JUNK DIARY: TALAARAWAN SA BASURAHAN minsan kasi, may mga biases ang mga tao sa mga “not so” at sa mga “so very-very”. kung di mo kaya kumuha ng quotes mula sa mga libro, gawa ka na lang ng sa iyo. oh! ayus ba yun?
SALAMAT SA MGA NANOOD NG HOLE IN THE WALL NUNG JUL23! WE'RE SUCH A WINNER! SALAMAT PO!
at sa mga hindi naman nakanood, just go to: WATCHPINOY.COM, then search for HOLE IN THE WALL. ours was dated july 23. hindi ko kasi ma-embed. ayaw.
salamat po. (alam niyo naman, minsan lang makita sa TV/net! hehehe!)
1. hindi ko alam kung hanggang kailan ko ikukulong ang sarili ko dito. pero kailangan ko nang makawala. at iyan ay ngayon na!
2. huwag mong rendahan ang sarili mo sa lubid na ibinuhol mo sa sarili mo. dahil kahit sa papaanong paraan mo pa iyan ginawa, ikaw at ikaw rin naman ang makapagtatanggal niyan.
3. tama si bob ong, wala ngang pangit. nagkataon lang na di uso ang mga mukha nila. ang masasabi ko naman sa mga nasasabihan ng pangit, ang pumatol, OGAGS! as in... OGAGS! lahat tayo anak ng Diyos, 'no?
4. Ang sabi ni Rizal, ang kabataan ay pag-asa ng bayan. Ang masasabi ko naman, ang mga matatanda, may pag-asa sa akin! Hanudaw?
5. Eh so what naman kung wala akong boyfriend? Sa humigit kumulang na 80 milyones na Pilipino, nag-iisa ba ako?
6. Ang babaeng naniniwala sa "10 Things Girls Don't Notice About Guys----cheverloo---cheverloo" ay napupuno ng false hopes. At isa ako doon.
7. Kung wala kang matira, sarilihin mo na lang. Kung ayaw mo naman, nandito lang ako.
8. Hindi naman sa wala akong trabaho. MAy ginagawa naman ako... Wala nga lang sweldo.
9. Di bale nang magdildil ng asin basta may sariling bahay. May sarili ka ngang bahay, may sakit ka naman sa bato.
10. Kung tinatamad kang kumuha ng quotes mula sa libro, gawa ka na lang ng sa iyo.
11. Hindi naman ako tamad. Reklamador lang.
12. Hindi ako tulog. Pumipikit lang.
13. Pwede naman iyakan iyan. Pero wala pa bang resolution?
14. Mamroblema na ang tao sa pera at pamilya pero pagdating sa pag-ibig, lahat emo na!
15. Maganda naman ako... sabi ng nanay ko.
16. Kung gusto mo makarating sa malayo, ang una mong dapat gawin ay humakbang paalis sa kinalalagyan mo.