TURUAN NIYO AKO MAG-INGLESH!

intro:

ang part 2 ng CHAPTER 1 ay hindi magandang

pangyayari. sinundan ako ng mama hanggang sa pag-uwi.

paano ko nalaman? kahit nagpunta na ako sa loob ng mall,

ukay-ukay, hanggang sa akyat-baba ng overpass andun

siya. katakot. wala akong mapapa-holdap sa kanya. lalo

namang ayokong magpa-rape! haller?

anyways, scripting muna.

——————————————————–

EPISODE 1.1: PENGENG PERA

ako: tay, penge namang P50.

tatay: san ka ba pupunta?

ako: basta.

tatay: bukas na.

ako: eh…ngayon na.

tatay: bakit aalis ka na ba? gabi na eh.

ako.: hindi po.

tatay: hay ang kulit mo. ganyan ka na ba kahirap at

nanghihingi ka ng singkwenta pesos sa’kin?

kaya kinabukasan, sinubukan ko na maghanap ng trAbaho.

alam niyo na kung saan di ba?

————————->

EPISODE 1.2: PENGENG TRABAHO PART 1: THE INGLESH ADVENTURE

nang hapon na iyon, matapos kong maglaba ng sangkatutak,

dumeretso ako sa telepono para i-dial ang phone number

ng kumpanyang tatawagan ko.

ring ring!

ako: Hi, good afternoon, is this HR?

HR: yes. how may i help you?

ako: hi, this is Glaiza. I just want to know if there

are any vacant positions for customer care

representatives, and if so, what do i need to do or

bring for me to apply?

HR: oh, yeah. we have positions for graduates of any

4-year course or who had 2 years of college…

(maganda na ang usapan. halos nagsisimula pa lang ang

aming conversation nang…)

HR (continued): oh! by the way, what course did you take

up?

ako: I took up BS Nursing.

(nagkaroon muna ng moment of silence for 30 seconds.)

HR: okay, you need to brush up your INGLESH because we

need representatives who are fluent in the language to

work for our international accounts… (blah.. blah..

blah… at nilait niya ang aking INGLESH.)

ako: oh, no problem.

BUT JUST MAKE SURE THAT BEFORE YOU REJECT ME, U CLEAN UP

YOU INGLESH AS WELL..

tae yun! di man lang ako tinanong kung may call center

experience ako! 1 year kaya ako. hinusgahan na agad ang

pagtatapos ko ng Nursing! Bakit ba ganun?

naligo na ako. at nag-toothbrush so that i can brush up

my INGLESH. (WITH THE ACCENT ON THE LAST SYLLABLE.)

bitter ako. kasi hindi ako magaling mag-INGLESH.

lesson: mas maganda mag-apply ng walk-in kaysa over the

phone. di nila natitingnan ang resume mo kaya minsan sa

isip mo, hindi tama yung judgment na i-reject ka. at

galingan niyo mag-INGLESH (WITH THE ACCENT ON THE LAST

SYLLABLE.)! at huwag tumawag nang pagod. maganda rin ang maging maarte sa INGLESH.

quiz: bilangin kung ilang salitang INGLESH ang nakita niyo sa episode na ito.

———->

EPISODE 1.3: PENGENG TRABAHO PART 2

pero hindi ako sumuko. tumawag pa ako sa isa pang numero

ng ibang kumpanya.

ako: Hi, good afternoon. My name is Glaiza. I just want

to ask, are there vacant positions for customer care

representatives?

HR: yes, Glaiza; there are.

Ako: Oh! great. how do i apply?

(binanggit ng HR on the phone ang mga requirements nang

bigla akong umentra…)

ako: ahmmm… I am sorry to interrupt you. but at least

for the 2 of us not to waste our time, i mean… I know

nowadays that some companies choose graduate nurses the

least for jobs like this. i am a nursing graduate

myself. is that a problem?

HR: not really. as long as you have a call center

experience for at least 6mos.

ako (nagmaasim): oh, i guess, it’ll not be a problem. i

worked as a CSR for more than a year.

HR: great! so you can come to our office tomorrow. we

are open from 7AM-5PM. see you.

ako: thank you. bye.

maayos naman ang INGLESH ko ah? di ba?

(pang-ilan na yung INGLESH dito?)

——————————————————–

EPISODE 2: PAANO BA ANG BUMILI NG SOFTDRINKS?

kuya: Glai, bili ka softdrinks.

ako: eh kuya, wala akong bra eh. (naka-damit po ako.)

kuya: bakit, dede pa pambibili mo?

wahahahahah! oo nga naman!

