VALENTINE DRAMA
INTRO:
“ei! wassup?”
“k lang pu. u poh?”
“k lang dn pu. lpt na vlentyns noh?”
“ou nga e. my kd8 kn?”
“la eh. kaw poh?”
“la din e.”
“lbas na lng kmi team8s q nun.”
“wow.”
” sometimes, we want 2 know wer we stand in sum1s lyf, we want 2 knw who we r 2 dem. we want 2 seek 4 clarific82n, and yet, we R afraid to find out wat it is..
“
“aus sa kowts a. mern k p poh?”
“dami dude! gus2 mo mag-hang na inbox mo sa dami n2?”
“enge.”
“cgecge. w8s lang poh.”
and they lived happily ever after.
(unli kasi sila kaya masaya ang usapan.)
——————————————————–
Feb14. Lovapalooza, dating games, Searchee #987462826.75 looking for his Valentine for 25 years now, win a trip for 2 to HongKong, 50% off on all lingerie, 100 pesos for 3 hours quickie promo, enjoy our Horsie-horsie rooms, cakes designed for you loved one, lima bente…
*sigh*
Valentines day. ano bang meron?
Ang totoo, hindi ko rin alam. Pero nahihiwagaan ako sa panahong iyan higit pa sa Halloween. lahat kasi ng ka-dramahan lumalabas. lahat ng mga legendary lines na naririnig natin sa pelikula at teleserye nasasabi ng mga tao, lahat ng lovesongs, laos man o hindi kinakanta sa videoke.
lahat ng magkasintahan, nagtitipon sa mall, sa sinehan, sa palengke, sa park, sa zoo, sa may post office, sa city hall… basta kung saan sila welcome mag-PDA.
at ang mga SINGLe, naghihinagpis, nagdaramdam, nag-iiyakan, nagluluksa… lalo na ang mga TAKEN.
TAKEN FOR GRANTED. (syet!)
subukan mong lumabas ng Feb14. Halimbawa, invisible ka. Nag-oobserba ka lang. wala kang gagawin.
lahat ng tao, sweet.
lahat ng girls, may dalang bulaklak, chocolates, teddy bear, mga regalong naka-box at balot ng napakagandang gift wrap. (nakakapanlaway ang paperbag ng BLUE MAGIC.. huhu! )
lahat ng mag-asawa, nagre-reminisce ng kabataan nila. kung anong unang regalo nila sa isa’t-isa, kung saan sila nagkakilala…
lahat ng nagliligawan, tawa ng tawa. mamaya sila na.
lahat ng motel at hotel, fully-booked.
lahat ng park, siksikan.
lahat ng crush ng bayan, overloaded ang kotse dahil ang daming natanggap na regalo mula sa mga nagkaka-crush sa kanila.
lahat ng mall, ukay-ukay, o maging ward sa ospital, may mga nakasabit na artworks na puso para ipagdiwang ang Valentines.
sa gabi, mas alive ang mga restaurant. parang brownout. lahat candle light dinner.
pagkatapos ng isang buwan, magsasabi na lang ang nanay mo na may kasunod na kayong kapatid. naubusan kasi sila ng condom nung valentines.
maraming manonood ng pelikula ni KC at Richard. yung iba maiisip na lang na maghintay ng pelikula ni Sarah at John Lloyd.
sa Buena Bonita, buy one take one pa rin ang burger at cheeseburger.
mauupo ka na lang sa isang tabi at hindi mo mapapansin na may naghahalikan pala sa tabi mo na parehong lalaki!
masasabi mo na lang sa sarili mo, “whatever!”
(parang ako lang to ah!)
hindi ko alam kung ano rin ang pumasok sa ulo ko at naisipan kong isulat ito. para kasing angg dami ko lang naisip. tulad nito.
“girl, kumusta ka na?”
“okay lang. ikaw?”
“masaya. sino ka-date mo sa 14? ako, lalabas lang kami ni boyfriend. nonood ng sine, kakain sa labas… saka checheverloo, you know? tapos uwi na. ikaw ba?” sambit niya na napapakembot sa kilig.
