PINOY PORMA-LIN: THE PINOY PATRIOTISM WITH A TWIST OF CREATIVITY

Iba na talaga ang mundo ngayon—ang Pilipinas at ang mga Pilipino, so to speak.

Bagsak na ekonomiya? Given na iyon.

Kurapsyon? Oo na.

Tiwaling politiko? Dati pa iyon!

Nakasandal tayo sa mga Puti? Alam na natin iyan.

Krimen here and there? Araw-arawin mo pa!

Mga rally at protest? Maya’t-maya iyan.

Malaking utang? Kahit mamatay ka, nandiyan pa rin iyan.

Balimbingan phenomenon? Yeah right!

At marami pang iba.

Pero hindi niyo ba napapansin ang isang napakagandang bagay na nangyayari sa bansa natin? Meron! [weh?]Akala mo lang wala. Pero meron, meron, meron! Tama na muna ang tirahan at laitan. Ang tinutukoy ko ay ang CREATIVE PATRIOTISM ng ating bansa.

Tulad ng AKO MISMO. Hindi ba’t may dog tag pa sila na ang cute? Aminin mo, gusto mo rin noon. Ako, gusto ko noon, eh. Ang advocacy nila ay hikayatin ang mga Pilipino, lalo na ang mga kabataan na umisip at gumawa ng mga bagay na kahit maliliit lang ay pihadong makakatulong sa bansa. Para bang sa pagsusuot noon sa leeg mo katerno ng iyong magandang damit, naipahihiwatig mo na sa araw na ito, ako mismo ay may gagawin para makatulong sa pagbabago ng ating bansa kahit nasa loob lang ako ng Mapayapa Village. At nasa uso ka pa dahil hindi lahat ng tao mayroon noon!

Hindi naman ako bayani para sumugod pa sa mga rally dahil ang totoo, wala naman silang ginawa kundi ang mag-ingay at magkalat. Kawawa naman yung mga street sweepers pagkatapos. Tapos, dahil sa kanila, sumisikip ang trapiko. Alam ko, ipinaglalaban nila ang paniniwala nila [o ang paniniwala ng buong bansa]. Pero sana lang, magwawalis sila pagkatapos nila magsisigaw at magsususuog ng mga giant marionettes nila, burahin ang mga vandals nila sa mga center island ng mga daanan kasi ang pangit, baklasin ang mga posters nilang 10 years nang nakadikit sa mga dingding ng mga baranggay at pinturahan nila uli para magandang tingnan. At saka sana rin, lahat ng mga sumasali sa rally ay iyong talagang mga totoong nakikipaglaban para sa bayan, hindi iyon mga epal lang.

Ano mismo ang gagawin ko?

AKO MISMO AY HINDI AGAD MAG-AASAWA at MAG-AANAK NG SINGDAMI NG ISANG LIGA NG BASKETBALL NANG HINDI MATIBAY ANG ESTADO KO SA BUHAY. AYOKO MAPABILANG SA MGA PAMILYANG PASANIN PA NG GOBYERNO.

AKO MISMO AY MAGHAHANAP NA NG TRABAHO ULI PARA MADAGDAG NAMAN SA PONDO NG BANSA ANG TAX NA IBABAYAD KO.

AKO MISMO AY MAGPAPA-REHISTRO NA BILANG BOTANTE DAHIL HINDI PA AKO REGISTERED VOTER. NAISIP KO NA EVERY VOTE COUNTS PALA TALAGA KAYA BOBOTO RIN AKO SA HALALAN 2010.

[Sorry, ayoko damihan. Kasi ang gusto ko, ang maIsusulat ko, iyong mga kaya kong gawin.]

