February, 2009

TURUAN NIYO AKO MAG-INGLESH!

intro:

ang part 2 ng CHAPTER 1 ay hindi magandang

pangyayari. sinundan ako ng mama hanggang sa pag-uwi.

paano ko nalaman? kahit nagpunta na ako sa loob ng mall,

ukay-ukay, hanggang sa akyat-baba ng overpass andun

siya. katakot. wala akong mapapa-holdap sa kanya. lalo

namang ayokong magpa-rape! haller?

anyways, scripting muna.

——————————————————–

EPISODE 1.1: PENGENG PERA

ako: tay, penge namang P50.

tatay: san ka ba pupunta?

ako: basta.

tatay: bukas na.

ako: eh…ngayon na.

tatay: bakit aalis ka na ba? gabi na eh.

ako.: hindi po.

tatay: hay ang kulit mo. ganyan ka na ba kahirap at

nanghihingi ka ng singkwenta pesos sa’kin?

kaya kinabukasan, sinubukan ko na maghanap ng trAbaho.

alam niyo na kung saan di ba?

————————->

EPISODE 1.2: PENGENG TRABAHO PART 1: THE INGLESH ADVENTURE

nang hapon na iyon, matapos kong maglaba ng sangkatutak,

dumeretso ako sa telepono para i-dial ang phone number

ng kumpanyang tatawagan ko.

ring ring!

ako: Hi, good afternoon, is this HR?

HR: yes. how may i help you?

ako: hi, this is Glaiza. I just want to know if there

are any vacant positions for customer care

representatives, and if so, what do i need to do or

bring for me to apply?

HR: oh, yeah. we have positions for graduates of any

4-year course or who had 2 years of college…

(maganda na ang usapan. halos nagsisimula pa lang ang

aming conversation nang…)

HR (continued): oh! by the way, what course did you take

up?

ako: I took up BS Nursing.

(nagkaroon muna ng moment of silence for 30 seconds.)

HR: okay, you need to brush up your INGLESH because we

need representatives who are fluent in the language to

work for our international accounts… (blah.. blah..

blah… at nilait niya ang aking INGLESH.)

ako: oh, no problem.

BUT JUST MAKE SURE THAT BEFORE YOU REJECT ME, U CLEAN UP

YOU INGLESH AS WELL..

tae yun! di man lang ako tinanong kung may call center

experience ako! 1 year kaya ako. hinusgahan na agad ang

pagtatapos ko ng Nursing! Bakit ba ganun?

naligo na ako. at nag-toothbrush so that i can brush up

my INGLESH. (WITH THE ACCENT ON THE LAST SYLLABLE.)

bitter ako. kasi hindi ako magaling mag-INGLESH.

lesson: mas maganda mag-apply ng walk-in kaysa over the

phone. di nila natitingnan ang resume mo kaya minsan sa

isip mo, hindi tama yung judgment na i-reject ka. at

galingan niyo mag-INGLESH (WITH THE ACCENT ON THE LAST

SYLLABLE.)! at huwag tumawag nang pagod. maganda rin ang maging maarte sa INGLESH.

quiz: bilangin kung ilang salitang INGLESH ang nakita niyo sa episode na ito.

———->

EPISODE 1.3: PENGENG TRABAHO PART 2

pero hindi ako sumuko. tumawag pa ako sa isa pang numero

ng ibang kumpanya.

ako: Hi, good afternoon. My name is Glaiza. I just want

to ask, are there vacant positions for customer care

representatives?

HR: yes, Glaiza; there are.

Ako: Oh! great. how do i apply?

(binanggit ng HR on the phone ang mga requirements nang

bigla akong umentra…)

ako: ahmmm… I am sorry to interrupt you. but at least

for the 2 of us not to waste our time, i mean… I know

nowadays that some companies choose graduate nurses the

least for jobs like this. i am a nursing graduate

myself. is that a problem?

HR: not really. as long as you have a call center

experience for at least 6mos.

ako (nagmaasim): oh, i guess, it’ll not be a problem. i

worked as a CSR for more than a year.

HR: great! so you can come to our office tomorrow. we

are open from 7AM-5PM. see you.

ako: thank you. bye.

maayos naman ang INGLESH ko ah? di ba?

(pang-ilan na yung INGLESH dito?)

