I SURPASSED FEAR FACTOR: BUT I FAILED.
ISANG BAGSAKAN…DROP SHIPPED.
PROLOGUE:
“sabihin mo na kasi.”
“ayoko.”
“bakit?”
“natatakot ako.”
“wag ka matakot. atlis alam mo kung ano kayo di ba?”
“eh natatakot nga ako.”
“ay naku girl, ewan ko sayo. text mo na lang ako pag may
nangyari na.”
“oo. cge, bye.”
——————————————————–
BABALA NO 1: mahaba ito. kumuha ng 2 basong tubig at
isang serving ng halo-halo. baka ma-heat stroke kayo.
isama na ang barkada. pagsaluhan natin ang aking
pagkabigo.
——————————————————–
BABALA NO. 2: ito ang eksaktong sulat na ipinadala ko sa
kanya. (ay hindi pala, in-edit ko ung iba.) basahing
mabuti at sumigaw ng DARNA kung matagumpay na natapos
ang aking kwento. wag masyado malakas. baka pagtinginan
ka sa PC-han at pagka-kuwentuhan ka pag-uwi ng mga
nagdo-dota…
——————————————————–
intro: naghanda ako ng scratch paper para dito. parang
sulating pormal. uminom din ako ng cobra at energo para
makaipon ako ng lakas na maisulat to. sama mo na rin ang
1.5 na extra joss. kumain din ako ng candy dahil
panigurado, ubos ang sugar sa utak ko.
anyways, ito na ang FEAR FACTOR moment ko.
DEAR KYEME.. (lagyan ng instrumental na inyong nais.)
alam mo, i’m just grateful that you came. wag ka
mag-alala, hindi ito love letter.
i dont know what’s in you na i like. kaya nga di ko
malaman kung ano gusto ko sayu. (tinagalog ko lang yata.
hahah!) ang totoo kasi di ko alam kung saan ako
magsisimula.
first thing, im so sorry. there were these times na i
misunderstood you. (WAG KA MAG-ALALA, DI PA KO
MAMAMATAY…) ewan ko. there were these times na
sinisira kita sa isip ko kasi may nararamdaman akong
madilim… kasi di ko mapaliwanag. (hahah! natatawa ako
sa sarili ko habang sinusulat ko to.)
sa blog ko, ung sinulat ko abt Baguio, totoo un. ung
tula-tulaan kong iskempertush na hit na hit sa readers
ko, totoo din un. ung ayaw sayo nila kuya, kasi
naririnig nila na minsan sumisigaw ako na binababaan mo
ako ng fone. nakita pa ng nanay ko ung text mo dun sa
N73 niya nung bago tayo pumunta ng Baguio. na nag-aaway
tau at nagre-resonate ung boses mo nun sa fone na
sumisigaw ka. alam mo naman ung nanay ko, PARA SA KANYA,
walang taong pwedeng manigaw sa akin, sya lang! hahaha!
masaya ako pag kasama kita. sana ikaw masaya din pag
kasama mo ko. pero alam mo kasi, hindi ko rin alam ang
definition ng sweet. ganun ka ba? kasi alam mo feeling
ko special child ako pag kasama kita. wala kasing
lalaking ganyan sa akin eh. yang kagaya ng treatment mo
sakin.
noon pa kasi, bago pa mabuhay ang mga dinosaurs sa
mundo, ang turing sa akin ng lalake, lalaki rin. kaya
ako, lalake talaga. eh ikaw, pag kasama kita, feeling ko
girl ako.
enumerate ko:
1. walang lalaki na nagpapauna sa akin sumakay sa
sasakyan, ikaw lang.
2. walang lalaki na nanlilibre sa akin, ikaw lang. (ay
hindi, meron pala. kuya ko.)
3. maraming lalaki na laging hinihiritan ako, lalo ka
na. at ako, nauubusan ng battlecry.
4. noon, pag may dala ako, ako pa rin magdadala maski
gaano un karami. eh ikaw, maski ung pinamili ko ng
napkin, dinala mo. (nabigla nga ako nun e. kasi akala ko
niloloko mo ko.)
