tuwing lalabas ang mga libro niya, hindi pwedeng hindi ka maintriga. Hindi ako palabili ng libro. Nanghihiram, oo. Pero nung makapera ako, binili ko ito kasama ng iba pa.
Medyo may kamahalan ang librong ito (kuripot po ako, sorry.) Pero okay naman eh. Maganda ang packaging at cute ang concept.
May mga parteng nakakatuwa at nakakatawa. May parte rin na boring kasi puro excerpts sa kung saan-saan. Madami ring jokes pero nangyayari sa totoong buhay. Parang nangungutya kung minsan pero masarap tawanan kasi matatagpuan mo ang sarili mo sa mga kuwento.
Hindi ko nga lang din alam kung anong gustong palabasin ng librong ito.
Pero masarap ito pag-usapan sa harap ng tindahan ni Aling Tekla habang kasama mo ang barkada mo at ini-imagine niyo ang pagdating ni Anne Curtis.

THE ALCHEMIST

Written by: Paulo Coelho

English. Nosebleed. Iyan ang una kong impression sa librong ito.
Bagama’t Ingles ang wikang ginamit sa pagsulat ng aklat na ito, naintriga pa rin ako. Madami kasing nagsasabi na maganda ito. At nakita ko ring hawak ito ni Nene Tamayo sa isa sa mga episode ng Pinoy Big Brother.
KAhit medyo mahal din, binili ko na. Wala namang masasayang. At hindi ako nagkamali, maganda nga siya. Tuloy-tuloy ang istorya at madaling sundan.
Hindi kasi ako magaling sa retelling the story. Basa na lang kayo. Pahiram ko sa inyo kung gusto niyo.
Pero isauli niyo a?
Pero dito sa libron ito ako nakahanap ng lakas ng loob. Magandang motivation.

PABORITONG LIBRO NI HUDAS

Written by: BOB ONG

ang librong ito… hiniram ko lang. di ko naman binili.
pero cover pa lang, may pagka-histrionic na. akala mo witchcraft ang laman, pero hindi pala.
ang cute ng ending. hahahaha!

MC ARTHUR

Written by: BOB ONG

Napaka-catchy ng mensahe sa likod. at may twist ang gitna ng istorya.
kaso bitin.

(HUWAG NIYO NAMAN MASAMAIN ANG SINABI KO. BAKA MAMAYA, ABANGAN NIYO NA AKO SA LABAS. HINDI NAMAN AKO NAGMAMAASIM AT NAGMAMAGANDA ANO?)

HE’S JUST NOT THAT INTO YOU

Written by: Greg Behrendt and Liz Tuccillo
I really love this book. I really found myself so guilty and funny at the same time.I read it from cover to cover. and guess what?
THIS BOOK MADE ME UNDERSTAND THAT I MUST NOT BE DESPERATE. AND I AM THE LOVELIEST WOMAN IN THE PLANET. LIFE IS GOOD.
NEVER WASTE THE PRETTY.
(wala nga lang akong boyfriend, walang ka-sex at walang ka-date. pero basta, I really can relate with it! at lahat ng kagagahan ko nabanggit sa librong ito, i swear.)
THERE ARE SO MANY MEN OUTTHERE WAITING TO BE YOUR GUY. WHAT YOU JUST HAVE TO DO IS UNLOCK THOSE “FOOLISH GUY HANDCUFFS NA WALA NANG GINAWA KUNDI ANG PAHIRAPAN KA” THAT ARE HINDERING YOU TO LET YOURSELF GO.
IT’S CRAZY AND HELPFUL AT THE SAME TIME! I LOVE THIS BOOK.
it’s worth the price. $17.99. not bad.
ang nasambit ko na lang sa sarili ko: KAGAGAHAN EVER!
nang matapos ko itong basahin, feeling ko ang runong-runong ko. feeling ko, ayoko nang maging assume-mera. feeling ko matagal ko nang niloloko ang sarili ko. feeling ko ako talaga ang tunay na ALAMAT.. ALAMAT NG SHONGA. pakiramdam ko, matagal ko na dapat sinabunutan ang sarili ko.
basta, i learned a lot. I was never a fan of English books but this book made me realize so much things that I need to learn.
I hope I’ll be wiser. PLEASE.

