BAKIT BALIGTAD MAGBASA ANG MGA PILIPINO

Written by: BOB ONG

Magaling na si Bob Ong. Totoo. At tuwing lalabas ang mga libro niya, hindi pwedeng hindi ka maintriga. Hindi ako palabili ng libro. Nanghihiram, oo. Pero nung makapera ako, binili ko ito kasama ng iba pa.
Medyo may kamahalan ang librong ito (kuripot po ako, sorry.) Pero okay naman eh. Maganda ang packaging at cute ang concept.
May mga parteng nakakatuwa at nakakatawa. May parte rin na boring kasi puro excerpts sa kung saan-saan. Madami ring jokes pero nangyayari sa totoong buhay. Parang nangungutya kung minsan pero masarap tawanan kasi matatagpuan mo ang sarili mo sa mga kuwento.
Hindi ko nga lang din alam kung anong gustong palabasin ng librong ito.
Pero masarap ito pag-usapan sa harap ng tindahan ni Aling Tekla habang kasama mo ang barkada mo at ini-imagine niyo ang pagdating ni Anne Curtis.


2 Comments so far

  1.   anonymous4141 on May 25th, 2009

    Actually, kakabili ko lang ng latest book ni bob ong, Kapitan Sino (pero sa totoo, pinabili ko lang sa ate ko.) and I really think he’s a genius! ang ganda ng story. kahit na tungkol siya sa superheroes at hindi mukhang true-to-life, hindi parin nawala yung reality na minsan nagkakamali rin ang mga tao.

  2.   gesume on June 16th, 2009

    actually ito pinaka naboringan kong buk nia. un lang. pero ok din. tama my mga nakakatawa ding part saka my mga mapupulot ka na ewan..hekz.!

Leave a Reply