KAPAG WALA KANG MAGAWA KUNG MINSAN…
EPISODE 1: ANG ANAK NA NAGLALAMBING
Isang gabi, habang nanonod kami ng Pinoy Bingo Night at tuwang-tuwa kami na may sigaw nang sigaw ng “BINGO, BINGO, BINGO!!!” nang walang humpay, tinitingnan ko ang mukha ng tatay ko. Lagi kasi siyang simangot. Hindi mo alam kung maraming problema sa buhay o kung ganoon lang talaga ang mukha niya since birth.
Inilapit kong bigla ang pisngi ko sa mukha niya na nakangisi ako na mukhang gago.
Tatay: (galit at inis) Anak, ano ba ‘yan? (sabay tulak sa mukha ko)
Ako:(hindi natinag at ganoon pa rin ang mukha) ‘tay, kiss mo ’ko.
Napahinto ang tatay ko at nagtatatawa. Napahinto.
Tatay:Ay aba! Ang putang inang ito, naglalambing!
Hinagod niya ako at binigyan ng sweet na sabunot. Inakap ako at hinalikan ako sa noo. Nagtaka ako.
Ako: ‘tay, bakit?
Tatay: Sabi mo, kiss kita? Ulol ka pala eh.
Nagtatatawa kaming dalawa.
Ako: Alam mo ‘tay, pwede ka nang sumali sa gameshow kung ganyan ka nang ganyan, na ngumingiti…
Tatay: Talaga? Saan naman?
Ako: Doon sa Wowowee. ‘yung MUKHASIM. Ahahahahah! Whatever! You’re such a loser!
Tatay: Mukha mo!
Ayun, nakonyatan ako. Pero ang maganda ro’n, napatawa ko si Tatay. At ni-lotion-an ko na siya ng Off bago matulog.
EPISODE 2: EXERCISE TO LIVE LONGER
Nagpunta ako sa isang parke isang magandang umaga na medyo malamig. Hindi ko alam pero mukhang in the mood ako mag-exercise at mag-jogging. Wala doon ang free exercise team kaya naglibot-libot na lang ako. Medyo nahihiya ako sa mga tao pero, ano bang nakakahiya kung iniisip mo ang kalusugan mo?
Iniwan ko ang hiya at nag-jogging. Mabagal lang ako at maliliit ang steps ko. Mabigat kasi ako at nakakapagod kung magmamadali [sino naman ang kakaladkad sa akin kung paplakda ako, di ba?] nang biglang may sumulpot na kung ano sa may bandang gilid ko.
Mama na may histura naman pero matanda na:Wow! Nagpapa-sexy ka?
Ako with matching hingal: Hindi naman po. [With forced humility] Tamang naisipan lang mag-jogging. Good morning po sa inyo!
Mama na may histura naman pero matanda na: Good morning din. My name is Kyeme. [ganda ng pangalan! Haha!]
Ako (slow run habang kausap si Kyeme): Julia po [hindi ako nagtitiwala basta ibigay lang ang pangalan ko.]
Mama na may histura naman pero matanda na: Ah! Mabuti iyan! Pero bilisan mo nang konti kasi ang bagal mo. (medyo pabiro niya sinabi at mukha siyang kinikilig sa akin. Hehe!)
Ako with matching hingal pa rin: Alam niyo sir, hindi po ako magpapakamatay. Gusto ko lang pong mag-exercise. Saka wala naman po akong hinahabol. Kung bibilisan ko po, baka mauna pa ako sa inyo [sa kabilang buhay.]
Kasi naman si sir, nakikialam eh! Kaya nga ako nagja-jogging para humaba ang buhay ko, hindi para mamatay agad.
PS: Bakit ba ang prone ko sa mga lalaki pero matatanda naman? *sigh* [With a teardrop at the back of my head]
EPISODE 3: CALL CENTER AGENT AKO AH! [DATI IYON.]
Matagal na ito. Noong mga araw na may trabaho pa ako.
