ANG BLOG AT ANG MAY-ARI… bow!
Hindi ko na kailangan maging artista. Hindi ko na kailangang sumali sa mga reality shows. (Pero balak ko sumali sa PBB hahaha!!1) HIndi ko na rin kailangan sundan pa ng camera. (Pwede rin kung gusto niyo.) \
ANG BLOG:
Dito sa blog ko, halas lahat ng tungkol sa akin, mababasa mo.
gagawa ako ng kuwento. Ilalagay ko lang ang sarili ko sa ibang entity. Pero ako rin yun.
Lahat pwede naman pag-usapan dito. depende na nga lang kung ano kaya ng utak ko.
experiences ko lang naman ang pinagkukuhanan ko ng mga sinusulat ko rito. Yung iba kuwento-kuwento ng ibang tao sa akin. O kaya pwede ko rin i-describe yung taong nagugustuhan ko, o yung ayaw ko.
Hindi ito pang-aktibista. Hindi rin super intelehente. ewan ko kung informative. may aral ba? malay ko. HIndi rin gaanong updated. Pero ok na ako dito.
Gusto ko lang ng comments. O kaya kung dumating ang araw na pagkakitaan ko itong blog ko, COOOOOOOOLLLLL!!!!!!!!!!
at gagamitin ko ang blog ko para makuha ko ang lalaking hinahanap ko! hahahaha! wahahahahah! wahahahahah!
wala kasi akong syota eh. (parang yun lang ang pinoproblema ko all along. what a loser!)
eherm…
echus!
MUNDO KO NAMAN ITO EH.
ANG MAY-ARI:
Ako si Glaiza. Hindi na ako pa-anonymous effect. Kasi wala namang pagkakaiba. Gusto ko ng recognition so dito ko kukunin. Papansin ba? Ito ang paraan ko ng pagiging histrionic.
Ako si PULIS PANGKALAWAKAN. Ganito ang istorya:
Mayroon akong ID nung college na ewan ko kung bakit ang pangit nung ngiti ko doon. (nadukot na kasi. scan ko sana,)
Napag-tripan ng kaklase ko ang ID ko dahil tawang-tawa siya. Nakita kami ng teacher namin. Akala namin pagagalitan niya kami. Inusisa niya kung anong pinagtatawanan namin.
Ayun! ang ID ko. Magigising ka daw pag nakita mo.
Kinuha niya ang ID ko. Akala ko kumpiskado na.
Itinaas niya ang ID ko sabay sabing: “PULIS PANGKALAWAKAN! yah!”
ayun. dun nanggaling yun.
22 years old na ako. HIndi halata. mukha kasi akong 30. (huhuhu!) March 6 birthday ko. Grumadweyt ako mula sa FEU-Manila. Originally na taga-PAsay pero ngayon, sa QC na ako.
Mahilig ako magsulat. pero nursing ang tinapos ko. layo no?
Hindi ako komedyante. Pero parang natural na lang siguro yung nilalabas ko sa mga salita ko at sa mga sinusulat ko. natatawa naman yung nagbabasa/nakikinig. Salamat na nga lang may kumakagat.
Minsan ungas ako. Minsan matino. Minsan wala sa sarili. Minsan Ok-Ok. depende talaga eh.
Paano ko nga ba ide-describe ang sarili ko?
di ko alam eh. Magulo kasi. ![]()
PS: hindi ako bading. babae ako. OK? Marami kasi akong kaibigang bading na ultimong boss ko bading din. *sigh*






















wow..hahahah! edit mo na tong about page glaiza…^^ bago ha.. kakatuwa…ako unang comment yey!!!.. di pa man din na-eedit.. wohooo!idol
magaling..magaling.. magaling.. nakakatuwa at nakakatawa ka at the same time..
Kulang kulang pa kasi yung featuresng fsblogs e… ako nga din,, gagawa ng blog ko sa fs.. kaso di pa complete…
..Bat ganun?? lahat ng humor blogs.. basta pag tagalog laging sinasabihan ng “para kang si Bob Ong”.. pft!..
well.. idol kita glaiza a.k.a. Pulis Pangkalawakan.. una ay dahil sa angkin mong kakayahang magpatawa pero at the same time e nailalabas mo ang mga emosyon sa iyong mga likha.. pangalawa ang katalinuhan mong kakaiba.. pangatlo ay hindi ka nagpapaka-anonymous na di tulad ng ibang mga bloggers e gumagawa ng pantasya nilang alter ego sa kanilang mga blog kaya nagtatago sila (pero di ko naman nilalahat).. malaking bagay kasi yun sa pagiging blogista.. kaya saludo ako sayo..
Ayos ba pambobola ko?.. haha! LOL…
Sana wag kang magsawa sa paggawa ng kalokohang tulad nito..
Sana mapadalas ang pagpost mo ng mga kewl kwentos ng iyong layf…
nagmamahal..
