THE F4 CONFESSION: MAGKAALAMAN NA KUNG SINONG HINDI NABALIW SA F4
DISCLAIMER #1: Hindi layunin ng blog entry na ito na bukuhin ang mga nabading sa F4 o i-broadcast ang mga pa-sosyal na jologs naman talaga in real life. Katuwaan lang ito.
DISCLAIMER#2: Wala akong masamang pakahulugan sa mga nasabi sa blog entry na ito. Sinikap ko na gawing walang offensive language o content ang entry ko. Napag-trip-an lang ng blogger na gumawa nito. Kung nakita niyong offensive ito, ipaalam agad sa gumawa para magawan ng paraan. I DO APOLOGIZE in advance.
DISCLAIMER#3: Hindi pa ako nakapagbasa ng blog na may ganitong klaseng entry. Sinisiguro ko na wala akong pinagkopyahan nito or whatsoever. Pasensya na kung may katulad man ito.
DIRECTION/S: Sagutin lamang ng GUILTY or NOT GUILTY ang mga sumusunod. Walang tama o maling sagot sa ilalagay mo. Maghanda ng paper and pencil kung okay lang sa iyo. Kung hindi naman, ay di huwag.
1.Na-curious ako nang makita ko ang teaser ng ABS-CBN sa Meteor Garden.
2.Pinanood ko ang first episode ng Meteor Garden.
3.Parang napigil ang aking paghinga nang magpakita ang F4 dahil noong una [‘di ba] anino lang sila.
4.Pero natuwa ako kay Hwa Zhe Lei (Vic Zhou) nang pulutin niya ang kalat na sinipa ni Dao Ming Ze (Jerry Yan). [May scene kasi doon na may dalang mga basketballs si San Chai at ang kaklase niya… hanapin niyo na lang sa YouTube. Sa mga nakapanood ng Meteor Garden, alam niyo ang eksenang sinasabi ko.]
5.Inisip ko na magkakatuluyan sila ni San Chai (Barbie Hsu).
6.Simula noon, hindi ko namamalayan na lagi na akong nagmamadaling umuwi galing sa school/trabaho/basketball-an/tsismisan/at kung ano-ano pang activities para lang maabutan ko ang Opening Song ng Meteor Garden (QING FEI DE YI ni HARLEM YU)
7.Hindi ako kumukurap habang on going ang palabas.
8.Tuwing nanonood ako, ayoko ng may istorbo. May hawak akong itak at tatagain ko ang dadaan sa harap ng TV!
9.Tumitili ako (kami- kung may may kasama kang manood) kapag kinikilig ako (kami) sa eksena.
10.Naaasar ako pag may commercial kasi ang haba. Ipagpalagay na nating 30 minutes sana ang airing time ng Meteor Garden pero nagiging 15-20 minutes na lang dahil sa commercial.[ Nakakainis talaga ‘pag bitin… lalo na pag naglalaba. Alam mo na sana ang tunay na ama ni Joaquin Inigo—panoorin mo ang commercial ni Winnie Monsod].
11.Hina-hang ko ang telepono para walang tatawag-tawag habang nanonood ako.
12.Walang tao sa looban/street namin sa oras na ipalabas ang Meteor Garden. Lahat sila nasa bahay o nakikinood sa kapitbahay. Hindi ko lang rin alam kung zero crime rate pag Meteor Garden na! [Pero hindi nito kayang daiigin kapag may laban si Pacquiao!]
13.Tumitigil ang oras ko kapag nakikita ko ang F4 at tinititigan ko sila isa-isa.
14.Gumawa ako ng sarili kong reservation. Akin si Dao Ming Ze (o kahit sino pang member ng F4) at bawal nang magka-crush ang iba kong kaibigan sa kanya dahil nauna na ako.
15.Muntik na akong ma-in love sa friend ko na may kahawig sa F4.
16.Nangarap ako na sana kaklase ko ang F4.
17.Tinatapos ko ang Meteor Garden hanggang sa kahuli-hulihang linya ng ending song (NI YAO DE AI ni PENNY TAI)
18.Nag-search ako sa internet tungkol sa biography ng F4. Curoious ako kung paano sila nabuo.
