June, 2009

PINOY PORMA-LIN: THE PINOY PATRIOTISM WITH A TWIST OF CREATIVITY

Iba na talaga ang mundo ngayon—ang Pilipinas at ang mga Pilipino, so to speak.

Bagsak na ekonomiya? Given na iyon.

Kurapsyon? Oo na.

Tiwaling politiko? Dati pa iyon!

Nakasandal tayo sa mga Puti? Alam na natin iyan.

Krimen here and there? Araw-arawin mo pa!

Mga rally at protest? Maya’t-maya iyan.

Malaking utang? Kahit mamatay ka, nandiyan pa rin iyan.

Balimbingan phenomenon? Yeah right!

At marami pang iba.

Pero hindi niyo ba napapansin ang isang napakagandang bagay na nangyayari sa bansa natin? Meron! [weh?]Akala mo lang wala. Pero meron, meron, meron! Tama na muna ang tirahan at laitan. Ang tinutukoy ko ay ang CREATIVE PATRIOTISM ng ating bansa.

Tulad ng AKO MISMO. Hindi ba’t may dog tag pa sila na ang cute? Aminin mo, gusto mo rin noon. Ako, gusto ko noon, eh. Ang advocacy nila ay hikayatin ang mga Pilipino, lalo na ang mga kabataan na umisip at gumawa ng mga bagay na kahit maliliit lang ay pihadong makakatulong sa bansa. Para bang sa pagsusuot noon sa leeg mo katerno ng iyong magandang damit, naipahihiwatig mo na sa araw na ito, ako mismo ay may gagawin para makatulong sa pagbabago ng ating bansa kahit nasa loob lang ako ng Mapayapa Village. At nasa uso ka pa dahil hindi lahat ng tao mayroon noon!

Hindi naman ako bayani para sumugod pa sa mga rally dahil ang totoo, wala naman silang ginawa kundi ang mag-ingay at magkalat. Kawawa naman yung mga street sweepers pagkatapos. Tapos, dahil sa kanila, sumisikip ang trapiko. Alam ko, ipinaglalaban nila ang paniniwala nila [o ang paniniwala ng buong bansa]. Pero sana lang, magwawalis sila pagkatapos nila magsisigaw at magsususuog ng mga giant marionettes nila, burahin ang mga vandals nila sa mga center island ng mga daanan kasi ang pangit, baklasin ang mga posters nilang 10 years nang nakadikit sa mga dingding ng mga baranggay at pinturahan nila uli para magandang tingnan. At saka sana rin, lahat ng mga sumasali sa rally ay iyong talagang mga totoong nakikipaglaban para sa bayan, hindi iyon mga epal lang.

Ano mismo ang gagawin ko?

AKO MISMO AY HINDI AGAD MAG-AASAWA at MAG-AANAK NG SINGDAMI NG ISANG LIGA NG BASKETBALL NANG HINDI MATIBAY ANG ESTADO KO SA BUHAY. AYOKO MAPABILANG SA MGA PAMILYANG PASANIN PA NG GOBYERNO.

AKO MISMO AY MAGHAHANAP NA NG TRABAHO ULI PARA MADAGDAG NAMAN SA PONDO NG BANSA ANG TAX NA IBABAYAD KO.

AKO MISMO AY MAGPAPA-REHISTRO NA BILANG BOTANTE DAHIL HINDI PA AKO REGISTERED VOTER. NAISIP KO NA EVERY VOTE COUNTS PALA TALAGA KAYA BOBOTO RIN AKO SA HALALAN 2010.

[Sorry, ayoko damihan. Kasi ang gusto ko, ang maIsusulat ko, iyong mga kaya kong gawin.]

Mga DAMIT AT IBA PANG FASHION ACCESSORIES. Gaya na lang mga t-shirts and apparel ni Francis M. [3 Stars and a Sun- making the Filipino proud since 1990] Hindi ko na nga lang maintindihan kung bakit kailangan pa mamatay ni Kiko para lang maging expressive tayo sa ating nationalism kahit sa damit na lang! [Napansin ko lang iyon ah? Hindi ko naman ito sinasabi para sa lahat.] Pero siguro, pwedeng daan na rin iyon para talagang maimulat niya ang mga mata ng mga Pilipino na pwede kang maging patriotic kahit hindi ka na maglaslas ng dugo, magpunit ng sedula at patayin sa Luneta. Sa damit pa lang, kita na! Hindi nga lang din kasi keri ang mag-baro’t saya sa daan. Masyadong mainit dito sa ‘Pinas at lahat ng tao ay iriri-ridicule ka at iisipin pa na taga-WOW Mali ka! Hindi kasi tayo tulad ng Japan na kahit naka-kimono pa despite of all the Harajuku look, in na in pa rin!

