ANG KAIBIGAN KONG SEKYU

“kuya, saan po ba yung raffles?”

“ah, eto na yun.”

“pwede bang pumasok?”

“hindi.”

“bakit?”

“exit ito eh. dun ka sa entrance pumasok.”

“ay sorry… eh kuya, may asawa na ba kayo?”

“wala pa. bakit?”

“wala lang po. tanong lang.”

“eh ikaw may boypren ka na?”

“wala po.”

“bakit?”

“eh wala eh.”

“bakit nga?”

“eh bakit po kayo tanong nang tanong?”

“eh ikaw nagsimula eh.”

“ah ganun ba? hahahhah!”

“hahahahha!”

“kuya, pwede ko ba kayo i-blog?”

“blog? ano yun?”

“blog po. yung sa computer. ibibida ko kayo dun. sisikat

kayo. parang moymoy palaboy.”

“hindi naman ako palaboy eh. security guard ako.”
“(kuya naman eh… gusto ko kaltukan) magsusulat ako ng

tungkol sa iyo, parang showbiz.

“ano naman isusulat mo?”

“yung tungkol sa trabaho mo. wag ka mag-alala, di ko naman isusulat ang buong angkan mo, ikaw lang.”

“ah… maganda yan miss. ganito kasi yun… (at

nagkuwento na si Kuya. akala mo sasali sa Willie of Fortune.)”

——————————————————–

ayun… late na ako sa job interview ko.

——————————————————–
BUHAY SEKYU

nandito ako nakatayo
sa tabi ng pinto
sa dulo ng overpass, sa mall, palengke, sanlaan
minsan sa bangko, eskuwela o kaya pati sa harap ng gate niyo

napakaputi ng aking uniporme
makintab din ang aking sapatos
kumikinang ang aking tsapa (sama mo pa yung gloves na parang Michael Jackson)
sa malupit kong piston pwede ko hiwain kahit ano

maalinsangan ma’t babad sa araw
dapat smile pa rin and everything
malamig man at maulan
kailangan pagharap sa iyo parang presko pa rin

nalipasan na ng gutom
dahil hindi ako makaalis sa pwesto ko
kung mayroon mang sisigaw ng “Tulong!”
ako dapat ang unang sasaklolo

hindi naman ako perpekto
minsan sa sobrang bilis nila bumibigay rin ako
hinablot niyang kalupi
pilit kong ililigtas, kahit kalas na ang aking sintas

hindi mo alam kung saan ka pupunta
sa akin ka magtanong
akala mo ba alam ko?
bago lang ako dito

gabi man o araw
bawal magdahilan
hindi pwedeng mahuli
kung ako ang mauuna, Aba! mas mabuti.

ako ang tagabukas ng pinto
Good Morning Ma’am, Good Morning Sir! Balik po sila
minsan taga-mop din ng sahig niyo
o kaya tagaligpit din ng kalat niyo

ang aking baril, batuta at pito
siyang sandata ko para kayo ay ipagtanggol
pero sa oras na ako’y malasing
lumabas ang matapang dito! basag ang bungo niyo!

lahat nakausap ko na
babae, lalaki, bakla, tomboy
magalang, mabait, seryoso at palabiro
pati bastos, walang modo, at siraulo

lahat na rin nakita ko na
maganda, bagets, sexy at not so…
may feeling, isnab at suplada
pero ang bottomline: basta ako guwapo!

lahat na rin ng pangalan naangkin ko na
Bossing, Totoy, Manong, Tsip…
pero ang hit na hit
KUYA. hindi ko naman kayo kapatid.

napapagalitan, napagbubuntunan ng inis
napagti-tripan, nagu-goodtime din paminsan-minsan
pero ang da best sa lahat
kahit papaano, kinatatakutan!

pasensya na kung minsan ako’y walang kibo
o kaya naman minsan wala sa sarili
hindi naman ako suplado
baka lang di kita napansin.

akala mo lang tulog ako
hindi no?
kumukurap lang ako
sarii kong version: matagal.

ako humihiga?
saan?
naka-slouch lang ako
para cool ang dating ni idol.

humihilik?
sino? ako?
may mantra lang ako
pantaboy ng masamang ispirito.

ahahhahah! si Kuya. may nalalaman pang mantra.

