MY TEN MISTAKES NA PAULIT-ULIT

DISCLAIMER: hindi ito official list. Ako lang gumawa nito.

——————————————————————————————————————————————

Nitong mga huling araw, hirap na hirap akong mag-isip kung ano na nga ba ang susulatin ko para sa susunod kong blog entry. Kahit papaano naman kasi, may naghihintay na rin sa mga naisusulat ko. Ilan sa mga naka-chat, ka-text, ka-telebabad, ka-freshness, ka-berks  at mga ka-hair chika ay nag-suggest ng mga sumusunod:

1.       Ang 4 na honor guards ni Pres. Cory Aquino

2.       Buhay OFW

3.       Ang makulay na pag-ibig

4.       Politika at mga kalokang ads ni Pareng Mar, Jojo, Manny V., etc.

5.       Ang pagpunta raw sa langit

6.       Gumawa ako ng sariling kwento

7.       Ikuwento ko ang kuwento nila

8.       Manawagan ako

9.       Ano daw ba ako? Kapuso o Kapamilya. Ka-toogs po kasi ako.

10.   Ang luxurious dinner ng Pangulong GMA sa US

…at kung ano-ano pa.

…at ako ay nape-pressure.

…at iyan ang una kong pagkakamali.

ANG MAGPA-PRESSURE.

Kasi naman, suggestions lang naman nila yan. Bakit ba ako masyadong napa-praning na makagawa ng susulatin about sa lahat ng iyan? Darating din naman tayo diyan. Hindi nga lang ngayon at hindi rin sabay-sabay. Ang mga suggestions na iyan ay pwedeng basehan para malaman kung anong pwedeng isulat, hindi isulat lahat iyan. Loka-loka kasi ako minsan.

PS: Salamat sa suggestions. Makakasulat din tayo niyan… someday.

…ikalawang pagkakamali:

ANG MAG-APOLOGIZE SA MGA READERS DAHIL SA HINDI PAGPO-POST NG ENTRIES AFTER 10 YEARS

Readers must feel valued dahil para silang customers sa blog mo. Kaya naman naga-apologize ka nang sobra dahil  hindi ka nakapag-post ng entries after 10 years. Iniisip mo, naiinip sila. Tayo kasing mga Pinoy, napaka-apologetic natin by nature. Pero napag-alaman ko na dapat pala, hinihintay mo na lumabas ang idea. Huwag mong madaliin. Huwag kang malorkey kong wala ka pang mai-post. Eh sa wala eh. At dapat, hindi ka naga-apologize. Ang dapat mo lang gawin, sa oras na dumating na ang malupit na ideas, ayusin ito at i-post na!

At pagkatapos, masasabi sa iyo ng mga readers:  IT’S WORTH THE WAIT! MORE POSTS TO COME!

Kabog, di ba?

…ika-2.1 pagkakamali:

KAILANGAN MAY MAI-POST NA, NOW NA!

May correlation ito sa nauna. Pero ito naman kasi, yung pakiramdam natin na “Naku, two weeks na since I updated my blog! Kailangan may mai-post na agad! Isip… isip… isip.” Kaya ang nangyayari, parang “Ah, bahala na nga si Rosalinda at Fernando Jose! Post ko na nga. Ah-umm!” Nagpo-post ka na lang kasi dapat may mai-post. Hindi mo na naiisip yung quality ng thought ng isinulat mo.

…ikatlong pagkakamali:

IS THE SCENE SAFE?

Grabe ang sensitivity ng mga tao ngayon. Mapa-TV, radio, pahayagan, at blog! May masabi ka lang na taliwas sa paniniwala nila, kakasuhan ka na. May mabanggit ka lang na pangalan, lagot ka na. Kapag may in-oppose ka, gagawan ka ng eskandalo.

Pero, nasa pagsasalita lang naman iyan. Maglagay ka ng disclaimers, mga paunang salita, mga references,  o kung ano pa man na magpo-protekta sa iyo bilang may-akda ng gawa mo.

