YOUR MOTHERS’ DAY MESSAGE.
i go first:
nay, kumusta na po. thanks pala sa pera na pinadala mo sa akin. ngayon, may pang-chenes na ako. sorry nga pala kung nung last time, yung perang pinang-baby sit mo pinanakaw ko lang. di ko naman po yun sinasadya. ungas kasi yung snatcher eh. madaming nanakawan ako pa! akala niya mayaman tayo.
anyways, salamat din po nay sa lahat ng payo. madalas nahihiya lang ako magsabi sa’yo pero alam niyo na iyon eh, mahal na mahal ko po kayo. (hindi ako iiyak kasi pagkatapos nito pasasayawin ako ni Willie ng ROck n Rollin’.)
sana nga matupad nang makapunta ako diyan sa UK para magkasama naman tayo. nabulilyaso man yung unang subok natin, keri lang. basta ang mahalaga, may 2nd chance tayo. sana talaga magtagumpay tayo.
sorry pala nung nag-call center ako. alam ko ayaw mo na doon ako magtrabaho kasi Nursing yung tinapos ko. eh, kaso alam mo rin na kahit noong nag-aaral ako, ayoko ng kurso ko. eh wala neh. pasado na rin ako ng board exam. kaso lang matigas ang ulo ko kaya ngayon tinatamad na ako mag-training o mag-apply. ayoko kasi ng may utos nang utos. pero nay, wag ka mag-alala, nag-resign na ako. matagal na. di ba napag-usapan naman natin sa phone yun? kaya heto na naman ako, BUM uli. pero natutuwa ako na hindi ka nagrereklamo. bagkus, ang gusto mo ay magtiwala ako sa iyo kaya naghihintay ako na sana matupad na ang balak natin. may tiwala ako sa iyo nay. sabi mo kasi, ikaw ang bahala.
hindi man ikaw yung nagluluto ng ulam namin tuwing umaga, andiyan naman si tatay para ipagluto kami. hahahaha! kasi kinakarir ko ang pagtulog nang mahaba. hahaha! saka kasi hindi na rin naman ako kumakain ng kanin kaya yung bigas natin puro bukbok na. natutuwa si tatay kahit puro bukbok yung bigas dahil ibig sabihin nun, malaki pala ang parte ko para mag-conserve ng kanin. hahahahah! noon kasi, halos kalahati ng inimbak nating bigas ako lang ang nakakaubos. alam mo ba nay, nakabawas na po ako ng 4 inches sa bewang kaso hindi halata. ito rin kakaririn ko na!
saka nga pala nay, pasensya na nung scholar ako hindi ko sinabi sa iyo. kasi gusto ko akin yung book allowance. hehehe! P2500 din yun! heheeheh!
nasabi ko pa sa inyo na ako ang nagbayad nung mga bill natin nung nagtatrabaho pa ako? naku, di naman ako naningil. natutuwa lang ako noon na kahit papaano nakatulong naman ako kahit konti. kaso konti lang. ![]()
hindi man ikaw yung nag-aalaga sa amin dito, okay lang. kaya naman namin ang sarili namin. di na rin kailangan ng sekyu. andito naman si Chuba eh. lapain niya lahat ng papasok dito. kahit yung delivery boy ng wheatgrass. hahahaha!
nay wag na po kayo mag-alala. si kuya wala pang asawa. yung dalawang bulilit naman, tao pa rin sila. ako? naku nay, mag-alala kayo sa akin. kasi wala akong boypren. hahahaha! joke. kahit binubugaw niyo na po ako kani-kanino, lalo na sa mga thundercats niyong bff na Briton, eh wag na kayo mag-abala. ako na lang maghahanap ng akin pagdating ko diyan. hahahahah!
alam ko nay, medyo hindi na “kayo” ni tatay. sana lang, maging magkaibigan kayo sa tamang panahon. hhuhuhu!
nay.. I LOVE YOU PO.
HAPPY MOTHERS’ DAY. everyday.
ikaw naman maglagay ng sa’yo. ![]()















Happy Mothers day sa mama ko at salahat ng nanay sa earth!!!
wow!~ touched naman….
ako din ha?
inay, salamat sa lahat, sa kabaitan mong taglay, kahit gusto mo na akong mag kaasawa wala kang mgawa kase wala naman akong bf….san naman ako kukuha? lahat ng lalaki takot sa akin? bakit ganon? akala nila masungit ako at mayaman, hindi ma reach, nagkakamali naman sila, yung totoo abot kamay lang naman ako, wala akong yaman kundi ang magkaron lang ng nanay na katulad nyo…(HEHE) i love you mother, ikaw lang ang tanging kayamanan ko, hindi ko to masabi sayo ng harapan, pero pinaparamdam ko naman sau, dito ko na lang isusulat ang nararamdaman ko na hindi ko masabi sau, inay kahit sobrang matigas ang ulo ko at hindi ako sumusunod, hindi ako nakikinig sau, mahal na mahal kita, kahit na sumasagot ako ng hindi tama, ikaw palagi nasa isip ko, mahal na mahal kita inay, salamat sa lahat ng kabaitan mo, para sa akin nag iisa ka at wala ng hihigit pa sau, i love you po…sana patuloy kayong i bless ni Lord….i love u, mwuah, mwuah…..
