SULAT MODE
Gusto ko maging writer. Dalawang beses ko na iyang
naisulat dito sa blog ko. Inulan nga ng comments eh.
Nakakatuwang ang daming tao na nagbasa noon tapos
binigyan ako ng payo, mga references na babasahin, mga
style daw nila na patok… at kung ano-ano pa.
HIndi ako palabasa ng libro pero may nabasa ko na ang
mga sumusunod:
1. mga mega-Medical-Surgical Books na sapilitang
pinapabasa sa amin ng mga professor namin (mga super
kapal at super mahal na libro namin nung college)
2. mga librong nauso; gaya ng Da Vinci COde (gustong
makigaya sa uso kaya nanghiram at napilitan magbasa)
3. mga PInoy pocketbooks (maniwala kayo sa hindi, nabasa
ko na ang BUd Brothers, Kristine, Hellen Meriz, Man in
The Shining Leather Jacket… ang dami pa.)
4. manga (pag may pambili)
5. mga librong pambata (pag walang magawa)
6. The Book of ANswers (nakakaintriga kasi)
7. Ghost Story Books (para takutin ang sarili at para
manakot na rin)
8. See Oh See! (look, Bantay! look Bantay! there is
Baby… hahaha! natatawa ako pag naaalala ko ang librong
ito! Nabasa niyo ba yun nung malapit na kayong
mag-Kinder?)
9. lahat ng librong di tataas sa P100. (bihira makahanap
ng matinong libro na ganito ang halaga.)
10.at siyempre pa: ang mga inspirational books gaya ng
Chicken Soup for the Soul at Our Daily Bread. (sa
maniwala kayo’t sa hindi, nagbabasa ako nun.)
Madami pa. Kung iisipin natin, yung ibang tao, sa
sobrang hilig nila magbasa, pwede na silang magkaroon ng
sariling silid-aklatan.
Pero alam niyo, ang dami kong napansin sa mga nasusulat
ngayon. Iba na. Ibang-iba.
Noon, napakaseryoso ng mga babasahin. Ewan ko lang ah. O
sadya lang siguro na mababaw ang utak ko kaya nasasabi
ko na ang isang artikulo, pag walang parteng nakakatawa
o nakaklilibang ay seryoso na. o kaya pag masyadong
academic at philosophic… thanks na lang.
Pero kasi noon, halos lahat ng writer, naglalaban kung
sino ang mas magaling gumamit ng salita. mas malalim mas
magaling. mas komplikado, mas nakakabilib. mas seryoso,
mas maganda. ang daming twist. sa dami, mabubuhol ka na
at hindi mo na maintindihan.
Debate. DI mo na maarok ang gustong iparating ng author.
paano, grabeng lalim! di ka makakaahon! lulubog ka na
lang na parang nilamon ka na ng binabasa mo. parang
kulang na lang, sabihin sa iyo ng libro/artikulong
binabasa mo:
“Hey you, lazy bones living a very slothy life! Stop
holding my precious pages! If I know, you’re just trying
to impress yourself because you got a hold of me! Don’t
even dare read into my leaves because I am so worried
you’ll never-ever… and i mean never understand me.
Save yourself from extreme embarassment! These are my
ideas, mine and only mine!I got a plethora of rhetorics
here and you’ll be overwhelmed! i know your nose will
bleed! I’m so deep and i’ll drown you in my ocean of
higfalutin terms! die now, imbecile!”
pakiramdam ko pinagalitan ako ni INday!
iyan kasi ang dating sa akin pag sobrang lalim ng
nilalaman ng binabasa ko. parang wala akong karapatang
maintindihan ang idea nila. kaya kahit kailan hindi ako
nahilig magbasa ng Philippine Constitution o ng Code of
Ethics o Principles of Economics.pakiramdam ko lahat
pasikat. bakit ba hindi na lang simplehan? para mas
nauunawaan? ang dami-daming conjuctions, adverbs at
adjectives na hindi ko na mintindihan kung paano
naidugtong sa sentence. kahit yung mga nobelang ewan ko
na grabeng lalim ng istorya, page one pa lang tulog na
ako! parang THE ADVENTURES OF CHIKA MAGIKERA OF
ECHUSERANG PA-MINT INSIDE THE CLOSET FULL OF PINKISH
WHITE GLOW AND THE LEGEND OF THE BRUSKO PINK NA JULIS NA
PARETOKE NG FESLAK EVER NA NAGTRANSFORMERS NA MUJER!
ambot!
Ingles man o Filipino… pag malalim ayoko na.