Sabi nga doon sa isang librong nabasa ko, even bloggers must be tough so that they can stomach all the blows here and there.

Huwag kasing masyadong garapal. Tinulungan tayo ni Madam Cory para magkaroon uli ng freedom of expression. Ingat lang para iwas disgrasya. Huwag din masyadong matapang para mapag-ingatan naman ang sarili at para huwag ma-terminate ang blog. Matutong mag-censor. Maging creative na lang.

PS: Ang euphemisms, parang condom. May flavor para cute at hindi mukhang bastos! Pumipigil sa masamang pasabog na umawas at gumawa ng isyu. Pwede ka gumamit noon kung gusto mo. Pero gaya nga ng condom, hindi talaga siya 100% effective.

…ikaapat na pagkakamali:

MAKIUSO, MAKISALI, MAKISAKAY!

Nariyan na sa mga bloggers ang “keeping up with the Jones’s”. Dapat kung anong uso, iyon din ang isusulat mo. Kung ano ang meron ang ibang blogs, dapat meron ka rin. Kung ano ang talk of the town, iyon din ang ilalagay mo. Ang outcome, parang-hindi ka nga nangongopya, nanggagaya ka naman at nakiki-ride. Nasusuya na tuloy ang followers: “Ano ba naman iyan, iyan na naman! Wala na bang pag-uusapan dito kundi iyan na lang? Yung isa, iyon din yung sinulat.” At mawawala na ang interes nila dahil pareho rin pala kayo ng nai-blog.  Nyek!

PS: Wala namang masama sa magsulat ng kung anong uso. Kaya lang, pag masyado nang uso, at iyon pa ang babanatan mo, parang alam na ng reader kung anong nakasulat sa post mo kahit hindi niya pa ito binabasa ng buo. Hindi na sila nae-excite.

…ikalimang pagkakamali:

AYOKO MAG-BLOG NANG MAHABA KASI BAKA WALANG MAGBABASA

Eh ano kung mahaba kung malaman naman? O kaya naman, kung nakakatuwa at nakakatawa?

Ang nakakaloka lang eh kung mahaba tapos wala namang sense. Pero okay lang naman iyon basta alam mo ang intensyon ng sinusulat mo. Kung nagpapatawa ka ba, nanggagago lang o nagpapapansin.

Pero para sa akin kasi, kapag may followers ka na, hindi na nila alintana kung mahaba o maikli ang isinulat mo. Kasi ang mahalaga sa kanila, nariyan ka muli para aliwin sila o kaya naman ay mag-share ng information. Or simply, makipagkuwentuhan sa kanila. Hindi kasi natin alam, thru our blogs, followers feel a certain “connection” from you to them.

Pansinin mo, kung may followers ka, ibig sabihin, may tiwala sila sa iyo. Kaya in return, magtiwala ka rin sa kanila… kaya nga sila tinawag na followers.

PS: Palakpakan mo ang sarili mo! Nakaabot ka sa part na ito!

…ikaanim na pagkakamali:

MAY FOLLOWERS NA AKO, I THEREFORE CONCLUDE NA ANG BLOG KO AY MAGALING! AT ANG BLOG KO LANG ANG MAGALING… PERIOD.

Aaminin ko na noong una, guilty ako rito. Nang mabasa ko na natatawa pala yung mga readers sa sinusulat ko, nang maranasan ko na magkaroon ng 50-100 comments; good or bad, nagkaroon ng hanging habagat sa ulo ng lola. Nagdaan ako sa stage na ito.

Pero natutunan ko na mag-appreciate ng ibang blog/articles/kung ano-anong sinulat. Hindi man ako super follower ng mga blog ng mga readers ko, o ng iba pang blog, dinadaanan ko rin ang blog nila paminsan-minsan. Nakikibasa. Minsan nakiki-comment. Hindi lang naman kasi ako ang magaling di ba? (hehehe!) Nakikihiram din ako ng ideas pero hindi ako nangongopya. Maki-copy-paste man ako ay for reference naman and I give credit doon sa pinanggalingan.

