April, 2009

MARY ANN

matapang ang Nani ko. handa niyang harapin ang kahit

ano. kahit mga lalaking bastos at mga pangit

nilalabanan niya at siya ang nananalo.

masipag siya. lagi siyang naglalaba at naglilinis ng

bahay. parang ngang hindi siya napapagod eh. at ang

lakas-lakas niyang kumain. nakakatuwa nga na hindi

naninigarilyo o umiinom ng alak si Nani. ang hilig niya

sa prutas at gulay.

minsan nararamdaman ko na nilalagnat-lagnat siya. pero

hindi pa rin siya humihinto sa pagtatrabaho. lahat nga

ng labahin ng kapitbahay namin, siya na ang naglalaba

para pandagdag sa panggastos.

at saka alam niyo, ang galing niya kumanta! lagi niya

nga ako kinakantahan bago kami matulog at

hinahaplos-haplos pa niya ako sa tuwing wala siyang

ginagawa.

pero alam niyo, minsan ang ingay sa labas. kasi,

inaaway pala si Nani ng isang lalaki. umiiyak lang si

Nani. kaya lang wala naman akong magawa para

ipagtanggol siya kasi maliit pa ako. pag aambaan ako

nung lalaki, pinoprotektahan agad ako ni NAni. alam ko

nasasaktan siya pero mahal kasi ako ni Nani kaya

sinasangga niya yung kamay ng lalaki. susuntukin yata

ako! ayaw ni Nani na nasasaktan ako.

biglang tatahimik at wala na yung lalaki. si Nani

naman, parang nanghihina pero nililigpit niya ang lahat

ng gamit na kinalat nung lalaki sa bahay namin. tapos,

parang may kaunting ingay uli kasi pinag-uusapan si

Nani ng lahat ng tao.  tapos, tatahimik uli kasi sinara

na ni Nani ang pinto.

alam niyo, nung lumalaki na ako, napansin ko na parang

may iniinom si Nani na hindi masarap. ayoko na iniinom

ni Nani yun kasi parang nalalasahan ko rin.  ewan ko ba.

pero halos araw-araw meron siya nun. hindi ko nga alam

kung ano yun eh.

ang payat-payat na nga ni Nani. saka parang ayaw niya

na kumain. alam ko gutom na siya. hindi na masyado kumakain si Nani. saka hindi na

rin siya masyado naglilinis ng bahay. parang nagbago na

nga siya. pero alam ko mahal ako ni NAni.

pero isang araw, hindi ko alam kung anong nangyayari.

nag-uusap sila nung isang babae. parang sa boses pa

lang nung babaeng kausap ni Nani, parang may gagawin

siyang kahina-hinala. ako naman sobrang hilo na ako

para pa makinig sa kanilang dalawa.

pero maya-maya pa, parang tulog na si Nani. ako,

pinipilit kong magising kasi binabantayan ko siya. Kaya

lang, parang hindi ko maintindihan kung ano itong

parang dumadagan sa akin. nahihirapan akong huminga.

hindi tumitigil yung nandadagan na iyon. nanghihina na

ako pero kailangan ko bantayan si Nani eh. ewan ko ba?

para bang tinutulak ako palabas.

hindi ko na alam ang gagawin ko. at nang masilayan ko

ang liwanag, nakita ko si Nani. ang ganda-ganda pala

niya. inihiga nila ako sa tiyan ni NAni at tuwang-tuwa

ako dahil makikita ko na rin sa wakas kung sino yung

nang-aaway lagi kay Nani. ako naman ang aaway sa kanya

pag-alis ko sa lugar na ito! at nakita ko rin ang

kausap ni Nani na babae. naka-puti.

hindi ko alam kung bakit tulog pa rin si Nani. pero

ako, pinaliguan na ako ng isa pang babae na nakaputi

rin. at binalutan ako ng kumot para hindi ako lamigin.

