MY YEAR ENDER… isa na namang mahaba… amp! boom!
hindi ako fan ng paggawa ng new year’s resolution. kasi wala naman akong nagagawa. pag sinasabi ko, wala naman nangyayari kaya hindi iyon ang isusulat ko ngayon.
iibahin ko.
ang gagawin ko, magre-recall ako ng mga nangyari sa akin (o nangyari sa taon) and then maybe, i can start from there.
marami.
super.
try natin ang enumeration.
(random na ito. di ko na rin maalala ang pagkakasunod-sunod. basta sisikapin ko ilagay ang lahat ng kaya kong ilagay.)
1. kung anong una mong naaalala, yun ang isusulat mo sa number one. ![]()
THANK GOD NALAMPASAN KO ANG 2008.
SALAMAT SA MGA NAG-UUBOS NG KONTING PANAHON SA PAGABABASA NG BLOG KO AT SA PAG-IIWAN NG COMMENT.
2. lahat ng tinatago, masama. (sa akin lang naman applicable ito ano?)
3. it is not bad to start from scratch.
4. i’m knocked down, but never knocked out.
5. pangarap kong makakuwentuhan si Bo Sanchez.
6. parang ang saya maging Christian. hindi pala siya corny. (hindi po ako Christian. Catholic ako. pero pag nakikita ko sila, lalo na yung kapatid ko, parang masaya siya sa ginagawa niya. mabuhay ang mga Christian na nagbabasa nito. masaya naman ako sa religion ko.)
7. mahal ko ang aking pamilya.
8. kahit papaano, nakagawa na rin pala ako ng bagay na ikakasikat at ikakasakit ko.
9. napaka-self centered pala ng blog ko (obvious ba?)
10. ang isang bagay, sa umpisa hindi mo gusto. pero pag nakasanayan mo na, rock en roll rin pala.
11. madalas, hindi tayo masaya sa trabaho. pero ang nagpapasaya sa iyo ay ang iyong mga katrabaho. at ang sweldo. heheheh!
12. nakapagpadala na ako ng mahigit 10,000 text messages sa loob ng kalahating taon. (ang lakas ko pala sa load. o may mas malakas pa sa akin!)
13. kengkoy pala ang kuya ko.
14. ako si gagambala. at gagambalain ko kayo!
15. okay lang palang makatanggap ng teddy bear kahit hindi galing sa lalake. (pangarap ko kasi makatanggap ng teddy bear galing sa lalaki pero mga babae nagbibigay sa akin.)
16. mahilig talaga ako sa aso. ayoko ng pusa. at takot ako sa bulate.
17. hindi lahat ng lalake guwapo. noon yon. ngayon, hindi lahat ng guwapo, lalake. wahhhhhhhhhhh!!!!!!!
18. napakasayang mag-party. hindi talaga kailangang magarbo. basta lahat kayo masaya, nagkakasundo, nagmamahalan… masaya pala talaga.
19. napatunayan ko na hindi pala talaga mahalaga ang materyal na bagay para maging masaya ka.. pero ako mukhang pera.
20. natatawa ako kay Julius Babao. minsan niyang nasabi sa isang balita noon na hindi pa inaabot ang Pilipinas ng worldwide crisis… grabe. partida pa pala nung mga panahong iyon.
21. ang gastos maging tabachoy.
22. hindi kami kasya sa tricycle.
23. masarap daw akong kasamang kumain.
24. wala pa akong nakasamang pumayat. lahat sila tumaba.
25. masarap sana ang may ka-i love u ka, may nagsasabi sa’yo ng i miss u, at nagtatanong kung nasaan ka na… pero okay lang kung wala. pwede mo naman sabihin, WER NA ME? D2 NA ME. KUMAIN NA BA ME? I MISS ME, I LOVE ME, KUMUSTA NA ME… leche! napaka-self supporting.
26. hindi ka rin sasaya kung ikaw lang. dapat may kasama ka.
27. hindi totoong pabigat ang kaibigan. pero ako mabigat. pero kaibigan mo ko. gulo no?
28. may utak pala ako kahit papaano.
29. mayroon na akong HALOS 2,000 comments na kabuuan sa blog ko. (thank you. pero binubura ko yung iba na mukhang spam lang.)