PS: Nagbabasa na ako ng libro ngayon. Dati kasi hindi.

…ikapitong pagkakamali:

GUSTO KO NG HEAD TURNING TITLE!

Sa sobrang gusto mong manggulat at maghatak ng magbabasa, maglalagay ka ng title na mapapahinto sila at magtatagumpay kang mapansin nila ang gawa mo. Kaso lang, mapepeste lang ang reader mo dahil na-WOW MALI mo pala sila.

Kung maghahatak ka ng babasa, isip ka ng title na interesting yet appropriate sa sinulat mo. (nagsalita ang magaling!)

Tulad na lang nung isa kong post. Akala nung isang reader, ka-porno-han ang sinulat ko. Iyon pala, tungkol lang sa makukulit kong kapatid. Na-badtrip lang siya. Tapos, nag-e-mail siya sa akin, ang pangit daw ng blog ko at hindi na raw siya babalik doon.

PS: Eh di wag. Malibog!

…ikawalong pagkakamali:

ANO BA TALAGA ATE?

Ito yung mga entries na walang focus. Guilty ako rito, sobra. Yun bang, may mensahe nga ang entry mo kaya lang, naglalagay ka ng mga post script na kino-contradict ang sinasabi mo o kaya naman ay may kung ano lang na gusto mong ilagay. Yung commenters mo tuloy, dun na lang sa post script nakatutok.

O kaya naman, sa sobrang ganda ng thought na tumatakbo sa isip mo, hindi mo naman ma-generate ang message into writing.

O kaya naman, naglalagay ka na ng summary. Kaya kung minsan, kapag nahahabaan ang reader, sa summary na lang nakatingin tapos magko-comment na akala mo nabasa niya yung buong entry. Pero hindi naman pala.

Ang blog entry kasi, dapat hindi masyadong give away.

…ikasiyam na pagkakamali:

GUSTO KONG MAGING INTELEHENTE/AKADEMIKO/PILOSOPO/

Walang masama kung gusto mong magsulat ng intelehenteng entry. Okay lang iyon. Pero, naalala ko kasi nang may nag-comment sa akin na masyado na raw seryoso ang mundo kaya bakit pa sila magbabasa ng seryoso.

Minsan, kailangan nating maging light sa readers. Hindi kasi natin alam na kung minsan, kapag masyadong “brainy” ang nakasulat, pinagmamalupitan natin sila. Hindi kasi natin ibinibigay sa kanila ang karapatan na maintindihan nila ang gusto nating iparating. Pwede naming nagi-impart ka ng knowledge and yet you don’t sound like a STEREOTYPICAL BIG BRAINED DOM PROFESSOR. Pwede mo namang gawin in a COMMONERS’ MANNER. Karamihan nga sa mga review materials for licensure exams, mas pinapa-simple ang mga enumerated cheverloo para medaling tandaan.

Minsan pa nga ang outcome, parang nagpapakalalim ka, pero hindi naman bagay. Nagmumukha ka tuloy na TVH (trying very hard… toinks!).

PS1: Nabanggit ko na ito dati sa isa sa mga entries dito. Di ko na nga lang maalala kung ano iyon.

PS2: Bagay ba sa akin ang entry na ito?

…ikasampung pagkakamali:

I WANT EVERYTHING TO BE PERFECT!

Malupit talaga kapag nakakagawa ka ng isang perpektong sulatin. Tipong pulidong-pulido ang simula hanggang katapusan, piling-pili ang mga kataga, nasunod mo nang bonggang-bongga ang pattern at principles ng pagsusulat at wala kang inuulit na salita sa dami ng alam mong synonyms.

Pero naalala ko ang quote ni JOEY DE LEON sa WOW MALI,

“Ang tama, nakakatuwa. Ang mali, nakakatawa.”