Ngayon?
pasimplehan na. korni. berde. nagmumura. kahit bata pa
makakasakay sa trip!
ISang sikat na example si Bob Ong. POlitika,
pagkamakabayan, estudyante blues, style of writing… at
pati yata tungkol sa pag-ibig meron na rin siya! andami
nang nakabasa ng mga sinulat niya. (college graduate na
ako nang makabasa ako ng isa sa mga libro niya. ni hindi
ko man lang nga nalaman na sa kanya pala galing ang
ABNKKBSNPLko? na laging jino-joke sa akin ng mga kalaro
ko noong elementary pa ako. napag-iwanan ako, grabe!)
pero, ang dami na nga niyang quotes na kumakalat sa
text. sikat na siyang talaga. Ang galing niya humirit
pero may sense. Just read between the lines.
Naisip ko, hindi naman pala ganoon kakomplikado para
maging writer ka. Imagination lang ang malaking kapital
na kakailanganin mo para makagawa ka ng sarili mong
libro. Siyempre, sipag at tyaga na rin.
nang makapagsulat na ako… may arrive nga lang na
ganito:
“simple ang sinulat mo. abot ng masa. nakakatawa. may
sense. i can relate. cute. magaling.”
pero parang karamihan ng taong nagsusulat ngayon na may
ganyang klaseng timpla, Bob Ong-ish daw! pag nakakatawa,
Bob Ong na! Pag malupit ang banat, Bob Ong na! KAsi
naman Bob ONg eh! Super sikat ka na. Minsan tuloy,
naiisip ko rin… ginagaya ba kita? (Ano kaya kung kami
naman ang mag-face off? baka ni sa kalingkingan niya
wala akong panama! )
aaminin ko, minsan din akong naging clone ni Bob ONg.
Kung mapapansin niyo sa mga una-una kong posts dito sa
blog ko, halos medyo may pagkakahawig ang mga banat ko
sa mga banat na nababasa ko sa libro niya. para tuloy
ang tingin ko sa sarili ko, ang sama ko! gaya-gaya puto
maya, pag laki buwaya! Pero sinisikap ko namang burahin
iyon. Sinisikap kong maglagay nang bagay na maghihiwalay
sa akin at sa kanya. sana nga lang kahit papaano nagawa
ko.
ang fear ko: pag may nagugustuhan akong nababasa, parang
unconsciously nagagaya ko na. Hindi ko nga rin alam kung
bakit may ganoon akong tendency. pero sana magaya ko rin
ang complexity ng utak ni JK Rowling, Lewis Carol, at ni
Dan Brown. sama mo na rin ang lupit ni Korina Sanchez at
ni Ted Failon. at haluan mo na rin ng kiliti ni POkwang,
Pooh, CHokoleit at Vice GAnda at pakihalo na rin ang
convincing powers ni Kris Aquino at Boy Abunda!
Kaya hindi ako nahilig magbasa. Nagiging katwiran ko
kasi, ayoko ng may ka-style. kung magsusulat ako, gusto
ko, sariling-akin! pero paano ka magkaka-style kung
hindi ka tumitingin sa kung anong meron sa paligid mo?
Paano mo malalaman ang masarap sa hindi masarap kung
iisang ulam lang ang kinakain mo lagi?
sabi nga ni Prof. POgi ko dati, “si Rizal ay hindi si
Rizal kung di dahil sa mga binabasa niya.”
hindi naman ako si Rizal. pero tama naman ang sabi ni
Prof Pogi ko e. hindi naman magkakaroon si Rizal ng
pilosopiya kung wala din naman siyang natututunan mula
sa pilosopiya ng iba.
pero ngayon talaga, ito na ang labanan eh:
commoners’ story: palupitan ng banat. kanya-kanyang
style ng pang-aaliw sa pagkamasa. mas simple, mas cute.
mas realistic, mas madaming magbabasa. pag Tagalog… ay
lalo na iyan! walang dudugo ang ilong. pag emo, uso! sex
try mo, gising ang reader mo from start to finish! pag
nakakatawa bebenta ka! at pag may sense na kahalo,
winner ka kapatid!
keber na sa iispluk ng iba!
sabi nga nag-e-mail sa akin: DON’T IMPRESS. EXPRESS.
CHING! .^_^. \m/
ps: binago ko ung orig na title. reserve ko na lang sa iba kong isusulat. salamat.