30. nakalimutan kong simulan ang entry na ito ng HAPPY NEW YEAR.
31. boring akong tao.
32. pero interesting daw.
33. isang kindat lang, one shot dead na ako.
34. napaka-gullible kong tao.
35. natapos na ang taon, wala pa rin akong syota.
36. masaya ring tumingin sa magagandang babae. kahit babae ka rin.
37. tinamad akong mag-make up.
38. tumaba pa pala ako.
39. lagi pala akong nabibiktima ng mga taong pa-fall.
40. huwag magtatanong kung magde-deny ka lang.
41. masarap gumamit ng computer.
42. nakakabaliw manood ng anime lalo na kung di pa pinapalabas sa TV. ayoko ng manga. kasi hindi ako mahilig magbasa.
43. marunong na pala talaga ako magsulat ng hiragana at katakana.
44. mabilis pala akong matuto.
45. maraming nagsasabing addict daw ako. addict ba kasi saan.
46. maraming reader ang hindi magkakainteres na basahin to kasi mahaba na naman.
47. next year 23 na ako.
48. akala ko loser ako. hindi naman pala.
49. mabilis pala ako mag-type.
50. ang sarap sanang isipin na nagkaroon ako ng mga tangahanga sa blog ko. mantakin mo hinihingi ang number ko at magkita daw kami! yahoo!
51. never talaga ako natuto mag-yosi.
52. may mahigit 500 comments na ako sa fs account ko.
53. halos 200 din pala ang mga kaibigan na kilala ko.
54. malamang sa mga oras na ito, nasasabi mo na sa sarili mo, “ano naman ang paki ko?”
55. sobra ang krisis lately. actually noon pa.
56. wala akong ipon. naubos lang kakakain ko.
57. masayang kumanta ng kantang kahit hindi mo naiintidihan.
58. wala pa ring kupas ang mga pelikula ni DOlphy.
59. andito pa rin ako sa Pilipinas.
60. mayabang pala ako.
61. i love my aso.
62. ang haba talaga nito.
63. madami palang porn sites.
64. nakakainis kausap ang walang kwentang kausap. at isa ako doon.
65. 3 beses na-bad trip ang bespren ko sa akin.
66. kung anong ginawa mo, siya ring babalik sa iyo.
67. i love you.
68. kayang maglakad ng mga tao nang walang damit sa loob ng bahay namin… tara! join them. hindi ako kasali.
69. hindi na nakakatawa to.
70. ilang pages kaya ito?
71. walang bagay na maliit basta binigay at ginawa ng buong puso.
72. nangolekta pala ako ng keychains. nakakaloka. at yun lang pala yung meron ako.
73. gustong-gusto ng tatay ko na tumubo uli ang buhok niya. pati na rin si kuya.
74. hindi ko namamalayan na nagpapalobo at nagpapalipad pala ako ng laway pag wala akong ginagawa. (nagtinginan sa akin ang mga tao sa PRC kasi hindi ko alam na ginagawa ko na pala.)
75. masarap pag-trip-an ang kabataan at kabobohan ng mga ko.
76. ngayon ko lang naisip na wala talaga akong siyota.
77. malamig ang pasko. malamig din ang bagong taon.
78,lasang panis pala ang adobo pag hinaluan ng red wine.
79. masarap ang fruit salad.
80. marami talaga akong typrographical errors. itanong niyo na lang sa mga naging ka-trabaho ko.
81. masayang makipag-away in English.
82. nanggaling na ako sa COnvergys. heheheh! saya!
83. madami na ring mga salitang naimbento. hindi ko naman alam kung anong ibig sabihin.
84. ang sarap mag-videoke. nakakaadik.
85. pag sobrang gutom ka na, kahit hindi masarap o kahit panis pa, makakain mo rin. yak!
86. ilang items ba ang naulit kong sabihin?
87. ang galing ni charice, allan, charlie… actually marami sila di ko lang alam ang pangalan. ang galing ko rin pala! hahah! naki-epal!
88. nasira yung machine nung lotto nung isang gabi na nanonood ako ng draw.