——————————————————–

EPISODE 2: PAANO BA ANG BUMILI NG SOFTDRINKS?

kuya: Glai, bili ka softdrinks.

ako: eh kuya, wala akong bra eh. (naka-damit po ako.)

kuya: bakit, dede pa pambibili mo?

wahahahahah! oo nga naman!

——————————————————–

EPISODE 3: SO WHAT’S THE SCORE?

friend na concerned: oh! glaiza, kumusta ka na?

ako: okay lang. pero sad. :(
friend na concerned: bakit naman? :(
ako: kasi, nami-miss ko na xa. :((

friend na concerned: ah… siya na naman ba? yung

kinukwento mo sa’kin?

ako: sino pa nga ba?

friend na concerned: girl, matagal na yan ah! ano na ba

kayo? what’s the real score?

ako: MU.

(ako uli): MisUnderstood
(ako na naman): Mukhang Unggoy
(bakaw ako sa typing): Mag-U know? wala…
(ako pa rin): Masayang Usapan
(ako nga): Malaking Ungas
(ako pa rin, walang tigil sa keyboard): Make-Up na

lusaw, Masarap Upakan, Malabo.Uber, Malamig na Usok, Mabahong Utot!

friend na concerned: =)) (rotfl) sira ka talaga!

ako: =)) (eh ganun eh!)

ang totoo kasi, wala naman. butata!

HUHUHU!!! :(( (*crying emoticon*)

friend na concerned: wak ka na iyak…

friend na concerned has signed out.

iniwan ako.

friend na concerned has signed back in.- I’m on SMS.

——————————————————–

ang sipag ko ata ngayon? di naman masyado.

CHAPTER 1: KUYA, HUWAG PO!

CHAPTER 1: KUYA HUWAG PO!

nang minsan galing ako sa duty, inaya ako ng isang kasamahan na sabay na kami pauwi. pareho naman kami ng daan kaya pumayag ako. ALAS SIYETE NA NG GABI.

pero… gusto niya sumakay sa bus!

hindi ako mahilig mag-bus. sobrang hilo ko kasi at standing ovation lagi pag puno na. nasusuka ako pag sumasakay ako doon. (no offense sa mga bus fanatics. mabilis naman ang biyahe kung sa bus ka sasakay. ako lang talaga hindi mapalagay eh.)

ang paborito at sinasamba kong sasakyan ay JEEP! kung kayang i-jeep ang mula sa bahay namin hanggang Baguio, ako na ang pinakamasayang tao sa buong mundo. sa jeep, walang standing ovation. may mga sabit nga lang.

pero halos 30 minutes na kami naghihintay ng jeep na masasakyan.

ahhmm… teka. gusto ko ng jeep… na maluwag. ayoko ng masikip. nakakaawa ang mga katabi ko e.

well, anyway, wala eh. hinayaan ko na lang. alangan namang mag-antay kami ng 1 oras. so yun. eto na ang adventure.

“fairview… fairview… fairview…” sigaw ng barker ng bus.

“fairview?” sabi ko. parang unggoy lang.

sumakay kami pero bakit habang umaakyat kami ng hagdan umaandar na. doon ako takot talaga.

“echusera ka. ayoko dito.” sabay tapik ko sa kasama ko habang ako ay takot na takot na feeling ko mahuhulog ako sa bus.

(habang standing ovation kami, medyo naririnig ko na binibiro aKO NG mga ibang tao sa bus. malaki kasi ako. pero sabi nga ng kasama ko, hindi na naman nila ako pag-uusapan sa bahay so hinayaan ko na lang.)

“miss dito ka na.” sambit ng isang mama.

tumabi ako sa kanya at ang kasama kong echusera, nakahanap na rin ng upuan pero hindi kami tabi.

habang nakatingin ako sa bintana, hindi ko namalayan na kinakausap pala ako ng katabi ko. tiningnan niya muna ako. mula ulo… hanggang bilbil… hanggang paa.

“okay lang yan… cute ka naman eh.” sabay ngiti sa niya sa akin.

“hehehe.. talaga po?” sagot ko naman na mukhang tanga na may malaking teardrop sa likod ng ulo ko.

“saan ka bababa?” tanong ni Manong.

“sa Don Antonio po. eh kayo po?” para may masabi lang.

“bago sa’yo.”

tumigil kami saglit. pumara na ang kaibigan ko sa Balara. nagpaalam na siya sa akin.