mas maliwanag pala kung nasa labas na ako. bigla ba

naman na may nanusok ng karayom sa talampakan ko at

itinatak sa papel. basta, ang dami-dami nilang ginawa

sa akin pero maginhawa na ang pakiramdam ko.

ipinasok ako ng isa pang babae na nakaputi sa isang

kuwarto na mainit. nakita ko na madami ding mga katulad

ko na nilagay din sa iba pang kuwarto na mainit. pero

bakit ganun yung itsura nila? sila, dalawa ang paa

nila? ako isa lang. saka ung isa ang taba niya, bakit

ako ang payat ko? saka kulubot yung balat ko, sila

hindi.
andami kong buhok sa katawan, sila meron din pero konti

lang. siguro kasi ako pinakamaganda sa kanila! kasi ako

yung naiiba!

ilang araw na rin akong nandito sa mainit na kuwarto na

ito. pero yung ibang kasama ko, wala na. siguro, gising

na yung mga Nani nila. baka si Nani ko tulog pa.

pero ilang sandali, ayan! nakita ko na si Nani.

tumingin siya sa akin at ako rin, kahit medyo malabo,

alam ko si Nani ko yon! siguro kukunin niya na ako at

iuuwi sa bahay namin. hindi ako iiyak dapat! dapat

masaya ako.

nagpanggap akong tulog para kargahin ako ni Nani. at

ayun, kinarga niya ako. alam ko, si Nani talaga iyon

kasi nabobosesan ko siya. saka naaamoy ko si NAni. alam

ko talaga siya yun.

Naramdaman ko na may tumulo sa pisngi ko. umiiyak ba ang

Nani ko? madami siyang sinasabi sa akin habang karga

niya ako pero ito lang yung naintindihan ko:

“Mary Ann”

Mary Ann? yun ba ang tawag ng Nani sa akin? maganda.

gusto ko ang tawag sa akin ni Nani. Mary Ann. ang

ganda-ganda talaga!

At maya-maya pa, binalik niya uli ako sa kuwartong

mainit. bakit kaya inihiga uli ako ni Nani dito?.

tinawag ko si Nani. pero para siyang walang naririnig.

sigaw ako nang sigaw. umiiyak ako kasi gusto ko siya

makasama. gusto ko siya lang kakarga sa akin.

sa kaiiyak ko, may kumuha na rin sa akin. at pinatahan

ako. sinara na niya ang kuwartong mainit at dinala ako

sa ibang lugar. teka, hindi ko ito kilala. pero may

nakita ako sa damit niya. hindi ko alam kung anong basa

pero may ganito:

SOCIAL WORKER

ano kaya yun?

siguro, dadalhin niya ako kay Nani. ay hindi, hindi

naman ako ibibigay ni Nani sa kanya eh. siguro itong

tao na ito ang mag-aalaga muna sa akin habang wala pa

si Nani, siguro magkaibigan sila… siguro kasi

lalabhan pa ni Nani yung mga damit ng kapitbahay, o

kaya ipamamalita niya sa kapitbahay na nandito na ako. o baka hinahandaan ako ni Nani ng mainit na kuwarto sa bahay namin! nasasabik na ako.

alam ko na!

hihintayin ko na lang si Nani. siguro may malaki siyang

sorpresa sa akin!

sana bumalik siya. promise magpapakabait ako at hindi

ako iiyak. hindi rin ako magpapabili para lagi niya

akong sasama kahit saan siya magpunta.

mahal ko ang Nani ko.

- Mary Ann

—————————————————————-

SULAT MODE

Gusto ko maging writer. Dalawang beses ko na iyang

naisulat dito sa blog ko. Inulan nga ng comments eh.

Nakakatuwang ang daming tao na nagbasa noon tapos

binigyan ako ng payo, mga references na babasahin, mga

style daw nila na patok… at kung ano-ano pa.