5. maraming lalake ang mabango, pero ung pabango mo,
kumakapit sa balat ko. (nakutusan ako ng tatay ko
pag-uwi natin nun sa ocean park kasi naamoy din niya.
birthday na birthday ko nun nakotongan ako. walang biro.
san daw akong motel nanggaling? bakit, motel lang ba ang
pinupuntahan ko? ampness! kumusta naman kasi na
naka-angkla ako sayo?)
6. wala pang lalaking nag-aya sakin na umalis ng kaming
2 lang, pero tayo umaalis ng tayong 2 lang… saya2 ko
kaya? (feeling ko nga kinukuryente ako dati eh. ngayon
hindi na. un ba yung tinatawag nilang date? hindi ko
kase alam )
7. nalilimutan ko ang problema ko pag kasama kita.
(totoo to. maski pa umiiyak na ko, napapahinto mo ung
luha ko. maski lagi mong inaasar yung bilbil ko. wag mo
na kasi asarin eh. kaya dumadami.)
8. naaalala kita pag umuulan, naalala kita pag
giniginaw…naaalala kita. ilang bukas pa ba bago tayo
AY magkita. (kanta ng eheads. sembreak.)
9. NAMI-MISS NILA AKO. pero ikaw ang nami-miss ko.
10. maraming lalaking gwapo, pero ang gwapo para sakin
sa ngayon (SA NGAYON LANG NAMAN), ikaw lang (asus
ngingiti-ngiti ka jan!)
11. pinipilit ko maging babae pa kasama kita. as in. di
kasi ako feminine talaga. puro lalaki nga barkada ko eh.
sayo lang ako ganito.
hindi rin naman ako nagtatapat. eh kasi ang nagtatapat
konkreto utak. ako hindi. basta malamig ang kamay ko pag
lumalapit ka. sinasabi ko lang puyat ako. PERO EXCUSE
LANG YUN. kasi naman pag hinahawakan mo na yung kamay
ko, para akong nagiging bato.
nagsasabi lang ako ng saloobin ko sayo.
ako manliligaw sa iyo? hindi no? ilang beses na ko
nababasted sau ng di mo nalalaman. nadala na ako. at
saka di nga ako sweet eh. maarte lang ako. emotera.
echusera. ganun. parang ikaw.
nahihiwagaan kasi ako sa iyo. kung sa paraan ng
pakikitungo mo sa akin,a ganun ka sa lahat ng friends
mo? napakaswerte pala ng mga kaibigan mo. ganun kang
klaseng tao. malamang maski gustuhin mo maging single,
madami ang pipila para mag-apply sayo na maging syota
mo. ako naman ang bouncer, pang-regulate ng crowd.
malakas siguro appeal mo. ako malakas panghatak sa mga
manong strangers. hahaha!
anyways… isa lang naman ang gusto ko malaman.
magaan ba ang loob mo sa akin? di naman kailangan ng
malisya dun. un bang:
masaya ka pag kasama mo ko..
o kaya umuurong ung jebs mo pag nakikita mo ko…
o kaya pag online ako, invi ka na…
o kaya naman naalala mo ung kapatid mo sa akin…
o kaya naaalala mo ung dolphin pag nanjan na ako…
o kaya naaalala mo ung paborito mong layered cake pag
nakikita at kinukurot mo ung bilbil ko?
in short, wer do i stand?
from u, who is point A. am I in point E? ganun kalayo?
ito ung clarification na sinasabi ko. yoko naman na
umaasa. you know. kase ang ganitong klaseng frendship,
kung normal para sa iyo, sa akin mejo mahiwaga. parang
kamote. (anong kinalaman ng kamote sa friendship?)
hmmm… basta alam mo, ang pinakamahalaga sa akin, ung
friendship natin. yoko un mawala. di kita kakaririn no.
pero kung gusto mo, eh… gagawan natin ng paraan yan.
hahaha!
ang motto ko kasi: BOK, WALANG TALU-TALO (ayus!)
wahhhh!!! para akong tanga. alam mo ba na ang sulat na
to ang susunod ko sanang blog entry? pero sayang kung di
ko naman mapapabasa sayo.