“sige Glai. una na ‘ko.” at umalis siya nang natatawa sa akin.

at tinuloy ng mama ang pagsasasalita niya.

“ahmmm… pwede bang dumalaw sa inyo?”

dalaw? ano ka, regla?

hindi ako sumagot. kasi hiyang-hiya ako sa mama.

“may magagalit ba kung dadalaw ako sa inyo?” kulit niya!

“meron po.”

“sino?”

“ako po!” at pumara na ako.

wahahahaha!

(natawa na lang ako sa sagot ko. may part 2 pa to pero hindi siya nakakatuwa.)

——————————————————–

CHAPTER 2: ULAM

SA LUMA NAMING TIRAHAN… matagal na yun.

hindi naman kami nasa squatters area pero dikit-dikit ang mga bahay sa compound namin. may mga kapitbahay na halo-halo. mabait, magalang, chismosa, pala-away na talsik-laway, nanghihinguto ng kuto nang may kuto, maingay, plastik… lahat naroon na.

pero may namumukod tangi kaming kapitbahay na hindi naman mahirap. pero tamad magluto. palibhasa alam niya na may mga mabait siyang kapitbahay na handang tumulong sa kanya sa oras ng pangangailangan.

tok tok tok! ayun kumakatok na siya.

ang hobby niya: MANGHINGI NG ULAM. hindi lang sa akin kundi sa iba rin.

“ui, baka naman may natira pa kayong ulam. penge naman?” at dala-dala niya ang mini caldero niya.

“ah o sige. walang problema. kaso di rin ako nakapaghanda. ginisang gulay lang ito.”

“okay lang. thank you.”

parang 3 times a week yun manghingi ng ulam. ewan ko ba.

“o eto.” at inabot ko na ang ininit na ginisang repolyo.

“sige, salamat ah!” paalis na siya ng tinawag ko siya uli. hihirit lang ako.

“teka, eh ikaw, may natira ka pa ba?”

“natirang ano?”

“kahihiyan…”

(masama ba ugali ko? makain niya pa kaya yun?)

——————————————————–

CHAPTER 3: KAGE BUNSHIN TECHNIQUE!

“sikat ka na nga eh.” sabi sa akin ng ka-chat ko.

“hindi naman.” forced humility. hahaha!

pero di ko akalain na pwede na rin namang i-consider. sabagay may nag-aabang na rin naman ng mga sinusulat ko.

pero may iba pala na kumokopya ng mga sinulat ko. hala!

clones ko daw. kaya naisip ko:

KAGE BUNSHIN TECHNIQUE!

okay lang. sige, mangopya kayo. pero:

ANG MANGOPYA NG BLOG, PANGET. hahahaha!

maniwala tanga. (ano ba yun?)

ang endpoint, okay lang sa akin yun. nung college din naman ako nangunguha lang din ako sa mga sites pangsagot sa assignment ko. may reference nga lang.

—> salamat sa mga nag-abalang hanapin ang mga taong ito. di natin sila bati.  di ko kasi gaano maprotektahan ang blog ko. pero kung may credits naman okay lang. walang problema.

——————————————————–

CHAPTER 4: ANONG PINAG-UUSAPAN NIYO?

alam niyo ba yung sitwasyong sa himbing ng tulog niyo, kapag may naririnig kayo sa paligid, napapanaginipan niyo? pero hindi ka naman talaga nananaginip pero dahil naririnig mo lahat? (kung hindi mo maintindihan, magpost lang ng message sa MESSAGE BOARD at ie-explain ko. o kaya PM sa YM.)

natutulog ako noon nang sa panaginip ko, may nagtatanong, “BAKIT MO AKO LOVE?”

akala ko panaginip talaga. yun pala ay yung kuya ko at girlfriend niya na nagpapalitan ng sweet nothings sa telepono.

nagising tuloy ako.

hindi ko sila maintindihan.

kasi, araw-araw naman silang magkausap.

sa bawat araw, 10 beses sila nagtatawagan.

sa bawat beses ay mahigit isang oras sila nagbabalitaktakan kung ano ang almusal nila, tanghalian, hapunan, meryenda, at midnight snack.

pero ano kayang pinag-uusapan nila talaga?

bilog ba ang mundo?

paano matulog ang kuba?

bakit pula ang kamatis?

bakit mabaho ang jebs mo pero hindi ka nasusuka; pero pag iba nakaamoy, parang mamamatay na sila?

ilang taon na kaya si Marian Rivera?

