March, 2009

ANG KAIBIGAN KONG SEKYU

“kuya, saan po ba yung raffles?”

“ah, eto na yun.”

“pwede bang pumasok?”

“hindi.”

“bakit?”

“exit ito eh. dun ka sa entrance pumasok.”

“ay sorry… eh kuya, may asawa na ba kayo?”

“wala pa. bakit?”

“wala lang po. tanong lang.”

“eh ikaw may boypren ka na?”

“wala po.”

“bakit?”

“eh wala eh.”

“bakit nga?”

“eh bakit po kayo tanong nang tanong?”

“eh ikaw nagsimula eh.”

“ah ganun ba? hahahhah!”

“hahahahha!”

“kuya, pwede ko ba kayo i-blog?”

“blog? ano yun?”

“blog po. yung sa computer. ibibida ko kayo dun. sisikat

kayo. parang moymoy palaboy.”

“hindi naman ako palaboy eh. security guard ako.”
“(kuya naman eh… gusto ko kaltukan) magsusulat ako ng

tungkol sa iyo, parang showbiz.

“ano naman isusulat mo?”

“yung tungkol sa trabaho mo. wag ka mag-alala, di ko naman isusulat ang buong angkan mo, ikaw lang.”

“ah… maganda yan miss. ganito kasi yun… (at

nagkuwento na si Kuya. akala mo sasali sa Willie of Fortune.)”

——————————————————–

ayun… late na ako sa job interview ko.

——————————————————–
BUHAY SEKYU

nandito ako nakatayo
sa tabi ng pinto
sa dulo ng overpass, sa mall, palengke, sanlaan
minsan sa bangko, eskuwela o kaya pati sa harap ng gate niyo

napakaputi ng aking uniporme
makintab din ang aking sapatos
kumikinang ang aking tsapa (sama mo pa yung gloves na parang Michael Jackson)
sa malupit kong piston pwede ko hiwain kahit ano

maalinsangan ma’t babad sa araw
dapat smile pa rin and everything
malamig man at maulan
kailangan pagharap sa iyo parang presko pa rin

nalipasan na ng gutom
dahil hindi ako makaalis sa pwesto ko
kung mayroon mang sisigaw ng “Tulong!”
ako dapat ang unang sasaklolo

hindi naman ako perpekto
minsan sa sobrang bilis nila bumibigay rin ako
hinablot niyang kalupi
pilit kong ililigtas, kahit kalas na ang aking sintas

hindi mo alam kung saan ka pupunta
sa akin ka magtanong
akala mo ba alam ko?
bago lang ako dito

gabi man o araw
bawal magdahilan
hindi pwedeng mahuli
kung ako ang mauuna, Aba! mas mabuti.

ako ang tagabukas ng pinto
Good Morning Ma’am, Good Morning Sir! Balik po sila
minsan taga-mop din ng sahig niyo
o kaya tagaligpit din ng kalat niyo

ang aking baril, batuta at pito
siyang sandata ko para kayo ay ipagtanggol
pero sa oras na ako’y malasing
lumabas ang matapang dito! basag ang bungo niyo!

lahat nakausap ko na
babae, lalaki, bakla, tomboy
magalang, mabait, seryoso at palabiro
pati bastos, walang modo, at siraulo

lahat na rin nakita ko na
maganda, bagets, sexy at not so…
may feeling, isnab at suplada
pero ang bottomline: basta ako guwapo!

lahat na rin ng pangalan naangkin ko na
Bossing, Totoy, Manong, Tsip…
pero ang hit na hit
KUYA. hindi ko naman kayo kapatid.

napapagalitan, napagbubuntunan ng inis
napagti-tripan, nagu-goodtime din paminsan-minsan
pero ang da best sa lahat
kahit papaano, kinatatakutan!

pasensya na kung minsan ako’y walang kibo
o kaya naman minsan wala sa sarili
hindi naman ako suplado
baka lang di kita napansin.

akala mo lang tulog ako
hindi no?
kumukurap lang ako
sarii kong version: matagal.

ako humihiga?
saan?
naka-slouch lang ako
para cool ang dating ni idol.

humihilik?
sino? ako?
may mantra lang ako
pantaboy ng masamang ispirito.

ahahhahah! si Kuya. may nalalaman pang mantra.

ALAMIN ANG KASINGKAHULUGAN NG MGA SUMUSUNOD:

1. kalupi
2. piston
3. sino ang tinutukoy na “nila” ikalimang saknong?
4. mantra
5. slouch. ano yun?

JIGOKUTSUSHIN (not for the fainthearted)

sa mga mahilig sa anime, malamang alam niyo na matagal na itong tinatanong sa anime world… malamang sila ang sasagot sa tanong ko:

TOTOO BA SI ENMA AI? TOTOO BA YUNG WEBSITE NIYA? O TALAGANG CREATIVE LANG ANG NAKAISIP NG ISTORYA NUN PATI YUNG WEBSITE NIYA?

sa mga hindi pamilyar sa sinasabi ko, mayroon kasing isang anime na ang title: JIGOKU SHOUJO (HELL GIRL).

yung HELL GIRL, siya yung maghihiganti for you through a website. once na makapunta ka sa site na yun, hihingiin niya yung name ng taong gusto mo ipadala sa hell. then, after mo ma-send yung name nung tao, maga-appear si HELL GIRL sa iyo at bibigyan ka ng straw doll. mayroon siyang red string na nakatali doon. sa oras na hilain mo yun, ibig sabihin gusto mo ituloy ang paghihiganti mo.

pero may isang kondisyon yun. sa oras na pumayag ka na ipadala sa hell yung tao na yun, ibig sabihin pumapayag ka rin na sa oras na mamatay ka, AUTOMATIC sa hell na rin ang tuloy mo.