19.Na-realize ko na may pagkakahawig si Van Ness Wu at si John Lapuz.
20.Hinanap ko sa Google ang lyrics ng mga OSTs ng Meteor Garden at nag-print ako ng kopya pagkatapos. Ipinainggit ko ito sa aking mga kaibigan ko at pina-photocopy nila ito para meron din sila.
21.Nang makarating ako ng bahay, tamang-tama at simula pa lang. Sumabay ako sa kanta. Huwag kayo, naintindihan ko ang kanta dahil may translation in English ang lyrics na kinuha ko kaya huwag kayong umarte!
22.Pati sa ending ay ganoon din.
23.Ni-research ko rin ang Tagalog Version ni Josh Santana.
24.Bumili ako ng posters ng F4. Idinikit ko kaagad ito sa dingding at nilagyan ko pa ng artwork. Siniguro ko na maganda ang posisyon nito.
25.(Sa mga may sariling bedroom) Siniguro ko na pagmulat ng mga mata ko sa umaga, nakaharap sa akin ang mga pagmumukha ng F4 para maganda ang gising ko.
26.Hinahalikan ko paminsan-minsan ang poster. Sinisiguro ko na walang makakahuli sa akin.
27.Napagalitan ako ng nanay ko dahil may notebook, CD, wallpaper, MP3-file,unan, t-shirt, stationery, at maski tsinelas ng Meteor Garden ay mayroon ako. OA na daw iyon. [paningit: Di ko nga akalain na may tsitsirya rin na F4. ewan ko ba! piso isa! natawa nga ako eh. at dahil fan nga ako ng F4, bumili ako. para siyang cheese curls na puro hangin. baka mamaya di ko na mamalayan, may F4 sardines, corned beef, potato chips at baby cologne na! nakakaloka na iyan ah!]
28.Muntik na kaming mag-break ng boyfriend/girlfriend/asawa ko dahil mas pinili ko ang abangan ang Meteor Garden kaysa mag-date kami. Iniurong ko ang schedule ng date namin ng Saturday/Sunday kasi wala naman akong aabangan sa mga araw na iyon.
29.Bumili ako ng pirated DVD ng Meteor Garden (English subbed)sa Quiapo at agad kong pinanood iyon para maipagyabang sa mga amiga ko na alam ko na ang ending.
30.Nang ipalabas sa HERO TV ang HANA YORI DANGO (the anime version) at sa GMA 7 din (same title pero J-DRAMA na), pinanood ko rin iyon dahil gusto ko i-compare ang mga version nila sa Taiwanese version. Aalamin ko kung anong eksena ang tinanggal, iniba, at idinagdag. Nagpapaka-critic ako nang mga panahong iyon.
31.Nang maging model si Jerry Yan ng Bench, bumili ako ng damit na ini-endorse niya. Natuwa ako kasi sa barkada namin, ako lang ang may pambili ng Bench.
32.Lagi kong tinitingala ang billboard niya.
33.Nang malaman ko na pupunta ang F4 at ang ASOS (si Barbie Hsu kasama ang kapatid niya) dito sa Pilipinas, tuwang-tuwa ako. Pero nang dumating sila ng tig-dalawa lang, okay lang din sa akin. Pero nang malaman ko na P10,000 ang tiket, napamura na lang ako.
34.Nang i-ere na ang BOYS OVER FLOWERS, napansin ko na magkahawig sina DAO MING ZE at GU JUN PYO.
35.Kinumpara ko rin ang BOYS OVER FLOWERS sa METEOR GARDEN.
36.Nang malaman ko na base pala sa isang manga ang palabas na iyan, natuwa ako. Gusto ko bumili kahit hindi naman ako marunong magbasa ng Kanji.
37.Naging primary photo ko sa friendster, facebook, myspace, bebo at kung ano-ano pang social networking sites ang picture ng F4 or ni San Chai. Naging lay-out ko pa kamo!
38.Hinanap ko rin sa YouTube kung may video streams ng BOYS OVER FLOWERS, METEOR GARDEN at HANA YORI DANGO.