Mga DAMIT AT IBA PANG FASHION ACCESSORIES. Gaya na lang mga t-shirts and apparel ni Francis M. [3 Stars and a Sun- making the Filipino proud since 1990] Hindi ko na nga lang maintindihan kung bakit kailangan pa mamatay ni Kiko para lang maging expressive tayo sa ating nationalism kahit sa damit na lang! [Napansin ko lang iyon ah? Hindi ko naman ito sinasabi para sa lahat.] Pero siguro, pwedeng daan na rin iyon para talagang maimulat niya ang mga mata ng mga Pilipino na pwede kang maging patriotic kahit hindi ka na maglaslas ng dugo, magpunit ng sedula at patayin sa Luneta. Sa damit pa lang, kita na! Hindi nga lang din kasi keri ang mag-baro’t saya sa daan. Masyadong mainit dito sa ‘Pinas at lahat ng tao ay iriri-ridicule ka at iisipin pa na taga-WOW Mali ka! Hindi kasi tayo tulad ng Japan na kahit naka-kimono pa despite of all the Harajuku look, in na in pa rin!

Ang tattoo ni Batista sa balikat [Philippine flag po iyon], ang nakasulat sa arm ni D-Coy [Mandirigma ang naka-sulat], ang suot na mga gowns ni Kris Aquino sa Pinoy Bingo Night [mga itsurang Filipiniana], ang mga brooch na Philippine flag ang design mga statement shirts na nagkalat na kahit sa ukay-ukay, etcetera, etcetera.

Mga KANTA at MUSIKA. Ang biggest example na maibibigay ko ay ang NOYPI ng Bamboo. Naaalala ko, nang mga panahon na iyon, bago ilabas ang single na iyan ay halos parang mamamatay na ang music industry ng Pilipinas.Maliban sa talamak na piracy noon, mas pinili na kasi ng mga tao noon na makinig na lang sa Backstreet Boys, kay Eminem, sa Limp Bizkit, sa Linkin Park, sa Westlife, sa NSYNC at sa kungkani-kanino pang mga banyagang musikero. Ang halos nagpapabuhay na lang sa OPM ay sina Nina, Nyoy Volante, Paulo Santos at Jimmy Bondoc dahil noon ay trip ng tao ang Acoustic. Naaalala mo ba iyon? Pero nang ilabas ang single ng Bamboo, pinataob nito ang lahat ng mga kalabang kanta sa hit charts! Isipin mo, dati kasi, parang allergic na allergic ang karamihan ng mga tao sa makabayang mga kanta. May maririnig ka bang kumakanta ng Lupang Hinirang habang nagluluto? O kaya naman nagha-hum ng ANG BAYAN KO habang nagpapatulog ng bata? Oh, c’mon! Kaya nang mailbas ang NOYPI, it’s like NATIONALISM with a TWIST of rock! At nagsisunudan na ang lahat ng rapper at lahat ng mga songer at kantatero! May mga concerts pa nga na ginaganap para lang may kakaibang noise barrage na buong isinisigaw at the top of our lungs na TAYO AY PINOY!

[Given na rin naman ang musika ni Francis M. Hindi iyon mawawala kahit ano’ng gawin mo.]

Mga iba pang advocacies. Tulad na lang ng AKO ANG SIMULA, BOTO MO I-PATROL MO, MTV EXIT, ang O-BIDA, at iba pa. Di ba’t nakakatuwa na parang gusto mo na rin hanapin kung saan nabibili o kung saan pwede kumuha nung badge na laging naaka-pin sa mga reporter ng Channel 2 kapag may news report sila? Bilog at kumikinang-kinang sa harap ng kamera habang buong lakas silang naghahatid ng balita. Ang stickers na nagsasabi na I’m against human trafficking, ang pulang ribbon na sumisimbolo ng AIDS Awareness, ang yellow confetti na gumugunita sa People Power, ang pink na tali na sumisimbolo naman sa Cervical Cancer Awareness, mga fun run para maisulong ang anti-drug campaign at ang kapangyarihan ng mga kababaihan, mga tarps at posters na nagsasabing mahal ko ang Pilipinas, mga produktong may tag na BUY PINOY … at kung ano-ano pang mga anik-anik para lang may pauso pero at the same time ay ini-inform ang masa na sa tuwing makikita nila ang mga accessories na iyan o kung ano pa iyan ay hinihikayat nila ang mga ito na umanib, tumulong at tumangkilik sa mga dapat samahan,  tulungan at tangkilikin.