sabi nga ng HELL GIRL: WHEN ONE SOUL IS CURSED TWO GRAVES ARE DUG.

nag-google ako ng website na katulad na katulad ng nakikita ko sa palabas na iyon. sabi nila, kailangan para maging effective, exactly 12:00 AM ka dapat magpunta sa website na yun.

gusto ko subukan kahit late na pero natatakot ako. pero kahit takot ako, go pa rin. hindi ko lang din talaga alam yung pangalan nung snatcher na yun. in-enter ko na. nilagay ko: kUNG SINO MAN YUNG SNATCHER NG WALLET KO. pero ayun, sabi I will deliver your vengeance. tapos nakarinig ako ng mga kaluskos na ewan ko at hindi na ako makatulog. parang nababaliw ako kasi naman nakakatakot e. hinanap ko sa drawer ko kung may straw doll. sa kabutihang palad wala naman. pero kung meron, itatago ko na lang yun.

pero naisip ko rin, paano nga kaya kung totoo? na yung taong nagpapahirap sa iyo ng todo at gusto mo gumanti mapupunta nga sa impyerno pero ang kapalit dun ka rin didiretso pag namatay ka?

FREAKY.

***ang sama ko. naisip ko lang bigla.

CASE NO. 032009: ANG ALAMAT NG SHONGA

“Naku, mag-iingat ka. Wala nang pinipili ang mga

masasamang tao ngayon. Lahat tinatalo nila. Teka. Ayusin

mo nga yang suot mo?”

“Okay lang ako. Maigi na yan, mukha lang akong basura.

Para hindi halatang may pera.”

Yan. yan ang lagi kong dahilan sa tuwing aalis ako na

may dalang pera. di ako nag-aayos. di ako

maporma. atlis, mukha akong pobre. di na pagtitiisan ng

mga magnanakaw na nagkalat sa paligid.

hindi rin naman ako vindicated. nadudukutan din ako,

muntik ma-holdap. mga ganun. nananakawan din ako. pero

matagal na yun. hindi ko akalain na mauulit kagabi.

“dude, may pambayad na ako sa t-shirt. nu oras ba tau

magkita?”

“7.30 PM”

“cgecge. may niluluto rin kasi ako e.”

at yun. yun na ang huling mensahe na nai-type ko sa

cellfone ko.

ay hindi pala. meron pa.

——————————————————–

halos alas-syete na akong nakaalis ng bahay. napakagaan

ng pakiramdam ko dahil 2 linggo na rin akong hindi

lumalabas ng bahay. natutuwa ako at sa wakas makikita ko

uli ang mga dati kong kasamahan sa trabaho. babayaran ko

na rin kasi yung t-shirt na in-order ko noon.

binigyan ako ng kuya ko ng pera para mabayaran ko na.

walang bulsa ang suot kong damit. kaya lahat hawak ko.
sa loob ng wallet ko na madaming bulsa, naroon yung

cellfone ko (na kalo-load ko lang at napaglumaan na ng

panahon),

panyo ko (na hindi naman talaga akin),

ATM card ko (na negative balance na),

NBI Card ko ( na may picture ko na mukha akong black and

white na criminal),

cologne ko (na Lewis and Pearl),

pera ko (mga P1200 rin yun),

mga resibo (maski ung pinambili ko lang sa 7-11),
pictures ng kaibigan ko nung college (mas mahalaga pa

yun sa kahit ano),

at ang malupit: ANG LISENSYA KO BILANG NARS (na malapit

na nga ma-expire)

masaya akong lumabas ng bahay. at naglakad. hindi ako

nagtitipid sa pamasahe. feel ko lang maglakad. parang

yung nirereklamo kong napakalayo ay nagmukhang malapit

lang dahil masaya ako. ewan ko.

habang nasa daan, may nakita akong tindahan. nagpaload

ako. pakayari, hindi ko na-confirm kung pumasok ba

talaga yung load sa cellfone number ko. hindi pa rin

nagte-text yung dati kong katrabaho kung nasaan na siya

dahil magkikita nga kami.

lakad.lakad. lakad. bakit ba naisipan ko maglakad? pwede

naman mag-taxi? o mag-tricycle? o mag-padyak?

di ko rin alam e. (tonta, estupida, idiota, tanga, gaga,

loka-loka, unggoy, boba, engot, shonga-ers… lahat ng

synonyms niyan pakipasok na dito.)

lakad. lakad. lakad uli.

nandun na ako sa mataong parte ng Commonwealth. sa Ever

ba? Ewan ko naisipan ko na mag-text. lumandi. written

flirtation. leche! pakingsyet! sa palagay ko, dun na

nagsimula ang BLACK PROPAGANDA ng isang BATA BATUTA na

balak ako sundan.

hindi pa rin ako tumigil. hanggang makarating sa isang

medyo madilim nang bahagi. konti ang tao. tumigil na ako

sa pagte-text at itinago ko na ang cellphone ko sa

wallet ko.

BUZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZ………!

nanigas ako for 10 seconds. gulat na gulat ako. naging

tahimik ang paligid ko. wari bang kahit ingay ng mga

rumaragasang sasakyan sa highway wala na akong

naririnig.

ayan na eh. malapit na ako sa pupuntahan ko. anong

nangyari?

ang natira sa kamay ko? ang handle ng wallet ko. ang

pera ko, lahat… wala na. sa isang iglap, inagaw na.

nakita ko na lang ang bata. tumakbo sa gitna ng highway.

inilagan ang bawat sasakyang sumalubong sa kanya.

hanggang makatawid na siya sa kabilang parte ng highway.

hindi ko alam ang gagawin ko. natulala ako. nang may

lumapit sa akin na dalawang babae na medyo may edad na

rin.