HIndi ako palabasa ng libro pero may nabasa ko na ang

mga sumusunod:

1. mga mega-Medical-Surgical Books na sapilitang

pinapabasa sa amin ng mga professor namin (mga super

kapal at super mahal na libro namin nung college)

2. mga librong nauso; gaya ng Da Vinci COde (gustong

makigaya sa uso kaya nanghiram at napilitan magbasa)

3. mga PInoy pocketbooks (maniwala kayo sa hindi, nabasa

ko na ang BUd Brothers, Kristine, Hellen Meriz, Man in

The Shining Leather Jacket… ang dami pa.)

4. manga (pag may pambili)

5. mga librong pambata (pag walang magawa)

6. The Book of ANswers (nakakaintriga kasi)

7. Ghost Story Books (para takutin ang sarili at para

manakot na rin)

8. See Oh See! (look, Bantay! look Bantay! there is

Baby… hahaha! natatawa ako pag naaalala ko ang librong

ito! Nabasa niyo ba yun nung malapit na kayong

mag-Kinder?)

9. lahat ng librong di tataas sa P100. (bihira makahanap

ng matinong libro na ganito ang halaga.)

10.at siyempre pa: ang mga inspirational books gaya ng

Chicken Soup for the Soul at Our Daily Bread. (sa

maniwala kayo’t sa hindi, nagbabasa ako nun.)

Madami pa. Kung iisipin natin, yung ibang tao, sa

sobrang hilig nila magbasa, pwede na silang magkaroon ng

sariling silid-aklatan.

Pero alam niyo, ang dami kong napansin sa mga nasusulat

ngayon. Iba na. Ibang-iba.

Noon, napakaseryoso ng mga babasahin. Ewan ko lang ah. O

sadya lang siguro na mababaw ang utak ko kaya nasasabi

ko na ang isang artikulo, pag walang parteng nakakatawa

o nakaklilibang ay seryoso na. o kaya pag masyadong

academic at philosophic… thanks na lang.

Pero kasi noon, halos lahat ng writer, naglalaban kung

sino ang mas magaling gumamit ng salita. mas malalim mas

magaling. mas komplikado, mas nakakabilib. mas seryoso,

mas maganda. ang daming twist. sa dami, mabubuhol ka na

at hindi mo na maintindihan.

Debate. DI mo na maarok ang gustong iparating ng author.

paano, grabeng lalim! di ka makakaahon! lulubog ka na

lang na parang nilamon ka na ng binabasa mo. parang

kulang na lang, sabihin sa iyo ng libro/artikulong

binabasa mo:

“Hey you, lazy bones living a very slothy life! Stop

holding my precious pages! If I know, you’re just trying

to impress yourself because you got a hold of me! Don’t

even dare read into my leaves because I am so worried

you’ll never-ever… and i mean never understand me.

Save yourself from extreme embarassment! These are my

ideas, mine and only mine!I got a plethora of rhetorics

here and you’ll be overwhelmed! i know your nose will

bleed! I’m so deep and i’ll drown you in my ocean of

higfalutin terms! die now, imbecile!”

pakiramdam ko pinagalitan ako ni INday!

iyan kasi ang dating sa akin pag sobrang lalim ng

nilalaman ng binabasa ko. parang wala akong karapatang

maintindihan ang idea nila. kaya kahit kailan hindi ako

nahilig magbasa ng Philippine Constitution o ng Code of

Ethics o Principles of Economics.pakiramdam ko lahat

pasikat. bakit ba hindi na lang simplehan? para mas

nauunawaan? ang dami-daming conjuctions, adverbs at

adjectives na hindi ko na mintindihan kung paano

naidugtong sa sentence. kahit yung mga nobelang ewan ko

na grabeng lalim ng istorya, page one pa lang tulog na

ako! parang THE ADVENTURES OF CHIKA MAGIKERA OF

ECHUSERANG PA-MINT INSIDE THE CLOSET FULL OF PINKISH

WHITE GLOW AND THE LEGEND OF THE BRUSKO PINK NA JULIS NA

PARETOKE NG FESLAK EVER NA NAGTRANSFORMERS NA MUJER!

ambot!