Si JUANA CHANGE and the GANG. Siya na yata ang isa sa mga biggest celebrities ngayon dito sa ating bansa. Isinusulong niya ang katotohanan na nagaganap sa bansa, maganda man o hindi—sa paraang theatrical na nakakatawa at nakakatuwang panoorin. Kahit pa chubby siya, wala siyang kakyeme-kyeme maipahatid lang ang gusto niyang iparating. Cool ka pag idol mo siya. Anong panama ng mga sexy-ng artista sa kanya? Hindi nadadaan pasexy-han ang paggiging patriotic. 

ANG MGA WEBSITES AT BLOGS at PALABAS. Napakarami nang mga online chuva ngayon na nagpapahiwatig rin ng care sa mga kapwa Pilipino. Mga grupong gumawa ng mga interactive forums at online communities para mahimok ang mga techie chakabelles na maging aware pa rin sa lahat ng mga bagay na nagaganap sa bansa. Sa youtube, sa Friendster, sa facebook, sa twitter at sa kung saan-saan pang social networking sites, nagkalat na ang mga ito. Ini-encourage ang mga internet users na palawigin pa ang paggiging makabayan at ikalat ang mga mahihiwagang salita sa iba pang mga fellow-techie dudes! Sama mo na ang show ni Johnny Bautista [SIYA YUNG BLOGGER NA F-IN-EATURE KO SA BLOGGERS' FACE OFF] na Showtime with Johnny Bautista. Puro ka-Pinoy-an ang tina-tackle ng show niya. 

[Madami pang hindi ko nabanggit. Kaunti lang naman iyan bilang halimbawa. Dagdagan mo na lang.]

Ano na naman ang emote ko today?

HINDI JOLOGS MAGING PILIPINO. IT’S A FASHION STATEMENT.

HINDI MASAMA MAGING PAKIALAMERA KUNG ANG PINAKIKIALAMAN MO AY ANG MGA NANGYAYARI SA BAYAN MO AT HINDI ANG BUHAY NG KAPITBAHAY MO.

HINDI RIN KAILANGAN MAMATAY NANG BONGGANG-BONGGA PARA MAGING BAYANI. SIMPLENG PAGGAWA NG MGA BAGAY NA KAYA MONG GAWIN PARA MAKATULONG SA IBA, SWAK NA SWAK NA!

MARAMING PARAAN PARA MAIPAKITA MO ANG PAGGIGING MAKABAYAN MO. MAG-BLOOD COMPACT KA NA LANG MAG-ISA MO.

AS LUMALAWIG ANG CREATVITY NG MGA PILIPINO SA PAGPAPAKITA NG PAGMAMAHAL SA BANSA. PA-ARTE NA NANG PA-ARTE, PABONGGAHAN PA SA BANAT. SA’N KA PA?

AKO SI GLAIZA ELEVADO. PILIPINO PO AKO.



14 Comments so far

  1.   clariz on June 26th, 2009

    being a filipino is a fashion statement.. yebah.. :D
    andami mong nilagay na trademarks ate glaiza..

    unti-unting naibabalik ang spirit ng bayanihan ng mga pinoy dahil sa mga movements kagaya ng ako mismo..

    more posts pa po.. XD

  2.   angela on June 26th, 2009

    Mabuhay ang Pilipinas! :D

  3.   kill-bhudda-kill-loneliness on June 26th, 2009

    sang ayon ako dun sa sinabi mo… being a filipino is a fashion statement. pero para sa akin hindi lang siya mga kolorete na inilalagay mo sa katawan mo… para sa akin “being a filipino is a lifestyle” haha. look it… love it… live it… Filipino Power Forever…
    P.L. (pasingit lang) na move ako masyado ng sulating ito na nagdesisyon akong kumuha ng dog-tag ng ako mismo… hehe. sweet.

  4.   lhenaiyelove on June 27th, 2009

    IDOL ko si “Juana Change”! :D napanuod ko lang mga vids nia nung nagpunta sa school nmen yung, yung,yung basta yung mai YOUTHVOTE sa AKO ANG SIMULA, BOTO MO I-PATROL MO..basta yun na yun..hahah..

  5.   hanakiri on June 28th, 2009

    Idol! I would love to be ur fan. Thank u for the comment on my blog.

