IMPOSIBLENG CHRISTMAS WISHLIST!
INTRO: MERRY CHRISTMAS SA LAHAT… ilang araw na lang Pasko na!
hindi ko alam kung sinasaniban ng masamang isipiritu ang blog ko at may kung ano-ano akong comment na nakukuha tungkol sa tramadol (pain reliever siya mga kababayan!) ang dami kong comment na galing sa pesteng to. hay… siguro alam nung nagpo-post na i am in pain. I’M TOUCHED, ARENT U? PA-CHEESEBURGER NAMAN KAYO! wahahaha
minsan sa ating pag-iisa, may mga bagay tayong naiisip. mga pangarap. hindi yung pangarap na reachable. may mga pangarap lang kasi na halos imposible nang abutin. paano ko ba ilalagay into words? ako kasi may mga bagay na gusto ko mangyari pero wala eh. gusto ko magkaroon pero wala ako. gusto ko yung maging ako pero hindi naman. yung mga ganun ba.
malapit na kasi ang Pasko. nag-resign na pala ako sa trabaho. tang ina, wrong timing. shates! di ko naisip ang 13th month, ang quarterly bonus, ang sweldo.. ang bobo ko talaga. palibhasa tinamad na ako mag-calls at ayoko na talaga. para sa training na wala namang sweldo. ang tapang ko mag-resign wala naman akong ipon. boba, boba, boba!
————————————————————
MY SO IMPOSSIBLE CHRISTMAS WISHLIST NA NANGANGAILANGAN LANG NG HIMALA AT END OF THE WORLD BAGO MATUPAD…
1. sana sexy na lang ako… at maputi ang kili-kili ko..
-para naman makasali ako sa Rexona dance at sa Ms. Fitrum sa Wowowee.
2. sana bading na lang ako…
-nood kayo anime na GRAVITATION yung title. malalaman niyo kung bakit.
3. sana maraming-maraming-maraming-maraming-maraming-maraming-maraming-maraming-maraming-maraming-maraming-maraming-maraming-maraming-marami akong pera…
-sa sobrang dami, di ko na alam kung saan ko gagastusin. ung bang pampunas kona siya ng pasamanong madumi. at sulatan ko na siya ng draft ng blog ko.
-pag nanalo ako sa lotto, hahanapin ko na ang magkasamang pwersa ni Belo, Calayan at MEndez! Mag-volt in na sila dahil susugod na ako sa clinic nila! humanda na sila! wahahahaha!
4. sana anime na lang ang lahat ng tao…
-para lahat ng klase ng facial expressions nagagawa ko. kaya ko manapak na makakapunta sa kabilang part ng universe, ang balat ko walang guhit. kayang maging hugis puso ng mata ko pag in-love ako, magba-blush ako sa ilalim ng mata, iiyak ako na kayang pabahain ang Espana abot hanggang Rotonda, ang bibig ko mas malaki pa sa kweba, kaya kong umikot at sumayaw-sayaw at kahit lumipad… at kaya ko maging kulay blue, may buhok na daig pa ang taong nabili na lahat ng conditioner sa buong mundo dahil ung mga anime characters ang ganda ng buhok nila… ang dami-dami pa.
5. sana lahat na lang libre
-tutal mas masarap kumain pag libre, di ka na maga-abroad kase andito lang sa paligid ang kailangan mo, walang kailangang bilhin kaya di rin kailangan ng pera. pwede mo nang alisin ang wish no 3.
6. sana lahat ng lalake na lang ako.
-pihado di man ako gwapo, cute naman ako. chubby man ako, funny naman ako. di naman ako masyadong matalino, pero witty naman ako. di naman ako mayaman pero sureball may work ako. sigurado, may syota na ako ngayon. madami pa sila. buong baranggay. pati bakla kakabit sa akin. pati tomboy magiging girl pa sa girl. at sigurado rin, ang yabang ko nun! sobra!
7. sana MASSCOM na lang course ko.