PARA KAY B

Written by: Ricky Lee
hindi ako fan ni ricky lee. pero may nakapagsabi sa akin na maganda raw ang mga libro niya. naintriga ako at bumili. hindi nasayang ang pera ko. ang totoo, tulad ng nasabi ni BB. JOYCE BERNAL, isang upuan lang sana ang librong ito pero dahil madaming ginagawa, naging dalawa tuloy.
sa oras na basahin mo ito, hindi pwedeng hindi ka ma-excite na malaman kung ano ang sasabihin ng susunod na pahina. pati ang mga comments ng nakabasa, hindi pwedeng hindi mo aalamin. bawat character na nasabi sa kuwento, nakakagulat. hindi ko alam kung iyon ang totoong buhay pero kung iyon nga…
MASASABI KO NA ANG BUHAY AY TALAGANG PUNO NG SORPRESA AT ANG MGA NAKIKITA MO SA TAONG NAKIKILALA MO AY TIP OF THE ICE BERG LANG. IBANG KLASE! MASIKRETO AT MARAMING ADVENTURE. NAKAKADIRI NA NAKAKAENGGANYO. NAKAKATAWA NA NAKAKAINIS. NAKAKAINGGIT NA NAKAKATUWA.
GRABE.
hanggang ngayon napapaisip ako. sino ba kasi si B? si Bebe Gandanghari kaya iyon? pero sana ang nakalagay, PARA KAY BEBE. eh hindi naman! hmmm? baka lang mahina ang kokote ko para malaman kung sino si B.

THE F4 CONFESSION: MAGKAALAMAN NA KUNG SINONG HINDI NABALIW SA F4

DISCLAIMER #1: Hindi layunin ng blog entry na ito na bukuhin ang mga nabading sa F4 o i-broadcast ang mga pa-sosyal na jologs naman talaga in real life. Katuwaan lang ito.

DISCLAIMER#2: Wala akong masamang pakahulugan sa mga nasabi sa blog entry na ito. Sinikap ko na gawing walang offensive language o content ang entry ko. Napag-trip-an lang ng blogger na gumawa nito. Kung nakita niyong offensive ito, ipaalam agad sa gumawa para magawan ng paraan. I DO APOLOGIZE in advance.

DISCLAIMER#3: Hindi pa ako nakapagbasa ng blog na may ganitong klaseng entry. Sinisiguro ko na wala akong pinagkopyahan nito or whatsoever. Pasensya na kung may katulad man ito.

grabe! hinanap ko pa talaga ito!

KALOKA! THE F4 CHART! NAHANAP KO SA GOOGLE! ANG POGI NILANG LAHAT IMPYERNES!

DIRECTION/S: Sagutin lamang ng GUILTY or NOT GUILTY ang mga sumusunod. Walang tama o maling sagot sa ilalagay mo. Maghanda ng paper and pencil kung okay lang sa iyo. Kung hindi naman, ay di huwag.

1.Na-curious ako nang makita ko ang teaser ng ABS-CBN sa Meteor Garden.

2.Pinanood ko ang first episode ng Meteor Garden.

3.Parang napigil ang aking paghinga nang magpakita ang F4 dahil noong una [‘di ba] anino lang sila.

4.Pero natuwa ako kay Hwa Zhe Lei (Vic Zhou) nang pulutin niya ang kalat na sinipa ni Dao Ming Ze (Jerry Yan). [May scene kasi doon na may dalang mga basketballs si San Chai at ang kaklase niya… hanapin niyo na lang sa YouTube. Sa mga nakapanood ng Meteor Garden, alam niyo ang eksenang sinasabi ko.]

