UMULAN, BUMAGYO… ANG PINOY AY AYOS LANG!

“Kaaalis lang ni Ondoy. Parating naman si Pepeng. Kumusta naman si Juan dela Cruz? Mga dabarkads, kaya pa ba?”

-0-

Kung sakuna na lang rin ang pag-uusapan, 999,985,839,843,299.99999999999 to the 10th power na ang nagdaan sa atin, pero nanatili pa rin tayong alive and kicking. Pero ibang klase ang dumaan ngayon, si Ondoy. Wala siyang sinanto. Mahirap, mayaman, artista, laos, basta lahat! Pero kahit ano pang klase si Ondoy, ito pa rin ang Pilipino.

Umaahon.

Nagwawalis.

Nag-iimis ng mga kalat.

Naglalaba ng mga naputikang damit.

Nagpapatuyo ng mga kamang nabasa ng tubig baha.

Naghuhukay ng mga bagay na nabaon sa lupa. Buhay man o hindi.

Nakikipila sa namimigay ng relief goods.

Nagtsitsismisan.

Nagkukuwentuhan.

Ngumingiti ng parang walang nangyari.

Ibinabangon ang sarili at ang buong pamilya para maibalik ang lahat sa dati.

At pwedeng nag-iisip na kung saan pwedeng lumipat ng tirahan.

-0-

Mga dating gamit sa bahay, ngayon naging basura. pero bukas, tiyak ko, magiging ginto ito sa mga mata ng naghihikahos.

Ayoko ng maputik, ayoko ng masikip, ayoko ng mabaho. Pero ang lugar ko, binaha lampas tao. At hindi kami nakahiga! At hindi lang hanggang dibdib ng duck!

-0-

Ang mga Kakaibang Pilipino sa Gitna ng Sakuna

1. Inaanod na si “Manong” sa baha. Pero kapag natapatan ng camera ng news team, kakaway pa, naka-smile kahit malapit na siyang malunod.

Pwede ba mga dabarkads?!… Pwede!

2.       Ang iba, mga magnanakaw by heart,  magnanakaw rin in spirit. For richer or for poorer, basta may makukuha sila, sige lang. Marami nang patay sa paligid, pero sila, sasalakay habang ang lahat ay abala para iligtas ang isa’t-isa. Ewan ko sa inyo.

Dahil sa kagaguhan niyo, bibigyan ko kayo ng isang malaking “(*&*$&^$I*^#$#$&^T*”

3.       Nariyan si Mr. Resourceful. Ang basura ng karamihan, nagagawa niyang ginto. Itatapon na lang, magagawan pa niya ng paraan at pagkakakitaan pa!

Isa kang Talentadong Pinoy!

4. May iba naman na maswerte na at hindi inabot ng baha pero nagmamalaki pa at talagang  hindi naman nakakatulong. See: Jacque Bermejo.

Hanapin niyo na lang siya sa google.

5.       Ibang klase si Kris Aquino. Alam niyo na iyan! Talagang iba na ang sikat. Word Power lang, ang dami nang natulungan at ang dami niyang na-push para tumulong!

Perfect!

6.        Ang iba naman, wala lang. Swerte dahil hindi inabot nang baha. Apathetic lang. Hanggang sila naman ang abutan ng tubig.

Galaw-galaw baka pumanaw!

7.       Lahat ng tao, nasalanta man o hindi, may pera man o wala, bata man o matanda… TUMUTULONG. May paraan talaga. Kahit ano.

Magaling! Magaling! Magaling!

8.       Ang mga maparaan, kahit hindi pa dumarating ang tulong, wala nang panahon manisi. SIya na mismo ang gagalaw para maisalba ang kanyang pamilya.

Karapat-dapat kayong i-clap-clap!

9.        Ang iba naman, nagngingitngit… kasi WALANG DIALTONE ANG PHONE NILA, WALANG INTERNET AT WALANG MGA SIGNAL ANG CELFONES NILA.

Yun lang. Hindi sila maka-GM.  Buti sana kung dahil tatawag sila sa mga kamag-anak na maaaring naabutan ng bagyo… kaso HINDI.

10.   Ang iba diyan, inuulan na ang lahat sa labas, nakuha pang mag-blog.

Uy, hindi ako iyon ah?

yowyowyow!

peace ate!

peace ate!



9 Comments so far

  1.   owen on September 29th, 2009

    ibang klase din un si Jacque Bermejo, sa Definitely Pinoy ko siya nabasa, di na nakatulong, condemned pa niya mga pinoy..sinners daw kaya bagay lang sa mg pinoy malunod.

    hay naku! tama ka jan Glaiza, bumagyo o umaraw kaya ng pinoy yan! Sa farmville nalang ako titira..hehehe!

  2.   owen on September 29th, 2009
  3.   hanakiri on September 29th, 2009

    dito ko na lang sa blog mo nakilala si jacque bermejo. what if hindi nga sya ang nag-post ng comment na yun. what if totoo nga na-hack ang facebook account nya? would someone even risk their identity for such hateful comments? all i can say is nakakatakot pala ma-hack ang online identity mo and use it against you. naku, me facebook na rin ako kaya lang wala pang masyado laman. lahat ng crops ko sa farmville went to waste. friendster pa rin muna ako. hehe.

    im also thankful all my relatives in manila are alive and kicking. katakot-takot na tawagan sa celfone ang ginawa ko mula saturday. kahapon ko lang nakausap kasi monday gabi lang sila nagkakuryente.

  4.   kill-bhudda-kill-loneliness on September 29th, 2009

    dito ako humanga… http://au.news.yahoo.com/a/-/world/6108179/hero-dies-after-saving-flood-victims/

    this has brought me to tears after reading…
    hanga talaga ako… galing… tragic though…

  5.   PULIS PANGKALAWAKAN on September 29th, 2009

    @kill-buddha… : napanood ko nga yun.. kawawa naman. pero ang magandang side, nakapagbigay siya ng magandang bagay sa mga natulungan niya. hindi walang kwenta ang pagkamatay niya. karapat-dapat pa rin siyang i-clap-clap.

  6.   Sy on September 30th, 2009

    We can rise to any challenge!

  7.   donna on October 1st, 2009

    muzta??? friend cnxa n now lng uli aq nkavisite s blog mo…sabi q sau publish kna ng books mo pra masubaybayan q eh…bc sa work eh…
    ganyan talaga ang pinoy……..proud to be pinoy..

    facebook topic nga pala…hahahaha…hanggang ngaun hindi aq makamove-on s video n ipinost mo..yung may kalokang babae n kumakanta ng crazy 4 you!!!!!hahahaha…wahahaha talaga!!!!!cnxa n yesterday q lang xa napanuod eh…..

  8.   mae on October 1st, 2009

    ganda ng nasulat mo ngaun. dapat k ding iclap clap. hehe. Good luck sa atin tol! May God be with us always!

    Amen!

  9.   gian on October 6th, 2009

    sa wakas…nkblik din ako d2 sa friendster… maxado akong nhook sa facebook e…aus ang pinoy, lumalaban kht anong mngyari..immune n tau jan…go go go…

Leave a Reply