-malamang artista na ako at ako ang gaganap na TABA TINA (si tina na mataba noon at naging sexy at naging super ganda. naghihiganti sa mga nang-api sa kanya!), kalaban ni BETTY LA FEA. malamang ipo-postpone next year ang LALOLA. (o, yung mga fans nila, wag magalit. wish lang naman to.), pati EL CUERPO taob na! wahahahaha! grabe! apog men… apog! nagamit ko pa pinag-aralan ko. o kaya, newscaster na ako. o kaya pwede na rin akong sumabit kay Kuya Kim. okey na yun!
8. sana ibon na lang ako.
-para makalipad ako sa iba’t-ibang lugar. at pwede pa ako mag-migrate sa iba-ibang bansa kahit wala nang papers. migratory bird ba?
9. sana sabon na lang ako.
-baka sakaling mabili niya ako sa store at ako ang isasabon niya sa katawan niya! yahoo!!! tiba-tiba tayo men!
10. sana matupad lahat ng wish ng mga tao para malaman nila na hindi iyon ang sagot sa lahat!
-quote daw iyan ni Jim Carey. galing niya mag-Tagalog no?
————————————————————
hay… paano ba tutuwid ang utak na baku-bako? mas baku-bako pa sa taong may pimples na tinubuan ng mukha, parang taling nagkapili-pilipit, parang ispageti sa tinidor, parang baklang nagsabunutan, parang kulot na buhok na hindi masuklay, parang.. para akong gago…
balik uli ako pag may masasabi nang matino.
————————————————————
TEKA, IKAW BA, MALIBAN SA WORLD PEACE, ANONG WISH MO PARA SA PASKO?
pati nga aso ko tinatanong ko, CHUBA, WHAT DO YOU WANT FOR CHRISTMAS?
ako, gusto ko ng IFONE. ![]()














gusto ko ng digital camera or laptop or iPod!
maliban sa world peace..
gusto ko nang..
*DSLR
*MacBook
*Madaming Pera
ayun.. tatlo LANG naman.. hahahaha!..
napaghahalataan tuloy na materialistic ako..
ok.. pedeng bawiin?
bawal?.. kfine..
sana sa makakabasa neto.. matupad mo.. ahihihi!!!…
ay teka… may isa pa palang di materyal na bagay..
gusto ko nang boytoy bago magfeb!.. hahaha!.. o sinong abeylabol?! aplay na!
P.S.
sana may c-box na ulit.. namimis ko na ang dating c-box dito… huhu!..
in fairness may laptop and digital cam na ako.. ayoko ng ipod..wish ko lang good health for the whole family.. hirap kasi pag may nagkakasakit.. ‘tsaka there’s enough for everyone’s need.. corny no? pero honestly yun talaga wish ko..
sana laging happy lahat lage…….=)un ung wish ko…..nice blogh po ulet….advance merry xmas=0
Hehehehe…
Gusto ko makahanap ng Genie bottle para maka wish ako ng one million more wishes… Hehehe…
Ang pinakamaganda at pinakasuwerteng hayop sa balat ng lupa eh yung barakong manok sa isang poultry farm. Mantaking mo pinapakain ka lang para makipag sex sa isang libong mahigit na chicks… Para lang mangitlog sila ng mangitlog…
Bwahahaha… Sana pag na incarnate ako ganun lang… Isang tandang na manok sa poultry farm… Hehehehe….
THIS SOUNDS CORNY BUT ALL I WANT IS THAT EVERYONE AROUND ME COULD BE HAPPY IN THAT WAY I CAN BE HAPPY TOO.