Pey Pilya
,,ang gnda,,
dapat hingi ka ng sponsorship sa Promil…kase isa kang gifted child! true!
at ako ay dakilang tagahanga mo…sulat lang ng sulat…wag paapekto sa koments…basta kung me musika na sa isip mo ang istorya…baliBLOG mo na…kame na bahala sumalo…ahahhaaha…
Blogista! -ang galing mo!
hello,.. hehehe.. kng wala kang trabaho, bakit di mo pagkakitaan ang pag gawa mo ng blog…
nakapag attend ako ng seminar once, na pwede kang kumita sa pag bblog,…
just ask the experts… hehehe
i know one,http://profiles.friendster.com/nyeneks, or her website http://www.jennytrinidad.com...
may be she can help you…
nice glaiza! i’m a fan.. ooopsss.. nag-inglesh ako
hahaha.. ok lang mag-inglesh.. basta magaling ka lang!
wahahahaha! ang inglesh ko? pasoksa banga! blog ko next…
uyyysss….happy birthday na po!!!! heheh…konti lng pagitan ng bday natin (nung 2 ako-kahapon) ssshhhh…aten lng un…may you have many more bdays to come, many fans na tumangkilik sa gawa mo…at higit sa lahat….MAY YOU HAVE MANY BOYFRIENDS TO COME….hehheeh…wait mo lng un ate bukas lulu8hod din xa sau para makamit ang matamis mong…OhOh!!!FITAh!!!!!heheh…ingat po and HAPPY BIRTHDAY!!!!
uu nga…nabasa ko na dati dito yun e…birthday mo…at nasa pchan ka…tas walang entang araw…pero sabe mo…next year dapat hindi na ganito…o diba…kahit ulyanin ako…naalala ko kaarawan ni Pulis…
kung alang wentang araw paden toh…dahil alang pera…alang bf…alang work…haaays…uminom ka na lang ng sang basong tubig at manood ng anime…tas matulog ayun!
niwey, eto wish ko naman sa yo….bakjsfstdtsfddaal (ayan ikaw na mag-decipher po…creative ka naman eh)…pero sa tagalog nyan…”ingat palagi, maging masaya, maging -physically fit, at magka-work na…or consider your passion for writing a decent “non-paying” work, sa ngayon…malay natin in the future?…(wow ang haba ng tagalog pala nun)
hapi birthday pulis…madami nagmamahal sa yo!
thanks guys…
ayon sa mga naisulat mo, naaalala ko yung mga panahon na nagkwekwentuhan tayo. minsan lang ako mag leave ng message dahil piilinip ko lang ang mga taong sinusulatan ko. base naman sa mga nabasa ko.. naaalala kita sa bawat araw na magkasamang nagtatawanan tayo ng malakas. ito lang ang masasabi ko. sa tagal ng panahon hindi nakita matandaan pa, pero naramdaman ko na kaibigan pala kita.
PS
mag ingat ka palagi at naeenjoy ko ang blog mo.
nyak tsang k pala..=)) pasensya.. heh nice naman 1st tym ko mag basa nang blog blog na toh..astig pa una kong na basahan… ganda nang atake mo sa ag susulat.. isa po kase akong tambay nang national bookstore..heh ganto mga tipo kong mabasa… ung JIGOKUTSUSHIN (not for the fainthearted) palang na basa ko..na hook agad ako..=) at madami pa plang lumipas.. huh gusto na kita makilala nang maigi kaya simulan ko na pagbasa ulit..hehee
tc sayo!!! wag kang mg sawang mag kwento..^_^
wow… glaiza… ganda talaga ng blogs moh..
kahit 1st time ko pah mag basa ng blog… nakaka aliw ang mga blog mo…
i hope maka gawa ka ng maraming blogs…
u know that,, nag eenjoy talaga ako sa mga blogs moh..
luffet mo pare…
hehe….
astig talaga….
sana wag kng mag sawa mag kwento… hehe
akala ko ikaw si SHAIDER kaya aksidente kong napansin ang page mo. konti pa lang fan mo nun at ndi ka pa masyadong patok sa masa pero palihim na akong nakikibasa at nakikitawa sa mga panulat mo.
ipagpatuloy mo lang ang pagliligtas at pagpapatrolya sa kalawakan PULIS PANGKALAWAKAN!
Mabuhay ka!
pede mag tanong? kasi diba code name mo PULISPUNKALAWAKAN? tanung mu din sa sekyu kung pulis pangkalawakan din xa.. ikaw din.. baka close kau..
bwhahaha..
^^
sabi ko nga e. close nga kau..
nice! ^^
ok ah!!! lupet… 1st time ko magbasa ng blog…
maganda ung cnulat mo…
TAMA k.., cnsbi mo lng kng ano ang 220 at nrramdaman mo…
ou nga mrami ang mga salitang mhirap maintindihan s ibang libro… bkit nga kya d nlng simplehan ang mga slitang gnagmit…, pra nman mkarelate ang mga bumbasa nito.. lam mo yan din minsan ang promblema ng mga guro s eskwelahan…, pinipilit ang mga estudyante n basahin ang na khit cla ay d interesado…, dagdagan mo p ng mga twist ng estorya n nkkahilo… hay naku!!!! kya ang mga bata d NATUTUTO…
CGE… 2loy mo lng pagssulat mo… hehe, mukha k nmang HENYO…
maly mo… marami MATAUHAN s Cnsabi MO..HEHE