89. natutunan ko na hindi maganda ang maghabol sa taong ayaw magpahabol. nakakasawa pala ang maging balagoong. ang habol ko, parang langit-lupa. ayawan na. ay hindi, ako lang pala.
90. kapag pumasok ka sa CR namin, magkukulay bangkay ka.
91. nanonood ako ng EVA FONDA, FEAR FACTOR, I LOVE BETTY LA FEA, LUNA MYSTIKA, at kung ano-ano pang teleserye na meron sa gabi at sa hapon.
92. gusto ko sumali sa Ms. Fitrum.
93. madalas ko isali ang Wowowee sa blog ko. (NASABI KO NA BA ITO?)
94. kahit anong handa ng pasta gusto ko.
95. ano pa ba?
96. msasarap pa rin magsaya sa sarili mong bahay kaysa nasa ibang lugar ka.
97. make someone happy each day. even if it is yourself.
98. GOD IS GOOD. ALL THE TIME.
99. napakaganda talaga ng fireworks.
100. para sa iyo na ito. (oo! sa’yo nga!) dahil nakaabot ka sa item 100.
MALIGAYANG BAGONG TAON SA INYONG LAHAT. HANGAD KO PO ANG LAHAT NG MAKAKABUTI SA IYO… MARAMING SALAMAT…














happy new year din po sa inyo more blessings to come to us=)
#20…engot talaga si Julius Babao…palibhasa siguro di sya apektado ng crisis na eversince e landmark na ng economic life ng pinas…putang ina nya…sarap tadtarin at pakain sa pating…..dapat name nya…Julius Bobo (teka puso ko…deep breath….haaaah!)
#17…hindi ako tibo…pero mas madami talagang gwapong babae…yung me prinsipyo…me buto…me desisyon…palaban at me puso….(pero dahil malandi ako gusto ko paden lalaki…nyahhh!…kat hindi gwapo basta me pusong makatao…hindi libog lang ang alam)
#74…ok lang nagpapalipad ng laway…wag lang bubula bibig ha…ahhahah
#57…salamat sa music mo…nahihilgan ko na den tuloy japanese at korean songs ba yun?…
#14…gagambala pala kaw…ayus lang…andaming basura kletchehan sa net…taena lalong kakalito…pero ang blogsite mo…parang bahay…masaya…me pag-ibig…totoo…mabuhay ka po!…(o pacheeze burger ka naman!)*kindat*
hehe… takot din ako sa bulati… dami nating things in common talaga kaya lang ako may syota.hehe:)
kung anjan k s pilipinas, andito aq s bahrain……..
hi there, actually this is the first time i made a comment for blog.
well maybe because im still homesick.
hopefully we became freinds…..
have a nice day…
101: me masaya lang sa anyo pero malungkot ang puso.
102: me iba ibang ngiti ang sa tao, me totoo, ngiting kinakabahan [pwede ba un?], or na ngiting nate-threaten [meron nun, kala mo lang wala!] me ngiting aso gaya ni ate glow m.a. [hehe, joke], me ngiting in denial, ngiting sarcastic, ngiting plastic, ngiting paimbabaw etecetera.
103: ang magtanim ay di biro, maraming nagtatanim ng poot sa loob nila ayon… hindi man mangiti, parang sila ang nag mamay ari ng lahat ng sama ng loob.
104: money counts, truth is, madaling gumawa ng mabuti pag me pera ka! bilhan mo ung pulubi ng isang meal , regalo na un na hindi nia maibabalik sa yo but the responds is overwhelming kung hindi ka KURIPOT!
105: ang wine nagpapalaki ng tiyan, it DOUBLE the thirst and though its a liquid it will not quench the THIRST… drink water. the betterer.
106: ang buhay na ito ay hindi TUNAY na buhay, sa isang sandali ay may ngiti, kapagdaka’y may luha na, kanina lang ay kay saya bakit ngayon ay boring na….
107: masarap matulog kapag inaantok, pero ung mahirap matulog kapag nagtutulog tulogan. sakit lang ulo mangyayari nian, hehe
108: ang matataba di madaling ginawin, their body fats will act as an insulator kya kahit itulak mo yan sa pool na puno ng yelo, it will take time para pasukan ng spirit of shiver down the spine ang mga ganitong mammals. hehehe JOKEEEEE!!