bumait lahat ng tao sa mundo…walang mahirap, walang mayaman…lahat pantay-pantay…walang maganda, walang pangit pero wag namang magkakamukha lahat…tumigil sa paninigarilyo and mga chain smoker…maging sober ang mga lasenggo…maging faithful ang mga babaero…wala nang magtitinda ng aliw dahil lahat ng may gusto ng pag-ibig at ligaya makakahanap ng kapareha…gumaling lahat ng may sakit…makalakad ang mga pilay…makakita ang mga bulag..makadinig ang mga bingi..makapagsalita ang mga pipi…wag naman nang bumangon ang mga bangkay…mapunta lang sa langit ang mga naging mabait..sige na…mapatawad na rin ang mga makasalanan at ma promote din sa langit…bumalik tayong lahat sa panahon ni Eba at ni Adan…at i wa wipe out natin ang mortal sin para di na kailangang mag sakripisyo ni Cristo para sa ating mga kasalanan…ang Pasko ay paalaala na ang buhay natin ay hiram…sa Diyos na pinanganak sa sabsaban…isang payak na kapanganakan..walang ka ek ekan walang kaartehan…magbago na lahat ng wala sa katuwiran…ang KJ ko….pero wala akong magagawa…yan talaga… yan ang gusto ko…pagsapit ng Pasko…
ako sana wishes ko matupad hehehe…
i wish.. i wish.. sana… dalawa ang puso ko… wahahahaha
gusto kong matutong magdrive kahit na wala akong kotse ^____^
my wishes:
1. malagas nalang sana kusa mga buhok ko sa legs
2. matulog sana na busog na busog ang boss ko (weh ala naman ako iniisip na masama)
3. kahit isang araw lang….magkapalit sana ang mayaman at mahirap sa kanilang economic status…para talagang magka-intindihan…kung sino’ng mapalad at sino ang tunay na baliw (ngek)
4. wag sana tamarin ang genious na me ari ng blog na ito sa pagsusulat at wag sana sya lumaki ( remain with a child-like spirit po ibig kong sabihin…inde po size hehehe)
5. sana bago tayo magalak ng husto dahil sa mga meron tayo… maisip den natin yung mga wala…na lalong pinipiga ngayon ng kanilang kawalan…
6, sana sana habang masaya kayong buong pamilya sa noche bueana…maisukob nyo sa inyong dalangin…silang malayo sa kanilang mga pamilya….o silang wala man lang pugad na uuwian…
7. at sana yung mga walang sex life…wag naman lagi mainit ang ulo…nyahh!
salamat po sa espasyo…at maligayang pasko sa lahat!
boylet lang sa akin, boylet…
hindi baleng mahirap, basta guwapo.
maliban sa world peace… sana… sana… wag nang tumino ung may ari ng blog na ito,, para laging masaya!!! hahaha!!
gusto ko ng celfon number mo. . .
ako gusto ko cellphone
hI lAm Knl; YaCh My FriENDs mE
……………………..hindi totoo c santa claus…………..
hehehe… naaliw nanaman ako sa blog mo… go idol… lam ko nurse ka din at pareho tayo… di kita kilala pero bakit kaya tinawag kitang idol… ahhh kasi pareho tayo ng wishes… gusto ko ding pumuti ang kili-kili ko.hehe… gusto ko din pumayat… parehas din tayong nurse na dati’y gustong kumuha ng masscommunication… siyet… dami nating things in common… kala ko tuloy ako ikaw.hehehe:) mwah (feeling close).hihi… keep on writing… galing… puno ng humor, parang si Bob Ong:)
Sana matuto na akong gumawa ng blog ko para hindi na kita ginagaya.
Hehe.
wish q ngaung pasko.? sana aq maging reason para matupad ung wish “nia” at nung iba q png mahal sa buhay… wow parang imposible din ah.! di bale., ikaw at AU walang imposible… yeah boi.!!!
ako wish ko bumalik na ng pinas at makasama mahal ko..
umunlad na ang pilipinas para hindi na kailangan mangibang bansa pa..
(ang lungkot kaya kapag hindi mo kasama mahal mo!!)
Sana ako na lang si Glaiza.
-para makagawa ako ng malulupit na blogs na nakakatanggal ng lungkot ng tao, hinahangaan, sinasaludohan, pinagpapantasyahan (naks)..
Apir!