Gross Speed: 53 wpm
accuracy: 87%
Net speed: 50 wpm
ganyan kabilis ang typing ko. galing no?
saka, alam mo ung nararamdaman ko para sa iyo, parang
love na hindi. para bang nagkaka-dysrhythmia (irregular
beats) ang puso ko… nabasa mo na yun sa blog ko.
kinikilig ako, oo. pero hanggang dun lang eh. minsan
naiisip ko may what ifs… pero pag naiisip ko, yakkk…
abunado ka pa ng singko.
alam mo ba, nung nasa Baguio tayo, naramdaman ko nun na
may sasabihin ka sakin. na nung kinarir mo si churvah.
na nagcrash naman… dude, tagos sa spinal cord ko. kasi
nun crush kita. akala ko nung nasa Baguio tayo,
pagkakataon ko na, hindi pala. pero ngayon, crush pa rin
naman kita. di naman mawawala yan eh.
ikaw kasi eh.. nung training one minsan nakikita kita
nakatingin ka sa akin. nung training 2 naman,
nangingindat ka. ako? one shot dead. uto-uto. alam mo
un. pero matagal na yun. alam mo naman pag ako
tinitingnan, feeling ko my something na yun. sorry for
the misinterpretation. baka naman lahat ng kaibigan mo,
kinikindatan mo. o kaya tinititigan mo. ako lang tong
parang gago.
ako selosa? oo naman. nagseselos ako sa lahat ng babae
na dumidikit sa iyo. lahat ng babae na kasama mo sa
picture. pati nga sarili ko pinagseselosan ko, sabi ko
na lang: ay, ako pala yan! hahah!
dude, kung makikita mo lang yung mukha ko habang
sinusulat ko to… malamang matae ka kakatawa. hahaha!
basta, ang bottomline dude ito:
THANKFUL AKO KAY GOD NA BINIGYAN NIYA AKO NG CHANCE NA
MARAMDAMAN NA MAY TAONG NAGPAPAHALAGA SA AKIN. NA MAY
TAONG MAY CARE para sa kin. BINIGYAN NIYA AKO NG CHANCE
NA MAKARANAS NA MAY LALAKI NA NAGTITIYAGA SA AKIN,
SUMASAMA SA AKIN, NAKIKIPAGKUWENTUHAN NG KAHIT NA ANO,
BINOBOLA AKO, NACHACHANSINGAN KO PAMINSAN-MINSAN…
HAHAHAH! SANA WAG KA MAGSASAWA LALO NA MAGPATSANSING
SAKIN. HAHAH! PAG MAY ASAWA KA NA OR GIRLFRIEND, TITIGIL
NAMAN AKO XEMPRE. HAHAHA! JUST LET ME KNOW. AKALA KO
HABAMBUHAY NA AKO MAMUMUHAY SA BATCAVE. PERO HINDI.
FEELING KO NGA MAGALING KA SA PUZZLE EH. KASI MAKAUSAP
LANG KITA O KAYA MAKITA KINIKOMPLETO MO NA YUNG ARAW KO.
IM JUST SO GRATEFUL PARE. UNG KISS KO SA CHEEK MO, DI KO
KASI MA-UTTER ANG THANK YOU. nakalimutan ko ung
kamalasan ko nung bday ko dahil sa iyo. (at dahil din sa
bestfriend ko.)
KAYA PAG HINALIKAN KITA SA CHEEK, UN UNG THANK U. 2TAL,
PANG FRIENDS NAMAN UN NA KISS NO. saka yun lang naman
ang kaya ko nakawin sayu. kiss. hahha!
KAYA… ANG MASASABI KO… THANK YOU… THANK YOU….
THANK YOU…
I WONT PROMISE ANYTHING BUT I’LL ALWAYS BE A GOOD FRIEND
TO YOU.
(ending: ilagay ang IN THE AYER bilang ending theme.)
——————————————————–
AT ilang bukas ang dumaan… hinintay ko siya…
boom! “kyeme is online.”
lahat ng pagpapalit ng status message sa aking YM ay
ginawa ko na maka-agaw atensyon lang.
pero ito na ang highlight ng kwento. (summarized na
ito.)
kyeme: (iskempertush… eklaber…)
ako: (madami muna akong pasakalye )
kyeme: (dami na siya na-ispluk)
ako: nabasa mo ba?
kyeme: OO
ako: ano naman ang masasabi mo?
kyeme: hindi ako naniniwala.
ako: bakit naman?
kyeme: hindi ko nararamdaman sayo un.
ako: ok lang
ako uli: wag ka na magpaliwanag
kyeme: galit ka
ako: hindi no? (pakyu! baka sunugin ko bahay niyo eh! hahaha! charing!)
ako uli: bakit naman ako magagalit?
at nagpatuloy pa ang aming usapan. pero isang bagay lang
ang alam ko.