ALE 1: “miss, nakita ko nasa malayo ka pa lang,

sinusundan ka na niya.”

ALE 2: “oo, akala ko nga kakilala mo. pero ang bilis

niya tumakbo.”

AKO: (hindi pa rin makapagsalita sa sobrang gitla ko.)

may lumapit na manong na nagtitinda ng mani.

MANONG: “nakita ko rin siya. ang bilis niya tumakbo.

namukhaan mo ba?”

lingid sa kaalaman niyong lahat na bulag ako sa dilim.

wala akong nakikita. kaya nakita ko na lang

siya na papalayo kung saan may ilaw at kahit na ang

kulay ng suot niya, hindi ko rin alam.

wala. wala na.

AKO: “ale, pwede po bang manghiram ng maski P5 tatawag

lang po ako sa amin.”

ALE 1: “naku, P50 lang ang pera ko. wala akong barya”

AKO: “ate, ikaw po?”

ALE 2: (hindi siya nagsalita. wala rin siguro siya.)

MANONG: o eto, P15, tumawag ka sa inyo. (samakatuwid, si Manong ang pinakamayaman sa lahat.)

ang totoo, hindi na ako tumawag. pumara ako ng taxi.

tuliro ako. at sa loob ng taxi nagngangangawa ako sa

sobrang kahihiyan, inis, frustration, kamalasan.

inamo naman ako ng driver. kahit wala akong pera,

hinatid niya ako sa amin. inutang ko muna sa kapatid ko

ang pambayad sa kanya.

ayun, pag-uwi ko. wala akong dala.

kinwento ko sa mga kapatid ko ang nangyari. pinagalitan

ako ng tatay ko. kinwento ko rin sa ka-chat ko.

hay.. buhay nga naman. weder-weder lang.

LESSON:

1. magsuot ng damit na may bulsa.

2. hindi porke’t mukhang basura, hindi tataluhin ng

masasamang loob. nagbabakasakali rin sila. akala ko

looks can be deceiving. hindi rin pala.

3. wag na masyadong magpakabayani. mag-jeep o sumakay na

rin lalo na kung madilim na lugar ang madadaanan. P7

lang naman ang pamasahe.

4. magbayad na agad sa utang bago mawalan ng pera.

5. wag magdala ng wallet na may handle na nakalabas

lang.

6. huwag ilagay lahat sa wallet.

7. ang cellphone kahit bulok hassle pag nawala.

8. huwag isama ang kalandian sa pupuntahan. yan ang

magdadala sa iyo sa kapahamakan.

9. hindi porke’t malapit ka sa simbahan, safe. minsan sa

labas nun naroon ang tambayan ng mga demonyo.

10. INGAT.

11. BAKIT HINDI AKO SUMIGAW? NAGPA-BLOTTER? O DI KAYA

SUBUKANG HUMABOL SA MAGNANAKAW? O KAYA HUMINGI NG

TULONG?———> hindi ko na naisip. blotter? di ko nga

siya namukhaan eh. humingi ng tulong? kanino? halos

walang tao sa nilakaran ko. humabol? wala akong pera

pampa-ospital kung susuungin ko ang highway na

tinakbuhan niya, baka sa morgue naman ang tuloy ko?

12. NARIYAN PA RIN ANG TAONG TUMUTULONG. NAGMAMALASAKIT. HINDI SILA NAWAWALA.

in short, nai-snatch na wallet ko.

CAVEMAN NA ULI AKO. walang cellfone. paano pa ako bibili

wala naman akong pambili.

ilang buwan ko titiisin ang walang text. walang

lo-load-an. walang alarm sa fone. pati mga in-apply-an

ko wala na rin. tutubuan na ako ng bigote na parang

ermitanyo. cast away. survivor Philippines season 2.

hindi ko talaga inasahan ito.

tama na.

——————————————————–

PANINGIT:

MAR 6- FRIDAY-birthday ko ito pero nang nalaman ko ang

balitang mauudlot ang aking pagpunta sa UK, ayun,

crashed ang mundo ko.

MAR 13- FRIDAY- basahin ang blog entry na sinundan nito

(I SURPASSED FEAR FACTOR BUT I FAILED.)

MAR 20- FRIDAY- ito na yung blog entry na yun.

MAR 27- FRIDAY ULI YUN- kung aalis ako ng bahay, ano na

naman ang mangyayari sa akin?

ano ba ito? coincidence lang?

sana wala itong kahulugan.

——————————————————–

PANAPOS: oo na, wala naman dapat sisihin dito kundi ako.

eh wala na. tapos na. move on na.

pero di ako makatulog. (2:06 AM na.)

SHONGA AKO. OO NA. SHONGA NA.  PERO SISIKAPIN KO NA HUWAG NA ITONG MAULIT.

SA MGA NANGHIHINGI NG NUMBER KO: 09106269116. KASO WALA NA YAN EH. SANA MAKABILI PA AKO NG BAGO.

I SURPASSED FEAR FACTOR: BUT I FAILED.

ISANG BAGSAKAN…DROP SHIPPED.

PROLOGUE:

“sabihin mo na kasi.”

“ayoko.”

“bakit?”

“natatakot ako.”

“wag ka matakot. atlis alam mo kung ano kayo di ba?”

“eh natatakot nga ako.”

“ay naku girl, ewan ko sayo. text mo na lang ako pag may

nangyari na.”

“oo. cge, bye.”

——————————————————–

BABALA NO 1: mahaba ito. kumuha ng 2 basong tubig at

isang serving ng halo-halo. baka ma-heat stroke kayo.

isama na ang barkada. pagsaluhan natin ang aking

pagkabigo.

