JIGOKUTSUSHIN (not for the fainthearted)
sa mga mahilig sa anime, malamang alam niyo na matagal na itong tinatanong sa anime world… malamang sila ang sasagot sa tanong ko:
TOTOO BA SI ENMA AI? TOTOO BA YUNG WEBSITE NIYA? O TALAGANG CREATIVE LANG ANG NAKAISIP NG ISTORYA NUN PATI YUNG WEBSITE NIYA?
sa mga hindi pamilyar sa sinasabi ko, mayroon kasing isang anime na ang title: JIGOKU SHOUJO (HELL GIRL).
yung HELL GIRL, siya yung maghihiganti for you through a website. once na makapunta ka sa site na yun, hihingiin niya yung name ng taong gusto mo ipadala sa hell. then, after mo ma-send yung name nung tao, maga-appear si HELL GIRL sa iyo at bibigyan ka ng straw doll. mayroon siyang red string na nakatali doon. sa oras na hilain mo yun, ibig sabihin gusto mo ituloy ang paghihiganti mo.
pero may isang kondisyon yun. sa oras na pumayag ka na ipadala sa hell yung tao na yun, ibig sabihin pumapayag ka rin na sa oras na mamatay ka, AUTOMATIC sa hell na rin ang tuloy mo.
sabi nga ng HELL GIRL: WHEN ONE SOUL IS CURSED TWO GRAVES ARE DUG.
nag-google ako ng website na katulad na katulad ng nakikita ko sa palabas na iyon. sabi nila, kailangan para maging effective, exactly 12:00 AM ka dapat magpunta sa website na yun.
gusto ko subukan kahit late na pero natatakot ako. pero kahit takot ako, go pa rin. hindi ko lang din talaga alam yung pangalan nung snatcher na yun. in-enter ko na. nilagay ko: kUNG SINO MAN YUNG SNATCHER NG WALLET KO. pero ayun, sabi I will deliver your vengeance. tapos nakarinig ako ng mga kaluskos na ewan ko at hindi na ako makatulog. parang nababaliw ako kasi naman nakakatakot e. hinanap ko sa drawer ko kung may straw doll. sa kabutihang palad wala naman. pero kung meron, itatago ko na lang yun.
pero naisip ko rin, paano nga kaya kung totoo? na yung taong nagpapahirap sa iyo ng todo at gusto mo gumanti mapupunta nga sa impyerno pero ang kapalit dun ka rin didiretso pag namatay ka?
FREAKY.
***ang sama ko. naisip ko lang bigla.














revenge is tempting kaya lang ayoko din naman i-spent ang soul ko sa hell for all eternity.
Thats kinda freaky yung ginawa mo.
Pero sabagay may kabaliwan din ako na ginawa na mejo similar jan.
Alam mo ba yung BLOODY MARY sabi kasi nila if you say the word bloody mary 13 times in front of the mirror at midnight with only a candle to iluminate your reflection bloody mary will appear.
Dun sa ika 7th time natakot na ako wala kasi hanging nun pero ang lamig saka iba na yung feeling nung kwarto ko.
so d na ako nag try
are your sure? hahahahahaha you so magaling ah….
gawa u me blogs oi!!!!!!!!!!!!!!!
whaaaaaa my ganun kaya talaga?? gusto ko malaman sagot..pero..weee takot ako..
nice one tsong.. kwento pa.. isa pa once more!!!
gusto qoh yan.! pero dudurog aqoh ng buhay sa sarili qong paraan… yoko nang tumawag ng kung sino sino sa kung saan saang website… hehe.! sana yumaman ung kumuha ng wallet mo taz sana mas maging mayaman ka. oh kwits na.? hehe.!!!
rakenrol!
sccarrrryyyy..hehe
akala ko yun yung site ng peteranswers.com
malakas ang loob kong ipost yung site kasi filing ko d naman totoo.
but my friend tried it, tlgang sinabi nya yung mga sagot. buong klase ang nakakita, isama mo na yung guro nila that time.
magtatanong ka ng qng ano ano pero may sasabihin kang petition. “Peter, please answer”
ayun, tas magtanong kana ng kahit na tagalog, tapos, mababanas ka lang sa mga walang kwenta nyang sagot.
ang sabi sakin ng nagtry,
“di ka sasagutin nyan, mabait ka eh”
ayun, sa kasamaang palad, ang dami daming beses ko ng sinubukang magtanong ng qng anu-ano , di ko padin nasagot yung tanong kong “where are you”
but one thing i noticed
habang nagfofocus ako (kasi ang sabi kaylangan ko ng FOCUS)parang lumiliit utak ko. basta may something akong nararamdaman sa ulo ko.
nung tinamad na ko kakatype , tinigil ko na. pero nahilo ako. disappointed din at the same time.
Kinilabutan naman ako!
Comment ko din sa sinundan kong comment, ung si Peter. Natry ko din un at walang kakwenta kwenta. kung magmimeet kami ni Peter, kukutusan ko talaga sya sa pang uuto nya!
=)
..how about the anime death note? have you already watched it?it kinda have the same story with Hell girl. ^^