hi glaiza!
g-in-oggle ko yung title.
agree ako na karamihan ng pumapatok na reading material ngayon e yung “pangmasa”. siguro kasi mas gusto natin na kahit sa binabasa man lang natin e medyo mabawasan yung kumplikasyon sa buhay natin ngayon. kaya nga patok si bob ong di ba? di kailangan na me katabi kang thesaurus pag binabasa mo sya.
ganun din yung pananaw ko sa tagalog movies. minsan pag busy ako sa loob ng bahay. binubuksan ko lang yung tv, tapos nilalagay ko sa PBO. Lakas lang ng volume. Kahit hindi ako manood kasi nga nagluluto ako o naglalaba, nasusundan ko pa rin yung kwento. at minsan pa nga, alam ko na yung susunod na mangyayari hehe!
nasubukan mo na bang magbasa ng mga libro ni jessica zafra? paborito ko kasing writer yun. gusto ko rin na makapagsulat ng gaya ng istilo nya. pero (gravity!)ang hirap! di ko kasi makuha yung “art of sarcasm”.
zsa zsa padilla, mag-aabang uli ako ng sunod mong blog…
good morning….
btw, yung mga natutunan kong kabadingan ngayon e galing dito …. http://paker-potpot.livejournal.com/54557.html
Kakatawa siya. Tawa ka!
sinubukan ko magbasa ng isang libro ni jessica zafra. kaso lang di ako makarelate gaano.
english kasi ung nabasa ko eh. hahahahha!!!
may sarcasm nga kaso minsan di ko alam kung sino/alin ung pinatatamaan.
puwede ka nang maging writer…
huling huli mo na mga kiliti ng mga readers eh…
astig ka ah…
siguro ang daldal mo sa personal,,,
napaka-idealistic mo…
if u dnt mind, wats ur gender???
i’ll wait 4 ur reply ah…
pwd ka rin bang maging frnd???
invite mo na lng ako huh,,,
ecka_spongecola09@yahoo.com
excited na ko sa next blog mo…
hahhaaaaaaaaaaaaaaaa..
maganda mga gawa mo.. gawa kana lang ng kwento tapos publish mo o pabasa mo samin… ganda ng mga gawa mo.. blog again a.. ganda tlga.. nakakatawa.. hehe
astig ka ah!!ur so gr8,continue dreaming!!ur a good writer..
hmmmm… prehas tyo kuya.i want also become a writer. sulat ka lang. hmmmm…my sense of humor k nman ih. mga kapolosopohan lang usualy nagkakapareho ang mga writer pag my pagka nakakatawa ung writings nla.hehe
sulat kp.from now on mgi2ng silent reader mu nadin ako…consider me as ur fan narin hehe… very nice prang diary mo lng hehe.
galing mo rin ah. parang bob ong.
haha..tuparin mo na ASAP ang dream mo. kailangan ng mga kabataan ang ideas mo, okay??=)
Ang GALING!!!
Astig! I love it po!
gusto ku rin pong tumulad sa inyo…
heheh!!
Idol ku rin po kasi si Bob Ong!!
nauso kasi un sa school namin nung 2nd yr. highschool aku……..
hahah!!!
sana pag 3rd yr. highschool ku… meron ulit!
Good Job!!
totoo.! haha.!!
nakakatawa kasi super totoo ung mga sinabi mo kapatid.!!
minsan pareho din tayo ng naiisip kaya natutuwa akong magbasa.un nga siguro ung sinasabi mong “nakakarelate”.
gusto ko ung part na ung ibang libro o ibang mga sulatin, sa sobrang haba eh parang sinasabi n nga nila na sila lng matalino at sila lng ang marunong umintidi.hakhak.!!
mahilig poh akong magsulat ng poems, kaya lng problema ko ang vocabulary ko… wala nga atang kalalim lalim, one time tinry kong magsulat ng malalim with the help of dictionary ofcorz, kaso wala nmng nakaarok.! grabe.! nakakadisappoint.!!letcheng pagsusulat.! ang saya pero ang hirap.!
tyaga lang po..mgaling nman po kau magsulat nakaktuwa nakaklibang pa … ,nga ppo pla totoo po iyon pagmaynakita kang maganda sa isang tao na nagustuhan mu,maari maiiaaply mo sa sarili mu..naranasan ko ndin pon yan e ,pero wla nman masama manggaya kung maganda nman ang gagayahin at hindi lahat gagayahin kc lhat nman tau my kaya knyang best sa sarili…dba po?
