MARY ANN
matapang ang Nani ko. handa niyang harapin ang kahit
ano. kahit mga lalaking bastos at mga pangit
nilalabanan niya at siya ang nananalo.
masipag siya. lagi siyang naglalaba at naglilinis ng
bahay. parang ngang hindi siya napapagod eh. at ang
lakas-lakas niyang kumain. nakakatuwa nga na hindi
naninigarilyo o umiinom ng alak si Nani. ang hilig niya
sa prutas at gulay.
minsan nararamdaman ko na nilalagnat-lagnat siya. pero
hindi pa rin siya humihinto sa pagtatrabaho. lahat nga
ng labahin ng kapitbahay namin, siya na ang naglalaba
para pandagdag sa panggastos.
at saka alam niyo, ang galing niya kumanta! lagi niya
nga ako kinakantahan bago kami matulog at
hinahaplos-haplos pa niya ako sa tuwing wala siyang
ginagawa.
pero alam niyo, minsan ang ingay sa labas. kasi,
inaaway pala si Nani ng isang lalaki. umiiyak lang si
Nani. kaya lang wala naman akong magawa para
ipagtanggol siya kasi maliit pa ako. pag aambaan ako
nung lalaki, pinoprotektahan agad ako ni NAni. alam ko
nasasaktan siya pero mahal kasi ako ni Nani kaya
sinasangga niya yung kamay ng lalaki. susuntukin yata
ako! ayaw ni Nani na nasasaktan ako.
biglang tatahimik at wala na yung lalaki. si Nani
naman, parang nanghihina pero nililigpit niya ang lahat
ng gamit na kinalat nung lalaki sa bahay namin. tapos,
parang may kaunting ingay uli kasi pinag-uusapan si
Nani ng lahat ng tao. tapos, tatahimik uli kasi sinara
na ni Nani ang pinto.
alam niyo, nung lumalaki na ako, napansin ko na parang
may iniinom si Nani na hindi masarap. ayoko na iniinom
ni Nani yun kasi parang nalalasahan ko rin. ewan ko ba.
pero halos araw-araw meron siya nun. hindi ko nga alam
kung ano yun eh.
ang payat-payat na nga ni Nani. saka parang ayaw niya
na kumain. alam ko gutom na siya. hindi na masyado kumakain si Nani. saka hindi na
rin siya masyado naglilinis ng bahay. parang nagbago na
nga siya. pero alam ko mahal ako ni NAni.
pero isang araw, hindi ko alam kung anong nangyayari.
nag-uusap sila nung isang babae. parang sa boses pa
lang nung babaeng kausap ni Nani, parang may gagawin
siyang kahina-hinala. ako naman sobrang hilo na ako
para pa makinig sa kanilang dalawa.
pero maya-maya pa, parang tulog na si Nani. ako,
pinipilit kong magising kasi binabantayan ko siya. Kaya
lang, parang hindi ko maintindihan kung ano itong
parang dumadagan sa akin. nahihirapan akong huminga.
hindi tumitigil yung nandadagan na iyon. nanghihina na
ako pero kailangan ko bantayan si Nani eh. ewan ko ba?
para bang tinutulak ako palabas.
hindi ko na alam ang gagawin ko. at nang masilayan ko
ang liwanag, nakita ko si Nani. ang ganda-ganda pala
niya. inihiga nila ako sa tiyan ni NAni at tuwang-tuwa
ako dahil makikita ko na rin sa wakas kung sino yung
nang-aaway lagi kay Nani. ako naman ang aaway sa kanya
pag-alis ko sa lugar na ito! at nakita ko rin ang
kausap ni Nani na babae. naka-puti.
hindi ko alam kung bakit tulog pa rin si Nani. pero
ako, pinaliguan na ako ng isa pang babae na nakaputi
rin. at binalutan ako ng kumot para hindi ako lamigin.
mas maliwanag pala kung nasa labas na ako. bigla ba
naman na may nanusok ng karayom sa talampakan ko at
itinatak sa papel. basta, ang dami-dami nilang ginawa
sa akin pero maginhawa na ang pakiramdam ko.
ipinasok ako ng isa pang babae na nakaputi sa isang
kuwarto na mainit. nakita ko na madami ding mga katulad
ko na nilagay din sa iba pang kuwarto na mainit. pero
bakit ganun yung itsura nila? sila, dalawa ang paa
nila? ako isa lang. saka ung isa ang taba niya, bakit
ako ang payat ko? saka kulubot yung balat ko, sila
hindi.
andami kong buhok sa katawan, sila meron din pero konti
lang. siguro kasi ako pinakamaganda sa kanila! kasi ako
yung naiiba!
ilang araw na rin akong nandito sa mainit na kuwarto na
ito. pero yung ibang kasama ko, wala na. siguro, gising
na yung mga Nani nila. baka si Nani ko tulog pa.
pero ilang sandali, ayan! nakita ko na si Nani.
tumingin siya sa akin at ako rin, kahit medyo malabo,
alam ko si Nani ko yon! siguro kukunin niya na ako at
iuuwi sa bahay namin. hindi ako iiyak dapat! dapat
masaya ako.
nagpanggap akong tulog para kargahin ako ni Nani. at
ayun, kinarga niya ako. alam ko, si Nani talaga iyon
kasi nabobosesan ko siya. saka naaamoy ko si NAni. alam
ko talaga siya yun.