39.Naging idol ko ang ARASHI (member ng Japanese boyband na ito si Jun Matsumoto, ang leader ng F4 sa HANA YORI DANGO sa GMA 7). Kinakanta ko rin ang LOVE SO SWEET na OST nito.
40.Hindi ko alam ang ibang nabanggit na kanta sa survey na ito kaya mamaya ida-download ko para mapakinggan ko. Baka maganda.
41.Feeling ko, fan ng F4 ang gumawa nito. Nasundan niya ang iba’t-ibang version eh.
42.Jologs lang ang mahilig sa F4.
43.Napapanaginipan ko paminsaj-minsan ang F4. Na nakatuluyan ko raw si Van Ness.
44.Nakikipagtalo ako sa mga internet forums kapag inaaway nila ang idol ko sa F4. Nakikisali rin ako sa mga chat sa YM kapag pinagkukumpara nila sina San Chai, si Jan Di at si Tsukushi .
45.Marami ang gumaya sa F4 lalo na sa hairstyle nila (regardless of the version).
46.Inabangan ko sa Channel2 kung sino ang nanalo sa F4 look alike at sa Batang F4. Bago pa naging artista si Nash Aguas (Grand Questor ng Star Circle Kid Quest 1), alam ko na sumali siya sa Batang f4 pero hindi siya nanalo.
47.Kahit hindi ko alam ang kanta, kinakanta ko ang One More Time ng Tree Bicycle (OST ng BOYS OVER FLOWERS.) Hindi ako marunong mag-Korean kaya ang linya na kaya kong kantahin ay ¯¯ONE MORE TIME ¯¯ lang. Hina-hum ko na lang ang kasunod.
48.Ise-search ko rin ang lyrics nito pati na ang OSTs.
49.Madaming Chinese, Koreans at Japanese sa school namin. Lahat sila crush ko na!
50.Napanood ko ang pilot episode ng BOYS OVER FLOWERS. Walang mintis sa first week. Pero naasar ako dahil iniba bigla ang time slot nito. Pinanood ko rin ang marathon nito noong Sabado. At tiyak ko na aabangan ko ito bago mag- TV Patrol. Nilipat na ang Pinoy Bingo Night sa gabi.
EVALUATION: Tingnan sa ibaba ang iyong score. Hindi nangangahulugang pasado o bagsak ka! Aanhin mo naman iyon, di ba? Katuwaan lang uli.
50 out of 50 GUILTY – Nakakatakot iyan. Baka magpagawa ka na ng istatwa ng F4. Nakulangan ka pa sa items dahil mas marami ka pang nalalaman kaysa sa gumawa ng blog entry, aminin! Dahan-dahan lang at baka makagawa ka ng orasyon na katulad nito:
[REPEAT AFTER ME:
I (STATE YOUR NAME) PROMISE TO WATCH F4 EVERYDAY. I LOVE F4. WALA AKONG PAKIALAM KUNG TAWAGIN AKONG JOLOGS! POPROTEKTAHAN KO ANG F4 SA ABOT NG AKING MAKAKAYA. AT MAMAHALIN KO SILA TULAD NG PAGMAMAHAL KO SA SARILI KO! ISUSUOT KO ANG T-SHIRT NA MAY PRINT NG MGA MUKHA NILA. ISASAPUSO KO ANG BAWAT SABIHIN NILA. HINDI KO SINASAMBA ANG F4 PERO MAGTATAYO KAMI NG KULTO NA KAYANG TALUNIN ANG FANS' CLUB NIYO! F4! F4! F4!]
WINDANG!
40-49 out of 50 GUILTY – Fan na fan ka ng F4. Magsama kayong dalawa ng gumawa ng entry na ito! Sa tingin ko, in the future kapag nagkaanak ka, ipangalan mo pa sa kanya ang pangalan ng isa sa casts ng BOYS OVER FLOWERS, METEOR GARDEN o HANA YORI DANGO. wala kayong pinagkaiba ng taong naka-score ng 50/50!
