CASE NO. 032009: ANG ALAMAT NG SHONGA

“Naku, mag-iingat ka. Wala nang pinipili ang mga

masasamang tao ngayon. Lahat tinatalo nila. Teka. Ayusin

mo nga yang suot mo?”

“Okay lang ako. Maigi na yan, mukha lang akong basura.

Para hindi halatang may pera.”

Yan. yan ang lagi kong dahilan sa tuwing aalis ako na

may dalang pera. di ako nag-aayos. di ako

maporma. atlis, mukha akong pobre. di na pagtitiisan ng

mga magnanakaw na nagkalat sa paligid.

hindi rin naman ako vindicated. nadudukutan din ako,

muntik ma-holdap. mga ganun. nananakawan din ako. pero

matagal na yun. hindi ko akalain na mauulit kagabi.

“dude, may pambayad na ako sa t-shirt. nu oras ba tau

magkita?”

“7.30 PM”

“cgecge. may niluluto rin kasi ako e.”

at yun. yun na ang huling mensahe na nai-type ko sa

cellfone ko.

ay hindi pala. meron pa.

——————————————————–

halos alas-syete na akong nakaalis ng bahay. napakagaan

ng pakiramdam ko dahil 2 linggo na rin akong hindi

lumalabas ng bahay. natutuwa ako at sa wakas makikita ko

uli ang mga dati kong kasamahan sa trabaho. babayaran ko

na rin kasi yung t-shirt na in-order ko noon.

binigyan ako ng kuya ko ng pera para mabayaran ko na.

walang bulsa ang suot kong damit. kaya lahat hawak ko.
sa loob ng wallet ko na madaming bulsa, naroon yung

cellfone ko (na kalo-load ko lang at napaglumaan na ng

panahon),

panyo ko (na hindi naman talaga akin),

ATM card ko (na negative balance na),

NBI Card ko ( na may picture ko na mukha akong black and

white na criminal),

cologne ko (na Lewis and Pearl),

pera ko (mga P1200 rin yun),

mga resibo (maski ung pinambili ko lang sa 7-11),
pictures ng kaibigan ko nung college (mas mahalaga pa

yun sa kahit ano),

at ang malupit: ANG LISENSYA KO BILANG NARS (na malapit

na nga ma-expire)

masaya akong lumabas ng bahay. at naglakad. hindi ako

nagtitipid sa pamasahe. feel ko lang maglakad. parang

yung nirereklamo kong napakalayo ay nagmukhang malapit

lang dahil masaya ako. ewan ko.

habang nasa daan, may nakita akong tindahan. nagpaload

ako. pakayari, hindi ko na-confirm kung pumasok ba

talaga yung load sa cellfone number ko. hindi pa rin

nagte-text yung dati kong katrabaho kung nasaan na siya

dahil magkikita nga kami.

lakad.lakad. lakad. bakit ba naisipan ko maglakad? pwede

naman mag-taxi? o mag-tricycle? o mag-padyak?

di ko rin alam e. (tonta, estupida, idiota, tanga, gaga,

loka-loka, unggoy, boba, engot, shonga-ers… lahat ng

synonyms niyan pakipasok na dito.)

lakad. lakad. lakad uli.

nandun na ako sa mataong parte ng Commonwealth. sa Ever

ba? Ewan ko naisipan ko na mag-text. lumandi. written

flirtation. leche! pakingsyet! sa palagay ko, dun na

nagsimula ang BLACK PROPAGANDA ng isang BATA BATUTA na

balak ako sundan.

hindi pa rin ako tumigil. hanggang makarating sa isang

medyo madilim nang bahagi. konti ang tao. tumigil na ako

sa pagte-text at itinago ko na ang cellphone ko sa

wallet ko.

BUZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZ………!

nanigas ako for 10 seconds. gulat na gulat ako. naging

tahimik ang paligid ko. wari bang kahit ingay ng mga

rumaragasang sasakyan sa highway wala na akong

naririnig.

ayan na eh. malapit na ako sa pupuntahan ko. anong

nangyari?

ang natira sa kamay ko? ang handle ng wallet ko. ang

pera ko, lahat… wala na. sa isang iglap, inagaw na.

nakita ko na lang ang bata. tumakbo sa gitna ng highway.

inilagan ang bawat sasakyang sumalubong sa kanya.

hanggang makatawid na siya sa kabilang parte ng highway.

hindi ko alam ang gagawin ko. natulala ako. nang may

lumapit sa akin na dalawang babae na medyo may edad na

rin.

ALE 1: “miss, nakita ko nasa malayo ka pa lang,

sinusundan ka na niya.”

ALE 2: “oo, akala ko nga kakilala mo. pero ang bilis

niya tumakbo.”

AKO: (hindi pa rin makapagsalita sa sobrang gitla ko.)

may lumapit na manong na nagtitinda ng mani.