Ang tattoo ni Batista sa balikat [Philippine flag po iyon], ang nakasulat sa arm ni D-Coy [Mandirigma ang naka-sulat], ang suot na mga gowns ni Kris Aquino sa Pinoy Bingo Night [mga itsurang Filipiniana], ang mga brooch na Philippine flag ang design mga statement shirts na nagkalat na kahit sa ukay-ukay, etcetera, etcetera.

Mga KANTA at MUSIKA. Ang biggest example na maibibigay ko ay ang NOYPI ng Bamboo. Naaalala ko, nang mga panahon na iyon, bago ilabas ang single na iyan ay halos parang mamamatay na ang music industry ng Pilipinas.Maliban sa talamak na piracy noon, mas pinili na kasi ng mga tao noon na makinig na lang sa Backstreet Boys, kay Eminem, sa Limp Bizkit, sa Linkin Park, sa Westlife, sa NSYNC at sa kungkani-kanino pang mga banyagang musikero. Ang halos nagpapabuhay na lang sa OPM ay sina Nina, Nyoy Volante, Paulo Santos at Jimmy Bondoc dahil noon ay trip ng tao ang Acoustic. Naaalala mo ba iyon? Pero nang ilabas ang single ng Bamboo, pinataob nito ang lahat ng mga kalabang kanta sa hit charts! Isipin mo, dati kasi, parang allergic na allergic ang karamihan ng mga tao sa makabayang mga kanta. May maririnig ka bang kumakanta ng Lupang Hinirang habang nagluluto? O kaya naman nagha-hum ng ANG BAYAN KO habang nagpapatulog ng bata? Oh, c’mon! Kaya nang mailbas ang NOYPI, it’s like NATIONALISM with a TWIST of rock! At nagsisunudan na ang lahat ng rapper at lahat ng mga songer at kantatero! May mga concerts pa nga na ginaganap para lang may kakaibang noise barrage na buong isinisigaw at the top of our lungs na TAYO AY PINOY!

[Given na rin naman ang musika ni Francis M. Hindi iyon mawawala kahit ano’ng gawin mo.]

Mga iba pang advocacies. Tulad na lang ng AKO ANG SIMULA, BOTO MO I-PATROL MO, MTV EXIT, ang O-BIDA, at iba pa. Di ba’t nakakatuwa na parang gusto mo na rin hanapin kung saan nabibili o kung saan pwede kumuha nung badge na laging naaka-pin sa mga reporter ng Channel 2 kapag may news report sila? Bilog at kumikinang-kinang sa harap ng kamera habang buong lakas silang naghahatid ng balita. Ang stickers na nagsasabi na I’m against human trafficking, ang pulang ribbon na sumisimbolo ng AIDS Awareness, ang yellow confetti na gumugunita sa People Power, ang pink na tali na sumisimbolo naman sa Cervical Cancer Awareness, mga fun run para maisulong ang anti-drug campaign at ang kapangyarihan ng mga kababaihan, mga tarps at posters na nagsasabing mahal ko ang Pilipinas, mga produktong may tag na BUY PINOY … at kung ano-ano pang mga anik-anik para lang may pauso pero at the same time ay ini-inform ang masa na sa tuwing makikita nila ang mga accessories na iyan o kung ano pa iyan ay hinihikayat nila ang mga ito na umanib, tumulong at tumangkilik sa mga dapat samahan,  tulungan at tangkilikin.

Si JUANA CHANGE and the GANG. Siya na yata ang isa sa mga biggest celebrities ngayon dito sa ating bansa. Isinusulong niya ang katotohanan na nagaganap sa bansa, maganda man o hindi—sa paraang theatrical na nakakatawa at nakakatuwang panoorin. Kahit pa chubby siya, wala siyang kakyeme-kyeme maipahatid lang ang gusto niyang iparating. Cool ka pag idol mo siya. Anong panama ng mga sexy-ng artista sa kanya? Hindi nadadaan pasexy-han ang paggiging patriotic. 

