January, 2009

MOOD SWINGS *^_^*

INTRO:

junkpost ang password ng blog entry na nauna dito.

sinubukan ko lang yung password feature… ayan, wala tuloy halos comments. heheheh… anyways…

THANKS.

at ang entry ko ngayon, hindi siya tula. ewan lang.

————————————————————

minsan pinipilit ko naman maging “da best”,

o sinisikap maging kakaiba

pero bakit wala pa ring nangyayari?

naghahanap ng inspirasyon,

pero walang makita,

pwede namang yung sarili ko na lang pero bakit parang wala lang rin?

gustong mag-emote pero di naman kailangan umiyak,

may patay ba?

wala naman di ba?

ang igi-iging mag-isip sa buong maghapon

hanggang makatulog na at gigising kinabukasan…

…ng tanghali, hay!

maghahanap ng paglilibangan pang-alis purisaw

maglakad-lakad sa park o kaya pumunta sa lugar na hindi ko pa nararating,

pero pag-uwi, parang mas lalo pa akong napagod.

minsan ginusto ko umalis nang mag-isa,

pero  habang nasa daan ang lungkot naman ng paligid.

uwi ako ulit. hanap ng kasama!

minsan ginusto ko rin na maging pinakamatinong kausap ng lahat

pero para lang may masabi

nagmumukha tuloy akong gago

at mababanas lang sa akin ang kausap ko.

ayun! blag! binagsakan na ako ng telepono.

gusto ko ring mapansin ng crush ko

kung ano-anong ka-epalan ang ginawa ko.

ayun! wala na siya.

gusto ko ring maging maganda at maayos

nagbibihis naman ako

nagkokolorete rin

pero sa kinahapunan natatanggal din ang make-up ko

at balik sa mundo ng kadugyutan.

wala naman talaga akong problema

pero gusto kong uminom

pagkatapos ng  3 bote ng RH

wala… pakiramdam ko wala akong kwenta pagkatapos kong mahimasmasan. kunwari, lasing ako.

nagususulat na lang din minsan para mailabas ang nararamdaman ko

pero hindi pa ito todo eh.

ginusto ko umakyat sa bundok

at pagdating sa tuktok, sisigaw ako: PUTANG INA NIYONG LAHAT!

pero wala pa ko sa 1/4 galing sa paa ng bundok, pagod na ko.

POTA NAMAN KASE!  ANG BIGAT KO.

GLAIZA VS. GRAVITY

I surrender.

gusto ko rin sana magbasa

pero first page pa lang tirik na mata ko.

antok na.

minsan pakiramdam ko ang dami kong kaibigan

pero ngayon parang ayoko silang makita

kasi parang wala na akong ipagmamalaki.

alam kong okay lang sa kanila pero sa akin hindi.

naghanap ako ng pagkakaabalahan

commitment daw?

pero 2nd week pa lang may absent na akong isa

late pa ko lagi ng isang oras.

ako unrealistic?

hindi ko alam

pero gusto kong makalipad at maging invisible.

bihira ako tumaya sa lotto

pero sa araw na tumaya ako

mega-asa naman na mananalo ako.

pero maski isang numero wala akong tinamaan.

kahit rambolito pinapatos ko.

pero sa kabila ng lahat ng ito

mayroon lang akong laging isinasaksak sa isip ko.

MAGANDA AKO! at MAGANDA TAYONG LAHAT!

sapat na yan para ngumiti ako.

(siguro magkakaroon na ako?)

Protected: password junkpost: SINONG NAKAIMBENTO NG PERA?

This post is password protected. To view it please enter your password below:


I WANT TO BE A SHARONIAN…

“LIBRENG TICKET DAW SA SHARON BIRTHDAY CONCERT O! PILA NA TAYO!”

sinigaw ng kaptid ko habang nanonood kami ng TV. ang totoo, natawa ako.

aminin na natin, stigma na sa lahat na kung mahilig ka sa artista na:

JOLOGS ka
baduy
kadiri
low class
walang magawa
algae
fungi
mababang uri sa taxonomy ng mga nilalang sa mundo
desperado
hampas lupa… at kung ano-ano pa!

pero anong low class sa mga artista? eh ang yayaman nga nila at ang gaganda nilang lahat! trabaho lang talaga nila ang umarte di ba? at masa ang humahanga sa kanila.

unang araw ng pila, attack na kami ng mga kapatid ko. kanya-kanya nang plano kung sino ang isasama. ang daming tao! libre kasi. may mga nakausap kami na mukhang panata na yata nila ang magpunta sa mga libreng concert. basta raw sana andun sila Shaina at Rayver.

sulit naman ang pagod. sa isang pipila, 2 tiket ang ibibigay.

muntik pa kaming mag-away ng mga kapatid ko. dahil dapat daw walang ibang taong kasama kundi kami lang. pero naayos naman namin. hindi naman ako papayag na si Sharon ang sisira ng paggiging magkapatid namin no?

yung kuya ko pumila uli para makakuha ng tiket. kapal ng mukha sa ngalan ni Sharon! pero ayun nagtagumpay naman siya. may 4 na tiket xa. para sa syota niya, sa nanay nito at sa tita na rin tapos sa kanya. para wala na lang samaan ng loob.

