PLEASING PERSONALITY
Noong unang panahon, hindi ko alam ang kahulugan ng salitang PLEASING PERSONALITY. Akala ko, ang ibig sabihin, magandang pag-uugali o magandang pagkatao. Pero sa kinalaunan, nalaman ko na rin na magandang kaanyuan pala ang ibig sabihin nito. So shonga-ers!
Minsan, hawak mo na ang lahat ng qualifications na hinahanap ng trabaho sa iyo. Pero dahil sa isang requirement na PLEASING PERSONALITY na iyan, minsan, umaatras ka na. Hindi ka kampante kung papasa ka sa metric na ito. Medyo nakagat ka ni Insect Youra at kumakalat na sa dugo mo ang insecurity virus.
Pero naisip ko, buti sana kung maga-artista ako, magmo-model sa FHM o Maxim kasama si Mocha, magji-GRO, gagawa ng commercial ng Belo Essentials, receptionist, beauty queen, o kung ano-ano pang trabaho na nangangailangan ng kagandahan at kaseksihan bilang puhunan; matatanggap ko pa ang ganitong requirement.
Nang minsang mag-apply ako sa isang agency na kliyente ang isang call center company (hindi dito sa Pilipinas) na may ganito ring requirement, hindi ko pinansin ang PLEASING PERSONALITY EFFECT NILA DAHIL LAHAT NG IBA PANG QUALIFICATIONS AY PASOK AKO! Hindi naman iyon chat and cam to cam account! Ewan ko ba doon! Hindi rin naman beauty product account ang ino-offer nila! Makikipag-usap ka lang sa American customers (credit cards — voice account lang ito), kailangan pang maganda at seksi ka? Hindi naman ako gagawa ng sex video! Iniisip niyo siguro na hindi kasi ako sexy kaya ako naiinis! Plangak! Pasok sa banga! Tama ang iniiisip mo! Malaking check! Corrected by! Padaanin mo pa sa thermal scanner! Kurak na kurak! Mainit pa sa bagong ahong piniritong hotdog!
Pero dahil lang ba hindi ako sexy, mabababalewala na ang work experience ko? Ang educational attainment ko? Ang quality ng trabaho ko? Ang achievements ko? Ang prestihiyosong kumpanyang pinanggalingan ko? Ang mabilis kong typing skills? Oh, come on! Putang ina! Hindi pa nga nila ako nakakausap! Hindi pa nga nila naririnig ang American twang ko sa telepono! Paksyet pala sila eh! Kawalan nila na hindi nila ako tinanggap, tandaan niyo iyan! Syet!
May naikuwento rin sa akin minsan ang kaibigan ko. Maga-apply daw sa isang ospital bilang nurse ang kaibigan ng kaibigan ko. Pumasok na raw sila sa interview room at ito ang naging usapan.
APPLICANT NO: 1 [maganda raw]
Interviewer: What are your hobbies?
Applicant: sports, internet surfing and reading.
APPLICANT NO: 2 [maganda rin daw]
Interviewer: What are your interests?
Applicant: anything related to Nursing
APPLICANT NO: 3 [hindi raw ganoon kaganda ]
Interviewer: What can you contribute as a nurse in our hospital and how can you help the country as a nurse?
Applicant: [nosebleed]
Anak ng tinapay na pinalamanan ng peanut butter at sinamahan ng strawberry jam! Hindi ko alam ang sasabihin ko kung ako iyan. Baka mangisay na lang ako at pabubulain ko ang bibig ko. Pero kung brighter side naman ang titingnan, baka naman mukhang shonga-ers yung naunang dalawa. Hindi rin natin alam.