——————————————————–

BABALA NO. 2: ito ang eksaktong sulat na ipinadala ko sa

kanya. (ay hindi pala, in-edit ko ung iba.) basahing

mabuti at sumigaw ng DARNA kung matagumpay na natapos

ang aking kwento. wag masyado malakas. baka pagtinginan

ka sa PC-han at pagka-kuwentuhan ka pag-uwi ng mga

nagdo-dota…

——————————————————–

intro: naghanda ako ng scratch paper para dito. parang

sulating pormal. uminom din ako ng cobra at energo para

makaipon ako ng lakas na maisulat to. sama mo na rin ang

1.5 na extra joss. kumain din ako ng candy dahil

panigurado, ubos ang sugar sa utak ko.

anyways, ito na ang FEAR FACTOR moment ko.

DEAR KYEME..  (lagyan ng instrumental na inyong nais.)

alam mo, i’m just grateful that you came. wag ka

mag-alala, hindi ito love letter.

i dont know what’s in you na i like. kaya nga di ko

malaman kung ano gusto ko sayu. (tinagalog ko lang yata.

hahah!) ang totoo kasi di ko alam kung saan ako

magsisimula.

first thing, im so sorry. there were these times na i

misunderstood you. (WAG KA MAG-ALALA, DI PA KO

MAMAMATAY…) ewan ko. there were these times na

sinisira kita sa isip ko kasi may nararamdaman akong

madilim… kasi di ko mapaliwanag. (hahah! natatawa ako

sa sarili ko habang sinusulat ko to.)

sa blog ko, ung sinulat ko abt Baguio, totoo un. ung

tula-tulaan kong iskempertush na hit na hit sa readers

ko, totoo din un. ung ayaw sayo nila kuya, kasi

naririnig nila na minsan sumisigaw ako na binababaan mo

ako ng fone. nakita pa ng nanay ko ung text mo dun sa

N73 niya nung bago tayo pumunta ng Baguio. na nag-aaway

tau at nagre-resonate ung boses mo nun sa fone na

sumisigaw ka. alam mo naman ung nanay ko, PARA SA KANYA,

walang taong pwedeng manigaw sa akin, sya lang! hahaha!

masaya ako pag kasama kita. sana ikaw masaya din pag

kasama mo ko. pero alam mo kasi, hindi ko rin alam ang

definition ng sweet. ganun ka ba? kasi alam mo feeling

ko special child ako pag kasama kita. wala kasing

lalaking ganyan sa akin eh. yang kagaya ng treatment mo

sakin.

noon pa kasi, bago pa mabuhay ang mga dinosaurs sa

mundo, ang turing sa akin ng lalake, lalaki rin. kaya

ako, lalake talaga. eh ikaw, pag kasama kita, feeling ko

girl ako.

enumerate ko:

1. walang lalaki na nagpapauna sa akin sumakay sa

sasakyan, ikaw lang.

2. walang lalaki na nanlilibre sa akin, ikaw lang. (ay

hindi, meron pala. kuya ko.)

3. maraming lalaki na laging hinihiritan ako, lalo ka

na. at ako, nauubusan ng battlecry.

4. noon, pag may dala ako, ako pa rin magdadala maski

gaano un karami. eh ikaw, maski ung pinamili ko ng

napkin, dinala mo. (nabigla nga ako nun e. kasi akala ko

niloloko mo ko.)

5. maraming lalake ang mabango, pero ung pabango mo,

kumakapit sa balat ko. (nakutusan ako ng tatay ko

pag-uwi natin nun sa ocean park kasi naamoy din niya.

birthday na birthday ko nun nakotongan ako. walang biro.

san daw akong motel nanggaling? bakit, motel lang ba ang

pinupuntahan ko? ampness! kumusta naman kasi na

naka-angkla ako sayo?)

6. wala pang lalaking nag-aya sakin na umalis ng kaming

2 lang, pero tayo umaalis ng tayong 2 lang… saya2 ko

kaya? (feeling ko nga kinukuryente ako dati eh. ngayon

hindi na. un ba yung tinatawag nilang date? hindi ko

kase alam )

7. nalilimutan ko ang problema ko pag kasama kita.

(totoo to. maski pa umiiyak na ko, napapahinto mo ung

luha ko. maski lagi mong inaasar yung bilbil ko. wag mo

na kasi asarin eh. kaya dumadami.)

8. naaalala kita pag umuulan, naalala kita pag

giniginaw…naaalala kita. ilang bukas pa ba bago tayo

AY magkita. (kanta ng eheads. sembreak.)

9. NAMI-MISS NILA AKO. pero ikaw ang nami-miss ko.

10. maraming lalaking gwapo, pero ang gwapo para sakin

sa ngayon (SA NGAYON LANG NAMAN), ikaw lang (asus

ngingiti-ngiti ka jan!)

11. pinipilit ko maging babae pa kasama kita. as in. di

kasi ako feminine talaga. puro lalaki nga barkada ko eh.

sayo lang ako ganito.

hindi rin naman ako nagtatapat. eh kasi ang nagtatapat

konkreto utak. ako hindi. basta malamig ang kamay ko pag

lumalapit ka. sinasabi ko lang puyat ako. PERO EXCUSE

LANG YUN. kasi naman pag hinahawakan mo na yung kamay

ko, para akong nagiging bato.

nagsasabi lang ako ng saloobin ko sayo.

ako manliligaw sa iyo? hindi no? ilang beses na ko

nababasted sau ng di mo nalalaman. nadala na ako. at

saka di nga ako sweet eh. maarte lang ako. emotera.

echusera. ganun. parang ikaw.