“wala. wala akong ka-date. aksaya lang yan sa pagod. at saka bakit kailangan ng date? hindi ba pwede mag-valentines mag-isa? saka lahat ng magsyota diyan, sweet lang yan sa 14 pero pag 15 na break na sila, yung mga mag-asawa, balik bugbugan na uli, yung mga sweet, sour na. saka may pasok ako niyan. gabi na ako uuwi. so wala rin. saka iniwan na niya ako. lahat ng lalaki pare-pareho. tingin sa ating mga babae laruan lang. saka bakit? kung may ka-date ba ako, aalis ang recession? mabibigyan ba ng trabaho ang walang trabaho? saka dahil diyan sa mga valentine ek-ek na yan kaya dumarami lalo ang populasyon natin e. bakit mo natanong?” at magbubuntong-hininga.
namutla na lang ang kausap niya.
nakakaloka lang na ang defensive ng ilang tao pag tinanong kung may balentino na sila. (parang ako uli yan ah! huhuhu!) parang galit na galit sa mundo. daig pa sumagot ang tinatanong sa Miss Universe. lahat ng rationale, paliwanag, at kung ano-ano pang factors, masasagot nila kahit hindi mo naman tinatanong.
pero ang may sinisinta, napakasaya nila. pero hindi rin naman lahat ng single malungkot. mas masaya naman sila na single sila.
pero ano ba talaga ang essence ng valentines?
Panahon ng pag-ibig? Season ng magkasintahan? panahon ng harasan? Sumpa sa mga walang syota? o wala lang.
naaalala ko lang kasi na karamihan sa mga nakaka-chat ko sa YM, problemang pag-ibig ang aming napag-uusapan. Hindi naman kami magkakilala. Naapagkamalan ba niya akong si Joe D’mango? wala rin naman akong mapapayo kasi ako rin yun din ang problema ko.
“nalulungkot ako na wala na kami. pero gusto ko siyang balikan. pero meron na siyang iba. ano bang gagawin ko? Help me naman oh? Mahal ko pa siya. Nagsisisi ako na hindi ko siya naipaglaban man lang.”
naloka muna ako. at nag-type.
“Malay ko. Buti ka nga may ex na pino-problema, eh ako wala man lang maski ano.”
——————————————————–
OUTRO NO 1:
pero pagkatapos nga ba ng Feb14, back to normal na nga ba? Parang walang nangyari.
Is Valentine’s only an all-day thing?
Sana huwag.
—————————————————————
PATALASTAS:
nananawagan ako. kung gusto niyo ako makasama sa valentines este, kung wala kayong ka-date pwede naman ako. sasama ako kahit saan. basta pahingi ng ferrero, saka red roses saka teddy bear na galing sa blue magic. hindi ako materialistic. maarte ako pero minsan lang. saka make sure lilibre niyo ako. wag kayo mag-alala, pagsapit ng dilim, uuwi na ako. hindi ako manghaharass, promise. harmless ako. andiyan lang YM ko, message niyo lang ako. at dapat walang magagalit. ampness! hahahahah!
joke lang po. pero kung tototohanin niyo, go! susuporthan ko pa kayo!
(TIP: gamitin ang blog para magkasyota kung kinakailangan! hahaha!)














lapit na nga valentines… ok lang yan.. 24 hrs lang naman yan, and sa 24 hrs na yan, lets say tulog ka ng 10 hrs.. so konti na lang…
the next day parang walang nagyari… wag mag papa-stress….
dadating din si “Mr. Right for you”… “for you” kasi possible na yung mr right ng kapitbahay mo ay mr wrong fonaman sa iyo… hhehehe
for now, self love muna…
anyway, happy valentines day! mwaah!
ahahahhahahha!…kaloka ang blog…ang ganda ganda…
“Feb14. Lovapalooza, dating games, Searchee #987462826.75 looking for his Valentine for 25 years now…”
waaaahhahahhahha…wala na akong masabi…
“(TIP: gamitin ang blog para magkasyota kung kinakailangan! hahaha!)”