Anong tatama sa lotto?

hay… siguro kung magkaka-syota ako saka ko lang sila maiintindihan. baka nga kung ako yan, lunok-laway lang ang pahinga tapos chika uli.

paningit: ang tip ko sa blog na nauna rito ay hindi totoo. (basahin ang VALENTINE DRAMA.)

——————————————————–

CHAPTER 5: SANA BLOG NA LANG AKO.

natutuwa ako sa mga comments na ganito: I LOVE YOUR WRITINGS, I LOVE THE WAY YOU WRITE, I LOVE YOU POSTS, I LOVE READING YOUR BLOG… chenelyn, eklavoo, iskembular…

naisip ko: SANA BLOG NA LANG AKO.

(TINGNAN ANG MESSAGE BOARD. PATI AKO NALOKA SA SARILI KO.)

——————————————————–

PS: ang mga kwento sa taas ay edited na. kung gusto niyo makipagkuwetuhan, YM niyo lang ako. kukuwento ko na lang yung version na buo. THANK YOU. :)

VALENTINE DRAMA

INTRO:

“ei! wassup?”

“k lang pu. u poh?”

“k lang dn pu. lpt na vlentyns noh?”

“ou nga e. my kd8 kn?”

“la eh. kaw poh?”

“la din e.”

“lbas na lng kmi team8s q nun.”

“wow.”

sometimes, we want 2 know wer we stand in sum1s lyf, we want 2 knw who we r 2 dem. we want 2 seek 4 clarific82n, and yet, we R afraid to find out wat it is.. :(

“aus sa kowts a. mern k p poh?”

“dami dude! gus2 mo mag-hang na inbox mo sa dami n2?”

“enge.”

“cgecge. w8s lang poh.”

and they lived happily ever after.

(unli kasi sila kaya masaya ang usapan.)
——————————————————–

Feb14. Lovapalooza, dating games, Searchee #987462826.75 looking for his Valentine for 25 years now, win a trip for 2 to HongKong, 50% off on all lingerie, 100 pesos for 3 hours quickie promo, enjoy our Horsie-horsie rooms, cakes designed for you loved one, lima bente…

*sigh*

Valentines day. ano bang meron?

Ang totoo, hindi ko rin alam. Pero nahihiwagaan ako sa panahong iyan higit pa sa Halloween. lahat kasi ng ka-dramahan lumalabas. lahat ng mga legendary lines na naririnig natin sa pelikula at teleserye nasasabi ng mga tao, lahat ng lovesongs, laos man o hindi kinakanta sa videoke.

lahat ng magkasintahan, nagtitipon sa mall, sa sinehan, sa palengke, sa park, sa zoo, sa may post office, sa city hall… basta kung saan sila welcome mag-PDA.

at ang mga SINGLe, naghihinagpis, nagdaramdam, nag-iiyakan, nagluluksa… lalo na ang mga TAKEN.

TAKEN FOR GRANTED. (syet!)

subukan mong lumabas ng Feb14. Halimbawa, invisible ka. Nag-oobserba ka lang. wala kang gagawin.

lahat ng tao, sweet.

lahat ng girls, may dalang bulaklak, chocolates, teddy bear, mga regalong naka-box at balot ng napakagandang gift wrap. (nakakapanlaway ang paperbag ng BLUE MAGIC.. huhu! )

lahat ng mag-asawa, nagre-reminisce ng kabataan nila. kung anong unang regalo nila sa isa’t-isa, kung saan sila nagkakilala…

lahat ng nagliligawan, tawa ng tawa. mamaya sila na.

lahat ng motel at hotel, fully-booked.

lahat ng park, siksikan.

lahat ng crush ng bayan, overloaded ang kotse dahil ang daming natanggap na regalo mula sa mga nagkaka-crush sa kanila.

lahat ng mall, ukay-ukay, o maging ward sa ospital, may mga nakasabit na artworks na puso para ipagdiwang ang Valentines.

sa gabi, mas alive ang mga restaurant. parang brownout. lahat candle light dinner.

pagkatapos ng isang buwan, magsasabi na lang ang nanay mo na may kasunod na kayong kapatid. naubusan kasi sila ng condom nung valentines.

maraming manonood ng pelikula ni KC at Richard. yung iba maiisip na lang na maghintay ng pelikula ni Sarah at John Lloyd.

sa Buena Bonita, buy one take one pa rin ang burger at cheeseburger.

mauupo ka na lang sa isang tabi at hindi mo mapapansin na may naghahalikan pala sa tabi mo na parehong lalaki!

masasabi mo na lang sa sarili mo, “whatever!”

