IS THE CUSTOMER ALWAYS RIGHT?

IS THE CUSTOMER ALWAYS RIGHT? Madalas nang tanong ito at alam na natin ang sagot. Pero hindi ko alam kung paano niyo titingnan ang senaryong ito na nakita ko nang minsang mapadpad ako sa isang sikat na fastfood chain sa isa sa mga lugar sa Maynila.

Gutom na ako noon dahil galing ako sa isang araw na adventure sa paghahanap ng trabaho. Nagpasa ako ng resume ko sa lahat ng mapapasahang kumpanya at ospital. Naisip ko na managhalian muna at pumasok na ako sa fastfood chain na iyon.

O-order na sana ako nang may sumigaw:

“(*^*&%^%ina mo! Ang bastos mo! Hahambalusin kita eh.”

Nagulat ako dahil akala ko ako na ang minumura ng isang babae na mukhang mamamalengke sa itsura niya. Mukhang malapit na siyang maging card holder ng SENIOR CITIZEN’S ID. May kasama siyang isang bata na mukhang anak niya yata. Hindi tumitigil ang babae sa pagmumura. Salita siya nang salita! At walang tigil ang pagpapaulan niya ng mga mura niya sa isang service crew. At ang lalaking service crew naman na mukhang mga nasa 20s niya ay parang tuod dahil natatakot siya sa eskandalong ginagawa ng matandang customer. Galit na galit ito sa kanya.

As usual, lahat ng tao sa loob ng lugar na iyon ay nag-usisa muna. Pero ang tiyak doon, nawalan na sila ng gana kumain dahil sa nangyayari. Pinili ng iba na umalis na lang kahit hindi pa tapos kumain. Ang iba naman kumakain pa rin at walang pakialam. Halos 10 minutes nang nagmumura ang babae at non-stop! Lalaban ba kayo?

“*^*&%*&%* ina mo! Kagagaling ko lang ng ospital! May pampagamot ka ba sa akin ha! *^*&%&^ ina ka! High blood ako. Kulang pa buhay mo pampa-ospital ko. &*^*& ka! Hindi ka man lang mag-sorry. Bastos ka! *)(Y&&*&^%^$$# ina mo!”

Talakera talaga ang manang. Hindi siya napapagod at naroon naman ang batang babaeng kasama niya at hinahagod ang likod niya. Umaawat na ang mga katabi niya sa kaniya pero hindi siya nagpapigil.

ANG NANGYARI:

Mapapansin kasi natin na ang mga service crew sa mga fastfood chain ay nagmu-multi-tasking. Cashier na naglilinis, nagte-take ng order, sumasagot sa tanong ng customer, etcetera— para matapos nang mabilis ang trabaho. Ang service crew na nasa kwento ay napakabilis maglinis at nagse-serbidor at sa sobrang bilis niya, hindi niya napansin na ang matandang babae pala ay umiinom ng softdrinks. Natabig niya ito at pumasok daw sa ilong ng ale ang iniinom nito. Hindi naman nakapag-sorry si panget dahil natatakot na siya sa naghuramentado sa galit na thunderella.

Lumapit ang fresh from the freezer sa kapal ng make-up na manager at sinusubukang aluin si Madam Thunderella ng mga gift certificates at libreng meal stubs. Hindi pa rin niya ma-please ito dahil we cannot please everybody… ano ba yun? In short, hindi niya naalo si Madam. Galit na galit pa rin ito. Sinabihan na lang ng manager na magkulong muna sa crews’ room ang ating suspect na itago na lang natin sa pangalang MR CLUMSY.

Nang kumalma ng 25% si Madam ay may lumabas na isang crew (na itago na lang natin sa pangalang MR WOW MALI) na nagtatawag ng “CUSTOMER NUMBER 50 PLEASE?” dahil ilalagay na sana niya sa mesa ni customer number 50 ang food order niya nang biglang may naganap na mala-Cherrie Hill- Sharon Cuneta scene na umagaw sa atensyon ng lahat at nagpaalis sa lahat ng customer sa store.

“Walanghiya ka!” at isinaboy ni Madam ang isang baso ng softdrink sa mukha ni MR WOW MALI. Sinampal pa niya ito. Akala ko nga dudugtungan pa niya ng “You’re nothing but a second rate, trying hard, copy cat!”

“Ma’am, hindi po ako iyon.” Halos maiiyak na sagot ng kawawang crew.

“Ikaw iyon! Mga walanghiya!”

At nag-walk out na ang Madam Thunderella. Inakbayan naman ng kapwa crew si MR WOW MALI at inihatid ito sa CR.

As usual, ang mga alagad ng kabutihan ay nahuli na naman. Saka lang lumapit ang guardini ng store nang makaalpas na ang eskandalosang customer. So, walang nagawa ang gwardiya. Siya pa naman sana dapat ang kumokontrol sa mga sitwasyong ganito.

At ang katapat na table ni MR WOW MALI na sinabuyan ng softdrink ay nabasa rin. Mga naka-nurse’s uniform pa naman. Nadamay pa tuloy sila indirectly. Nadumihan ang kanilang kay puting uniporme.

ANO SA PALAGAY MO? TAMA BA ANG NANGYARI?

CHISMOSA BA AKO? Hahahaha!

ENDING:

Wala akong pakialam. Kumain pa rin ako. Walang sinasanto ang gutom ko noong mga panahon na iyon. Care ko ba doon? Keber ang lola dahil ang tiyan ko naman ang maghuhuramentado kung hindi ako kakain!