ALAMIN ANG KASINGKAHULUGAN NG MGA SUMUSUNOD:

1. kalupi
2. piston
3. sino ang tinutukoy na “nila” ikalimang saknong?
4. mantra
5. slouch. ano yun?



18 Comments so far

  1.   christine-remulta on March 29th, 2009

    hahaha..kktuwa nmn yang tula mo pra sa mga sekyu..

    mei kaunting sagot din aq sa alamin ang kasingkahulugan mo..

    1. kalupi- pitaka, lalagyan ba ng pera ganyan yata..
    2. piston- di q alam ano yan eh..hehe
    3. sino ang tinutukoy na “nila” ikalimang saknong?- mga magnanakaw yata..haha
    4. mantra-dasal, yung parang chant kumbaga..
    5. slouch- nakabako kng nkatyo or nakaupo..ewan q kng “nakabako” b yung twag sa tglaog..bisaya kz aq ateh eh..hehe

  2.   PULIS PANGKALAWAKAN on March 29th, 2009

    score mo: 4/5. may answer key ako jan. hahaha!

  3.   animaniaczlcc on March 29th, 2009

    ay ewan. . .bisaya ko ‘teh. . .hehehe. . .pero galing nang tula mo. . .i liked it. . .

  4.   venj on March 29th, 2009

    kalupi lang alam ko.. nabasa ko ksi ung story entitled “ang kalupi” wala lang.. share ko lang…hehe… nice poem=)

  5.   thenextobama on March 30th, 2009

    kakatawa ka

  6.   arol05 on March 30th, 2009

    piston, baril. di ba?

  7.   abpayongayong on March 31st, 2009

    1. kalupi-wallet
    2. piston-uril ng baril “hand gun”
    3. sino ang tinutukoy na “nila” ikalimang saknong?ang mga bad guys! nyahahha mga snatcher to be exact woot
    4. mantra-tama chant yan
    5. slouch. ano yun?postura ng katawan… yukot ayan ang tawag jan

    nakakatuwa naman po yung blog mo^^
    idol!!

  8.   chreksassy on April 3rd, 2009

    ehehe…
    galing mu talaga..
    nakakatawa ..hit na naman blog mo ate..

  9.   jhazmin on April 6th, 2009

    ._.gAlInG mUh…

  10.   rochellline21 on April 7th, 2009

    galing..
    nakakaaliw..
    kalupi?..pitaka alam ko..hahaha..
    nice job!…

  11.   kssennheiser on April 8th, 2009

    galing mo pow!
    ako simula palang blog.. ala ako maicp sa
    blog ko..haha. pero ikaw ang lupet mo!

  12.   freakazoidimple on April 9th, 2009

    Alam ko yong slouch pero di ko kayang ipaliwanag.. Hahaha!!!

    Naalala ko tuloy yong guard sa trabaho ko, babae sya. Pag tinatarayan, nagtataray din. Pag inuuto, papauto din. Wahahaha!

  13.   princess on April 10th, 2009

    ganda naman ng blog nyo…
    nakakatuwa… hahaha..
    sana gagawa pah kayo ng mas magandang blog.. hehe…
    ang luffet mo tol… hehe…….
    sana makagawa rin ako ng ganyang ka gandang blog… hehe…..

  14.   jessireedevera on April 10th, 2009

    lupet ng blog mo miss gLaiza..
    actually accident lang ang pagkakabasa ko sa blog mo.. featured kasi lagi.. kaya ayun.. tiningnan ko na, tinitigan at binasa in between the lines (naks)
    talagang ang ganda ng blog mo..
    tc..
    np. like a rose by a1..

  15.   psych_liza on April 22nd, 2009

    ung kahulugan d ko na ienumerate nhulaan n nla eh.haha naka2tuwa nman ung intro. pulos kalokohan… gnyan nman tlga pnoy db?>xadong pilosopo hehe…tnx sa blog mo. i enjoyed reading it! haha nice one!

  16.   appleshmear on April 24th, 2009

    HAHAHAHAHHAA!! ANG KULEET!!!

  17.   fragileliketeacups on April 26th, 2009

    ..kakatuwa..^^

  18.   kean on April 29th, 2009

    Nakakatawa!! Kullet ni manong kuya tsip!
    cute ng blog mo te!

Leave a Reply