Eto para sa nanay ko:
Nay..
wazzup?
hahah..
ka2tuwa ka tLg kala mu ngayon na yung mother’s day eh bukas pa kaya..kaw tLg..naku..kurutin ko singit mo eh..hahah..
ay oo nga pala sori wala ako gift o kahit anu pa mang cheneZ2..
alam mu nMn ako’y alang pera, alang allowance na nangga2ling kay ama..heheh..
kaya eto dinadaan ko na lang sa paganito-ganito..tsaka alam ku nMn din na batiin lang kita at maging isa kong good girl [kaso mahirap to,hehe] eh haping hapi ka na..
Nay lav u very much!!!salamat sa lahat2..kaya eto na
HAPPY KAARAWAN!
weh joke lang HAPPY MOTHERS’ DAY!!^_^
nahawa na kasi ko sa apo mo eh peborit yung happy kaarawan na advertisement..
susulat ako sa blog mas mahaba..basahin mo wa..heheh..
[weh sabihin ng nanay ko uutang lang ako kaya gumagawa ako ng mga eksena..haha]
-mahal
pahabol na na hapi mothers’ day sa lahat ng mga nanay..^_^[xempre alangan nMn sa nanay]
ibig ko sabihin [xempre alangan naman sa mga tatay]
haha,, magjojoke nalng mali pa!=)
ako? pwede bang sa blog ko ko nalang ipost?
hehe.
nkkinspire nmn yun..
heheh..
khit aquh nkkrelate..
heheheh..
hapy mothers day puh sa mom nyu:)
dahil sa post mong ito, na-inspire akong magsulat ng mom’s day message ko.. nasa fs blog ko po ate glaiza..
sorry po kung yung ibang part dun kinuha ko sa previous blog entry mo.. ^_^
Halu Nay! welcome sa Blog ni Glaiza… hehehehe
eto for you…
kagaya ng sinasabi ng lahat ng anak sa mundo, para sa akin UR THE BEST MOM! pano ka nga ba naging the best?
- 3 kami pinalaki mo na mag isa ka lang.. kayod ka ng kayod para makapag-aral kaming 3.
- nung nahirapan ka na may dumating na gustong tumulog sa iyo, tinanggap mo, kaya nagkaron kami ng ama at 2 pang cute na cute na kapatid.
- pinapakita mo sa lahat na ako ang pinaka paborito mong anak.. at hindi nag seselos ang mga kapatid ko.. heheheh kasi paborito din nila akong sister.
- gumigising ka ng maaga para ipagluto kami ng almusal… kinakaya mo ang lahat ng trabaho sa bahay para di ka magalit sa mga kapatid ko pag di nasunod ang utos mo..
- ikaw nag aasikaso ng mga damit namin, kaya lahat kami, pati medyas sau hinahanap.
- di mo pinapakita sa akin na nahihirapan ka na sa pananalapi, dahil ayaw mo na ako ang mag shoulder ng burdens, kinakaya mo ang hirap ng buhay nang hindi nagrereklamo.
- di man kami nag sisimba tuwing linggo, panatag kami na mahal kami ng panginoon dahil siguradong lagi kaming kasama sa mga prayers mo.
- lumaki kaming maayos, dahil maayos mo kaming itinaguyod.
- masarap kang gawing bestfriend, kasi sinasabi mo pag may mali kaming ginagawa nang di ka nagagalit…
- mas masaya ka kapag masaya kami, mas higit kang nalulungkot pag malungkot kami.
- kahit na madalas tayo mag away na parang magkapatid, in the end of the day tayo pa din ang magkakampi sa lahat ng bagay.
- madalas tayong mag kwentuhan tungkol sa mga walang sense na bagay, madalas natin pag tsismisan yung mga kapit bahay natin, kahit paulit-ulit ang kwento, enjoy pa rin tayo.
- masarap kang kasama gumala.. kinakaya mo ang powers ko sa lakaran kahit pagod ka na.
- masarap kang magluto.. kaya kung minsan kahit di pa araw ng pag uwi ko, umuuwi na ko dahil namimiss ko ang luto mo.
- kahit matanda na kami, madalas pa rin kaming may hugs and kisses from you.
- mahal mo pati yung mga love ko…
- nanay din ang tawag sau ng mga kapit bahay dahil extension sila ng family natin.. u always try to be a mother to everyone.
- nirerespeto ang family natin sa lugar natin dahil sa kabutihan ninyo.
- u never fail to show how much u love us.
- napapakibagayan mo kaming 5 na iba-iba ang ugali.
- love mo ko kahit madalas kita simangutan.
- sinusuportahan mo kami sa mga decisions namin, kahit na may pag aalinlangan ka..
marami pang ibang dahilan kung bakit ikaw ang best Nanay!….
Mahal na mahal kita Nay…. ikaw ang reason kaya inaalagaan ko ang sarili ko… kasi sigurado pag nawala ako, malulungkot ka… kasi love na love mo ko..
and to the best mom in the world, HAPPY MOTHER’S DAY!!! mwaaaah!
meron bang anak’s day??
-wahhhhhhhhhhhhc Grabe touch Ako don ..Kong ako tatanungin d Ko masabi yan s mom ko…nakakahiya jejeje
-Sa lahat ng moDers HAPPY MADERS DAY AND also MOM HAPPPPPPPPPPPPPPPY MADERS DAY