ANG TULA NG SINUNGALING

Hindi ko man magawang paligayahin ka sa ngayon

Hiling ko sana ay iyong munting ngiti

Ngayong nalulungkot ka at walang makausap

Hayaan mo sanang ako ag magpatawa sa iyo…

…kahit hindi totoo.

Sa ngayong nag-iisa ka

At walang kaibigan

Hayaan mong samahan kita

Mula sa apat na sulok na ito…

…isipin mong naroon ako.
Sa ngayong walang nagmamahal sa iyo

At walang init sa iyong malamig na gabi

Hayaan mong kumutan kita

Halikan ka at yakapin…

…kahit wala ako.

Sa ngayong may hinahanap ka

At hindi mo iyon makita

Hayaan mong tulungan kita

…kahit wala namang nawawala.

Sa ngayon nasasakal ka

At sa mundo’y wala kang maintindihan

Lahat ng iyan ipauunawa ko sa iyo

Asahan mong lahat ito’y iyong malalaman…

…kahit kunwari lang.

Sa ngayong tumitingin ka sa malayo

At lahat naman sila’y nakatingin sa iyo

Hayaan mong ariin natin ang lahat ng nakikita natin

Patayin natin ang oras…

…kahit na alam mong sa pagkakataong iyon wala ka namang nakikita.

Sa nakakabinging kapaligiran

Mula sa ingay at musika ng tao at hayop

Hayaan mong magkasama natin silang kantahan

Isasama kita sa pagsayaw ko’t pag-awit

…kahit wala ka namang naririnig.



6 Comments so far

  1.   venj on March 3rd, 2009

    ..malalim, di ko ma-dig!! hakhak, joke=)

  2.   samurai-x on March 3rd, 2009

    kaw ba yan hahaha

  3.   joffreyloquez on March 3rd, 2009

    ……………..sinungaling ka talaga!……….

  4.   pampam on March 4th, 2009

    eto ang mga strong poetic lines na nagustuhan ko.

    Hayaan mong samahan kita
    Mula sa apat na sulok na ito…
    …isipin mong naroon ako

    Sa ngayon nasasakal ka
    At sa mundo’y wala kang maintindihan
    Lahat ng iyan ipauunawa ko sa iyo

    Hayaan mong ariin natin ang lahat ng nakikita natin

    Isasama kita sa pagsayaw ko’t pag-awit
    …kahit wala ka namang naririnig.

    bat ko nagustuhan?… basta lang!…wah!
    nagustuhan ko kase crafty ang tirada sa linya…kakaiba…kumbaga…sudden twist…very literary…e kase diba…di mo naman sinasabi yan sa ordinaryong usapan….pero sa tula…me pwesto sya….at kumukutitap ang kanyang pagkapwesto sa kabuoan ng akda!
    ayoko mag-koment sa theme…at baka sumablay pa…bad timing…akoy windang pa sa aking nag-crash na live life (aw!)…ayoko nga sana kumibo…pero loyalist naman ako dito at gustong umepal….so hirit na din…yun lang po…bow!

  5.   Lorna Ganda on March 5th, 2009

    We are the product of the choices we make…yon lang…

  6.   seoptimizers on March 5th, 2009

    maraming ganyan dito sa frenzter “sinungaling”. if you have time, please also visit my blog - Tnomeralc Web Design Toys

Leave a Reply