(parang ako lang to ah!)

hindi ko alam kung ano rin ang pumasok sa ulo ko at naisipan kong isulat ito. para kasing angg dami ko lang naisip. tulad nito.

“girl, kumusta ka na?”

“okay lang. ikaw?”

“masaya. sino ka-date mo sa 14? ako, lalabas lang kami ni boyfriend. nonood ng sine, kakain sa labas… saka checheverloo, you know? tapos uwi na. ikaw ba?” sambit niya na napapakembot sa kilig.

“wala. wala akong ka-date. aksaya lang yan sa pagod. at saka bakit kailangan ng date? hindi ba pwede mag-valentines mag-isa? saka lahat ng magsyota diyan, sweet lang yan sa 14 pero pag 15 na break na sila, yung mga mag-asawa, balik bugbugan na uli, yung mga sweet, sour na. saka may pasok ako niyan. gabi na ako uuwi. so wala rin. saka iniwan na niya ako. lahat ng lalaki pare-pareho. tingin sa ating mga babae laruan lang. saka bakit? kung may ka-date ba ako, aalis ang recession? mabibigyan ba ng trabaho ang walang trabaho? saka dahil diyan sa mga valentine ek-ek na yan kaya dumarami lalo ang populasyon natin e. bakit mo natanong?” at magbubuntong-hininga.

namutla na lang ang kausap niya.

nakakaloka lang na ang defensive ng ilang tao pag tinanong kung may balentino na sila. (parang ako uli yan ah! huhuhu!) parang galit na galit sa mundo. daig pa sumagot ang tinatanong sa Miss Universe. lahat ng rationale, paliwanag, at kung ano-ano pang factors, masasagot nila kahit hindi mo naman tinatanong.

pero ang may sinisinta, napakasaya nila. pero hindi rin naman lahat ng single malungkot. mas masaya naman sila na single sila.

pero ano ba talaga ang essence ng valentines?

Panahon ng pag-ibig? Season ng magkasintahan? panahon ng harasan? Sumpa sa mga walang syota? o wala lang.

naaalala ko lang kasi na karamihan sa mga nakaka-chat ko sa YM, problemang pag-ibig ang aming napag-uusapan. Hindi naman kami magkakilala. Naapagkamalan ba niya akong si Joe D’mango? wala rin naman akong mapapayo kasi ako rin yun din ang problema ko.

“nalulungkot ako na wala na kami. pero gusto ko siyang balikan. pero meron na siyang iba. ano bang gagawin ko? Help me naman oh? Mahal ko pa siya. Nagsisisi ako na hindi ko siya naipaglaban man lang.”

naloka muna ako. at nag-type.

“Malay ko. Buti ka nga may ex na pino-problema, eh ako wala man lang maski ano.”

——————————————————–

OUTRO NO 1:

pero pagkatapos nga ba ng Feb14, back to normal na nga ba? Parang walang nangyari.

Is Valentine’s only an all-day thing?

Sana huwag.

—————————————————————

PATALASTAS:

nananawagan ako. kung gusto niyo ako makasama sa valentines este, kung wala kayong ka-date pwede naman ako. sasama ako kahit saan. basta pahingi ng ferrero, saka red roses saka teddy bear na galing sa blue magic. hindi ako materialistic.  maarte ako pero minsan lang. saka make sure lilibre niyo ako. wag kayo mag-alala, pagsapit ng dilim, uuwi na ako. hindi ako manghaharass, promise. harmless ako. andiyan lang YM ko, message niyo lang ako. at dapat walang magagalit. ampness! hahahahah!

joke lang po. pero kung tototohanin niyo, go! susuporthan ko pa kayo!

(TIP: gamitin ang blog para magkasyota kung kinakailangan! hahaha!)

HINDI ITO LOVE STORY

malapit na pala mag- Valentines no? May mga ka-date na ba kayo?

ako? huh!

siyempre wala. date ko lang sarili ko.

