UMULAN, BUMAGYO… ANG PINOY AY AYOS LANG!
“Kaaalis lang ni Ondoy. Parating naman si Pepeng. Kumusta naman si Juan dela Cruz? Mga dabarkads, kaya pa ba?”
-0-
Kung sakuna na lang rin ang pag-uusapan, 999,985,839,843,299.99999999999 to the 10th power na ang nagdaan sa atin, pero nanatili pa rin tayong alive and kicking. Pero ibang klase ang dumaan ngayon, si Ondoy. Wala siyang sinanto. Mahirap, mayaman, artista, laos, basta lahat! Pero kahit ano pang klase si Ondoy, ito pa rin ang Pilipino.
Umaahon.
Nagwawalis.
Nag-iimis ng mga kalat.
Naglalaba ng mga naputikang damit.
Nagpapatuyo ng mga kamang nabasa ng tubig baha.
Naghuhukay ng mga bagay na nabaon sa lupa. Buhay man o hindi.
Nakikipila sa namimigay ng relief goods.
Nagtsitsismisan.
Nagkukuwentuhan.
Ngumingiti ng parang walang nangyari.
Ibinabangon ang sarili at ang buong pamilya para maibalik ang lahat sa dati.
At pwedeng nag-iisip na kung saan pwedeng lumipat ng tirahan.
-0-
Mga dating gamit sa bahay, ngayon naging basura. pero bukas, tiyak ko, magiging ginto ito sa mga mata ng naghihikahos.
Ayoko ng maputik, ayoko ng masikip, ayoko ng mabaho. Pero ang lugar ko, binaha lampas tao. At hindi kami nakahiga! At hindi lang hanggang dibdib ng duck!
-0-
Ang mga Kakaibang Pilipino sa Gitna ng Sakuna
1. Inaanod na si “Manong” sa baha. Pero kapag natapatan ng camera ng news team, kakaway pa, naka-smile kahit malapit na siyang malunod.
Pwede ba mga dabarkads?!… Pwede!
2. Ang iba, mga magnanakaw by heart, magnanakaw rin in spirit. For richer or for poorer, basta may makukuha sila, sige lang. Marami nang patay sa paligid, pero sila, sasalakay habang ang lahat ay abala para iligtas ang isa’t-isa. Ewan ko sa inyo.
Dahil sa kagaguhan niyo, bibigyan ko kayo ng isang malaking “(*&*$&^$I*^#$#$&^T*”
3. Nariyan si Mr. Resourceful. Ang basura ng karamihan, nagagawa niyang ginto. Itatapon na lang, magagawan pa niya ng paraan at pagkakakitaan pa!
Isa kang Talentadong Pinoy!
4. May iba naman na maswerte na at hindi inabot ng baha pero nagmamalaki pa at talagang hindi naman nakakatulong. See: Jacque Bermejo.
Hanapin niyo na lang siya sa google.
5. Ibang klase si Kris Aquino. Alam niyo na iyan! Talagang iba na ang sikat. Word Power lang, ang dami nang natulungan at ang dami niyang na-push para tumulong!
Perfect!
6. Ang iba naman, wala lang. Swerte dahil hindi inabot nang baha. Apathetic lang. Hanggang sila naman ang abutan ng tubig.
Galaw-galaw baka pumanaw!
7. Lahat ng tao, nasalanta man o hindi, may pera man o wala, bata man o matanda… TUMUTULONG. May paraan talaga. Kahit ano.
Magaling! Magaling! Magaling!
8. Ang mga maparaan, kahit hindi pa dumarating ang tulong, wala nang panahon manisi. SIya na mismo ang gagalaw para maisalba ang kanyang pamilya.
Karapat-dapat kayong i-clap-clap!
9. Ang iba naman, nagngingitngit… kasi WALANG DIALTONE ANG PHONE NILA, WALANG INTERNET AT WALANG MGA SIGNAL ANG CELFONES NILA.
Yun lang. Hindi sila maka-GM. Buti sana kung dahil tatawag sila sa mga kamag-anak na maaaring naabutan ng bagyo… kaso HINDI.
10. Ang iba diyan, inuulan na ang lahat sa labas, nakuha pang mag-blog.
Uy, hindi ako iyon ah?
Comments(9)






