Nag-special trip ako sa tricycle dahil nagmamadali akong umuwi noon dahil antok na antok na ako. Maganda ang salubong sa akin ng umaga. At nang makababa na ako sa harap ng bahay namin, nag-rapport building pa sa akin si Manong Tricycle Driver dahil hinihintay niya ang bayad ko…
[Pinili ko na lang na huwag buuin ang episode na ito dahil nangangamba ako na may super duper mega maramdaming mambabasa at eksaheradang echusera at magalit sa akin nang bonggang-bongga. Baka abangan ako sa Commonwealth at tambangan ng mga ka-gang niya. Baka atakihin sa puso at ako pa ang dahilan. Baka dinggin pa sa senado. Alam niyo naman, may masagi ka lang nang konti these days, may masabing hindi mo sinasadya dahil sa sobrang pagod at puyat, may nagawa ka lang na hindi gaanong trip ng nakakita, o nakatapak ng nuno sa punso; kahit punuin mo ng disclaimers ang sinulat mo, o kaya halos magsumamo ka na sa kaso-sorry, o mag-tabi-tabi po, nagiging big deal na sa lahat at akala mo mortal sin na at sa impyerno ka na dadalhin kapag namatay ka! Kaloka di ba?! Hindi pwedeng kumeber lang! Ayoko matapos rito ang blogging career ko ‘no? Scary Spice! So Hard rock! Nag-iingat lang po. You know naman…]
EPISODE 4: MY WAIST LINE
Nahihiya talaga ako kapag nagkakasukatan na ng waistline. Eh oo na! Wala namang mawawala at eh ano naman kung malaman nila? Pero nahihiya kasi talaga ako. Bawal ba akong mahiya?
Sa 2 buwang katatambay at hindi pagkain ng kanin at kaunting exercise, nabawasan na ako ng 4 inches. Tapat na iyan. Wala nang tawad.Mahilig kasi akong matulog. Alam ko na rin ang timbang ko dahil hindi na lampas sa weighing scale. [at ngingiti-ngiti ka naman diyan!]
Patago lagi ako kung magsukat gamit ang aking secret tape measure na tinatago ko talaga sa kailaliman ng damitan ko. Doon sa kuwarto namin. Hinuhukay ko lagi iyon kaya yung damitan ko mukha ng basurahan sa sobrang gulo.
Ipinosisyon ko ang sarili ko. Stand erect. Breathe naturally. Huwag pigilin ang paghinga. Maging tapat sa sarili. Huwag sikipan ang pagsukat. Huwag din naman luwagan. Iyong tama lang. Huwag biased. Huwag madaya.
Isinara ko ang pinto kaso walang lock iyon kaya dinikit ko na lang nang mabuti. Lahat ng tao sa bahay bising-busy sapanonood ng Wowowee kaya alam ko na walang magbubukas ng pinto nang biglang…
Tatay: BULAGA! Nagsusukat ka ‘no?
Tinigil ko ang ginagawa ko dahil nagulat ako.
Tatay: Ilang ektarya na lang bewang mo? [at nagtatatawa na naman siya dahil wala siyang maasar.]
Ako: [gulat na gulat] Tatay naman eh! Epal! Doon ka na nga po. Mag-practice ka na lang kung paano ka makakapasok sa Mukhasim.
Para sa inyong hula kung ano ang sukat ng waistline ko, just key in HULA[space]YOUR GUESS [space]YOUR NAME[space]BIRTHDATE[space]GENDER[space]ADDRESS WITH ZIPCODE[space]KUNG SINONG MAYOR SA LUGAR NIYO[space]PANGALAN NG MGA KAPATID MO[space]PANGALAN NG ASO MO O NG ALAGA MO[space]ANONG GRADE MO SA CHEMISTRY[space]SKETCH KUNG PAANO PUMUNTA SA INYO GALING COMMONWEALTH at pupuntahan ko kayo. Lumabas na ang matapang sa inyo para banatan ko kung sobra ang hula niyo. [eching lang!] Send it to 2313897895457863825675324 for all networks. P300 per text. Kaya huwag niyo na pag-aksayahan ng panahon. At huwag niyo na rin i-post sa comment niyo ang hula niyo. Kakahiya! Haha! Pero kung gusto niyo talaga malaman, i-text niyo na lang ako at wala kayong mapapala.





















lanya, first part palang tawa na ako. kase na imagine ko hitsura nyong dalawa habang nasa ganoong scenario. astig! mabuti naman nakabasa ulet ng isang mahaba. salamat. sana yung akin na blog mabasa at commentan mo din.
\m/
Hi Ms. Glaiza. Kaka-update ko lang ng blog ko.
Mga pictures and video ng first taping ng talk show ko dito sa Canada!
http://johnny-gelato.blog.friendster.com/2009/06/04/showtimes-first-taping/
Bisita kayo pag may time kayong lahat!
– Papa Johnny ^_^