10 Comments so far

  1.   sicoheedatsicambria on July 7th, 2009

    1st comment!

    haii… ayun, kung ako yung service crew na yun, baka kung ano magawa ko dun sa lola na yun… hahahaha. ewan ko ba! mainitin ulo ko pagadating sa ganyan e..

    eun, by the way… ate, swerte ko talaga ngayon!!!
    :))

  2.   kill-bhudda-kill-loneliness on July 7th, 2009

    woooohoooo… sama ako dyan… sarap makakita ng ganyan sa loob ng fastfood chain… kaso, tulad ni ate glaiza, bubusugin ko muna ang aking tiyan bago ang aking mata o tenga (which ever the case is), dahil minsan mas nakakainis yung mga walang naiintindihan. ang sagot ko, hindi laging tama ang customer! bakit ikanyo? eh kung singilin ka ng P61 tapos magbigay ka ng P51, tama ba yon? hindi tama yon… hehehehehe…. (pampagitil lang)

  3.   dennis III on July 7th, 2009

    tutal customer din ako gotla sakin yung ale na yun! mas bastos p naman ako sa mga bastusin. mas maganda pa nito kung madamay din ako sa pambabasa nun naku. sa presinto kami pupulutin lahat, ipapadeliver ko na lang ang food ko sa selda (demonic laugh).but seriously.

  4.   H on July 8th, 2009

    sana me nag-video para lumabas sa youtube. like ung nangyari sa duty free.

  5.   clariz on July 8th, 2009

    oo nga.. sana may nakapagvideo.. hahaha..

    siraulong matanda un.. inunahan nya ng mura yung pag-aapologize nung kawaang crew..

    matindi ang saltik ng matandang iyon.. hainako..

    thumbs up ulit sa bagong post mo ate glaiza..

  6.   freakazoidimple on July 9th, 2009

    Nakakaawa si MR. CLUMSY kahit papano. Isang malutong na mura, pwede na rin sana. Kahit sabihin namang Thundercat na si Manang, sobra na rin ung ginawa nya. Nasa tao na lang naman kung aabosohin ung kasabihang “CUSTOMER IS ALWAYS RIGHT”.

    Pero mas nakakaawa pa rin si MR. WOW MALI.. Hahahaha!

  7.   gesume on July 15th, 2009

    naalala ko tuloy ung naexperience kong ganyan nung feb 14 2007. sa KFC. at hindi matandang babae ang nagdiwara kundi isang lalake na nasa early 40s plang. mas grabe un kasi babae ung pinapagalitan nia. ako ung kasunod nung lalake nayun sa pila. nung ako na ung nasa counter, ngumiti lng sakin na parang hiyang hiya ung babae, tas nginitian ko nlng din xa tas sabi ko, “ate happy valentines day”. hehe! sabi ko ok lng un. hindi nmn talaga xa ung super napahiya kundi ung lalaking nagyayaman yamanan, nagtatalino talinuhan at nagpapanggap na mataas na tao eh muka din namang walang pinagaralan kung mangapak ng kapwa. buset!

    nakarelate padin ako. lagi nlng. haha.! nice post!

  8.   donna on July 15th, 2009

    haiiizzzzz…naku naku talaga ang mga tao!!!!!!!azar umag matanda huh!!!!kahit costumer xa hindi palaging tama ang ginagawa nya nOh!!!!alam nya kya ang HUMAN RIGHT?????buti na lang wala ako doOn sa pangyayaring yun kundi sumali na naman ang etchusera mong lola!!!!naku tiyak my eksena din aq don!!!lalo na kung isa aq sa mga natapunan nung juice sinaboy nya!!!!!!in short..sya ay MATANDANG WALANG PINAGKATANDAAN…..!!!!malamang nagtuturo pa sya magandang asal sa kasama nyang bata eh sya naman itong WALANG ASAL!!!!!!

    sa lahat ng sinabi q depende kung hindi pa aq gutom nun!!!!!!!!!hahahahahahahahaha

  9.   gesume on July 23rd, 2009

    im waiting for another new post. bakit ang tagal.. huhu! gusto ko pang magbasa ng madaming post mu!

  10.   Melody on August 6th, 2009

    i had the same experience when my mom and i ate at Jolibee Sta cruz. eto naman, nakapila kami sa counter… yung ale na nasa unahan ko, hindi makapag decide kung ano ang gusto nya.. mejo ilang minutes na lumipas at humahaba na ang pila… so ang ginawa ng cashier, pinalapit yung nasa likod ng ale,(ako nga) habang di pa nakakapag decide si Manang… tawagin din natin syang Thunderella (jollibee version). so mega nagwala si Thunderella, kesyo bakit daw uunahin yung nasa likod, eh sya ang nasa unahan… paliwanag naman etong cashier na sinabi nya na “sige po yung salikod muna habang nag iisip pa kayo…” ala daw sya pakiaalm,sya daw ang customer… bakit daw ba mukha daw ba syang walang pera? at nilabas ni Thunderella ang laman ng kanyang bayong.. sandamakmak na pera… as in ang dami talaga!!! sabi pa kaya nya daw bilhin ang cashier.. hay naku.. super stressful talaga yung araw na yun… in short, nag iiyak na umalis ang cahier at tumingin sa akin sabi pa, “kayo na po ang bahala sa akin mam.”
    lumipat ako ng pila, timing naman na lumabas ang manager at kinausap si Thunderella. naupo sila, at wala pa ring tigil ang ale sa kapuputak!nilabas lahat ng pera sa bayong nya at nilatag sa lamesa habang kausap si Manager. and like your experience, nawalan na ng ganang kumain ang mga tao… yung ibang nakapila ay nagsi-alisan na.
    umalis din namna si Thunderella na pumuputak. nawalan na daw sya ng ganang kumain…

    pagkatapos namin kumain ng mom ko, nilapitan ko yung manager at sinabi ko what happened.

    customer is always right nga ba???? ewan.. :)

Leave a Reply