3 araw nagkaroon ng pila sa audience entrance ng ABSCBN. madami talagang tao at hindi naman naubusan ng tiket kahit na napakarami talagang Sharonians.

at ayun, nung Biyernes…

alas-sinco pa lang ng hapon naroon na kami sa venue. akala ko kami lang ang atat manood ng concert eh. hindi pala. may mas atat pa sa amin. alas-tres pa lang ng hapon nandun na. at yung iba pa, mas maagang dumating.

gusto rin namin sa harap. pero anong laban namin sa mga true blooded Sharonians? mega effort! may tarps, happy birthday Sharon na boards, mga ganung effect! lalo na kay Mommy Elaine, kay Frankie, KC, Miel, Kiko… (aba! kamag-anak?) eh kami, dala lang namin sarili lang namin. at I LOVE YOU SHARON sa mga puso namin. at mga echusera kami.

nagpapasok na rin naman yung mga guard. pwede naman na daw. at habang naghihintay sa loob ng dome, inaliw muna ni Chokoleit ang mga tao. nagtatanong siya ng mga trivia questions at binibigyan ng premyong T-Shirt at pamaypay ang makakasagot ng tama at may extrang kiss pag lalaki ka. nakakatuwa talaga at hindi nakakainip.

ganap na alas-otso ng gabi, (in fairness, 8PM ang concert at natutuwa ako na hindi siya nag-start ng 9PM.) nagtilian na ng lumabas na si Ate Shawie at kumanta. ang totoo, hindi ako Sharonian pero napatili rin ako. at wala nga akong boses pero inubos ko kakasabi ng,

“I LOVE YOU SHARON!!!”

kinawayan niya ang lahat ng fans niya. naisip ko tuloy,

“MAG-ARTISTA NA LANG KAYA AKO? kaso wag na. kakahiya.”

(di ko man lang naisip kung qualified ako. hahahah!)

wala akong dalang camera. buti na lang naroon ang bestfriend ko at may dala siya.

hindi ako nakaupo sa harap. kaya nahihirapan akong malitratuhan ang mga artista. hindi lang naman si Sharon ang nandun. nandun si Pooh, Chokoleit, Pokwang, CAndy PAngilinan, Maja, Vhong (close?), Edu, Bayani, si Ate Charo…

at nang tawagin na si Piolo Pascual…

“WAHHHHHHHH!!!!!!!!! PIOLO ANG GUWAPO MO! DI AKO NANINIWALA NA BADING KA! I LOVE YOU PAPA P!”

grabe. di ko alam. kilig na kilig ako nang dumating siya. si Sam Milby ang guwapo-guwapo rin!

at siyempre, dahil birthday yun, naroon rin ang mga BIRTHDAY MESSAGES.

nagbigay ng message si Willie, Ate Vi, Boyet…

at ang nagpatili uli sa akin na nagbigay ng mensahe..

“GABBY!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!”

lahat ng tao sa buong Araneta, naghiyawan. grabe! ang sarap makihiyaw! hindi naman ako nakikinig sa birthday messages nila. tinitingnan ko lang yung mga artista talaga. at ang reaksyon ng mga tao.
lumabas na rin si ZsaZsa, Kuh, LT (gumanda siyang talaga sa kabila ng mga pagsubok sa buhay niya!), Vina, Gino Padilla… grabe talaga! ang galing din ng production number ni KC kahit muntik na sya mahulog dun sa see-saw niyang props.kumanta rin si Sarah, Rachelle, Mark, Erik, Christian. (first names basis talaga?)

ang sarap sigurong maging artista talaga. at may kaibigan kang artista rin. tapos anak mo artista rin… pare-pareho kayong stariray!

naging napakaganda ng concert na iyon. nag-enjoy talaga ako.

at nang matapos ang gabing iyon, i therefore CONCLUDE:

I WANT TO BE A SHARONIAN…
happy birthday Sharon.

(JOLOGS NA KUNG JOLOGS. HINDI NAMAN MORTAL SIN YUN NO? AT SAKA HINDI NAMAN BAWAL SA RELIGION NAMIN ANG HUMANGA KAY ATE SHAWIE!)