hindi ako mahilig sa pusa kasi mabaho ang tae nila (saan ba kayo makakaamoy ng taeng mabango?). at saka hindi sila mahilig maligo (yung aso ko rin ayaw nang naliligo… habulan pa kami bago ko siya paliguan!). pero nakakabahala lang kasi ang feature noong isang gabi sa isang palabas na nakita ko.
ito yung kuwento (courtesy of: http://yoopycat.webs.com/ at http://chicogarcia.wordpress.com/2009/05/02/up-cat-killer/).
“An Accidental Crime. First day sa supercon. Lunch time came. On our way out of old NIP I saw the cat I almost killed last Tuesday. Now everyone knows I hate cats. It’s an unexplainable feeling towards them. Like some internal hatred. Hindi ko talaga alam kung bakit pero anumang pagpipigil sa sarili ay hindi sapat upang mapangibabawan ang panggigil ko sa mga pusa. [ I don't really know why my self-control is not enough to overcome my hatred of cats ] I pulled it on its tail and threw it. Then like some pro wrestler I jumped on it and my feet landed on it’s torso. Slam! Felt good! But the cat didn’t die, well not yet. It ran for its life and just as I was about to catch up on it somebody yelled: ” Pwede bang pabayaan mo yung pusa?!” [ Can you leave the cat alone? ]. It was instant and involuntary. I stopped on my tracks. Nobody ever stopped me when assaulting cats. Well I guess there’s always a first time for everything. The cat got away. Or at least that’s what i thought. So we went to lunch Mel, Jayson, Tracy and me. After lunch, balik na sa kung anumang naiwang gawain [ we went back to whatever unfinished work we had ]. Then Tracy and Mel told me ” Hui Jc napatay mo yung pusa” [ Hey, JC, you killed that cat ]. Hours later, habang abala sa XRD [ while busy at XRD ], a guy came in. Tanong niya: ” Sinong pumatay dun sa pusa?” [ He asked, who killed that cat? ] Bang! Dat was me boi. Guilty as charged. I didn’t see it die pero sabi ni Myles [ but Myles said ] it coughed up blood or at least something like that daw. Didn’t realize I gave it a fatal hit. This isn’t the first time I’ve killed a cat but this time it’s different. It didn’t occur to me back then that the cat had a leash. So I think somebody owns it. Well it’s very well loved in NIP from what I heard and I just ended it’s life. So there you go I’m sorry. And I wont be striking another one for maybe about a month. It feels good when your beating it(a cat) up but you suddenly feel something strange when it turns off permanently. That’s how I feel right now. And maybe for the next days. Dang, am I a cat serial killer? “
Hindi ko ba naman alam sa batang ito! Papatay na lang ng pusa, shoshonga-shonga pa? Mantakin mong isulat pa sa blog niya? Hindi niya ba alam kung anong idudulot nito sa kanya at sa mundong nakakabasa ng sulating ito? Mayroon rin daw saksi sa nagawa niyang krimen. Ang engot na bata talaga. At madami pa tuloy nakakilala sa kanya. Iba rin ang trip niya para sumikat.
Hindi ako tagapagtanggol ng mga hayop na naaapi lalo na ng pusa. Pero, nakakaawa naman na pinagmamalupitan sila lalo na ng mga taong walang magawa katulad ng taong ito.
Wala akong alam sa animal welfare act. Pero isipin mo na lang, halimbawa ikaw yung kaawa-awang pusa; common sense na lang… gusto mo bang apak-apakan ka nang ganun-ganun na lang? NA ang dahilan, kasi napagtripan ka lang? Tang ina! Kagaguhan iyong matuturing! And you are even proud to say: DAT WAS ME, BOI! Ayoko magmura pero tang ina talaga! Hindi ko siya minumura okay? Ang minumura ko, yung ginawa niya.
Medyo nahuli na ako sa balita. Doon ko nga lang nalaman sa nag-interview sa akin sa POWER OF TEN audition (na sa kabutihang palad, hindi naman ako natanggap.) Pero talagang apektado ako nang lumabas ang balitang ito.
Ang sabi, binura na raw ng shonga-ers na ito ang original blog entry at nag-apologizenaman daw. Pero para sa akin, hindi iyon sapat. Buhay pa rin yon kahit pusa lang iyon. Hindi mo naman mapapalitan iyon e.
Hindi lang naman ito para kay JC Candare (ung shongaers na nagsulat nung blog entry na yun). Para din ito sa mga:
nangangatay ng aso para gawing pulutan,
sa mga bumabaril ng pellet gun sa manok kapag wala silang magawa,
sa mga tumitira (I mean, sume-sex )sa mga hayop… putek! Hanap na lang kayo ng pokpok para kamutin ang kalibugan niyo! O kaya tawagan nyo ako at darating ako (hahahaha! Biro lang po.) Hindi yung dinadamay niyo yung mga hayop na hindi naman para sa inyo! Pucha naman! Naiintindihan ko na ang BESTIALITY lang ang nakakasatisfy ng sexual need ninyo pero please lang! Maawa naman kayo sa hayop. Wala silang alam sa kawalanghiyaang ginagawa niyo sa kanila!
sa mga umaabuso sa hayop hindi lang physically, kundi verbally na rin. Nakakaramdam rin sila. Hindi man nila nade-decode yun the way we say them.. Heller! Anuver! I am pretty sure alam nila pag sinasabihan sila na BOBO sila, PANGET, WALNG SILBI… to the tenth power.