————————————————————
Hindi ko na mabilang kung ilang beses at ilang oras ko siyang hinihintay na dumungaw sa bintana nila. Hindi ko rin alam kung bakit ko iyon ginagawa. Basta ang alam ko masaya ako pag nakikita ko siya.

Bagong gising, magulo ang buhok, at malamang ang hininga niya amoy nabubulok na basura (ano pa bang aasahan mo sa taong kababangon lang sa kabaong… este, higaan pala! hahaha!) , wala sa sarili, humihikab-hikab at nag-iinat. Pero para sa akin, siya na yata ang pinakamagandang tanawin na makikita ko sa araw-araw.

Palagi ko rin siyang nakakasabay pumasok sa eskwela. Lagi nga siyang late. Bakit ko alam? Kasusunod ko sa kanya, hindi ko na namamalayan ang oras.Nag-iingat talaga ako dahil baka mahalata niya na sinusundan ko siya.

Tago sa poste, hulog sa manhole, ipit ang daliri sa paa ng gulong ng pedicab na nagdaraan sa lugar namin, muntikang mabangga ng tricycle, napagkamalang basura na itatapon na ng SB Garbage Truck… ewan ko. Kahit ganoon ang sinasapit ko kasusunod sa kanya, hindi ako nagsasawa.
“Magandang umaga! Sabay na tayong pumasok! Akalain mong magkapitbahay pala tayo! KAmi yung may ari ng tindahan ng banana que na nakikipwesto kina Aling Tekla!”

Maski yan hindi ko kayang sabihin sa kanya. Nahihiya ako. Gusto ko sanang magpakilala at makipagkamay para maging kaibigan niya ako. Pero masungit siya. Parang ang suplado niya at parang ang hirap i-approach. Intimidated ba? Ganun ang nararamadaman ko kaya hindi ako makalapit sa kanya.

———–

Ang ganda ng buhok niya. Ang totoo, bawal sa eskwelahan namin ang mahaba ang buhok pero parang kahit ang dean naming bading ayaw yatang mawala ang kagwapuhan niya kaya hinahayaan lang niya yun. pwede niya nang kalabanin ang babae sa Balete Drive! Pwede na nga rin niyang palitan si Nicole na magmodel sa shampoo! Maayos naman siya sa katawan eh. Hindi naman laging nakalugay ang kanyang buhok kaya ayos lang.

AKo? wala. tingin lang. yun lang naman ang kaya kong gawin eh. Hindi ka rin maniniwalang magkaklase kami. Alam niya ang pangalan ko. Minsan ko na rin siyang nakakagrupo sa mga school activities pero hanggang doon na lang yun. Hindi kami close.

Kung tutuusin, pwede na siyang magtayo ng fans club! Parang ganito:
“L-O-V-E RUKAWA… RUKAWA…”

at ako ang president.

halos lahat din ng babae sa school crush siya. para na nga kaming nasa Japan. Tuwing Valentines, ang dami niyang chocolates. Gusto ko nga rin siyang sanang bigyan kaso talagang nahihiya ako. at saka banana que lang ang kaya ng aking bujey.

———–

“Ang bango niya talaga…”

PE class namin noon. Basketball. Hindi ako mahilig sa sports pero nang malaman ko na magkagrupo kami, tuwang-tuwa ako! wala nang basketball-basketball. Makakasama ko na siya.
“O, guys! Masaya ako at ayo ang magkakasama. Alam ko yung iba sa inyo hindi mahilig sa basketball. kung gusto niyo, tuturuan ko yung iba sa inyo after ng klase natin. Kung gusto niyo lang naman.”
ang bait niya talaga. kahit hanggang bahay pa namin okAY lang at mag-basketball kami nang kaming dalawa lang. ahhhhhhhhh!!!

———-
Uwian na! eto na ang basketball lessons! naku! ang saya-saya ko talaga.

Pagod!

Limahan daw. ano kaya yun? siguro sampu kasi kami. lima bawat team.

“o, pass!”

tulala ako. ipinasa niya sa akin ang bola. magkakampi nga pala kami.

“sige okay lang yan, gawin mo ang sa tingin mo na hindi magpapatalo sa atin!”
“talaga?”

bago ko pa mapatalbog ang bola sa court, naagaw na sa akin ang bola.

lumapit siya.