Ingles man o Filipino… pag malalim ayoko na.

Ngayon?

pasimplehan na. korni. berde. nagmumura. kahit bata pa

makakasakay sa trip!

ISang sikat na example si Bob Ong. POlitika,

pagkamakabayan, estudyante blues, style of writing… at

pati yata tungkol sa pag-ibig meron na rin siya!  andami

nang nakabasa ng mga sinulat niya. (college graduate na

ako nang makabasa ako ng isa sa mga libro niya. ni hindi

ko man lang nga nalaman na sa kanya pala galing ang

ABNKKBSNPLko? na laging jino-joke sa akin ng mga kalaro

ko noong elementary pa ako. napag-iwanan ako, grabe!)

pero, ang dami na nga niyang quotes na kumakalat sa

text. sikat na siyang talaga.  Ang galing niya humirit

pero may sense. Just read between the lines.

Naisip ko, hindi naman pala ganoon kakomplikado para

maging writer ka. Imagination lang ang malaking kapital

na kakailanganin mo para makagawa ka ng sarili mong

libro. Siyempre, sipag at tyaga na rin.

nang makapagsulat na ako… may arrive nga lang na

ganito:

“simple ang sinulat mo. abot ng masa. nakakatawa. may

sense. i can relate. cute. magaling.”

pero parang karamihan ng taong nagsusulat ngayon na may

ganyang klaseng timpla, Bob Ong-ish daw! pag nakakatawa,

Bob Ong na!  Pag malupit ang banat, Bob Ong na! KAsi

naman Bob ONg eh! Super sikat ka na. Minsan tuloy,

naiisip ko rin… ginagaya ba kita? (Ano kaya kung kami

naman ang mag-face off? baka ni sa kalingkingan niya

wala akong panama! )

aaminin ko, minsan din akong naging clone ni Bob ONg.

Kung mapapansin niyo sa mga una-una kong posts dito sa

blog ko, halos medyo may pagkakahawig ang mga banat ko

sa mga banat na nababasa ko sa libro niya. para tuloy

ang tingin ko sa sarili ko, ang sama ko! gaya-gaya puto

maya, pag laki buwaya! Pero sinisikap ko namang burahin

iyon. Sinisikap kong maglagay nang bagay na maghihiwalay

sa akin at sa kanya. sana nga lang kahit papaano nagawa

ko.

ang fear ko: pag may nagugustuhan akong nababasa, parang

unconsciously nagagaya ko na. Hindi ko nga rin alam kung

bakit may ganoon akong tendency. pero sana magaya ko rin

ang complexity ng utak ni JK Rowling, Lewis Carol, at ni

Dan Brown. sama mo na rin ang lupit ni Korina Sanchez at

ni Ted Failon. at haluan mo na rin ng kiliti ni POkwang,

Pooh, CHokoleit at Vice GAnda at pakihalo na rin ang

convincing powers ni Kris Aquino at Boy Abunda!

Kaya hindi ako nahilig magbasa. Nagiging katwiran ko

kasi, ayoko ng may ka-style. kung magsusulat ako, gusto

ko, sariling-akin! pero paano ka magkaka-style kung

hindi ka tumitingin sa kung anong meron sa paligid mo?