ATTENTION:
Sa mga fans ni pulis pangkalawakaan… may papakita ako sa inyo…
*naging fan ako ni glaiza kasi magaling talaga siya… may blog din ako.. naging inspirasyon ko din siya.. may mga entries ako na pawang kanya.. pero may sarili akong istilo sa paggawa… ang masaklap sa pagbloblog… e yung mga MAGNANAKAW nang entries… hindi ata niya alam ang salitang PLAGIARISM… o disclaimer man lang na katulad nang ginawa nang isa ding nangopya… ETO
*may tinatawag tayong blog ethics… at nakatago yon sa puso nang mga bloggers na katulad ni pulis pangkalawakan at ako… at bilang isa sa mga tagahanga niya.. ayoko naman na may gumagaya sa kanya…. kayo na ang bahalang magisip kung ano ang magandang gawin sa mga magnanakaw..
parang gusto ko tuloy kumanta nang…
alin… alin… alin… ang naiba…. isipin kung alin ang naiba…
Nakz! Just in time ang post mo Glaiza.
By the time mapost ko tong comment siguro New Years na ahahaha.
My Top 3 List for This Year’s Holiday Season
And explanation kung bakit.
The Needs:
1.) 16 gig iPhone - Need ko kasi sa line of work ko e. Need hi-res pics for data gathering, high rate of transfer from hardcopy to online journal, multiple call and text widgets, cool touch-pad pa. Dagdag pa sa pogi points, panghatak sa chicks. Practically and aesthetic pa. Hmm.
2.) T>my Sony VAIO to your Panasonic Toughbook. (Ganyan daw kasi yan, resilient) Kahit ibabad ko na sa dagat’t sipa-sipain ko pa, stay true my toughiebookie pa rin. O ye! \m/
3.) Wide spectrum lense para sa slr cam ko, yung na lang kasi kulang sa lenses set ko e. Sana sponsor ng Sony ;P
4.) DigiBook para sa mga eFiles ko. Para di na ako mawalan ng mga libro’t case files dahil nakalimutang isauli, nagmaaang-maangan pang may hiniram daw, o more-over nanenok na ng kung anong mahiwagang puwersa ang mga ito. Powtek! *gigil!*
The Wants:
1.) Sarili kong wheels, para di na ako umasa sa mass transport system natin. *eek* Audi (branded pa talaga, pa-sponsor na lang XD)
2.) para ako naman ang mag-owning sa wargames namin. Amfness!
3.) Si “____” bebe ko, sana marealize nyang di naman lahat kailangan ng fame and fortune para lang matuwa ka, makompleto ang buhay sa plain of existence na to.
Over-all, materialistic nga ako. Sa panahon pa natin ngayon? Ano ka pa.
Obviously.
Amen.
Ad-libs:
Ooh, nakakarelate ako sa’yo mheyn!
Daming wants, naiignore na ang needs.
Kung makuha naman ang wants, papaano na ang needs?
Kung makuha naman pareho, are you ready to pay the price? (I mean that both literally and figuratively) Lalim mheyn! >_harsh realities of life, kahit makipagsabayan, makipagumpugan ka sa mga soon-to-be kasing egotistic mong creatures of the multiverse.
Makuha ko na rin sana ang wants ko, di nalang ako nagttiyaga sa mediocrity. Kung ano naman magpapataba sa puso’t kaluluwa ko men. Kulang na sa sustanya puso-puso e. *hikbi*
Anyways,
Go Glaiza GO.
^____^ \m/
ako guto ko
nang maraming oras..
nang maraming pera..
saka gusto kong bilhin yung araneta
wahahah!!!
gusto ko lan magkapakpak
hha ;DD
ganda.. ganda!
solve na siguro ang
mundo kung lahat ng yan
natupad na .. hha
I want the truth…
ako? i want him to love me…hehe
wish koo?
makilala kta.
haha.
:))
super! d ako magsasawa magbasa ng blog mo. sumasaya ang araw ko. hehe
wish ko maliban sa world peace…. ahhmmm
sana…
matupad na yung pangarap ko.
yun lang…
kaso, nakalimutan ko na kung ano yun.