ANG MGA WEBSITES AT BLOGS at PALABAS. Napakarami nang mga online chuva ngayon na nagpapahiwatig rin ng care sa mga kapwa Pilipino. Mga grupong gumawa ng mga interactive forums at online communities para mahimok ang mga techie chakabelles na maging aware pa rin sa lahat ng mga bagay na nagaganap sa bansa. Sa youtube, sa Friendster, sa facebook, sa twitter at sa kung saan-saan pang social networking sites, nagkalat na ang mga ito. Ini-encourage ang mga internet users na palawigin pa ang paggiging makabayan at ikalat ang mga mahihiwagang salita sa iba pang mga fellow-techie dudes! Sama mo na ang show ni Johnny Bautista [SIYA YUNG BLOGGER NA F-IN-EATURE KO SA BLOGGERS' FACE OFF] na Showtime with Johnny Bautista. Puro ka-Pinoy-an ang tina-tackle ng show niya. 

[Madami pang hindi ko nabanggit. Kaunti lang naman iyan bilang halimbawa. Dagdagan mo na lang.]

Ano na naman ang emote ko today?

HINDI JOLOGS MAGING PILIPINO. IT’S A FASHION STATEMENT.

HINDI MASAMA MAGING PAKIALAMERA KUNG ANG PINAKIKIALAMAN MO AY ANG MGA NANGYAYARI SA BAYAN MO AT HINDI ANG BUHAY NG KAPITBAHAY MO.

HINDI RIN KAILANGAN MAMATAY NANG BONGGANG-BONGGA PARA MAGING BAYANI. SIMPLENG PAGGAWA NG MGA BAGAY NA KAYA MONG GAWIN PARA MAKATULONG SA IBA, SWAK NA SWAK NA!

MARAMING PARAAN PARA MAIPAKITA MO ANG PAGGIGING MAKABAYAN MO. MAG-BLOOD COMPACT KA NA LANG MAG-ISA MO.

AS LUMALAWIG ANG CREATVITY NG MGA PILIPINO SA PAGPAPAKITA NG PAGMAMAHAL SA BANSA. PA-ARTE NA NANG PA-ARTE, PABONGGAHAN PA SA BANAT. SA’N KA PA?

AKO SI GLAIZA ELEVADO. PILIPINO PO AKO.

PLEASING PERSONALITY

Noong unang panahon, hindi ko alam ang kahulugan ng salitang PLEASING PERSONALITY. Akala ko, ang ibig sabihin, magandang pag-uugali o magandang pagkatao. Pero sa kinalaunan, nalaman ko na rin na magandang kaanyuan pala ang ibig sabihin nito. So shonga-ers!

Minsan, hawak mo na ang lahat ng qualifications na hinahanap ng trabaho sa iyo. Pero dahil sa isang requirement na PLEASING PERSONALITY na iyan, minsan, umaatras ka na. Hindi ka kampante kung papasa ka sa metric na ito. Medyo nakagat ka ni Insect Youra at kumakalat na sa dugo mo ang insecurity virus.

Pero naisip ko, buti sana kung maga-artista ako, magmo-model sa FHM o Maxim kasama si Mocha, magji-GRO, gagawa ng commercial ng Belo Essentials, receptionist, beauty queen, o kung ano-ano pang trabaho na nangangailangan ng kagandahan at kaseksihan bilang puhunan; matatanggap ko pa ang ganitong requirement.

Nang minsang mag-apply ako sa isang agency na kliyente ang isang call center company (hindi dito sa Pilipinas) na may ganito ring requirement, hindi ko pinansin ang PLEASING PERSONALITY EFFECT NILA DAHIL LAHAT NG IBA PANG QUALIFICATIONS AY PASOK AKO! Hindi naman iyon chat and cam to cam account! Ewan ko ba doon! Hindi rin naman beauty product account ang ino-offer nila! Makikipag-usap ka lang sa American customers (credit cards — voice account lang ito), kailangan pang maganda at seksi ka? Hindi naman ako gagawa ng sex video! Iniisip niyo siguro na hindi kasi ako sexy kaya ako naiinis! Plangak! Pasok sa banga! Tama ang iniiisip mo! Malaking check! Corrected by! Padaanin mo pa sa thermal scanner! Kurak na kurak! Mainit pa sa bagong ahong piniritong hotdog!