109: Joke is a form of telling the truth in a not-so-harsh- way but it is the freaking truth! it may mean different pero suntok un sa pag mumukha nung sinabihan. Like for eggsample. si MIke Velarde ay hindi naman talaga POGI… jokeeee!
110: Life is too short but despite it, venture and gain, sabi nga me there is a season and reason everything under the sun. Mahalaga rin na pag ukulan ang bagay ng espirituwalidad. marami at iba iba ang mga faith nagkalat dian, kung metikuloso ka sa pagkain, sa pkkpagkapwa o pkkpagrelasyon, better be maging metikuloso rin sana sa pagpili ng faith na sasamahan. [I am a christian]
110a: singit lang, I am compelled to do so.
it holds true, that not all that confess they are of God are really of GOD! watch out you might just go under
Better think twice, your train of thought will be altered
So if you must falter be wise… It can creep up inside you and consume you
A disease of the mind it can control you
then u become a monster
111: marami sana akong isusulat pero saka na lang… hehe [nake epal din]
nakaabot ako sa 100! RAKenROL!
MALIGAYANG BAGONG TAON DIN SA’YO!. HANGAD KO RIN PO ANG LAHAT NG MAKAKABUTI SA IYO… MARAMING SALAMAT…^_____^
hahaha, nakakaloka ka..hindi mu nalagay yan… happy new year!!!!
wahahahahaa rak en rOL ka taLaga! sa sObranG saya kO ginawa kO panG shOut out yung isa mOng cnabE!!! mabUhai! akO din kaLa dati kOrni maGing cHristian perO nung nakasanayan kO na.. rak en rOL rin pLa.. hehehe dahiL anG kristyanismO pLa ay hindi isAng reLihiyOn.. kUng taga piLipinas ka anG tawag sayO ay piLipinO at biLang isanG mamamayan nitO may sinUsunOd kanG mGa triP o nakagawian nG iyOng bansa.. ganUn din sa kriStyanismO..
hindi itO isanG titULo.. cHristianity is a LifEstyLe.. ika nGa nG mGa IngLeserO..
kaya naaLiw akO dUn sa isanG pOint mO.. rak en rOL taLaga paG nakasanayan mO na! hahaha
nanGgaLing rin ako sa isanG reLihiyOn.. perO nunG hindi netO nasasagOt anG mGa katanUngan kO sa bUhay ay iniwan kO na itO..Ok narin yUng nagtatanOng tayO kesa gUmagawa ka nG isanG baGay na hindi mO aLam anG kahULugan.. totaL ama naman anG tawag naten kay GOD, baket hindi naten xa hayaanG sagutin anG mGa katanUngan naten sa bUhai.. perO hindi kO cnasabe na gayahin mO kO (sanayan lanG yan) hehehehe merOn LanG akOng isanG bagay na hinahanaP.. na hindi kO nahanap sa reLihiyOng pinaGmuLan kO.. ayUn ay anG reLasyOn sa Lord or yUng tinatawaG nGa na espirituwaLidad.. (medyO muka nakOng nanGa2raL perO pLs. bear with mE.. naaLiw lang taLaga akO sayO..) kahit si videveck cnabe din na magkaiba anG reLigiOn sa espirituaLLy.. medyO epaL tLaga yung kebigang kOng yUn perO may pOint naman xa.. anyway anG mahaLaga maging matured tayO sa pamumuhay naten ditO sa mUndO at iyOn anG nagpapasaya sa bUhay natO!! rak en rOL parin kahit panGet anG ipinapakita nG mUndO…wahahahahaha
sana bati parin tayO… heheheh nag share Lang naman akO..
sana may napULot ka rinG araL.. dahiL kUng waLa.. ay baka napULot na nG iba..
sana marami ka pang maencOurage ka kabataanan sa paG susuLat mO nG ganitO..