Sa mga lecheng nag-aalaga ng hayop, tapos, papatayin niyo lang! o kaya hahayaan niyo lang lumaboy-laboy! Umayos nga kayo! Or itatali lang sa isang tabi forever and ever hanggang masakal na doon yung hayop. Wag na lang kayo mag-alaga kung hindi niyo naman kaya!
Sa mga paksyet na inilalaban yung mga alaga nilang aso sa dogfight… at kung ano-ano pang activities na nakakasakit sa hayop. Hindi naman marunong mag-ala UFC o mag-ala Batista vs Undertaker ang mga alaga niyo! Naman!
Sa mga nangangatwiran na doon daw nila sa hayop nabubunton ang nararamdaman nila… ay ewan ko sa inyo! I-chokeslam ko kaya kayo para malaman niyo ang nararamdaman ko. O kaya clothesline, o kaya power slam o German suplex! Wrestling-in ko kayo sa panaginip ko! Kasi hindi ako bayolenteng tao.
Grrrr!!
P@@^%%^@#!&^& at F%#^&&%*%#^ kayo mga T%$%*T^E^%#TE#$#& at mga SH&^&^#^#^%&
Wala akong pakialam sa ginagawa niyo dahil buhay niyo yan! Oo naman. Pero mag-isip naman kayo. Ayoko ng away pero nakakainis lang kasi kayo eh. Magsama-sama kayong lahat! Tapos magpakulo kayo ng isang bandehadong tubig at doon kayo maligo para maluto kayo. Or para mas masaya, magpatingin kayo sa PSYCHIATRIST. Pagamot kayo kasi for sure sa hayop kayo nagpa-practice at hindi rin imposible na ia-apply niyo sa kapwa tao niyo yan. Malamang sasali pa kayo sa SHINING CIRCLE OF SERIAL KILLERS, KAPISANAN NG MGA RAPIST SA PILIPINAS, SAMAHAN NG MGA NAMBUBUGBOG NG ASAWA AT KATULONG, KULTO NG MGA SIRAULO NA ANG TRIP AY LUMAFANG NG ASO AT PUSA, at kung ano-ano pang organisasyon at malay niyo magka-MAFFIA pa kayo….
I AM AGAINST ANIMAL CRUELTY.
Ang magagawa ko: I START FROM MY OWN HOME. I TAKE CARE OF MY DOG RESPONSIBLY. IF I CAN’T ERASE THE PROBLEM, AT LEAST I KNOW I’M LIGHTENING UP THE LOAD.(akalain mo nga na kulang na lang magpalit kami ng aso ko. Siya sa higaan ko, ako nakatali! à tinatali ko si Chuba—name ng asko ko— kasi baka mangagat ng bata. Pero pinapakawalan ko yun pag kami-kami lang sa bahay.)
Addendum:
Aaminin ko na minsan naaasar din ako sa aso ko lalo na kapag nagsusuka siya sa loob ng bahay o kaya naman naaapakan ko yung naihian niya tapos madudulas ako. Pinapagalitan ko lang naman siya pero hindi ko naman pinupuruhan. Hahahaha!! Nakikipaglaro lang ako sa aso ko na minsan nga kinakagat niya na ako sa sobrang kulit ko. Nakita ko na kasi kung paano pinatay ang aso namin na nauna bago siya. Iyak nga ako noon nang bonggang-bongga eh. Kaya super bait ako sa aso ko ngayon.
May pusa din kami noon at pinapaliguan namin siya, kumakain din siya nang mabuti. Kaya lang lagi siyang tumatae sa kasuluk-sulukan ng bahay namin… yung tipong sulok na wala maski isa sa amin ang nagkakasya. Dun na lang siya sa bubong namin tumira. Kasi pinalayas na siya ni Tatay. Di ko na nga rin alam kung nasaan yung pusa na iyon e.
Galit ako sa pusa talaga. Kasi dati may pusa sa amin na kinuha ang ulam namin. 2kilo kaya yun nang karne no! Hinabol ko siya tapos kinagat niya ako sa paa. Siya na nga ang nagnakaw, siya pang galit? Ungas na pusa. Naagaw ko sa kanya yung ulam namin. Akala niya uubra siya sa’kin? At anong nangyari sa pusa matapos ang aming habulan?
KASALI NA SIYA SA ULAM NAMIN!
Joke lang!
Tumakbo na siya sa mataas na bubong. Tapos wala na siya.
Ayoko rin pumatay ng pusa kasi may kasabihan na kapag pinatay mo daw yung pusa, 9 years ka daw mamalasin… Ampness!