“sige, okay lang yan. go!”

tinapik niya ako sa balikat sabay akbay sa akin.

“sa akin mo lang ipapasa ang bola ha?”

kahit pa sarili ko ibibgay ko sayo, pati puso ko’t kaluluwa.

pero sa huli, talo kami.

————

“tara! sabay na tayong umuwi!”

sumigaw siya mula sa malayo. inaayos ko ang mga gamit ko. at sumama ako sa kanya nang buong-buo. sabay suyod sa mahaba kong hair. ahahahah! taob sa akin ang mga echuserang chicas dahil sabay kaming uuwi ng honey-lemon-toyo-mansi-baby-sugar-bootylicious classmate ko.

———–

“magkapitbahay pala tayo pare! hindi ka kasi masyadong naglalalabas kaya hindi ko alam. sa inyo ba yung banana que-han?”

“oo. kami ng nanay ko yung nagtitinda dun. hindi naman kita makausap nun kahit nakikita na kita kasi nahihiya ako sa iyo.”

“nahihiya ka sa aKIN? bakit naman?”

kasi..

akala ko suplado ka. at hindi mo type ang kagandahan ko kaya hindi…

“tol!”

muntik na akong mahagip ng kotse. pero nakita ko na lang ang sarili ko na nasa mga bisig niya, magkalapit ang mga mukha namin at nakatitig siya sa akin nang mata-sa-mata.

“ano ka ba? mag-ingat ka naman. para kang wala sa sarili mo.. blah-blah-blah-blah…”
pinapagalitan niya ako pero isang bagay lang ang tumatakbo sa isip ko…
IM FEELING ALL SUPERHUMAN YOU DID THAT TO ME, SUPER HUMAN ALL DAY WITH ME NOW, THEY CANT STOP ME HERE WITH YOU… OOOHH.. SUPERHUMAN…

feeling ko ako si keri hilson na may 5 inches na takong sa school shoes ko.

“naku tol, pasensya ka na. madami lang akong iniisip.”

“hindi ka ba nasaktan?”

“siyempre hindi. niligtas mo yata ako. para naman masuklian ko ang kabutihan mo sa akin ngayong araw na ito, gusto mo doon ka muna sa bahay namin magmeryenda. masarap ang banana que namin. malilimutan mo ang pagkalalaki mo, ay ang ibig kong sabihn, ang pamilya mo… ay mali… ”

akala ko hindi siya nakikinig. pero tawa siya nang tawa.

“palabiro ka talaga bro! akala ko weirdo ka eh. okay ka pala.”

at doon nga sa bahay namin, pinakain ko siya ng banana que namin. mukha namang nasarapan siya. ang dami niyang nakain eh. saka nag-uwi pa siya ng “sa malamig” na gawa ko para sa kanya. (author’s note: ung valentines’s ko sa malamig din… wala lang, epal lang!) tuwang-tuwa rin ang nanay ko dahil sa wakas nakapagdala ako ng lalaki, este…kaibigan sa amin.
“aling Pasing, salamat po sa meryenda. ang dami kong nakain. uuwi na ho ako. saka ho itong inumin, nag-take home na ako. ang sarap po talaga.”

“naku walang anuman hijo. sige mag-iingat ka.”

“tol! salamat dito. punta tayo sa video-han bukas. wala naman tayong pasok. tekken tayo!”

“o sige dude! kahit anong tekken pa yan! anak ka ng tekken! ingat ka.”

——————-

iniisip ko tuwing lalabas kami, date yun. madalas nga noon, siya nagbabayad kaya pakiramdam ko, kaya kong talbugan ang kachenesan ni BB Gandanghari.

pero hindi naman eh. kumbaga, magkaibigan lang kami na magkasama. ganun lang talaga. ako lang, hindi mapakali dahil sa tuwing aakbayan niya ako iba ang nararamdaman ko.

naging close naman kami. bigla lang.

sa school, madalas kami ang magkasama pag lunch. sa labas, mahilig kami maglaro sa video-han ng mga arcade games at baril-barilan.

—————–
“pre, alam mo nalulungkot ako.”
“bakit naman?”