5.Inisip ko na magkakatuluyan sila ni San Chai (Barbie Hsu).

6.Simula noon, hindi ko namamalayan na lagi na akong nagmamadaling umuwi galing sa school/trabaho/basketball-an/tsismisan/at kung ano-ano pang activities para lang maabutan ko ang Opening Song ng Meteor Garden (QING FEI DE YI ni HARLEM YU)

7.Hindi ako kumukurap habang on going ang palabas.

8.Tuwing nanonood ako, ayoko ng may istorbo. May hawak akong itak at tatagain ko ang dadaan sa harap ng TV!

9.Tumitili ako (kami- kung may may kasama kang manood) kapag kinikilig ako (kami) sa eksena.

10.Naaasar ako pag may commercial kasi ang haba. Ipagpalagay na nating 30 minutes sana ang airing time ng Meteor Garden pero nagiging 15-20 minutes na lang dahil sa commercial.[ Nakakainis talaga ‘pag bitin… lalo na pag naglalaba. Alam mo na sana ang tunay na ama ni Joaquin Inigo—panoorin mo ang commercial ni Winnie Monsod].

11.Hina-hang ko ang telepono para walang tatawag-tawag habang nanonood ako.

12.Walang tao sa looban/street namin sa oras na ipalabas ang Meteor Garden. Lahat sila nasa bahay o nakikinood sa kapitbahay. Hindi ko lang rin alam kung zero crime rate pag Meteor Garden na! [Pero hindi nito kayang daiigin kapag may laban si Pacquiao!]

13.Tumitigil ang oras ko kapag nakikita ko ang F4 at tinititigan ko sila isa-isa.

14.Gumawa ako ng sarili kong reservation. Akin si Dao Ming Ze (o kahit sino pang member ng F4) at bawal nang magka-crush ang iba kong kaibigan sa kanya dahil nauna na ako.

15.Muntik na akong ma-in love sa friend ko na may kahawig sa F4.

16.Nangarap ako na sana kaklase ko ang F4.

17.Tinatapos ko ang Meteor Garden hanggang sa kahuli-hulihang linya ng ending song (NI YAO DE AI ni PENNY TAI)

18.Nag-search ako sa internet tungkol sa biography ng F4. Curoious ako kung paano sila nabuo.

19.Na-realize ko na may pagkakahawig si Van Ness Wu at si John Lapuz.

20.Hinanap ko sa Google ang lyrics ng mga OSTs ng Meteor Garden at nag-print ako ng kopya pagkatapos. Ipinainggit ko ito sa aking mga kaibigan ko at pina-photocopy nila ito para meron din sila.

21.Nang makarating ako ng bahay, tamang-tama at simula pa lang. Sumabay ako sa kanta. Huwag kayo, naintindihan ko ang kanta dahil may translation in English ang lyrics na kinuha ko kaya huwag kayong umarte!

22.Pati sa ending ay ganoon din.

23.Ni-research ko rin ang Tagalog Version ni Josh Santana.

24.Bumili ako ng posters ng F4. Idinikit ko kaagad ito sa dingding at nilagyan ko pa ng artwork. Siniguro ko na maganda ang posisyon nito.

25.(Sa mga may sariling bedroom) Siniguro ko na pagmulat ng mga mata ko sa umaga, nakaharap sa akin ang mga pagmumukha ng F4 para maganda ang gising ko.

26.Hinahalikan ko paminsan-minsan ang poster. Sinisiguro ko na walang makakahuli sa akin.

27.Napagalitan ako ng nanay ko dahil may notebook, CD, wallpaper, MP3-file,unan, t-shirt, stationery, at maski tsinelas ng Meteor Garden ay mayroon ako. OA na daw iyon. [paningit: Di ko nga akalain na may tsitsirya rin na F4. ewan ko ba! piso isa! natawa nga ako eh. at dahil fan nga ako ng F4, bumili ako. para siyang cheese curls na puro hangin. baka mamaya di ko na mamalayan, may F4 sardines, corned beef, potato chips at baby cologne na! nakakaloka na iyan ah!]