ahahahahhha….mula title hanggang ending….super galing ng diskarte…at pag yumaman talaga ko papamanahan kita para mapalago mo yung tindahan nyo ng bananaQ sa tapat ng pwesto ni aling Tekla…at ang gagawin mo nalang by then ay mag Blog ng mag blog…at nga pala, walang Mr. right…kahit na Mr. almost right e wala din…pero hang in there…why?…ewan… cute kase sabihin …wehehehehe
i love u pulis…ikaw ang valentines ko (walang malisya po)…tsuppppppppppp!
advance happy valentines day po……kakaenjoy tlaga bsahin yung blog nio…..
nakakatuwa amgbasa ng blog… single or taken mag-eenjoy magbasa… keep blogging and for sure magkakadate ka rin on right time…
hehehe.. hay,.. tama ka jan gurl!!!
infairness nakakarelate ako,..
pareho lang tayo ng hinanakit,..
hehehe,.. bakit bah??!! mabuhay tayong mga single!!!
walang COLD na valentine sa HOT na single!!!
oha oha!!!
kaka-enjoy po talaga magbasasa ng mga super enjoyable na blog katulad na lang nito. nakakabanggang at the same time nakakatawa,..(`diba parang parehas lang `yon?)
keep safe po ms. glaiza..(if i’m not mistaken.)
keep writing enjoyable blogs..
hi! sister, parehas pala tayo singleness hahaha! pero hayaan mo na, ganon talaga….at least bata ka pa…ayoko na ng kasabihang darating din yan maghintay ka lang, napagod na ko sa kahihintay mali naman ang dumating…hay! matinding buntong hininga na lang, kung malapit ka lang ililibre kita ng bongang bongga tayong dalawa na lang, mahirap mag isa gumimik eh hahaha! yun nga lang walang karahasang mangyayari kase parehas tayong girlalo, walang picnik….ok till ur next issue….
hay… valentines… valentines… valentines…
lahat ng piyesta kaya kong i-celebrate
lahat ng holiday kaya kong sakyan
lahat ng birthday kaya kong samahan
lahat ng gimik kaya kong salihan
ito lang… ito lang… ito lang walang pakisama.
huhuhuh!
di bale, 15 na bukas… back to normal. katulong mode na naman uli.
ahahahaha!
salamat naman di man tayo nagkita naka-webcam ka naman at sinagot mo ang tawag ko.
di kita matiis.
ampness!
weeeeeeeeeeeeeeeeeeeee
ang galing!
may tumotoo ba dun sa panawagan mo?
hihi..
u r cool! natumbok mo ang dapat tumbukin…
everyday naman pwedeng mag share ng love dabah! why not wait 4 valentines day to show it to someone u really love.. feb. 14 is a date na maraming naglalabasang mga PLASTIC na tao.. wahahahaha
” sometimes, we want 2 know wer we stand in sum1s lyf, we want 2 knw who we r 2 dem. we want 2 seek 4 clarific82n, and yet, we R afraid to find out wat it is..
“
i love it! pwede po ba tau friend? hehe..
aun, nakakrelate ako sa post mong to.haha!
alm mu ba nung V-day, xet! napakamalas ko at kinailangan kong pumunta sa SM centerpoint para magbayad ng bill ng telepono, leche..,nadepress ako dahil ang dami2ng nagdadate.ang daming me dalang flowers and blue magic na paperbag. tas ako, wala..huhu..
hehe..
nga po pla, add mu po ako sa YM, einuj_15
tas sa friendster nmn po, finchyanne@lycos..,
hehe..
thanx!
mwuah!
more power..
nice! pareho pa pla taung taga-feu..,hehe
nice, gling mo tlgang sumulat=)
yung text conversation moh..nabasa ko xa sa forums..
kaya pla familiar..
ok lng yan di ka nagiisa..darating din xa..kung cno man xa..sana lang di xa matagl masyado noh..hehe
Basta Girl, ang valentines ay ang araw kung saan kumikita ang mga flower vendors, chocolate at stuffed toys factories! Hindi un para sa mga lovers! Nu ka ba!