Ang sabi naman ni Ai-Ai sa commercial,

“Hindi naman kailangan ng maraming maaarteng herbs and spices, konting magic lang ang kailangan.”

Ang sabi ko naman,

“It’s so nice to be so perfect. But who needs perfect when you are loved by everyone even though you’re not like one. You know?!”

Saka naalala ko, sabi doon sa isang article na nabasa ko, kapag masyado raw perpekto ang naisulat mong akda, iyon pa ang nagiging dahilan para ma-reject ito. (Kasi, wala nang tatrabahuin ang copy reader! Nyeks!)

PS: May natutunan ba kayo, kahit papaano, mga bata? Hanggang sa muli! Weeeeeeeeee!!!!!! :)



11 Comments so far

  1.   leila on August 26th, 2009

    ..galing galing galing…
    clap clap clap clap clap…

  2.   mae on August 26th, 2009

    shocks! pinapatamaan mo masyado sarili mo ha? heheh peace glai :D naks! nkareflect yn sa essay writing ko ngaun. AYOS!

  3.   manilyn on August 26th, 2009

    Hi Pulis!!!..alam mo pagnagbabasa ako ng mga isinusulat ng ibang tao,,hindi ko na pinupuna ang mga mali at kung itoy sumusunod ba sa rules of writing.kasi ako mismo rin balibag pag nagsusulat, hehe as long as natutuwa at may natutunan ako talagang sadyang mapupusuan ko ito. Kaya nga naging favorite blogger kita eh..hehe!!!..eh paki nila kung hindi perfect ang pagkasulat.,yung iba nagcocomment ng post eh wala namang naipost..sana wag nalang sila manghusga at kung maynegative comment man sila sana naman may matutunan rin tayo di ba..yung in the way na “hoy may mali sa post mo, iyan, iyon, dapat ganyan at ganito in a sense na hindi tayo insultuhin. Yung iba kasi nagmamagaling lang…!!!!mANi!!

  4.   melody on August 26th, 2009

    sabi nga ni Ai-Ai sa tanging ina nyong lahat.

    “practice make perfect… and nobody’s perfect, so why practice.. hehehehehe

    wala lang.. dagdag lang sa quotes mo.. :)

  5.   andorey on August 26th, 2009

    sarap gumawa ng listahan na ganito, punong-puno ng puso… para ka lang nakikinig sa katabi mo magsalita at NARIRINIG at NAIINTIDIHAN mo ang bawat salita na binibitiwan nya. may nagawa na rin ako dati na ganito. pero di ko na papabasa (hiya ako eh… hehe) sana, next time makapag-post din ako ng ganitong sulatin… malaman. gudjab! hehe. wait ko ulit yung susunod…

  6.   maya on August 27th, 2009

    naaliw aq..=)

  7.   reina on August 27th, 2009

    tagal ko na d n kpagbasa ng blogs mu… la ka pa ding kupas gumawa ng post =)

  8.   sysiongkiao on August 28th, 2009

    Katawa tawa ka p rin…khit after ten years na ang muli mong pag post..

  9.   jay-R on August 29th, 2009

    glai! bd3p.. tlgang kinakarir mo a.. hehe.. anyways, galing galing.. *apir!* sana clasm8s ulit tau para mahimas ko ulit kilikili mo..hahahaha!

  10.   PULIS PANGKALAWAKAN on September 5th, 2009

    ui langya ka. d2 mo pa nilagay! ampness! hahaha!

  11.   dollie a.k.a. gesume on September 10th, 2009

    love it! tagal ko ding di nakadaan.. ang haba nga, pero ganito din akong magsulat eh.. kesa nmn pigilin mo sarili mo eh sa madami ka pa ngang gustong sabihin! nyeterj! natapos ko… (lagi nmn eh) at madami din akong natutunan.

    ps. dito ‘ko natutong maglagay ng “ps” at “intro” sa sarili kong blog, =’)

Leave a Reply