Bihirang-bihira rin ako makakita ng commercial sa TV na pino-promote ang kagandahan ng kalooban. Ang mga commercial na nagpo-promote ng inner beauty, bilang na bilang lang sa mga ngipin ko. Nakakita ka na ba ng commercial na nagsabing: “I don’t have the most beautiful, long black hair. I never had the most tantalizing eyes. I don’t even have the body to die for. I can’t even have the kind of smile that you’ll fall in love with. I don’t have the skin you long to touch. I don’t have the curves that define perfection. But I have a good heart. A heart that is pure. A heart that is ready to open up for everyone who needs love.” At makikita mo pa na isang pilay na walang paa ang nagsasabi niyan at may kaunting bungi at hindi kaputian. Wala kang makikitang ganyan. O baka meron din, hindi ko lang napapanood. Paki-message na lang ako kung meron.
Magmo-model ka lang ng shampoo at ipapakita ang buhok mo, dapat naka-2 piece swimsuit ka? Ano iyon? Buhok mo lang naman ang kailangan. Hindi naman shina-shampoo-han ang katawan! May isa naman commercial na ginawa namang katatawanan ang hindi masyadong guwapo na model nila. Mayroon naman kakain lang ng biskwit, dapat nakahubad! Naknampuch! May nakikita ka ba sa daan na kumakain ng biskwit sa ganoong paraan? [Sabagay, yung manginginom sa amin, pag nalalasing, wala na ring saplot.] Magmo-model ka lang ng ballpen, dapat naka-nyties ka lang? Hala! Hindi ka kaya lamigin habang nagsusulat? Magtu-toothbrush ka lang sa harap ng camera, dapat malaki boobs mo? Superhero ang role mo pero bakit halos mahuhulog na dapat ang bra mo? Paano ka na makikipaglaban sa goons kung halos wala ka ng damit? Isa kang mahirap na magsasaka sa isang dramatic role pero mukha ka ng multo sa sobrang kaputian? Kakain ka lang ng candy, akala mo, gina-gang rape ka na sa sobrang sarap! Ahhh! Ohhh! Ang sarap ng candy mo! At ang tigas! Pota! Baka naman kapag nag-commercial ng intermediate pad, utong lang at guhit ang may cover sa model! Mayroon pang kapag ginamit mo ang isang feminine wash, makakapag-asawa ka at magugustuhan ka ng mamanugangin mo. Aba’y iinumin ko na iyan! May isang talent search sa pagkanta, napili ang maganda na not so naman ang boses at ang not so ganda pero super ang boses, rejected! Hanubayun? Sabi naman sa isang libro na nabasa ko, may isang reality show na magpapakita ng mukha ng totoong buhay pero puro magaganda at guwapo naman ang kasali! Paano iyon magiging totoong buhay? Ano iyon?
Minsan din, hindi ko alam kung bakit napakaraming pakialamera sa mundo na akala mo saksakan sila ng ganda at perpekto kung makapampuna sa kapangitan ng iba eh ang babaho naman ng hininga nila? Isang halimbawa na lang; noon, naalala ko na may nagkomento na mukhang katulong daw ni Troy Montero si Nikki Valdez noong naging sila! Cute naman si Nikki ah! Bakit, dapat ba may pinapakibagayan lang noon ang mga mukhang Troy Montero? Kahit pala mga cute, bawal na magka-boyfriend ng guwapo t hunk? Kagaguhan! Bakit kailangang nakikialam ang mga tao? [Pero buti naman ngayon masaya na buhay si Nikki. At si Troy ay may sarili ng buhay. At ako naman ay affected.]
Naalala ko noon, may isang kaibigan na naging crush ko rin noong high school ang nagsabi sa akin: “Alam mo, kuwela ka. Mabait. Sikat sa school. Kaibigan ng mga teachers. Matalino. Crush na nga kita eh. Liligawan sana kita pero magpapayat ka pa.” Noong una, natutuwa pa ako. Pero, noong mapag-isip-isip ko ang sinabi niya, nasabi ko man lang sana sa kanya “Kung nasusulat sa batas na dapat payat ako, at kung mataba ako ay makukulong ako at no bail, tatanggapin ko ang premise mo! Pakyu!”