Pero dahil lang ba hindi ako sexy, mabababalewala na ang work experience ko? Ang educational attainment ko? Ang quality ng trabaho ko? Ang achievements ko? Ang prestihiyosong kumpanyang pinanggalingan ko? Ang mabilis kong typing skills? Oh, come on! Putang ina! Hindi pa nga nila ako nakakausap! Hindi pa nga nila naririnig ang American twang ko sa telepono! Paksyet pala sila eh! Kawalan nila na hindi nila ako tinanggap, tandaan niyo iyan! Syet!

May naikuwento rin sa akin minsan ang kaibigan ko. Maga-apply daw sa isang ospital bilang nurse ang kaibigan ng kaibigan ko. Pumasok na raw sila sa interview room at ito ang naging usapan.

APPLICANT NO: 1 [maganda raw]

Interviewer: What are your hobbies?

Applicant: sports, internet surfing and reading.

APPLICANT NO: 2 [maganda rin daw]

Interviewer: What are your interests?

Applicant: anything related to Nursing

APPLICANT NO: 3 [hindi raw ganoon kaganda ]

Interviewer: What can you contribute as a nurse in our hospital and how can you help the country as a nurse?

Applicant: [nosebleed]

Anak ng tinapay na pinalamanan ng peanut butter at sinamahan ng strawberry jam! Hindi ko alam ang sasabihin ko kung ako iyan. Baka mangisay na lang ako at pabubulain ko ang bibig ko. Pero kung brighter side naman ang titingnan, baka naman mukhang shonga-ers yung naunang dalawa. Hindi rin natin alam.

Bihirang-bihira rin ako makakita ng commercial sa TV na pino-promote ang kagandahan ng kalooban. Ang mga commercial na nagpo-promote ng inner beauty, bilang na bilang lang sa mga ngipin ko. Nakakita ka na ba ng commercial na nagsabing: “I don’t have the most beautiful, long black hair. I never had the most tantalizing eyes. I don’t even have the body to die for. I can’t even have the kind of smile that you’ll fall in love with. I don’t have the skin you long to touch. I don’t have the curves that define perfection. But I have a good heart. A heart that is pure. A heart that is ready to open up for everyone who needs love.” At makikita mo pa na isang pilay na walang paa ang nagsasabi niyan at may kaunting bungi at hindi kaputian. Wala kang makikitang ganyan. O baka meron din, hindi ko lang napapanood. Paki-message na lang ako kung meron.

Magmo-model ka lang ng shampoo at ipapakita ang buhok mo, dapat naka-2 piece swimsuit ka? Ano iyon? Buhok mo lang naman ang kailangan. Hindi naman shina-shampoo-han ang katawan! May isa naman commercial na ginawa namang katatawanan ang hindi masyadong guwapo na model nila. Mayroon naman kakain lang ng biskwit, dapat nakahubad! Naknampuch! May nakikita ka ba sa daan na kumakain ng biskwit sa ganoong paraan? [Sabagay, yung manginginom sa amin, pag nalalasing, wala na ring saplot.] Magmo-model ka lang ng ballpen, dapat naka-nyties ka lang? Hala! Hindi ka kaya lamigin habang nagsusulat? Magtu-toothbrush ka lang sa harap ng camera, dapat malaki boobs mo? Superhero ang role mo pero bakit halos mahuhulog na dapat ang bra mo? Paano ka na makikipaglaban sa goons kung halos wala ka ng damit? Isa kang mahirap na magsasaka sa isang dramatic role pero mukha ka ng multo sa sobrang kaputian? Kakain ka lang ng candy, akala mo, gina-gang rape ka na sa sobrang sarap! Ahhh! Ohhh! Ang sarap ng candy mo! At ang tigas! Pota! Baka naman kapag nag-commercial ng intermediate pad, utong lang at guhit ang may cover sa model! Mayroon pang kapag ginamit mo ang isang feminine wash, makakapag-asawa ka at magugustuhan ka ng mamanugangin mo. Aba’y iinumin ko na iyan! May isang talent search sa pagkanta, napili ang maganda na not so naman ang boses at ang not so ganda pero super ang boses, rejected! Hanubayun? Sabi naman sa isang libro na nabasa ko, may isang reality show na magpapakita ng mukha ng totoong buhay pero puro magaganda at guwapo naman ang kasali! Paano iyon magiging totoong buhay? Ano iyon?