nahihiwagaan kasi ako sa iyo. kung sa paraan ng

pakikitungo mo sa akin,a ganun ka sa lahat ng friends

mo? napakaswerte pala ng mga kaibigan mo. ganun kang

klaseng tao. malamang maski gustuhin mo maging single,

madami ang pipila para mag-apply sayo na maging syota

mo. ako naman ang bouncer, pang-regulate ng crowd.

malakas siguro appeal mo. ako malakas panghatak sa mga

manong strangers. hahaha!

anyways… isa lang naman ang gusto ko malaman.

magaan ba ang loob mo sa akin? di naman kailangan ng

malisya dun. un bang:

masaya ka pag kasama mo ko..
o kaya umuurong ung jebs mo pag nakikita mo ko…
o kaya pag online ako, invi ka na…
o kaya naman naalala mo ung kapatid mo sa akin…
o kaya naaalala mo ung dolphin pag nanjan na ako…
o kaya naaalala mo ung paborito mong layered cake pag

nakikita at kinukurot mo ung bilbil ko?

in short, wer do i stand?

from u, who is point A. am I in point E? ganun kalayo?

ito ung clarification na sinasabi ko. yoko naman na

umaasa. you know. kase ang ganitong klaseng frendship,

kung normal para sa iyo, sa akin mejo mahiwaga. parang

kamote. (anong kinalaman ng kamote sa friendship?)

hmmm… basta alam mo, ang pinakamahalaga sa akin, ung

friendship natin. yoko un mawala. di kita kakaririn no.

pero kung gusto mo, eh… gagawan natin ng paraan yan.

hahaha!

ang motto ko kasi: BOK, WALANG TALU-TALO (ayus!)

wahhhh!!! para akong tanga. alam mo ba na ang sulat na

to ang susunod ko sanang blog entry? pero sayang kung di

ko naman mapapabasa sayo.

Gross Speed: 53 wpm
accuracy: 87%
Net speed: 50 wpm

ganyan kabilis ang typing ko. galing no?

saka, alam mo ung nararamdaman ko para sa iyo, parang

love na hindi. para bang nagkaka-dysrhythmia (irregular

beats) ang puso ko… nabasa mo na yun sa blog ko.

kinikilig ako, oo. pero hanggang dun lang eh. minsan

naiisip ko may what ifs… pero pag naiisip ko, yakkk…

abunado ka pa ng singko.

alam mo ba, nung nasa Baguio tayo, naramdaman ko nun na

may sasabihin ka sakin. na nung kinarir mo si churvah.

na nagcrash naman… dude, tagos sa spinal cord ko. kasi

nun crush kita. akala ko nung nasa Baguio tayo,

pagkakataon ko na, hindi pala. pero ngayon, crush pa rin

naman kita. di naman mawawala yan eh.

ikaw kasi eh.. nung training one minsan nakikita kita

nakatingin ka sa akin. nung training 2 naman,

nangingindat ka. ako? one shot dead. uto-uto. alam mo

un. pero matagal na yun. alam mo naman pag ako

tinitingnan, feeling ko my something na yun. sorry for

the misinterpretation. baka naman lahat ng kaibigan mo,

kinikindatan mo. o kaya tinititigan mo. ako lang tong

parang gago.

ako selosa? oo naman. nagseselos ako sa lahat ng babae

na dumidikit sa iyo. lahat ng babae na kasama mo sa

picture. pati nga sarili ko pinagseselosan ko, sabi ko

na lang: ay, ako pala yan! hahah!

dude, kung makikita mo lang yung mukha ko habang

sinusulat ko to… malamang matae ka kakatawa. hahaha!

basta, ang bottomline dude ito:

THANKFUL AKO KAY GOD NA BINIGYAN NIYA AKO NG CHANCE NA

MARAMDAMAN NA MAY TAONG NAGPAPAHALAGA SA AKIN. NA MAY

TAONG MAY CARE para sa kin. BINIGYAN NIYA AKO NG CHANCE

NA MAKARANAS NA MAY LALAKI NA NAGTITIYAGA SA AKIN,

SUMASAMA SA AKIN, NAKIKIPAGKUWENTUHAN NG KAHIT NA ANO,

BINOBOLA AKO, NACHACHANSINGAN KO PAMINSAN-MINSAN…

HAHAHAH! SANA WAG KA MAGSASAWA LALO NA MAGPATSANSING

SAKIN. HAHAH! PAG MAY ASAWA KA NA OR GIRLFRIEND, TITIGIL

NAMAN AKO XEMPRE. HAHAHA! JUST LET ME KNOW. AKALA KO

HABAMBUHAY NA AKO MAMUMUHAY SA BATCAVE. PERO HINDI.

FEELING KO NGA MAGALING KA SA PUZZLE EH. KASI MAKAUSAP

LANG KITA O KAYA MAKITA KINIKOMPLETO MO NA YUNG ARAW KO.

IM JUST SO GRATEFUL PARE. UNG KISS KO SA CHEEK MO, DI KO

KASI MA-UTTER ANG THANK YOU. nakalimutan ko ung

kamalasan ko nung bday ko dahil sa iyo. (at dahil din sa

bestfriend ko.)

KAYA PAG HINALIKAN KITA SA CHEEK, UN UNG THANK U. 2TAL,

PANG FRIENDS NAMAN UN NA KISS NO. saka yun lang naman

ang kaya ko nakawin sayu. kiss. hahha!

KAYA… ANG MASASABI KO… THANK YOU… THANK YOU….

THANK YOU…

I WONT PROMISE ANYTHING BUT I’LL ALWAYS BE A GOOD FRIEND

TO YOU.

(ending: ilagay ang IN THE AYER bilang ending theme.)

