WALANG BURAHAN NG BLOG

Maiksi lang ito..

Hindi naman ako super galing magsulat at hindi rin naman award winning ang mga entries ko sa blog ko na ito. Mayroon ding walang kwenta. Pero mayroon lang talaga akong napapansin na isang nakakairitang bagay tungkol sa mga bloggers/online people sa ngayon.

ANG PAGBUBURA NG BLOG/WEBSITES NILA DAHIL SA ISANG KA-ENGOT-ENGOT-AN NA NAGAWA NILA.

Ewan ko ba naman kasi. Kung alam niyo naman kasi na hindi nakakatulong ang isusulat niyo, huwag niyo na ilagay. Gusto niyo ng atensyon. pero kapag nariyan na ang mga comments niyo, natatakot kayo! Para kayong mga sira! Kung alam niyo naman pala na masama ang magiging epekto ng isusulat niyo, isipin niyo naman ang matatapakan niyo. Buti sana kung expose iyan ng isang tiwaling politiko na kumukuha ng pera sa kaban ng bayan, malamang baka magsama kayo ni Jose Rizal sa National Heroes’ List.

Pero kung ang isususlat mo pa ay para kutyain ang mga taong nasalanta ng bagyo, mga inosente na wala namang ginagawa sa iyong masama, para lang siraan ang ibang tao at hindi naman makakabuti sa ekonomiya ng Pilipinas, kung paano kayo pumatay ng hayop sa marahas na paraan, at kung ano-ano pang kabulastugan, sana huwag niyo na lang isulat iyan. Hindi naman kasi nakakatulong.
Sinayang niyo lang ang blog/website niyo. Dahil lang sa isang entry na binatikos ng husto dahil hindi naman kayo nag-iisip, binura niyo na lahat. Sayang naman ang mga magagandang entries. DAhil lang sa pagkakamaling ito, ayan ang napala niyo. Sana kasi, ayus-ayusin niyo ang pagsusulat. Hindi dahil malaya ang bansa natin ay malaya niyo nang masasabi ang lahat ng gusto niyo. Minsan, sana alam niyo ang grounds ng bawat salitang ita-type ng keyboard niyo.

KAHIT PA ACTIONS SPEAK LOUDER THAN WORDS, MINSAN, WORDS ARE THE MEANEST OF ALL ACTIONS.

peace na lang sa magagalit. pero hindi ko ito buburahin. maasar man kayo sa akin. hindi ko kayo gagayahin. walang burahan ng blog. ulol kasi kayo. ako, medyo lang.



6 Comments so far

  1.   kill-bhudda-kill-loneliness on October 2nd, 2009

    wow galit si ate…. sino ba areng may magagandang naisulat ngunit binura dahil nagkamali sa pagsulat ng isang entry? (intrigahin ba daw?) hehehe… tama! (erning handa mo ang auto) walang burahan ng blog. meron din akong isang matapang na entry nito lang… tungkol sa tigil pasada… ala lang nainis lang ako at nag suggest ng “TIGIL COMMUTE” naman kaya ang gawin ng mga pasahero? suggestion lang… hehehehe… ASTIG ate….

  2.   PULIS PANGKALAWAKAN on October 2nd, 2009

    madami sila dude! sa tuwing makikita ko yung mga blog entries nila na sikat na sikat sa web, matatagpuan ko na lang na binura na nila. di ba para silang mga tungek?

    magsasabi-sabi sila ng mga masasamang bagay tapos kapag hinabol sila ng madlang people tatakbo sila at buburahin ang buong blog nila?

    grrrrr!!!!!!!!!!!

  3.   sysiongkiao on October 3rd, 2009

    Not me!

  4.   dollie AKA gesume on October 6th, 2009

    tama. un lng. tama talaga yan!

    walang burahan ng blog!

    sino ba ung hayop na nangaalipusta pa sa mga sinalanta ng bagyo.! ang masasabi ko lng sa kanila ay, “go to hell!”

    at isa pa pla, ang panget nila! crap!

  5.   Suplado on October 6th, 2009

    may tama ka na naman, idol!

  6.   anonymous on October 20th, 2009

    walang pakialamanan ng blog.

Leave a Reply