HAYLAVET!:]] BAGONG BISITA.:]] PWEYDING ILAGAY KITA SA BLOGROLL?? NAMAN!!! CONTINUE TO EXPRESS KAPATID.:]]]]]]]]]] NAKIKI-KAPATID NA REN EEE.
gusto ko rin magsulat ng sarili kong libro. minsan kapag nakakabasa ako ng novel na maganda magsisimula na ako mag imagine ng storya. kaso kapag itatayp ko na sa computer parang nalulusaw ang utak ko, pano kasi di ko alam kun pano ummpisahan. di ko nga alam kun pano ba bumuo ng isang istorya. sa pagkakaalam ko inaaral pa ang pagsusulat. naku naman aral na naman eh wala na nga ako makain dahil wala pa rin trabaho tapos magaaral pa ulit.
grabe… bro or sis? ang galing mo bilib ako. pedi ka na magsulat ng sarili mong libro. konting lawak na lang ng imahinasyon maabot mo na si bob ong. hehe.
magsulat ka uli ha.
waw..
haha..
sabi quh n nga b..
unang line plang..
bob ong n ang dating..
hehe..
nakatuwa..
nkakarelate aquh sa cnulat muh..
hehe…
i love da books of bob ong..
so much..
haha..
am happy n mlaman n my kyang mgsulat n gaya ng mga banat nya..
hehe..
kip da gud words..ahhhaha..work…
go..pede pa add s fs???
etuh puh oh..
bernadette_0123@yahoo.com
salamat!!!!!!
im lucky n nkpgbsa quh s isa s mga npost muh..hehe
gobless!!!
hehehe aus sa blog a
kaso gaya nga ng sabi mo, kalaban natin ang Bob Ong image
you have the potentials… don’t be afraid with comparison. wag mung hayaang maapektuhan ka ng mga bagay na magpapabagsak sau. hehe tandaan mu even shakespears starts as a copy writer… walang masama dun as long na eenjoy mu ang pag sulat^^
mabuti pa sayo eh maraming nagcocoment…hahaha…astig…simple pero pantastiko…try mo din si eros atalia at ricky lee…mahusay din mga novels ng mga un….ala lang suggestion ko lang???malay ko bang susundi mu un…ipublish ko ito sa dyaryo kapag natuloy ung blogspot na feature amen…apir!!!
hmmm ang ganda talaga ng mga sinusulat mo ngaun ko lang kasi na open ehhh pasensya na hah
hmmmm alam mo bang matagal ko ng pangarap na maging writer kaya lang sobrang busy sa school…unang basa ko palang sa mga pinoy novels story nababaduyan ako pero ng mabasa ko ang bestfriend place ung ki aira ledesma…. wow pare ang ganda kala ko nga badoy hmmm hindi pala….alam mo may mga sinusulat ako pero hindi ko pa nalagay sa blog ko baka pagtawanan lang hehehe add mo naman ako sa friendster mo kung meron ka zai_gloce@yahoo.com thankz…
bob ong??????????
statue?????
kakatuwa naman basahin 2…
…first time kong magbasa ng blog dito sa friendster, nakakaamuse naman ang tira mo sa pagsusulat, mababaw lang at direct to the point.. tama ka, di na kelangan ng sobrang lalim ng words na gagamitin, kasi most of the reader ng blog ngaun ay 14-30, kaya di na nila alam ung mga over sa lalim na tagalog, ok lang kung english, we can search it’s meaning in the dictionary, kaya we can know what it’s pointing…
…more blog…
…i’ll be your blog reader from now on..
-wahhhhhhhhhhhh wah me masabi ngayon lang me magwrite ng ganito…..jejeje xciting din nama PWeD mng Eshare mga U KnOw jeeeee….
wana me beCMe Ur Fren just Add me gwyneth_pangay@yahoo.com Seeeeeeeeeee You
KAW BA TLAGA GUMAWA NYAN???
HAHA.. gawain yan ng isang “HENYO” hehe..
cge lang…, 2loy mo lng pagssulat mo…
Malay mo.., mraming TAMAAN s mga sulat mo..
Baguhin sana NILA ang mga RETORIKA(D ko naintindihan un..,hehe)s libro…
huh!!!, hirap tlaga ng bobo…hehe
bkit nga ba, ang daming mhirap intindihin s libro?..
yan 2loy bagsak kmi ng klasmeyt ko..hehe..
bkit kya d nlang semplihan s paraang maiintindihan ko at ng sambyanang PILIPINO…
Idadag mo pa ang mga istoryang nkkahilo… hayyyy naku’ lalo ng NAGKGULO ang BAYAN ko..
CGE pagbutihin mo pra nman mapuna ng mga GAGO!!!, hehe
hi..i really love ur blog…actually first time ko lng magbasa ng blog and naicpan kong gumawa ng blog…how nice naman ung ginawa mo..hope u can achieve ur dreams…