——————————————————–

AT ilang bukas ang dumaan… hinintay ko siya…

boom! “kyeme is online.”

lahat ng pagpapalit ng status message sa aking YM ay

ginawa ko na maka-agaw atensyon lang.

pero ito na ang highlight ng kwento. (summarized na

ito.)

kyeme: (iskempertush… eklaber…)
ako: (madami muna akong pasakalye )
kyeme: (dami na siya na-ispluk)
ako: nabasa mo ba?
kyeme: OO
ako: ano naman ang masasabi mo?
kyeme: hindi ako naniniwala.
ako: bakit naman?
kyeme: hindi ko nararamdaman sayo un.
ako: ok lang
ako uli: wag ka na magpaliwanag
kyeme: galit ka
ako: hindi no? (pakyu! baka sunugin ko bahay niyo eh! hahaha! charing!)
ako uli: bakit naman ako magagalit?

at nagpatuloy pa ang aming usapan. pero isang bagay lang

ang alam ko.

HINDI SIYA NANINIWALA SA MGA SINABI KO, SA MGA SINULAT

KO. HINDI SIYA NANINIWALA SA NARARAMDAMAN KO. TAMA NA

ANG PALIWANAGAN. TAON-TAON NA LANG ITO ANG NANGYAYARI SA

AKIN. SANAY NA AKO.

—————————————————————-

hikbi. iyak. luha. charot.

at habang nasa isa akong sulok, iniisip ang pagkabigo,

naramdaman ko na sumisikip ang aking dibdib. di ako

makahinga. parang nilalamon ng maalinsangang paligid

kasabay ng nanliliit kong pagkatao ang aking isip.

wala.

at unti-unting sumakit ang aking tiyan, tagiliran, ulo,

hindi ko na alam kung ano ang masakit sa akin..

masakit ang likod ko, nandidilim ang aking paningin. lumamig ang aking pakiramdam sa kabila ng init na mayroon ang ating paligid,

bumibgat ang aking pakiramdam…may kung anong umbok na tumutubo

sa aking balikat…

kasabay ng bilog na buwan, tumingin ako sa langit.

pinipilit itanggi sa sarili ang mga bagay na nabatid..

tama… ang aking pangil, humahaba,  mula commonwealth hanggang cubao… mga pakpak ko lumabas na rin… at humiwalay na ang aking

kalahating katawan, pa-lengthwise. charing! hindi ako naging halimaw! tao pa rin ako.

iinom ako ng shampoo. at titira ng katol…  hahahaha!

ano ba kayo? ok lang ako.

huhuhuhuhu!

wala ito. promise.

——————————————————–

OUTRO: kung ikaw ang lalaking magbabasa nito, kung ikaw

ang pinadalhan ko ng sulat na ito, anong gagawin mo?

anong reply ang matatanggap ko sayo? 10 points.

—————————————————————-

CLOSING CURTAINS: hindi ako umiyak. halos lang. pero hindi talaga. wala eh. basted na naman tayo, mah men! pero ganun talaga. para isang bagsakan na. tutal sabi ko nga, wala naman ding taluhan na magaganap. ok lang. pramis. simpleng thank you lang sana ok na ko. di ko naman kailangan ng affirmation eh. kung ako lang ang lalaki… kaso hindi eh. change karir kaya ako? babae naman! charing lang…

—————————————————————-

PUBLIC SERVICE ANNOUNCEMENT: kung sasabihin ko kaya sa kanya na ako si FLASH BOMBA, maniniwala kaya siya?

HAPPY IS ALWAYS THERE IN “HAPPY BIRTHDAY”

LAYER ONE: ON THE OUTSIDE

> Name: GLAIZA DE RAYA ELEVADO, RN

> Birth date: MAR 6 1986 (sabay kami kapatid ko pero hindi kami kambal. sabay lang kami na MAR 6.  siya 1990.)

> Birth place: PASAY CITY

> Current Location: Quezon City

> Eye Color: DARK BROWN

> Hair Color: BLACK WITH BROWN DRY STREAKS WITH SPLIT

ENDS AND FRIZZ

> Righty or Lefty: RIGHTY

> Zodiac Sign: PISCES (madalas na mali ang spelling ng

mga Grade 1 na sumasagot ng slumbook!)

LAYER TWO: ON THE INSIDE

> Your heritage: PINOY NA MAY 10% CHINESE (hindi pa nga ata!)

> Shoes you wore today: RUBBER SHOES NAMAN LAGI

> 3 things i do everyday: KUMAIN, MALIGO, SUMAYAW

(nage-exercise na po ako. kase summer!)

> Your fears: WORMS (scoleciphobic ako mga peeps!),

DEATH, PITCH BLACK DARKNESS (bulag po kasi ako sa dilim), PAG BLACKOUT (sa Pinoy brownout!)

> Your perfect pizza: VEGGIE LOVERS! (yum!)

LAYER THREE: YESTERDAY, TODAY, TOMORROW

> Your most overused phrase on YM: YO! AMPNESS!

> Your thoughts first waking up: NAGTEXT BA SIYA?

> Your best physical feature: FACE. (eh bakit cute naman

ako eh…)

> Your bedtime: 10:00 PM. pag naglalaro ng family

computer (pasensya na po, napag-iwanan na kami ng

teknolohiya), 4AM na

> Your most missed memory: COLLEGE DAYS SAKA NUNG

MAKILALA KO PA LANG SIYA.

LAYER FOUR: YOUR PICK

> Pepsi or Coke: PEPSI (favorite!)

> McDonald’s or Burger King: PWEDE BANG JOLIBEE?

> Single or group dates: MAY SINGLE DATE BA? EH PAG

DALAWA NAMAN KAYO HINDI YUN SINGLE. ano ba yun?