Paano mo malalaman ang masarap sa hindi masarap kung

iisang ulam lang ang kinakain mo lagi?

sabi nga ni Prof. POgi ko dati, “si Rizal ay hindi si

Rizal kung di dahil sa mga binabasa niya.”

hindi naman ako si Rizal. pero tama naman ang sabi ni

Prof Pogi ko e. hindi naman magkakaroon si Rizal ng

pilosopiya kung wala din naman siyang natututunan mula

sa pilosopiya ng iba.

pero ngayon talaga, ito na ang labanan eh:

commoners’ story: palupitan ng banat. kanya-kanyang

style ng pang-aaliw sa pagkamasa. mas simple, mas cute.

mas realistic, mas madaming magbabasa. pag Tagalog… ay

lalo na iyan! walang dudugo ang ilong. pag emo, uso! sex

try mo, gising ang reader mo from start to finish! pag

nakakatawa bebenta ka! at pag may sense na kahalo,

winner ka kapatid!

keber na sa iispluk ng iba!

sabi nga nag-e-mail sa akin: DON’T IMPRESS. EXPRESS.

CHING! .^_^. \m/

ps: binago ko ung orig na title. reserve ko na lang sa iba kong isusulat. salamat.

BLOGGERS’ FACE OFF: JOHNNY X GLAIZA

nang minsan na naglilibot ako sa mundo ng mga blog, may nakita akong isang interesanteng entry. iyon ay isang BLOGGERS’ FACE OFF. nagandahan ako sa idea kaya ginaya ko. (hindi naman masamang manggaya basta wag lang lagi. saka walang kopyahan ng sagot.)

sino si Johnny?

isa rin siyang blogger dito sa Friendster. Hindi pa ako nagba-blog noon. Pero nung makita ko yung blog niya, nag-blog na rin ako. Nakakatuwa na madami siyang readers at fans. Ginaya ko rin siya. Hahah! Pero magkaiba kami ng sinusulat.

Nag-send ako ng message sa kanya kung pwede ba akong gumawa ng sort of BLOGGERS” FACE OFF at ipi-feature ko siya. Buti naman pumayag siya.

Anyways, ito na ang SHOWDOWN (di ako makaisip ng tamang salita.)

JOHNNY:

o, ito, na-update ko na. hihi!

o, ito, na-update ko na. hihi!

GLAIZA:

mukhang tao naman for a change.

mukhang tao naman for a change.

MGA TANONG

JOHNNY the MIND

GLAIZA NEVERMIND :)

1. what is your real name?

John Erwin Bautista (kaano-ano niya si Ramon Bautista?)

Glaiza de Raya Elevado, RN (anong silbi ng pagiging RN kung di mo naman idudugtong sa pangalan mo?)

2. what country do you live in?

Toronto, Canada (Pero 100% Pinoy ako. Laking Pandacan, Manila.)

Pilipinas… (laking Pasay pero taga-QC na ngayon… nag-explain din? Heheh!)

3. gender

Obviously, MALE (Kelan ka pa nakakita ng babae na pangalan ay JOHN???)

Babae po ako. (dahil sa blog ko, madaming nag-iisip na lalaki daw ako.)

4. from where/whom did you get the idea that you want to

have your own blog?

I think ever since nung bata ako gusto ko na talagang magsulat. And nung nagkaron na ng Friendster Blog six years ago, tsaka ko na ginawa yung blog ko.

Nung makita ko yung blog niya, ginaya ko siya. Hehehe!

5. how many years have you been blogging?

Mga 6 years na rin.

Ako, since 2005. So mga 3 years and some months.

6. how many blogs do you have?

Isa lang…sa Friendster. Pero may Facebook account din ako. May mga blog postings din ako dun. “Notes” nga lang ang tawag. ^_^

Nagkaroon na ako ng 3 blog. Pero ang bibbong-bibbong blog ay yung sa friendster ko. Meron din ako sa blogspot pero di ko gaanong ma-update yun. Back up lang siya ng blog na ito. Pareho lang yung laman.Yung isa deleted na kasi nilalangaw. :)

7. describe your blog.

Sari-saring topics - from personal, mga pictures ng Japanese chika-babes, pictures ko, at kung anu-ano pa. Basta, mas mainam kung pumunta ka nalang dun.

http://johnny-gelato.blog.friendster.com

Ang blog ko ay puro tungkol lang sa akin. Diary. Junk Diary. Yun na!