Minsan din, hindi ko alam kung bakit napakaraming pakialamera sa mundo na akala mo saksakan sila ng ganda at perpekto kung makapampuna sa kapangitan ng iba eh ang babaho naman ng hininga nila? Isang halimbawa na lang; noon, naalala ko na may nagkomento na mukhang katulong daw ni Troy Montero si Nikki Valdez noong naging sila! Cute naman si Nikki ah! Bakit, dapat ba may pinapakibagayan lang noon ang mga mukhang Troy Montero? Kahit pala mga cute, bawal na magka-boyfriend ng guwapo t hunk? Kagaguhan! Bakit kailangang nakikialam ang mga tao? [Pero buti naman ngayon masaya na buhay si Nikki. At si Troy ay may sarili ng buhay. At ako naman ay affected.]

Naalala ko noon, may isang kaibigan na naging crush ko rin noong high school ang nagsabi sa akin: “Alam mo, kuwela ka. Mabait. Sikat sa school. Kaibigan ng mga teachers. Matalino. Crush na nga kita eh. Liligawan sana kita pero magpapayat ka pa.” Noong una, natutuwa pa ako. Pero, noong mapag-isip-isip ko ang sinabi niya, nasabi ko man lang sana sa kanya “Kung nasusulat sa batas na dapat payat ako, at kung mataba ako ay makukulong ako at no bail, tatanggapin ko ang premise mo! Pakyu!”

Mayroon pang mga equation na ginagamit ang mga tao sa pag-ibig na nabasa ko sa text:

maganda + guwapo = pag-ibig

maganda + panget = malaki ang etits ng lalaki

panget + guwapo = magaling sa kama ang babae

mayaman na maganda + mayaman na guwapo = perfection!

mayaman na panget + mahirap na guwapo = namemera si lalaki

mahirap na maganda + mayaman na panget = gold digger si babae

panget na mahirap + panget na mayaman = magpapa-Belo silang dalawa

panget na mahirap + panget na mahirap = sumpa

Ano’ng judgment iyan?! At sino’ng nagpauso niyan? Hindi ako. Pramis!

Alam ko… may mga so-called kakaibang istorya na rin ng pag-ibig na isinasabuhay pa o pini-feature sa TV at naiinggit ako sa kanila. Sana ako naman. Bihira ka lang din makakakita noon. Kung sila may swerte sa ganoon, pahingi naman ako!

Pumunta ako minsan sa isang malaking grocery store sa may Quezon City. Pinapasok ng guardiya ang babaeng maganda na may malaking bag na parang pang-camping [maiksi ang short niya at mukha siyang magsi-swimming sa attire niya]pero hindi na tiningnan at binuliklik ang bag ni Ms. Universe. Nang ako na ang papasok, sinigawan ako dahil hindi ko pinatingnan ang bag ko. Lumapit ako sa kanya at malumanay kong sinabi:

“Ipatitingin ko ang bag ko kung hahabulin mo ang magandang babaeng iyon sa 3rd floor at hahalungkatin ang bag niya. Hindi na rin ako magko-complain sa supervisor dito dahil hindi mo ginagawa nang maayos ang trabaho mo at sinigawan mo ako. Hindi rin ako magagalit sa ginawa mo kung gagawin mo ang gusto ko. Customer din ako, Sir.” At namula ang mukha ng guardiya sa hiya. Hindi ako masungit na tao at lalong ayoko ng namamahiya dahil alam ko ang pakiramdam ng napapahiya pero kailangan niyang magtanda. Buti nga at hindi ako palengkera at nagsisisigaw.

Hindi naman ako nagmamalinis. Hindi ako anghel. Hindi ako santa. Hindi rin ako mabait sa lahat ng oras. Pintasera din ako. May boobs nga ako sa likod pero kapag napapansin kong tumataba si Ara Mina akala mo ang 24 inches lang ang beywang ko kapag napupuna ko iyon! Commoner lang rin ako. Nagkakamali rin at sorry naman.

Ano ang gusto kong palabasin? May biases kasi sa mga maganda at hindi masyadong maganda, sa mga not-so at sa mga so very very. Hindi naman nabanggit na si Eba ay saksakan ng ganda at si Adan ay ubod ng guwapo kaya bakit nagagawan ng tao ng hierarchy ang itsura ng bawat isa?

Malamang sinasabi ng iba, inggit lang ako. Slight lang naman.

Bakit ako nagrereklamo? Gusto ko, bakit ba? Magalit na ang magagalit. Wala akong pake… Mag-blog din kayo. Baka may humirit na naman diyan na “I’m not buying it… shala.. shala.. shala..” Wala akong binebenta.