    Anyway, I totally agree with u on this. It really irritates me to see those people who never stops complaining yet mga tamad naman. or politicians who say “kontra kami korapsyon”, “corrupt ang gobyernong ito”, blah blah blah. hello??? part din kaya sila ng gobyerno. maniwala ako malinis sila. or the ad-campaign, showing the dilapidated home where the politician and his family used to stay. bakit di niya pinaayos para magamit ng iba.

    so, AKO MISMO ang magpapakahirap magtrabaho at mag-ipon ng pambili ng sariling bahay at lupa. kesa magreklamo lang ng magreklamo na mahirap ang buhay at walang ginagawa to alleviate it.

    More power to u.

  6.   dennis III on June 28th, 2009

    tulad nga ng sabi ng nanay ni hayden khomera(portrayed by Pokwang) “ayoko na lang magsalita…(sabay tungo)..ZZzzZZZzzzz….

  7.   sweetgian on June 28th, 2009

    tindig pinoy..
    ngaun na!

  8.   thenextobama on June 29th, 2009

    You have a Facebook girl! Woo! Hmm… I’m currently training to be an online blogger which teaches me how to “generate traffic” to a site. Maybe, I can work with you… Pulis Pangkalawakan!

  9.   donna on July 1st, 2009

    hi kafriendster!!!!huhuhuh ;(……..nahuli na naman ako sa pagbibigay ng comment sau….anyways,,,,galing na naman ng post mOh sa blog huh…kakaiba ka talaga!!may tama kAh!!!kaAzar lang talaga ang ibang kalahi natin,,,(Filipino)…bago kasi nila maAppreciate ang isang bagay kelangan may pagsisisihan muna or may trahedya munang mangyari…..Ganyan talaga ang mga Pilipno….tulad nalang ng nangyari kay francis M….!!!hindi ko nga lang alam kung sadya ba silang nagtatanga-tangahan o wala lang talaga silang pakialam sa mga nangyayari sa bansa natin o ayaw lang talaga nilang makialam dahil sa KADUWAGAN NG nagkuKUNWARING MATAPANG!!!!…sabagay minsan parang ganun din aq…gustong makatulong kaso may mas kailangan akong unahin na gawin o pangsariling priority….gegege…bka makaiyak pa….till next time…sinisikap kong mabasa ang blogs mo kahit busy aq sa work…….God bless…more blogs pa huh,,,…..

  10.   totoyishez on July 2nd, 2009

    tangena ate glaiza!!!!!!!!! ang nai-headbang ko dito sa harap ng pc!! napaka-wonderful at powerful ng iyong post na ito ..huh…. perfek!!!! ippublish mo nga to sa phil daily inquirer or sa manila bulletin!!!

  11.   isangbatangwalangpakesamundo on July 4th, 2009

    tumatanggap ba tong blog na to ng comment mula sa isang taong lima ang lahi? hehe.. pero im proud.. na pinoy ako. kahit quitter sila sa Battle Net..
    hehehe..

    what is happening right now?
    sure ako na onti onti na ding nawawala ang COLONIAL MENTALITY sa mga pilipino.. at sana.. sana sumunod na ding mawawala ang CRAB MENTALITY sa atin. sana..

    ngayon.. dahil sa mga nagaganap.. hindi na ako naniniwala na sisirain lang ng kabataan ang kinabukasan.. sa totoo lang.. ang kabataan NGAYON ang gumagawa ng paraan. upang. upang. alam mo na yun dba?

    well GO GO GO PINOY!! uh.. pulis..

    Bakit hindi mo naisingit si pacquiao?? =))

    hehe..

    view my blog!

    http://miczmiczmicz07j.blog.friendster.com

    ty

  12.   thenextobama on July 5th, 2009

    Gusto ko ang blog na to… dahil pinapakalat niya ang adhikaing maging bayani tayo.
    http://twitter.com/ralphsysiong

  13.   PULIS PANGKALAWAKAN on July 7th, 2009

    hala! oo nga no? idol ko rin yun si pacquiao eh.. di ko nasingit… paki na lang.. saka nga rin ung sabi ni kill-buddha…. ANG PAGGIGING FILIPINO IS A LIFESTYLE… tama.. tama… tama..

    salamat.

  14.   freakazoidimple on July 10th, 2009

    Magpapatattoo ako sa noo ng “MABAIT”.

Leave a Reply