8. what’s your favorite food?

Sushi (Sushmaryosep, ang sarap!)

Ispageting pababa at pataas! Hihihi! Maski anong uri ng pasta gusto ko! Yum!

9. do you have a girlfriend?

No. (I’m currently taking applicants.)

Wala akong girlfriend. Hahaha! Boyfriend lalong wala. Taking applicants daw siya? Pwede kaya akong mag-apply? Hahaha! Jokeness!

10. favorite color

Red

Black ang paborito ko talaga!

11. do you idolize any bloggers/writers? who are they?

I’ve been reading books by Robin Sharma. I’m trying to write like him.

My favorite writer is Paulo Coelho. Sa bloggers, ito, si Johnny.

12. do you love reading books? give an example.

I’m trying to catch up on my reading. I’m planning to buy Michael J. Fox’s latest book “Always Looking Up” very soon.

Hindi gaano. Pero nagbabasa ako ng Our Daily Bread saka kung ano-ano pang inspirationals.

13. do u idolize manny pacquiao?

I like him as a boxer. Don’t exactly idolize him.

Ako, idol ko si Pacquiao basta wag siyang magiging politiko. Dahil mababahiran lang ng kalokohan ang kanyang pangalan. (pero kung gusto niya talaga maging politiko, go lang siya! suportahan ko na lang.)

14. what is your favorite sport?

Basketball and boxing. I just like to watch. I’m not exactly the athletic type.

Ako? Gusto ko kahit anong sport basta nanonood lang ako.

15. what is your favorite animal?

Dogs! (WOOF WOOF! ARF ARF!)

Me din! Aso… love ko sila.

16. occupation

Gelato maker. (In short, gumagawa ako ng Italian ice cream from scratch!)

BUM. wala nang paliwanagan.

17. do u love taking pictures?

Yes…especially if mukha ko ang kinukunan! Hehe.

Yes din. Gustong-gusto ko ang hitsura ng mga ulap, nature ba? Siyempre, mukha ko rin.  (wasak na ang kalikasan!)

18. if u have a wishlist, what will be number one?

I wish I could meet the RIGHT girl for me. I’m not looking for the perfect one. Just someone I can laugh with and take care of. (Naks!)

Eh saan pa naghahanap ng babae ‘tong si Johnny. Eto na oh! Wahahahah! Ang number one sa wishlist ko, sana magkapelikula na ang magkakasama ay sila: Maricel Soriano, Sharon Cuneta, Dolphy, Manny Pacquiao, Mikey Arroyo, April Boy Regino, Lorna Tolentino, Dina Bonnevie, Vilma Santos, Nora Aunor! Sobrang star studded yan!

19. how many fans do u have?

I don’t keep count. As long as may bumubasa ng mga sinusulat ko, masaya nako. Kahit isang fan lang ok lang.

Di ko rin alam kung ilan eh. Pero pwede na rin bilangin. Yung iba ayaw nila pumayag na fan ko sila! Hahahaha!

20. what is your favorite gadget?

My video game consoles - PSP, XBOX360, PS3, Wii. (Yup, meron ako lahat. Yabang!)

Yung pirated ko na MP3 player. Saka yung family computer namin. Saka yung laptop namin.

21. who is your favorite actor/actress?

Actor - Tom Hanks (Ang galing nya!) Actress — Anne Hathaway (Ang ganda nya!)

Actor: FPJ and Robin Padilla

Actress: Vilma Santos and Sharon Cuneta

22. what are the things that make you sad?

Being forgotten. I think it’s worse than death. (Buhay ka pa, pero nakalimutan ka na. Sakit nun!)

Kapag nabo-broken hearted ako taon-taon na lang. Ni hindi ko man lang natikman, wala na agad. Nakakaiyak!

23. what do you fear the most?

Being forgotten. Kaya I want to leave my mark on this earth bago ako pumanaw. (Hopefully, magagandang ala-ala ang iiwan ko.)