HINDI SIYA NANINIWALA SA MGA SINABI KO, SA MGA SINULAT
KO. HINDI SIYA NANINIWALA SA NARARAMDAMAN KO. TAMA NA
ANG PALIWANAGAN. TAON-TAON NA LANG ITO ANG NANGYAYARI SA
AKIN. SANAY NA AKO.
—————————————————————-
hikbi. iyak. luha. charot.
at habang nasa isa akong sulok, iniisip ang pagkabigo,
naramdaman ko na sumisikip ang aking dibdib. di ako
makahinga. parang nilalamon ng maalinsangang paligid
kasabay ng nanliliit kong pagkatao ang aking isip.
wala.
at unti-unting sumakit ang aking tiyan, tagiliran, ulo,
hindi ko na alam kung ano ang masakit sa akin..
masakit ang likod ko, nandidilim ang aking paningin. lumamig ang aking pakiramdam sa kabila ng init na mayroon ang ating paligid,
bumibgat ang aking pakiramdam…may kung anong umbok na tumutubo
sa aking balikat…
kasabay ng bilog na buwan, tumingin ako sa langit.
pinipilit itanggi sa sarili ang mga bagay na nabatid..
tama… ang aking pangil, humahaba, mula commonwealth hanggang cubao… mga pakpak ko lumabas na rin… at humiwalay na ang aking
kalahating katawan, pa-lengthwise. charing! hindi ako naging halimaw! tao pa rin ako.
iinom ako ng shampoo. at titira ng katol… hahahaha!
ano ba kayo? ok lang ako.
huhuhuhuhu!
wala ito. promise.
——————————————————–
OUTRO: kung ikaw ang lalaking magbabasa nito, kung ikaw
ang pinadalhan ko ng sulat na ito, anong gagawin mo?
anong reply ang matatanggap ko sayo? 10 points.
—————————————————————-
CLOSING CURTAINS: hindi ako umiyak. halos lang. pero hindi talaga. wala eh. basted na naman tayo, mah men! pero ganun talaga. para isang bagsakan na. tutal sabi ko nga, wala naman ding taluhan na magaganap. ok lang. pramis. simpleng thank you lang sana ok na ko. di ko naman kailangan ng affirmation eh. kung ako lang ang lalaki… kaso hindi eh. change karir kaya ako? babae naman! charing lang…
—————————————————————-
PUBLIC SERVICE ANNOUNCEMENT: kung sasabihin ko kaya sa kanya na ako si FLASH BOMBA, maniniwala kaya siya?














dang-haba, mukhang semi-novel to pero hindi boring, nasa kalahati nako nito nang biglang may kinailangan akong gawin. so i’ll brb nilagyan ko na lang ng bookmark dun sa part na nag-stop ako. hahaha
sisigaw ako ng DARNA kapag na-post tong comment na to, hanep sa security impyernes
yes.! kahit panu pangalawa qoh sa nagcomment.!wala lang., can’t bliv na wala pa maxado nakakabasa ng hayup sa habang blog n2.! heck.!
teka, di qoh maimagine naibigay m ung sulat naun sa guy nayun.. nagdalawang isip ka b.? ilang beses ka nagisip bago m ibinigay sa kanya.? baka nmn nag100 na icip k.? di aqoh magtataka kung ganun.. wow.! un lng nasabi qoh eh. di aqoh nakapag Darna kasi laglag panga qoh sa story mo.. di bale, di lang naman ikaw ang nababasted sa mundo eh, aqoh nga anim na beses na ata nabasted eh kabata qoh pa. jucet.!