30-39 out of 50 GUILTY- Keri na iyan. Humahanga ka lang sa F4 pero hindi naman tipong hook na hook. Pero minsan, F4 ang dahilan kaya nagtetelebabad kayo ng kausap mo.
20-29 out of 50 GUILTY- Tamang nakikiuso ka lang sa F4. Tamang gusto mo lang sila. Kapag nakita mo na si Jake at Gerald,di mo na sila type.
10-19 out of 50 GUILTY- Napilitan ka lang dahil majority ng tao sa bahay niyo ay idol ang F4. Kahit ibang palabas ang gusto mong panoorin, talo ka dahil papatayin ka ng mga kasama mo sa bahay kapag nilipat mo ang sa ibang channel!
1-9 out of 50 GUILTY- Wala lang. Tamang natyempuhan mo lang. Mas gusto mo ang MY MVP VALENTINE dahil mas crush mo ang 5566 (sikat na boyband din sa Taiwan).
0 out of 50 GUILTY- Mas gusto mo manood ng PANGARAP KONG JACKPOT.
PEACE!
I LOVE F4. promise!
PS: DI NAMAN HALATANG GUSTONG-GUSTO KO ANG F4. MAGKAKAROON NGA KAYA NG PINOY F4?















pinoy F4? hahaha. hindi malayong mangyari. pero sino ilalagay nila dun, yung mga hung-hunks? wala akong maisip na pwedeng mag fit sa profile ng apat na to. una, sa istorya, super-duper yaman ng F4. sinubukan ko panoorin yung korean version at yung japanese version ng hana yori dango o boys over flowers o meteor garden (wow daming version). parang napanood mo na rin silang lahat, kung napatutok ka sa meteor garden nung 2003.
PINOY F4? Panigurado kung sa ABS yan si Gerald Anderson o si Jake cuenca yung 2 lead stars.
sandamukal na f4!!!!!!!
hahaha….nsiyahan n nmn aq s blog mo….may tama k dun!!!!mrami n nga ang naba2liw s palabas n yAn…tingin q isa n aq s mga naba2liw ngaun s palabas n yun 40-49 aq dyan!!!!..mas gusto q ang Korean version ngaun kesa s mga naunang version…mas pogi kc ngaun ang mga cast……kaso hindi aq Updated mxado busy kc aq s work!!!!!!oh nga pala dinamay mo pa ang ibang channel….hahaha..PANGARAP KONG JACKPOT…..tsk tsk tsk…..hahahahahahahahahaha
oh nga pla…..sana kung may pinoy version….wag nmn c gerald & jake..,,,in short hindi bagay s kanila ang role…..sorry s mga fans nilang dalawa huh….hindi talaga bagay eh….sawa n rin aq s dalawa….pagbigyan nmn ang ibang artista…peace po..\/….
oo nga. sana ako nalang gawin nilang F4 (KAPAL) para masaya. hehe.
o kaya kung lahat kayo ayaw ako maging F4. si tado nalang o kaya si bentong. mamili nalang kayo saming tatlo. o dba?! hehe
pero nice. anu ung boys over flowers?
question #8 - roflmfao!!!
pangarap kong jackpot! peborit ko yun lagi pa nga akong may dalang panyo if in case “hard drama” na eksena!! haha
taiwan version ang the best version ng HYD. yung japanese version weird(kasi pag japanovela naweweirdohan ako, cguro sa dami ng japanese porn na napapanood ko. haha).
pero mahusay din ngayon tong gumaganap na san cai sa krea version.