Ako? Takot ako tumanda mag-isa. Walang asawa. Single for life. Ayoko yun. Kung magkakaanak ako, pwede kong kalimutan ang singleness.

24. what is you fave subject when u were in college?

English and Literature

Humanities. Ang guwapo ng prof ko dun eh. Tall, dark and handsome! Wohooo!! Kaya ako UNO!

25. what can u say abt the person who sent this to you/ about this person?

Natural-born writer. Friend. Obviously a fan of Bob Ong.

Wow naman!Oo na fan ako ni Bob Ong . Ang masasabi ko kay Johnny: Kung naghahanap ka ng right person, HINDI AKO YUN. Pero kung gusto mo, gagawan ko ng paraan! Hahahaha! Joke! Basta, Johnny, alam mo na yun.

PAHABOL QUESTIONS:

1. uso ba ang pirated cd jan sa america?

- Well nasa Canada ako. Maraming pirated DVDs din dito..lalo na sa Chinatown. (Alam na alam, halatang bumibili ng pirated..hehe.)

akala ko Canada, America! Ano ba yun?>

2. saan ang pinakamalapit na jolibee sa inyo?

- Sadly, walang Jollibee dito sa Toronto. Pero maraming mga Filipino kainan. Miss ko ng ang Pansit Palabok NG Jollibee!

Sa village namin, may Jolibee!>

3. umiinom ka ba ng yakult? ilang bote ang naiinom mo?

- Naku, 3 lang at a time. Ayokong magkaron ng People Power Revolution ang tyan ko! =S

Ako, maski isang balot nun! Nakalagay sa baso na madaming yelo!>

4. nanonood ka ba ng wowowee sa TFC?

- Wala akong TFC. Kung meron man, di ako magaaksaya ng panahon sa Wowowee.

Favorite ko wowowee eh. Pero pag ITAKTAK na,  nililipat ko.>

5. kung bibgyan mo ng scientific name ang sarili mo, ano

ito?

angpogitus kapalmukakos

ako? Homo addictus feelingera echusae>

6. sino ang bestfriend mo?

Syempre ikaw lang! ^_^ v

Hahahaa! Tikboy?>

7. kumakain ka ba ng champorado?

Oo. Lalo na pag may condensed milk.

Ako, pag madaming evap na malamig! >

8. kumakain ka ba ng tuyo?

Oo…pero di’ko sinasawsaw sa vinegar. Pag nabasa na kasi ang tuyo, di’na tuyo ang tawag dun. Gets? (At kung minsan, nilalagay ko rin ang tuyo sa champorado.)

Kumakain ako ng tuyo pag wala nang makain. Tapos partner malupet na sinangag at madaming ketchup na McDo. >

9. anong favorite mong channel?

Discovery Channel at CNN

Hero at Animax. saka AFC at Lifestyle Network>

10.anong bagay ang kahit papaano nagbago sa iyo dahil sa

blog mo?

Well, dahil sa aking munting blog, kasama narin ng iba pang factors, magkakaron ako ng sarili kong FILIPINO TALK SHOW dito sa Canada. I-add nyo ako sa Facebook or maging fan ko dito sa Friendster para makakuha kagad kayo ng mga updates.

Nga pala, pumunta kayo sa BLOGTV.COM para mapanuod nyo ako LIVE sa aking webcam show. Pwede nyo rin ako kausapin through chatting. Libre manuod!

http://www.blogtv.com/people/JohnnyTheMind

Lalo akong neging feeling maganda. Pero seryoso, kung ang mag-blog ang magiging trabaho ko, feeling ko, hindi iyon trabaho at all. Ang saya nun! At saka mas nagkaroon ako ng self confidence dahil kahit papaano, pwede ko masabi na may pumapansin sa mga ginagawa ko. UN lang po.>

——————————————————————————————————

salamat Johnny. :)