(sana pOrtiOn)
pagpray mO rin na sagUtin akO ni euLa.. yung kinukwentO ko sayO hahahaha!!!
para magkasiyOta na rin akO…. sayang naman yUn kUng mapupunta sa iba wahahaha!
marami akO tumawa sensya na!
well. . . ako yata yung nanghingi ng number. . . heheheh
keep writing.
wish u ol d best, glaiz…
feeling close? heheheheh
hahahah….
YUP! masaya maging Christian akala ko din nung una k0rni di pla.. Now i’m enjoying it plus other benefits! sayang sana nuon pa ko naging Christian hehehe
keep up!
God bless us
grabe ang haba nman ng blog mo, as in tinapos kong basahin ha, naumpisahan ko na kasi e, pangit nman kung di ko sya ituloy tuloy, well, ok lang wala nman akong ginagawa right now e, kaya natapos kong basahin, anyway… happy new dear and new year….
May isa lang akong comment, sabi mo sa no.6 parang ang saya maging Christian. hindi pala siya corny. (hindi po ako Christian. Catholic ako. pero pag nakikita ko sila, lalo na yung kapatid ko, parang masaya siya sa ginagawa niya. mabuhay ang mga Christian na nagbabasa nito. masaya naman ako sa religion ko.) naging plastic ka ata doon dito. magpakatotoo ka sister… wala sa relihiyon ang kasagutan…lalong wala sa mga ginagamit na term kung relihiyon ba o felowship ba o life style ba or whatever…nasa tao kung pano mo palalawigin ang pagmamahal mo sa Diyos…nasa puso ang Diyos…palusot lang ng mga protestante yang way of life na yan…convinience yan ang mas tamang term…ako katoliko, kahit ibitin mo kong patiwarik…di ito magbabago…di ako kayang tangayin ng mga kanta at sayaw ng mga born again…dahil ako’y masaya naman sa relasyon ko sa Diyos bilang katoliko ……Sorry ha, PEACE!!!
kaaliw ka talaga!!!
well, for clarification lng po… Sa religion, lahat ng naniniwala at sumasamba kay JESUS CHRIST ay tinatawag na CHRISTIAN… which came from the word CHRIST.
Kung taga manila ka, ang tawag sa yo, MANILENIAN, kung taga Zambales ka, tawag sa yo ZAMBALENIAN…
Ang conclusion, kahit Katoliko, Aglipayan, Born Again, Methodist, Iglesia ni Kristo ka man, O KAHIT ANU PANG RELIHIYON mo at kung ang sinasamba at pinaniniwalaan mo na tagapagligtas ay si Jesus Christ, ang tawag sa iyo ay CHRISTIAN…
KEEP IT UP!! GALING MO TALAGA…
ay, ayoko ata ng usapan tungkol sa religion…madalas nauuwi yan sa argumentong “anu ang nauna…itlog o manok?”… aw!
alam ko yang explanation na yan na itinuro pa ng highschool teacher namin at naulit pa noong college, noong highschool sa religion at history noong college sa history…napakalogical naman di ba? pero PARA SA AKIN LANG, i will not follow that dahil ano ba ang definition ng religion? Equal ba ang FAITH ng mga born again Christian,METHODIST SA KATOLIKO? Tingnan mo nga ang definition sa dictionary… they taught us that concept to simplify things…Ang point ko kung ano anong terms ang ginagamit ng mga protestante sa mga sarili nila, e isang word lang naman ang katapat nila…CONVENIENCE…kaya huwag mo kong icorrect sa definition ko ng religion…
ui wag kaya kayo mag-away d2. nakakaloka kayo!
galing galing nice blog po..
tawa po q ng tawa d2 sa loob ng computer shop..
pra na qng timang eh..
nagtinginan 2loy.
hehehe.
kakahawa..
teecee
and keep up the gud work ate.
(ate ba?)
opo ate..14 plang me..
i like ur blog, though sabi mo its self centered, its fun… super.. everytime i am sad, i just open ur blog.. then like magic… it makes me laugh!
thanks, keep it up.. fan mo na ko..
Waaaahhh! Ano ba yan.. I had to type my comment all over again.. (nosebleed)
Ayun, sa No. 50, Bakit nga pala hindi pa tayo nagkikita.. I told you, hindi ako killer, di ako tibo, bading ako!
Ang galing, Glaiz.. Kahit late na ang comment ko..