Hi Pulis! Pinoy F4 ba!? Hmm…sabi nga ni Donna, wag naman sana sina Gerald Anderson at Jake Cuenca kasi lagi nalang silang dalawa… Pero kung magkaroon man tayo ng Pinoy version ng F4, sana naman matapatan natin yung mga nauna…
Sa tatlong version ng F4, Hana Yori Dango lang ang medyo tagilid kaso weird pag Hapon ang gumawa e..hekhek! Ui, maganda tong ‘Boys Over Flowers’ kasi kwela at saka gwapings yung F4 nila!=)
pero sana talaga ako nalang maging isa sa F4.
haha
Gusto ko rin F4. Chinese ako. Cguro sama mo ko… para F5!!!
basta ako, mahal ko na si LEE MIN HO.
nakita niyo na ba yung dunkin donut commercial niya? grabe! KUNG TOTOONG NALALAGLAG ANG PANTY NG BABAE…
sa akin, hindi un totoo. kasi masikip panty ko. hahahahah! joke lang. hindi ako iskandalosa!
ang guwapo niya sa commercial na yun.
saka ung commercial nilang haptics fone.
hanapin niyo dun sa profile ko. andun, nilagay ko ung vids courtesy of youtube.com
ang gwapo-gwapo!!!!!! wahhhhhhh!!!!!!!!!
PS: alam ko na ang ending ng BOF. napanoood ko na sa KBS. hay…..
Pinoy F4
Jerry - abstain…
Vaness - John Lapuz
Ken - Ralph Sy
Vic - Vic Sotto
*biruan lang to…
The blog is wonderful… Tinamaan ung pinsan 19 out of 50…
hahah.. almost 50 ung pagkakatulad ko..
sapul ako to the max..!!
but if u ask me kung ano ang mas nka2kilig..
METEOR GARDEN ba or BOYS OVER FLOWERS??
I think meteor garden talaga..
pero parang boys over flowers din.. heheh..
nga pala,, hindi ko po kasi alam ung hanayori danggo.. (tama b spell?)
kapamilya po kasi ako..! hehehe..
kung pinoy f4 ang pag-uusapan,, dapat kapamilya station ang gumawa nian.. kasi halos lahat ng gwapo nasa kanila na.. compare sa kapuso station, parang si richard guttirez lang ang famous.. they care to only one lang kasi.. (walang maga2lit.. opinion lang)
if matuloy nga yan,, sana mga teens naman kunin nlang talents!!
mamili sila sa mga taga-starmagic.. tama.!?
ganda blog mo.. promise..!!
(kahit hindi ako marunong gumawa ng blog..!)
heheh..!!
bumili ng kwintas na gaya ng binigay ni dao ke san chai..
ahahah..
naalala ko nauso ‘to samin..
nalagpasan ko ang post mo nato, super hindi ko akalaing meron ganito d2. kaya super post pako ng comment dun sa “pleasing personality” ng bout sa korean crush ko. si kim bum un.! nun pla nand2 na.! hayop nmn.!!!
1. guilty
2. guilty
3. guilty
4. not guilty
5. guilty
6. guilty
7. guilty
8. guilty
9. guilty
10. guilty
11. guilty
12. guilty
13. guilty
14. guilty
15. guilty
16. guilty
17. guilty
18. guilty
19. not guilty
20. guilty
21. guilty
22. guilty
23. guilty
24. guilty
25. guilty
26. guilty
27. guilty
28. not guilty (NBSB kc aketch!)
29. guilty
30. guilty
31. guilty
32. guilty
33. guilty
34. Guilty (ung cheek bone nila super pareho.! at ung expression ng muka.! su[er.!)
35. guilty
36. guilty
37. not guilty
38. guilty
39. guilty
40. guilty
41. guilty
42. not guilty
43. not guilty
44. guilty
45. guilty
46. guilty
47. guilty
48. guilty
49. guilty
50. not guilty ( hindi ko maumpisahan ung korean eh. pero infairness bumili ako ng piratang DVD at saka ko pinanuod.)
=44.?????????? hakz.!!! super effort sa pagbasa at pagsagot sa blog n2. obvious nmn sigurong super patay ako to the ntn level sa f4.!
super fan ako ng taiwanese version kaya nainis ako nung ginaya ng korea taz nikain ko lahat ng sinabi ko nung mapanuod ko na.! haha.! super duper sayad hanggang earth core ang pagmamahal ko sa f4 korean version ngaun.!!!!! amp.!
hahaha…40-49 out of 50 ata aq dun ah…
angtindi…i love vanness forever..
anu nman kng jologs..
pki q skanila!!
basta i love f4..haha