MANONG: “nakita ko rin siya. ang bilis niya tumakbo.

namukhaan mo ba?”

lingid sa kaalaman niyong lahat na bulag ako sa dilim.

wala akong nakikita. kaya nakita ko na lang

siya na papalayo kung saan may ilaw at kahit na ang

kulay ng suot niya, hindi ko rin alam.

wala. wala na.

AKO: “ale, pwede po bang manghiram ng maski P5 tatawag

lang po ako sa amin.”

ALE 1: “naku, P50 lang ang pera ko. wala akong barya”

AKO: “ate, ikaw po?”

ALE 2: (hindi siya nagsalita. wala rin siguro siya.)

MANONG: o eto, P15, tumawag ka sa inyo. (samakatuwid, si Manong ang pinakamayaman sa lahat.)

ang totoo, hindi na ako tumawag. pumara ako ng taxi.

tuliro ako. at sa loob ng taxi nagngangangawa ako sa

sobrang kahihiyan, inis, frustration, kamalasan.

inamo naman ako ng driver. kahit wala akong pera,

hinatid niya ako sa amin. inutang ko muna sa kapatid ko

ang pambayad sa kanya.

ayun, pag-uwi ko. wala akong dala.

kinwento ko sa mga kapatid ko ang nangyari. pinagalitan

ako ng tatay ko. kinwento ko rin sa ka-chat ko.

hay.. buhay nga naman. weder-weder lang.

LESSON:

1. magsuot ng damit na may bulsa.

2. hindi porke’t mukhang basura, hindi tataluhin ng

masasamang loob. nagbabakasakali rin sila. akala ko

looks can be deceiving. hindi rin pala.

3. wag na masyadong magpakabayani. mag-jeep o sumakay na

rin lalo na kung madilim na lugar ang madadaanan. P7

lang naman ang pamasahe.

4. magbayad na agad sa utang bago mawalan ng pera.

5. wag magdala ng wallet na may handle na nakalabas

lang.

6. huwag ilagay lahat sa wallet.

7. ang cellphone kahit bulok hassle pag nawala.

8. huwag isama ang kalandian sa pupuntahan. yan ang

magdadala sa iyo sa kapahamakan.

9. hindi porke’t malapit ka sa simbahan, safe. minsan sa

labas nun naroon ang tambayan ng mga demonyo.

10. INGAT.

11. BAKIT HINDI AKO SUMIGAW? NAGPA-BLOTTER? O DI KAYA

SUBUKANG HUMABOL SA MAGNANAKAW? O KAYA HUMINGI NG

TULONG?———> hindi ko na naisip. blotter? di ko nga

siya namukhaan eh. humingi ng tulong? kanino? halos

walang tao sa nilakaran ko. humabol? wala akong pera

pampa-ospital kung susuungin ko ang highway na

tinakbuhan niya, baka sa morgue naman ang tuloy ko?

12. NARIYAN PA RIN ANG TAONG TUMUTULONG. NAGMAMALASAKIT. HINDI SILA NAWAWALA.

in short, nai-snatch na wallet ko.

CAVEMAN NA ULI AKO. walang cellfone. paano pa ako bibili

wala naman akong pambili.

ilang buwan ko titiisin ang walang text. walang

lo-load-an. walang alarm sa fone. pati mga in-apply-an

ko wala na rin. tutubuan na ako ng bigote na parang

ermitanyo. cast away. survivor Philippines season 2.

hindi ko talaga inasahan ito.

tama na.

——————————————————–

PANINGIT:

MAR 6- FRIDAY-birthday ko ito pero nang nalaman ko ang

balitang mauudlot ang aking pagpunta sa UK, ayun,

crashed ang mundo ko.

MAR 13- FRIDAY- basahin ang blog entry na sinundan nito

(I SURPASSED FEAR FACTOR BUT I FAILED.)

MAR 20- FRIDAY- ito na yung blog entry na yun.

MAR 27- FRIDAY ULI YUN- kung aalis ako ng bahay, ano na

naman ang mangyayari sa akin?

ano ba ito? coincidence lang?

sana wala itong kahulugan.

——————————————————–

PANAPOS: oo na, wala naman dapat sisihin dito kundi ako.

eh wala na. tapos na. move on na.

pero di ako makatulog. (2:06 AM na.)

SHONGA AKO. OO NA. SHONGA NA.  PERO SISIKAPIN KO NA HUWAG NA ITONG MAULIT.

SA MGA NANGHIHINGI NG NUMBER KO: 09106269116. KASO WALA NA YAN EH. SANA MAKABILI PA AKO NG BAGO.