Naramdaman ko na may tumulo sa pisngi ko. umiiyak ba ang
Nani ko? madami siyang sinasabi sa akin habang karga
niya ako pero ito lang yung naintindihan ko:
“Mary Ann”
Mary Ann? yun ba ang tawag ng Nani sa akin? maganda.
gusto ko ang tawag sa akin ni Nani. Mary Ann. ang
ganda-ganda talaga!
At maya-maya pa, binalik niya uli ako sa kuwartong
mainit. bakit kaya inihiga uli ako ni Nani dito?.
tinawag ko si Nani. pero para siyang walang naririnig.
sigaw ako nang sigaw. umiiyak ako kasi gusto ko siya
makasama. gusto ko siya lang kakarga sa akin.
sa kaiiyak ko, may kumuha na rin sa akin. at pinatahan
ako. sinara na niya ang kuwartong mainit at dinala ako
sa ibang lugar. teka, hindi ko ito kilala. pero may
nakita ako sa damit niya. hindi ko alam kung anong basa
pero may ganito:
SOCIAL WORKER
ano kaya yun?
siguro, dadalhin niya ako kay Nani. ay hindi, hindi
naman ako ibibigay ni Nani sa kanya eh. siguro itong
tao na ito ang mag-aalaga muna sa akin habang wala pa
si Nani, siguro magkaibigan sila… siguro kasi
lalabhan pa ni Nani yung mga damit ng kapitbahay, o
kaya ipamamalita niya sa kapitbahay na nandito na ako. o baka hinahandaan ako ni Nani ng mainit na kuwarto sa bahay namin! nasasabik na ako.
alam ko na!
hihintayin ko na lang si Nani. siguro may malaki siyang
sorpresa sa akin!
sana bumalik siya. promise magpapakabait ako at hindi
ako iiyak. hindi rin ako magpapabili para lagi niya
akong sasama kahit saan siya magpunta.
mahal ko ang Nani ko.
- Mary Ann
—————————————————————-














wow..galing!! idol tlga kta..haha!! astig mga blog mo..
ako una ngcomment..haha! very inspiring ung blog mo ah..galing..parang totoo..hehe..sna mgkaron k ng fans day!haha..tc..and godbless!!
hay…klungkot nmn ng buhay ni mary ann xka ni nani……anyway,congratz!!!!isa n nmng magandang kwento ang ngawa mo….gwa kpa uli s su2nod h…lgi ko kc inaabangan ang blog mo…..s wakas png 2nd n aq s ngComment sau…..uo nga tama c Vian,,wla kbang fans day?????basta wlang entrance fee susubukan qng pumunta….magpublished kna rin ng books…ito ang sure BIBILI AKO!!!!!!!god bless & more power s blog & mind mo……
kakabitin mag kikita paba sila ni nani?
saka ano na ngyari kay mary ann?
sana nga may fans day ka.
dala tyo madami pagkain para masaya fansday mo
hi… hindi ko rin alam kung ano nangyari eh.. hahah! lumabas lang bigla yan.
natatawa ako, may nag-message sakin…
“ate, anak niyo po ba si MARY ANN?”
HINDI KO ANAK SI MARY ANN…
boypren nga wala ako, anak pa? saan ko kukunin un.
kaloka kayo.
hehe.! nalost ako…
parang teka, anu na ba ung mangyayari?
tumulo lang laway ko at wala akong natagpuang kasagutan.!
isang krimen ang ginawa mo pulis.. binitin mo lahat ng mambabasa.!!! hehe.!!!
kung dun na nga un natapos… awts.!! parang nakakaiyak nmn yan.! bakit iniwan na nya c mary ann.?? wag ganun.!!!
wala… di talaga ako pwedeng pang-drama. hahahah!!! hilaw pa.
hehehehe… subukan ko gumawa ng mas maayos.
sorry naman
sorry nmn? umayos ka.!! hehe.!!
Ms.Glaiza at mga tagabasa ng JUNK DIARY:
Nais ko kayong imbitahin sa aking LIVE online 26th birthday party sa BlogTV on May 5 (May 6 sa Pinas). Libre sya at makakausap nyo ako through chatting o kaya video. Maraming mga fun activities at makikilala nyo ang mga kaibigan ko.
I-click nyo ang link na ito for more details:
http://johnny-gelato.blog.friendster.com/2009/05/01/come-to-my-online-birthday-party/
SANA MAKAPUNTA KAYO LAHAT!
– Johnny
Just in case di nyo ako kilala - ako yung naka FACE OFF ng ating napakagaling na author. ^_^
ui..
ganda nmn puh nituh..
hehe..
hbang bnabsa quh xah..
iba iba yung naiicp quh..
heheh..
yun pla yun..
haha..
haayyy..
ganda tlga..
uhmm..
nuh n puh ngyri ky mary ann??
heheh..
umwahh..
gling muh puh:))
hala. biten =.= di ka namin papatawarin! hehehe.
but three thumbs up
,^_^,
,
napaicp ako. bakit may umaaway kay nani?
kala ko tuluy maniningil.
pero naicp ko din, siguru aun ung tatay ni mary ann. na humihingi ng pang inom kay nani. eh walang mabigay si nani kaya nag wawala ung walangyang tatay. tapos, aambaan ung tiyan ni nani. kaya mapipilitan ibigay ni nani ung nasweldo nya galing sa paglalaba.
hahaha. nice job idol ^_^
**ako nga pala si
neural_noise20
;))