——————————————————–

EPISODE 3: SO WHAT’S THE SCORE?

friend na concerned: oh! glaiza, kumusta ka na?

ako: okay lang. pero sad. :(
friend na concerned: bakit naman? :(
ako: kasi, nami-miss ko na xa. :((

friend na concerned: ah… siya na naman ba? yung

kinukwento mo sa’kin?

ako: sino pa nga ba?

friend na concerned: girl, matagal na yan ah! ano na ba

kayo? what’s the real score?

ako: MU.

(ako uli): MisUnderstood
(ako na naman): Mukhang Unggoy
(bakaw ako sa typing): Mag-U know? wala…
(ako pa rin): Masayang Usapan
(ako nga): Malaking Ungas
(ako pa rin, walang tigil sa keyboard): Make-Up na

lusaw, Masarap Upakan, Malabo.Uber, Malamig na Usok, Mabahong Utot!

friend na concerned: =)) (rotfl) sira ka talaga!

ako: =)) (eh ganun eh!)

ang totoo kasi, wala naman. butata!

HUHUHU!!! :(( (*crying emoticon*)

friend na concerned: wak ka na iyak…

friend na concerned has signed out.

iniwan ako.

friend na concerned has signed back in.- I’m on SMS.

——————————————————–

ang sipag ko ata ngayon? di naman masyado.



15 Comments so far

  1.   warlock-of-id on February 25th, 2009

    rotfl

  2.   tin2boi122586 on February 25th, 2009

    mag lilac ka.hehehehe… oh kaya suotan mo ng dulcolax suppository yung pw_t mu ate pampapayat… oh di kaya’y kumain ka ng manggang hinog plus hilaw slash papayang hinog plus ubas… all in one…sabay sabay nguyain at lunokin… mabisa yun… magbaon ka nga lang ng gatorade at baka madehydrate ka sa pagtatae and then increase fluid intake…hehhehe:)

  3.   PULIS PANGKALAWAKAN on February 25th, 2009

    sabi ko pkilagay sa message board… ampness! happy summer.

  4.   pampam on February 26th, 2009

    pulis don’t ever grow up…(ayan Inggles yan)..ahahha…malaki lang galit sa mundo ng taong makakabasa nito at di man lang mapapa-smile…buti inde ako yun…dahil ako’y humagalpak…wahahahaha!…super aliw ang post…gumagaang ang feeling ko kahit na anung problema pa meron sa araw…thank you so much! (ayan…ganyan lang kaya ng Inggles ko…pag pinilit ko pa TH na lalabas)ahahhahha

  5.   rhema on February 26th, 2009

    waaahhh! cute cute!

  6.   vie novinta on February 27th, 2009

    The Confidence Your Style!

  7.   jhennie-album on February 27th, 2009

    ayun na yung part 2 ng chapter 1? im expecting a longer one about it you know..hahaha…joke lng..
    naalala ko yung una mong blog about sa work moh as csr…nagimprove huh!ahahaha

  8.   PULIS PANGKALAWAKAN on February 27th, 2009

    eh kase nmn c manong eh…

  9.   ck_leick on February 28th, 2009

    galing galing galing!!!
    http://beyondcrypticness.blogspot.com/

  10.   freakazoidimple on February 28th, 2009

    Dapat sinagot mo, “PAKYU”!! Sabay bagsak ng phone!

  11.   jeraii on March 1st, 2009

    EPISODE 2: PAANO BA ANG BUMILI NG SOFTDRINKS?

    kuya: Glai, bili ka softdrinks.

    ako: eh kuya, wala akong bra eh. (naka-damit po ako.)

    kuya: bakit, dede pa pambibili mo?

    wahahahahah! oo nga naman!

    wahahah dito ko natawa sa part na to … add kita ha

  12.   venj on March 3rd, 2009

    haha!! cute!!…nung blogpost!! hehe ‘geh pti ikaw cute na rin..=)

  13.   infinitehalf on March 6th, 2009

    Hahaha! LMAO ka! Ka-relate ako sa Episode 3. MU- Mag-asawang unggoy! Padayon!

  14.   utakmunggo on March 6th, 2009

    nice naman galing-galing sana ung mga post ko kasing astig ng sayo!!!

  15.   mclindsey on May 15th, 2009

    galing nmn

Leave a Reply