13 Comments so far

  1.   sheenah on March 20th, 2009

    hay…naku…hamu na yun…at lis may ngayun alam mo na nag dapat at hindi dapat gawin pag asa labas ka. kasi di talaga safe dun.
    eniweys, as i have told you before…wag ka na magisip ng nega..kasi ia-attract lng din nun ang negative energies mas mabigat sa loob. masakit isipin at mahirap din tanggapin ang mga pangyayari pero shit happens to teach us a lesson. be careful na lng po next time… sana makatulog ka kahit papanu…renew mo na lisenxa mo..pero malamng pakukuhanin ka ng AFFIDAVIT OF LOSS, kaya un na lng muna gawin mo. yun lang po ang aking mase-sey…chat tau ulit bukas…
    labas ka na sa kweba mo..ganda ng life nuh… kahit ganun…ingats!!!

  2.   ria on March 21st, 2009

    “Don’t cry because it’s over. Smile because it happened.” ~ Dr. Seuss

    oks lng yan dude…that’s part of the effing life! ;)

  3.   pognang on March 21st, 2009

    ilang beses na kung muntik madukutan, sa kalse, sa jeep and mismong sa nbi…swerte lang di nakukuha…nararamdaman ko…yong isa nahuli pa, nakulong ng ilang araw, yong huli naman sa nbi nangyari, babaet lalaki magkasapakat, nong di sila nagtagumpay sabi sa kin “galing mo,” sagot ko naman “mas magaling kayo…sabay lakad ng mabilis…kung sinundan pa ako, papahuli ko sa mga pulis sa nbi…don’t worry…MAS MAGANDA ANG KAPALIT NYAN!

    Cheer up and God bless!!!

  4.   Melody on March 23rd, 2009

    magaling ka talaga sumulat….
    mapa positive o negative experience, feel na feel pa rin…

    yaan mo pag nanalo ko sa lotto, babalatuhan kita ng bagong celphone… :)

  5.   dollie on March 25th, 2009

    haha.! shonga-er ka nga. yaykz.! di bale eh medyo mild p ung niabot ng iyong kapalaran kapatid… ung vesfren qoh nga pati pangtuition nun naagaw… take note, my bulsa ung suot niang damit, my bag sya, nakasakay p xa sa trycicle.. ganun kasaklap.! walang kawala sa mga masasamang loob.! eto pa, nakasingle ung umagaw ng bag nia, hinabol pa nila, lumingon p ung hudlong at dumila.! kung di ka nga nmn magtangkang magpabarang.! shemai.! pampalubag loob lng pero masakit tlga yan. kakairita pag inisahan ka ng taong di mo nmn ginagawan ng masama.! letse.!

  6.   den122 on March 25th, 2009

    mag my nawala my kapalit… malay mo bukas makalawa my work kna dahil walan ka ng something… parenew kana license nararamdaman ko mag kakawork kna… hehehehe

  7.   joynalista on March 27th, 2009

    hehehe, kakatawa, pero may sense talaga, hidni ko pa yan na-experience pero, sana wag na lang, ngayon pa lang parang alam ko na ang saklap ng nahoholdap, hindi ko pa yata kaya yun isulat sa blog hehehe…
    anyway, nice one! bawi ka nalng sa susunod…doble ingat, pulit pangkalawakan ka pa naman hehehe…. ^_^

  8.   jeffalcantarapastera on March 29th, 2009

    kaa liw naman yugn blog moh it has sense yet it makes people realized na yung pagiging simple walnag kaakibat na kapahamakan
    galing moh magkwento punong puno ng sense yet busog sa lessons nakakainspire tuloy magsulat ng blog!!!! byt the way im jeff. i really like youre story
    tnx
    bye see yah again to youre next blog!!!

  9.   freakazoidimple on April 9th, 2009

    Gurl, kung gusto mong makaganti dun sa nagsnatch ng pouch mo, bumalik ka dun at magdala ulit ng pouch na may lamang tae. magpadisplay ka dun pero wag paobvious na nagvovolunteer kang masnatchan.

    Frustrating din un sa part ng makakakuha. Lagyan mo din ng note ung tae “PAKYU”.

  10.   jessireedevera on April 10th, 2009

    corecct p0 si ria.. part ng life p0 yan.. think positive p0.. tc always..
    np. ur guardian angel by red jumpsuit apparatus

  11.   camilleponiente on April 14th, 2009

    haYyyy… ate… ang galing mu kaMO..
    wehehehe… natatawa ako bahagya sa nasulat mo… perO infaIRneSs… f na F ung paG susuLAt..

    ^_^

  12.   psych_liza on April 22nd, 2009

    dami ko natutunan dun ah?
    naka2tuwa ka nman po. wait basahin ko pa ung ibang entry mo.hehe natuwa ako dito eh.

  13.   quitil on May 6th, 2009

    ayst..
    epal yung bata…

    yaan muh n puh..
    hwag n bati:p

Leave a Reply