28.Muntik na kaming mag-break ng boyfriend/girlfriend/asawa ko dahil mas pinili ko ang abangan ang Meteor Garden kaysa mag-date kami. Iniurong ko ang schedule ng date namin ng Saturday/Sunday kasi wala naman akong aabangan sa mga araw na iyon.

29.Bumili ako ng pirated DVD ng Meteor Garden (English subbed)sa Quiapo at agad kong pinanood iyon para maipagyabang sa mga amiga ko na alam ko na ang ending.

30.Nang ipalabas sa HERO TV ang HANA YORI DANGO (the anime version) at sa GMA 7 din (same title pero J-DRAMA na), pinanood ko rin iyon dahil gusto ko i-compare ang mga version nila sa Taiwanese version. Aalamin ko kung anong eksena ang tinanggal, iniba, at idinagdag. Nagpapaka-critic ako nang mga panahong iyon.

31.Nang maging model si Jerry Yan ng Bench, bumili ako ng damit na ini-endorse niya. Natuwa ako kasi sa barkada namin, ako lang ang may pambili ng Bench.

32.Lagi kong tinitingala ang billboard niya.

33.Nang malaman ko na pupunta ang F4 at ang ASOS (si Barbie Hsu kasama ang kapatid niya) dito sa Pilipinas, tuwang-tuwa ako. Pero nang dumating sila ng tig-dalawa lang, okay lang din sa akin. Pero nang malaman ko na P10,000 ang tiket, napamura na lang ako.

34.Nang i-ere na ang BOYS OVER FLOWERS, napansin ko na magkahawig sina DAO MING ZE at GU JUN PYO.

35.Kinumpara ko rin ang BOYS OVER FLOWERS sa METEOR GARDEN.

36.Nang malaman ko na base pala sa isang manga ang palabas na iyan, natuwa ako. Gusto ko bumili kahit hindi naman ako marunong magbasa ng Kanji.

37.Naging primary photo ko sa friendster, facebook, myspace, bebo at kung ano-ano pang social networking sites ang picture ng F4 or ni San Chai. Naging lay-out ko pa kamo!

38.Hinanap ko rin sa YouTube kung may video streams ng BOYS OVER FLOWERS, METEOR GARDEN at HANA YORI DANGO.

39.Naging idol ko ang ARASHI (member ng Japanese boyband na ito si Jun Matsumoto, ang leader ng F4 sa HANA YORI DANGO sa GMA 7). Kinakanta ko rin ang LOVE SO SWEET na OST nito.

40.Hindi ko alam ang ibang nabanggit na kanta sa survey na ito kaya mamaya ida-download ko para mapakinggan ko. Baka maganda.

41.Feeling ko, fan ng F4 ang gumawa nito. Nasundan niya ang iba’t-ibang version eh.

42.Jologs lang ang mahilig sa F4.

43.Napapanaginipan ko paminsaj-minsan ang F4. Na nakatuluyan ko raw si Van Ness.

44.Nakikipagtalo ako sa mga internet forums kapag inaaway nila ang idol ko sa F4. Nakikisali rin ako sa mga chat sa YM kapag pinagkukumpara nila sina San Chai, si Jan Di at si Tsukushi .

45.Marami ang gumaya sa F4 lalo na sa hairstyle nila (regardless of the version).

46.Inabangan ko sa Channel2 kung sino ang nanalo sa F4 look alike at sa Batang F4. Bago pa naging artista si Nash Aguas (Grand Questor ng Star Circle Kid Quest 1), alam ko na sumali siya sa Batang f4 pero hindi siya nanalo.