“binasted ako ng nililigawan ko. akala ko gusto niya rin ako yun pala hindi. umasa lang pala ako sa wala. lagi ko pa naman siya hinahatid, dinadala ko yung mga gamit niya, lalo na yung bag niyang mabigat. minsan halos pagsilbihan ko na siya hindi naman pala niya ako gusto.”

aba! ang echuserang iyon! hindi natin siya bati! nakakapanginig siya ng nerves! at nakapangsisikip siya ng rib cage a!

“hay pare, parte ng buhay yan. hindi naman lahat ng tao gusto ka, pero tandaan mo rin na hindi rin lahat ayaw sa iyo. ako, gusto nga kita eh. kaya lang ikaw, wala ka namang gusto sa akin.”

“ano? anong sabi mo?”

“ah.. wala.”

“hindi. sabi mo may gusto ka sa akin?”

ungas pala ito! narinig na nga niya nagtatanong pa! ampness talaga.

“hindi naman pwede di ba? kaya masaya na ako na kaibigan kita. at saka alam ko na walang patutunguhan kung magiging tayo. tama na ito sa akin. masaya na ako. saka pareho kaya tayong lalaki.”

“bakit, porke ba’t parehong lalaki, hindi na pwede?”

“bakit? ako ba at ikaw? pwede?”

“bakit naman hindi?”

“ha? seryoso ka?”

ang mga mata niya. parang kumikinang. palapit nang palapit ang mukha niya sa akin. ang mga kamay niya, hinihila ako palapit sa kaniya, parang yayakapin ako. haplos ko ang mahaba niyang buhok.

“teka, ano… kasi.. hindi naman…”

bigla siyang pumikit. pumikit na rin ako. hindi ko na napigilan. alam kong hahalikan niya na ako. hindi na ako nagpakipot. kaming dalawa lang. moment na ito!

gusto ko nang pakawalan ang kabaklaang nananalaytay sa aking dugo, at isigaw sa buong mundo na mahal ko ang taong ito. at mahal din ako nito.

kumakabog-kabog na ang dibdib ko. hayan na! hayan na!
ZATURNAH!

wahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!! lindol!!!

“ANTONIO!!! LATE KA NA! BUMANGON KA NA DIYAN! ANO KA BA? PAPASOK KA BA? LUNES NA LUNES KATAMARAN NA NAMAN YANG PAIIRALIN MO. ALAS-SAIS NA NG UMAGA!…”
“oo na mother, kailangan bang sumigaw? kailangan ba nating magalit? dapat bang lumalabas ang tonsils natin kasisigaw at magstenosis ang aorta mo sa altapresyon at istorbohin ang buong neighborhood at…?”

“hehhhh! hindi naman anak, ayoko lang na sabihin nilang makupad ang anak kong prinsesa ng kagandahan. gusto ko sa lahat ng bakla, ikaw ang matino.”

“okay mother, please prepare my bubble bath.”

“ulol! Baka yang bibig mo ang lagyan ko ng bubbles! maligo ka na nga.” nakangiting sagot ng everloving na nanay ko sa akin AT binatukan niya ako ng tabo. actually, siya lang ang nakakaalam na bading ako. at saka kayo. ang sweet-sweet niya talaga.
nagising na ako sa napakagandang panaginip.

umaga na nga pala. binuksan ko na ang bintana ng kuwarto ko para pasukin ng sinag ng araw.

hayun siya, nagsusuklay. kitang-kita siya sa bintana. bukas ang butones polo niya na may sando sa loob. ang kagwapuhan niyang iyon. kailanman hindi magiging akin. hanggang dito na lang ako. pasilip-silip sa kanya  habang umiikot ang aking sinapupunan. hahahah! habambuhay na umaasang sana maging akin siya… ahhhh!!
“Uy! sabay na tayong pumasok. bilisan mo hihintayin kita sa baba. papasok na rin ako eh. dalian mo a! Kanina mo pa ako pinagnanasaan ah? JOke lang pare! hintayin kita.” pabirong sigaw niya sa akin nang makita niya akong tumitingin sa kaniya.

“mukha mo! mas guwapo pa ako sa iyo eh! hahhahah!” ang plastic ng sagot ko.

“haha! sige dalian mo na!”

hay bakla! ang saya-saya ko! sabay na naman kaming papasok.

AH, by the way, siya nga pala si Mark.
Kainis maging pa-mint! Pero ganun talaga, sino naman kasing nagsabi na love story ‘to?
HAPPY VALENTINES SA INYONG LAHAT!

(ps: wala ba kayong nahahalata?)