(ok magpapakalalake muna qoh ng isang minuto)
-hindi maniniwala.? gago ba qoh.? kapag sinabi qong di aqo naniniwala, ibig lang sabihin, may kulang, may gusto pa kong marinig, may gusto pa qong malaman. (ayzt.! opinion qoh lng un)
keep writing and updating ur blog…=’)
alam q n mskit. kht iba tyo ng sitwasyon pro pgdting s “love” pre2ho ng skit n nrrmdaman. atlist nlman mo n wala lng pla tlga s knya. kysa lumalim p on ur part. at mas msktan kp. maaring d xa lalaki pra syo pro pwede p rn nmn kyo mging friends. pro kung msmmsktan k lng, wag n. kya mo yan. kaw p! i have faith in you! naks! wag mo msyado icipin. wag mo msyado karerin. mgiging ok din lht believe me. love u glai! cheer up.
ay eto yung sequel ng “…me mga tao lang sadyang pa-fall…ilibing sila ng buhay!”…tama ba yun?…hmmmm…installment comment ko…mahaba din eh…pero di ko pa naisip yun mga karugtong…niweys…for now…eto lang muna…marunong ka ba mangkulam?…me kilala kang mga pusakal na pede bayaran?…kaya mo ba mang-rape?…naisip ko baka isa jan ang pedeng solusyon eh…joke!
eto naman natutunan ko…me manananggal pala na ang hati ng katawan nya…pa-lengthwise?…ahahhaha
eto naman tanong ko…anu barnd ng shampoo dapat inumin?…ahahhaha
haays…babalik pa ko para sa ibang koment ko…hulugan kase…parang bumbay!
meantime…eto icon ko…*palakpakan ng nakatayo*
super danda naman nito..haha…
very inspiring…hanga ako sayo….sana lang magkaroon na ng worth lahat ng ginagawa mo for himm…good luck…
^_^
ok lan yan..yaan mu dami naman jan na mas deserve ka..pag may nawala may darating din naman..mas mamahalin ka mas dserve kah at mas mapapsaya ka..gnda ng blog mu hanep..tc..godbless..gud job..more power..
eh naku, hayaan niyo na nga yan…
bata pa naman ako. may mabibighani pa sakin cguro.
kung ayaw mo na ako, leche lalong ayoko sa yo..
alam mo naman kung san ang bahay ko baka sakaling magbago ang isip mo please?
hahahah! ikakanta ko na lang to. kantatero na lang ako.
i love my blog. hahaha! sariling akin.
huhuhuhuh!
…nakkksss..nakaya mu un..grabe k ha..eklavu..dami mung chenes..hehe..nice..enjoy xa basahin…halos tumulo laway ng kasama q ngbabasa sa kakatawa..hehe…ang haba naman kc ng blog mu mare..anung oras namin natapos…5:am na..pero enjoy naman..inaantok na nga ko knina eh..pero biglang nawala nung nabasa ku blogs mu..yehheee…=)
hahaha.! sabay please.? heck.!
tamang preso ng sariling damdamin ah.!
question.. remember 2ng msg n2.?
01/27/2008
Re: who is the luckiest.?
kung ako ang tatanungin mo, sobrang napaka– mega– PLATONIC. o ako lang yung ashumera (mahilig mag-assume). pakiramdam ko may gusto xa saken,
feeling ako samakatuwid.
pero kasi iba na yung pakiramdam ko.
pero alam ko may gusto xang iba.
wala na akong pag-asa.
kawawa naman ako.
katrabaho ko xa.
===> sya prin b toh.? same lng b ung pinagusapan nting guy nun sa guy n2 ngaun.? sabi mo di bagay sau ung umaamin. haha.! di ka din nakatiis noh.!? haha.!!! so di na ikaw yan.? sv mo pag ginawa m un, di na ikaw yan. so kelan ka nagtransform.? hehe.!!!
nung march 13 lang. mga 7:35 PM. hahaha! eh wala eh. para matapos na. eh ganun talaga. ampness nga eh.
if i were you, i wouldnt do it….
i am not as brave as you…
congrats! you’re right u surpassed your fear… but you failed.. well at least you know where you stand… pag nag tagal pa, baka lubog- na lubog ka na di mo pa alam….
on the other side…
may mga guys na ayaw ng inuunahan sila…
baka naman nataranta lang etong pa-fall na guy na ito… kaya ganun ang sagot nya sa iyo, that made you feel ur “basted”.
you know Glaiz, minsan kasi nagtatanong tayo, pero yung expected natin na sagot, masyadong obvious… na iintimidate ang tao.. and yung inaasahan mo ang sinasagot sa iyo…
seems like you’re not ready for LOVE yet.. kahit na matagal mo na yang hinihintay..