47.Kahit hindi ko alam ang kanta, kinakanta ko ang One More Time ng Tree Bicycle (OST ng BOYS OVER FLOWERS.) Hindi ako marunong mag-Korean kaya ang linya na kaya kong kantahin ay ¯¯ONE MORE TIME ¯¯ lang. Hina-hum ko na lang ang kasunod.

48.Ise-search ko rin ang lyrics nito pati na ang OSTs.

49.Madaming Chinese, Koreans at Japanese sa school namin. Lahat sila crush ko na!

50.Napanood ko ang pilot episode ng BOYS OVER FLOWERS. Walang mintis sa first week. Pero naasar ako dahil iniba bigla ang time slot nito. Pinanood ko rin ang marathon nito noong Sabado. At tiyak ko na aabangan ko ito bago mag- TV Patrol. Nilipat na ang Pinoy Bingo Night sa gabi.

EVALUATION: Tingnan sa ibaba ang iyong score. Hindi nangangahulugang pasado o bagsak ka! Aanhin mo naman iyon, di ba? Katuwaan lang uli.

50 out of 50 GUILTY – Nakakatakot iyan. Baka magpagawa ka na ng istatwa ng F4. Nakulangan ka pa sa items dahil mas marami ka pang nalalaman kaysa sa gumawa ng blog entry, aminin! Dahan-dahan lang at baka makagawa ka ng orasyon na katulad nito:

[REPEAT AFTER ME:

I (STATE YOUR NAME) PROMISE TO WATCH F4 EVERYDAY. I LOVE F4. WALA AKONG PAKIALAM KUNG TAWAGIN AKONG JOLOGS! POPROTEKTAHAN KO ANG F4 SA ABOT NG AKING MAKAKAYA. AT MAMAHALIN KO SILA TULAD NG PAGMAMAHAL KO SA SARILI KO! ISUSUOT KO ANG T-SHIRT NA MAY PRINT NG MGA MUKHA NILA. ISASAPUSO KO ANG BAWAT SABIHIN NILA. HINDI KO SINASAMBA ANG F4 PERO MAGTATAYO KAMI NG KULTO NA KAYANG TALUNIN ANG FANS' CLUB NIYO! F4! F4! F4!]

WINDANG!

40-49 out of 50 GUILTY – Fan na fan ka ng F4. Magsama kayong dalawa ng gumawa ng entry na ito! Sa tingin ko, in the future kapag nagkaanak ka, ipangalan mo pa sa kanya ang pangalan ng isa sa casts ng BOYS OVER FLOWERS, METEOR GARDEN o HANA YORI DANGO. wala kayong pinagkaiba ng taong naka-score ng 50/50!

30-39 out of 50 GUILTY- Keri na iyan. Humahanga ka lang sa F4 pero hindi naman tipong hook na hook. Pero minsan,  F4 ang dahilan kaya nagtetelebabad kayo ng kausap mo.

20-29 out of 50 GUILTY- Tamang nakikiuso ka lang sa F4. Tamang gusto mo lang sila. Kapag nakita mo na si Jake at Gerald,di mo na sila type.

10-19 out of 50 GUILTY- Napilitan ka lang dahil majority ng tao sa bahay niyo ay idol ang F4. Kahit ibang palabas ang gusto mong panoorin, talo ka dahil papatayin ka ng mga kasama mo sa bahay kapag nilipat mo ang sa ibang channel!

1-9 out of 50 GUILTY- Wala lang. Tamang natyempuhan mo lang. Mas gusto mo ang MY MVP VALENTINE dahil mas crush mo ang 5566 (sikat na boyband din sa Taiwan).

0 out of 50 GUILTY- Mas gusto mo manood ng PANGARAP KONG JACKPOT.

PEACE!

I LOVE F4. promise! :)

PS: DI NAMAN HALATANG GUSTONG-GUSTO KO ANG F4. MAGKAKAROON NGA KAYA NG PINOY F4?