Mayroon pang mga equation na ginagamit ang mga tao sa pag-ibig na nabasa ko sa text:
maganda + guwapo = pag-ibig
maganda + panget = malaki ang etits ng lalaki
panget + guwapo = magaling sa kama ang babae
mayaman na maganda + mayaman na guwapo = perfection!
mayaman na panget + mahirap na guwapo = namemera si lalaki
mahirap na maganda + mayaman na panget = gold digger si babae
panget na mahirap + panget na mayaman = magpapa-Belo silang dalawa
panget na mahirap + panget na mahirap = sumpa
Ano’ng judgment iyan?! At sino’ng nagpauso niyan? Hindi ako. Pramis!
Alam ko… may mga so-called kakaibang istorya na rin ng pag-ibig na isinasabuhay pa o pini-feature sa TV at naiinggit ako sa kanila. Sana ako naman. Bihira ka lang din makakakita noon. Kung sila may swerte sa ganoon, pahingi naman ako!
Pumunta ako minsan sa isang malaking grocery store sa may Quezon City. Pinapasok ng guardiya ang babaeng maganda na may malaking bag na parang pang-camping [maiksi ang short niya at mukha siyang magsi-swimming sa attire niya]pero hindi na tiningnan at binuliklik ang bag ni Ms. Universe. Nang ako na ang papasok, sinigawan ako dahil hindi ko pinatingnan ang bag ko. Lumapit ako sa kanya at malumanay kong sinabi:
“Ipatitingin ko ang bag ko kung hahabulin mo ang magandang babaeng iyon sa 3rd floor at hahalungkatin ang bag niya. Hindi na rin ako magko-complain sa supervisor dito dahil hindi mo ginagawa nang maayos ang trabaho mo at sinigawan mo ako. Hindi rin ako magagalit sa ginawa mo kung gagawin mo ang gusto ko. Customer din ako, Sir.” At namula ang mukha ng guardiya sa hiya. Hindi ako masungit na tao at lalong ayoko ng namamahiya dahil alam ko ang pakiramdam ng napapahiya pero kailangan niyang magtanda. Buti nga at hindi ako palengkera at nagsisisigaw.
Hindi naman ako nagmamalinis. Hindi ako anghel. Hindi ako santa. Hindi rin ako mabait sa lahat ng oras. Pintasera din ako. May boobs nga ako sa likod pero kapag napapansin kong tumataba si Ara Mina akala mo ang 24 inches lang ang beywang ko kapag napupuna ko iyon! Commoner lang rin ako. Nagkakamali rin at sorry naman.
Ano ang gusto kong palabasin? May biases kasi sa mga maganda at hindi masyadong maganda, sa mga not-so at sa mga so very very. Hindi naman nabanggit na si Eba ay saksakan ng ganda at si Adan ay ubod ng guwapo kaya bakit nagagawan ng tao ng hierarchy ang itsura ng bawat isa?
Malamang sinasabi ng iba, inggit lang ako. Slight lang naman.
Bakit ako nagrereklamo? Gusto ko, bakit ba? Magalit na ang magagalit. Wala akong pake… Mag-blog din kayo. Baka may humirit na naman diyan na “I’m not buying it… shala.. shala.. shala..” Wala akong binebenta.





















1st comment.. haha.. whew.. :))
grabe naman yung mga sinabi mo sa mga magjowa.. nakakatawa..
panget na mahirap panget na mayaman=sumpa
saklap naman nito..
ang daming chorvaness ate glaiz
lamu naman mga kumento ko about this entry db? daming kemberlaness nan x-cras mu. wuu. :O
@clariz:
hindi nga ako nagpauso niyan. nabasa ko lang sa text. ewan ko ba sa mga nakagawa niyan.
bakit nga ganun? ah basta ako everyday feeling beauty…! hanggang feeling lang..hahaha!
iba ka ms glai. . . iba ka! rock ‘n roll
oww.. nice naman!!