chasing love is like chasing butterfly…


habang hinahabol mo, lalong lumalayo…
stand still wait patiently… sya pa mismo ang dadapo sa iyo…
sabi nga, good things come to those who wait…
keep blogging!
sabagay alam mo korek ka eh.. hahaha! ako lang intrimitida. hahah!
grabe ang haba pero ang ganda. ngayon ko lang nlmn na me manananggal pala na ang hati ng katawan e pa-lengthwise! nyahahaha sa sobrang tawa ko pti utot sumabay! (Ewwwww! yaks! nyahahaha) seriously…dami nakakaxprnce kgy ng xprnce mo. maybe he likes you too pero wag umasa. meron kasing mga guys na they will show how much they care for you pero hanggang care lang. meron din nmn na they like you pero somewht they dont know where to start ahahaha…in short… lalaking torpeng ogag ahahaha meron din nmn they show that they like you pero honestly nang-uunggoy lang ahahaha
jst be urself and remain as a nice and dear good friend to him and maybe…somehow…he might realze ur imprtance. tc nd god bless us all. rock on =)
awp, amazing!! mahaba pero hindi boring basahin,.. is this for real? my God, insensitive yung guy huh… ouch.. pero ur so brave gurl….
isa pa, there coul d be a possibility na like ka ni guy, pero para malaman ito wah mo kaya muna xza pansini? tingnan natin kung hindi hahaba ang kamay nya na papunta sayo gaya kay lastikman…
hehehehe…..
i’ve been reading your blogs, at i really like the way you write them…
wahai…halos pareho tayo ng sitwasyon ngayon..
kaso iniisip ko pa lang na gawin yung ginawa mo…
malalala naman kasi yung akin…hindi kami magkakilala….
pero nagpapansinan kami…
hai, tama bang magkwento ng lablayp…
haha…
nice one!
dahil babae ka, ipagdasal mo na lang na magbago ang ikot ng mundo:)
kung lalaki ka naman at sasabihin mo sa kin yan, di rin ako maniniwala,bakit? basahin mo maigi ang blog mo, hanggang 5 times…mapapansin mo may pag-aalinlangan din sa part mo…
o sige sister, idol kita
kasaya naman pala basahin nung blogs mo..
si KYEME guy..may sira ata sya sa utak..
hayaan mu n sya..ADIK pala sya e.. may nalalaman
pa sya na hindi nya nararamdaman..
===HINDI TAO,,HINDI HAYOP,,WALANG PAKIRAMDAM..SYA UN!!
peace!
keep blogging
bilib na ko , promise
“DARNA”
di ko nakalimutang sumigaw ng darna after kong basahin ang nobela mo.
nagawa mo kong pangitiin habang binabasa ito
^______________________^
idol na kita
Adik ba si Kyeme? Para syang adik sa bato at pati sya naging bato na.. Hahaha!
Wag ka maniwala dun, Gurl! Kinilig din un habang binabasa ung sulat mo. Believe me!
Wag kang panghihinaan ng loob, letter pa lang un.. Padalhan mo din ng flowers at chocolates, ewan lang talaga! Hehehe..
I liked your letter, Glaiz! Panalo!
hehehe..my first tym to read a blog..and i enjoyed urs..kya lng sumakit lalamunan ko s kkbasa for my brother sa sobrang haba…i tot wla ng ktpusan blog mo…
nice one..keep doing it…
kung alam niyo lang, taon-taon na lang nangyayari ito sa akin. nakakasawa na rin pero ganun talaga..
saan kaya hahantong ang lahat ng ito.
kinasal na si judai at ryan. si mar at korina nakakakilig sa wowowee. nakakainggit.
sana next year ako rin.
ayy..
ang gnda puh..
khit sad xah..
kktawa prin..
uhmm..
kkrelate ng kuntih..
kunti lng..
wehe..
tnx:))
wahayy..
ngiging habit quh n puh arw yung pgbsa ng blog nyu:))
godbless..
ang suwerte nmn nung lalaki..lol!!!!!!!!!!!malas mo lang pero sigurado darating din ung tamang lalaki for you..kaw pa..