> Adidas or Nike: WALA AKO NIYAN PAREHO. ANG MERON AKO, ADIBAS SAKA MIKE! hahahaha!

> Lipton Tea or Nestea: NESTEA

> Chocolate or vanilla: CHOCOLATE!!!!!!!!!!! (sana may

magpadala sa akin)

> Cappuccino or coffee: CAPUCCINO.

LAYER FIVE: DO YOU?

> Smoke: NEVER

> Take showers: ONCE A WEEK (wahahah! siyempre everyday.

ano ako aso?)

> Have a crush(es): NO. I’M THEIR CRUSH (puta naman sa

banat!)

> Think you’ve been in love: VERY VERY MUCH IN LOVE.

PERO AKO LANG. (isa pa to!)

> Like(d) high school: I DIDN’T ENJOY MY HS DAYS. THIS

WAS THE WORST PART OF MY SCHOOL LIFE.

> Want to get married: OO NAMAN! SANA PAG 27 NA AKO MAY

ASAWA NA AKO. KAHIT WALA MUNANG ANAK OKAY LANG! PARA

ENJOY WANTUSAWA! SHEEEEEEEEETTTTT!!!

> Get motion sickness: SA BUS. YOKO TALAGA YUN.

> Think you’re a health freak: FREAK LANG.

> Get along with your parents: OPO?

> Like thunderstorms: BASTA WALANG BAHA AYOS YUN!

> Play an instrument: YES. PERO HINDI TALAGA AKO

MARUNONG. NAKIKINIG LANG. PARANG SI NODAME.

LAYER SIX: IN THE PAST MONTH

> Drank alcohol: YES… LIKE GREENCROSS, BAND AID,

DOCTOR J… hahahah! TANG INANG SIKMURA YAN!

> Gone on a gimik: OO NAMAN!

> Gone to the mall: OO NAMAN.

> been on stage: YEAH! I LOVE BEING ON STAGE. IF I MAY

HAVE THE CHANCE TO BE A MEMBER OF A THEATER GROUP, I’LL

BE MORE THAN HAPPY TO BE A PART OF THEM!

> Eaten an entire box of Oreos: HINDI NAMAN AKO GANOON

KATAKAW! KAKAUMAY NAMAN YUNG TRIP NA YUN!

> Eaten sushi: SARAP-SARAP!

> Gone skating: DI AKO MARUNONG

> Had a tan: HINDI. MAITIM NA AKO NUN.

> Dyed your hair: OO. YUNG TAG-BENTE NA PANGKULAY NA

BUHOK SA DV!

> Been trashed or extremely intoxicated: HINDI ATA.

> Changed who you were to fit in: NAKU WAG GANUN!

LAYER SEVEN: GETTING OLDER

> Age you hope to be married: DI KO NAINTINDIHAN YUNG

TANONG?

> Children: I’M A CHILD MYSELF.

> Describe your dream wedding: I WANT IT TO BE HELD IN A

CHURCH. THEN, THERE’LL BE LOTS OF FLOWERS AND FLOWER

PETALS AROUND THE PLACE. I’LL BE RIDING IN A WHITE LIMO

GOING TO THE CHURCH WHILE MY BELOVED BONGGACIOUS GROOM

IS WAITING FOR ME AT THE CHURCH ENTRANCE DOOR. THEN I

GOT LOTS OF FRIENDS AND FAMILY WHO’LL WITNESS MY

ENTRANCE TO HEAVEN AND HELL! WHATTAWEDDING! (essay, must

have a band of 7.)

> How do you want to die: BASTA WAG MARAHAS AT MAMAMATAY

AKO SA TAMANG EDAD. AT MAMAMATAY AKO NG MAGANDA PA RIN

AKO. (sa tamang edad? gusto mo ngayon na?)

> What do you want to be when you grow up: BASTA

SUCCESSFUL. WALA NANG PAKIALAMANAN KUNG SINONG MAS

MAYAMAN.

> What place would you most like to visit: I WANT TO

VISIT A PLACE THAT IS NEAR A CALM SEA, WITH A VERY NICE

VIEW OF NATURE. KUNG SAAN MABAIT ANG MGA TAO, WALANG

DISCRIMINATION SA PANGIT AT MAGANDA, SA PAYAT AT MATABA,

SA MAYAMAN AT MAHIRAP… PERPEKTO. SAN AKO MAKAKAHANAP

NG GANUNG LUGAR? DOON AKO TITIRA!

LAYER EIGHT: IN A GUY (i always love this part!)

>Best eye color?: BROWN… LALO NA PAG TUMATAMA SA MATA

NIYA ANG MALAMLAM NA SIKAT NG ARAW… WALA NANG HIHIGIT

PA (eye color lang naman ang tinatanong ate.)

> Best hair color?: BLACK TAPOS ANG GANDA… HAY…

(feeling ko ako si Jericho! I fell under the spell of

softness!)

> Short or long hair: SIYEMPRE GUSTO KO SHORT AND CLEAN.

PERO KUNG LONG HAIR NAMAN AT MAGANDA… NAKU NAKU!

wahhhhh!

> Height: MAS MATANGKAD SA AKIN.. PERO WAG NAMAN SOBRA.

BAKA MAGMUKHA KAMING MAG-AMA.

> Best first date location: SA LUGAR KUNG SAAN MAKIKITA

MO ANG MAKIKINANG NG ILAW NG LUNGSOD. NASA MATAAS KAYONG

LUGAR… NA PARANG INYO ANG LAHAT NG NAKIKITA NIYO.

GRABE NA TO!!!!!

> Articles of clothing: PWEDE BANG WALA NA LANG? PARA

READY TO RAMBOL NA! HAHAHAHAH! JOKE!