=)
oi ano mga pinagsusulat mo? ganyan tlga buhay.. unfair.. haha..
but hu needs them? shet silang lht..
teka? bat ako bitter? panget b ko? *WINK*
tol ang gnda. infairnes ntpos ko haha!
WTF natawa aq sa entry mo!e2 comment q.wla q maisip hahaha!ganyan tlga buhay may mganda may ndi mganda may sexy at may ndi sexy.life is never fair.kahit aq tatanungin e kung anu pipiliin q kung mgandang bubu o panget n qualified malamang mapili q ung magandang bubu HAHA!
hahaha…..ang saya…….hahaha kakawala ng antok ang mga blogs mo…….hindi ko nga lang masyadong nabasa……busy kasi masyado sa work………..type ka pa ng blogs uli ha….tanggal puyat!!!!!!!!
potsa nmn.!
“Malamang sinasabi ng iba, inggit lang ako. Slight lang naman.”
ako nmn super inggit. sana lahat nlng maganda at gwapo hanu.? bakit kaya hindi naging ganun.? hindi ba pwede un.? o kaya sana may ilang maganda, tapos isa ako dun. haha.! pakerj nmn.! may crush akong korean actor na super duper very very, taz naisip ko, “kung magkakakilala kaya kami na’to maiisip nia na pwede kong maging part ng buhay nia?” heck.! ibang level na narating ko. panu naman kc super naintimidate talaga ko sa hayop na ka-yummy-han nia. amp.!!! taz naisip ko bigla ulit, “kung pakyu kaya ugali natong very very n2, magugustuhan ko pa kaya xa?” taz sa huli naisip ko. para kong lula sa mga pinagiiisip ko. walang kwenta.!!
bakit ba lagi nlng akong napagiisip ng blog mu.! pakshet!
“tak misarang benil mikuta ihesho miyo miyo ani. sana gumanda din ako, sana gumanda din ako…” sana umepekto ung orasyon nayan, yan ang turo ng bugok kong kaibigan sakin eh para daw gumanda. haha.! try mo din teh.!
ako nga pinag-isip lang ng isang reader na gustong may mabasa na eh. kaya yan, nagpost na ako.
angaling!
bonggang bonggang nakarelate ako..
lhat ng privileges pra lng sa mga mga2nda..
ASTIG! nakakarelate din ako. meron din akong kwentong parang katulad nito ang title Mga kapraningan http://kill-bhudda-kill-loneliness.blog.friendster.com/2005/08/talumpati/
hindi ko rin masasabing wala akong parehas na mentality tulad ng mga nabanggit mo (e.g. gwardya, yung interviewer) dahil may mga experiences na rin ako na nag-judge ako ng tao sa panglabas na anyo,
reference:
http://kill-bhudda-kill-loneliness.blog.friendster.com/2009/03/i-am-on-top-of-the-world/
at meron din akong isa pang trait na hindi rin maganda, nag se-second guess pa rin ako sa mga tao irrelevant kung pangit o hindi, basta napansin kita, second guess ka sa akin. in short praning. hehe. first i judge then, then i second guess everything about them, nature, intention lahat.
ang galing naman! perfect, hahaha nakakaliw basahin, tipong tatapusin at babasahin mo pa ulit ulit….
keber lang dapat panindigan pa rin na ke panget ka or maganda dapat happy ka….
ewan pero ang galing mo talaga gumawa ng blog…
bakit nga ba ganon ang mga commercial? kasi. kasi ganito.
Yun mga bagay na yun ang gusto ng mga taong hindi masyadong nakakaintindi. pero hindi nila alam…….
Na hindi na nila napapansin ang kanilang kailangan.
why dont you try read my blog?
here it is!
http://miczmiczmicz07j.blog.friendster.com
thanks!
hahaha. ur so funny pala. kaya lang ang haba. sabagay, blog ito at hindi twitter. pa-add naman ako sa friendster mo ha, para updated ako pag me new rantings ka. hehe.