YOUR MOTHERS’ DAY MESSAGE.

i go first:

nay, kumusta na po. thanks pala sa pera na pinadala mo sa akin. ngayon, may pang-chenes na ako. sorry nga pala kung nung last time, yung perang pinang-baby sit mo pinanakaw ko lang. di ko naman po yun sinasadya. ungas kasi yung snatcher eh. madaming nanakawan ako pa! akala niya mayaman tayo.

anyways, salamat din po nay sa lahat ng payo. madalas nahihiya lang ako magsabi sa’yo pero alam niyo na iyon eh, mahal na mahal ko po kayo. (hindi ako iiyak kasi pagkatapos nito pasasayawin ako ni Willie ng ROck n Rollin’.)

sana nga matupad nang makapunta ako diyan sa UK para magkasama naman tayo.  nabulilyaso man yung unang subok natin, keri lang. basta ang mahalaga, may 2nd chance tayo. sana talaga magtagumpay tayo.

sorry pala nung nag-call center ako. alam ko ayaw mo na doon ako magtrabaho kasi Nursing yung tinapos ko. eh, kaso alam mo rin na kahit noong nag-aaral ako, ayoko ng kurso ko. eh wala neh. pasado na rin ako ng board exam. kaso lang matigas ang ulo ko kaya ngayon tinatamad na ako mag-training o mag-apply. ayoko kasi ng may utos nang utos. pero nay, wag ka mag-alala, nag-resign na ako. matagal na. di ba napag-usapan naman natin sa phone yun? kaya heto na naman ako, BUM uli. pero natutuwa ako na hindi ka nagrereklamo. bagkus, ang gusto mo ay magtiwala ako sa iyo kaya naghihintay ako na sana matupad na ang balak natin. may tiwala ako sa iyo nay. sabi mo kasi, ikaw ang bahala.

hindi man ikaw yung nagluluto ng ulam namin tuwing umaga, andiyan naman si tatay para ipagluto kami. hahahaha! kasi kinakarir ko ang pagtulog nang mahaba. hahaha! saka kasi hindi na rin naman ako kumakain ng kanin kaya yung bigas natin puro bukbok na. natutuwa si tatay kahit puro bukbok yung bigas dahil ibig sabihin nun, malaki pala ang parte ko para mag-conserve ng kanin. hahahahah! noon kasi, halos kalahati ng inimbak nating bigas ako lang ang nakakaubos. alam mo ba nay,  nakabawas na po ako ng 4 inches sa bewang kaso hindi halata. ito rin kakaririn ko na!

saka nga pala nay, pasensya na nung scholar ako hindi ko sinabi sa iyo. kasi gusto ko akin yung book allowance. hehehe! P2500 din yun! heheeheh!

nasabi ko pa sa inyo na ako ang nagbayad nung mga bill natin nung nagtatrabaho pa ako? naku, di naman ako naningil. natutuwa lang ako noon na kahit papaano nakatulong naman ako kahit konti. kaso konti lang. :(
hindi man ikaw yung nag-aalaga sa amin dito, okay lang. kaya naman namin ang sarili namin. di na rin kailangan ng sekyu. andito naman si Chuba eh. lapain niya lahat ng papasok dito. kahit yung delivery boy ng wheatgrass. hahahaha!

nay wag na po kayo mag-alala. si kuya wala pang asawa. yung dalawang bulilit naman, tao pa rin sila. ako? naku nay, mag-alala kayo sa akin. kasi wala akong boypren. hahahaha! joke. kahit binubugaw niyo na po ako kani-kanino, lalo na sa mga thundercats niyong bff na Briton, eh wag na kayo mag-abala. ako na lang maghahanap ng akin pagdating ko diyan. hahahahah!

alam ko nay, medyo hindi na “kayo” ni tatay. sana lang, maging magkaibigan kayo sa tamang panahon. hhuhuhu!

nay.. I LOVE YOU PO.

HAPPY MOTHERS’ DAY. everyday.

glaiza. :)

ikaw naman maglagay ng sa’yo. :)

« Previous PageNext Page »