—————————————————————-

hindi na ito kasama sa slumbook:

BIRTHDAY MESSAGE ko sa sarili ko:

wala pa akong napapatunayan. wala din akong ipapangako. pero kung meron akong ihihingi ng tawad, yun ay dahil naging mapanghusga ako, mareklamo, hindi marunong magpasalamat at naging makasarili. wala pa nga akong napapatunayan, nagmamaasim na… which is hindi tama.

nito lang nakaraang araw, ilang araw bago dumating ang kaarawan ko, may mga kabiguan-kamalasan-kapalpakan-kachenesan na dumating. yung tipong madami akong sinakripisyo para lang sa bagay na yun, malalaman mo na lang na lahat ay mapupunta lang sa wala. masama talaga ang PLAN A na walang PLAN B. kung maaari sana naging hanggang PLAN Z. pero wala eh, tapos na yun.

naging malungkot ako. nagreklamo. nagalit. nanisi. pero napakabait ng Diyos na gumagawa siya ng paraan at gumagamit siya ng instrumento para maging iba ang tingin ko sa mga bagay.

gusto kong humingi ng tawad unang-una na sa Diyos.

tapos, sa mga taong hinusgahan ko. wala man lang akong inisip kundi yung mga masasama nilang ginagawa na hindi ko man lang naiisip na sila pala ang tunay na kaibigan sa oras nang kalungkutan ko. samantalang yung nagbubuti-butihan lang, pag kailangan mo naman, wala.  you always have me at my worst and i end up, not being the best, but you guys make me better. i always learn a lot from y’all. (kilala niyo na kung sino kayo. thank you very much.)

try ko bawasan ang pagiging reklamador ko. try ko.

natutuwa ako sa mga taong laging nakasabi ng salitang TAYO. hindi AKO. hindi IKAW. hindi AKO at IKAW. kaya try ko rin wag maging makasarili. try ko rin yan.

TAYO. (mas maganda nga pakinggan.)

salamat din sa mga nagbabasa ng blog ko. ginawa niyong makabuluhan yung pag-upo-upo ko sa harap ng computer maski wala namang kabagay-bagay yung sinusulat ko. malaking parte kayo ng buhay ko. ayoko ng magpa-impress. gusto ko lang mag-share ng kuwento.

basta. ang dami-dami pa.

sorry.

salamat.

BE GRATEFUL.

GRATITUDE ATTITUDE, sabi nga ng TL ko.

more birthdays to come. there is more to life.

happy bday sa akin at sa mga may birthday.

—————————————————————–

CREDITS TO:

http://www.angelfire.com/poetry/mickyflores/slumbook.html for the  slumbook questions.

COLLEGE EMOTE

SAAN KO BA NAPAGKUKUKUHA ITO? HAHHAHA! dalawa na yan… wala magawa eh.

————————————————————

mula sa isang pakiramdam
na ginawa ko lang mula sa isang maling akala
noong una ay isang kalokohan
pihadong kahit sino, hindi maniniwala

sa iyong mga mata ko lang nakita
pagmamahal na sadyang tunay
tunay nga, tunay ngang mapanlinlang
ngayon, nandito ako’t ayaw maniwala

ang tula na ito ay para sa’yo
bagaman alam kong ika’y di para sa akin
dahil ngayo’y siya pala ang para sa iyo

dadayain ko na lang ang sarili ko

na ako ay siya at siya ay ako
mula sa isang tinginan
na ginawa ko mula sa isang maling ilusyon
noong una’y aking tinatawanan
pihadong kahit sino, hindi maniniwala
sa iyong ngiti ko lang nakita
kasiyahang sadyang puno ng kulay
tunay nga, tunay ngang mapanlinlang
ngayon, nandito ako na parang maiiyak.
ang tula na ito ay para sa’yo
bagaman alam kong ika’y di para sa akin
dahil ngayo’y siya pala ang para sa iyo
dadayain ko na lang ang sarili ko
na ako ay siya at siya ay ako

alam kong sa ngayon
wala akong magagawa
pero hindi ako aasa
darating rin ang araw
maaaring hindi na ikaw
o maaaring hindi na siya
pero hindi na rin ako.
pero sa ngayon..
tumutula ako para sa’yo
kahit ikaw ay hindi para sa akin.

ANG TULA NG SINUNGALING

Hindi ko man magawang paligayahin ka sa ngayon

Hiling ko sana ay iyong munting ngiti

Ngayong nalulungkot ka at walang makausap

Hayaan mo sanang ako ag magpatawa sa iyo…

…kahit hindi totoo.

Sa ngayong nag-iisa ka

At walang kaibigan

Hayaan mong samahan kita

Mula sa apat na sulok na ito…

…isipin mong naroon ako.
Sa ngayong walang nagmamahal sa iyo

At walang init sa iyong malamig na gabi

Hayaan mong kumutan kita

Halikan ka at yakapin…

…kahit wala ako.

Sa ngayong may hinahanap ka

At hindi mo iyon makita

Hayaan mong tulungan kita

…kahit wala namang nawawala.

Sa ngayon nasasakal ka

At sa mundo’y wala kang maintindihan

Lahat ng iyan ipauunawa ko sa iyo

Asahan mong lahat ito’y iyong malalaman…

…kahit kunwari lang.

Sa ngayong tumitingin ka sa malayo

At lahat naman sila’y nakatingin sa iyo

Hayaan mong ariin natin ang lahat ng nakikita natin

Patayin natin ang oras…

…kahit na alam mong sa pagkakataong iyon wala ka namang nakikita.

Sa nakakabinging kapaligiran

Mula sa ingay at musika ng tao at hayop

Hayaan mong magkasama natin silang kantahan

Isasama kita sa pagsayaw ko’t pag-awit

…kahit wala ka namang naririnig.