November, 2008

IMPOSIBLENG CHRISTMAS WISHLIST!

INTRO: MERRY CHRISTMAS SA LAHAT… ilang araw na lang Pasko na!

hindi ko alam kung sinasaniban ng masamang isipiritu ang blog ko at may kung ano-ano akong comment na nakukuha tungkol sa tramadol (pain reliever siya mga kababayan!) ang dami kong comment na galing sa pesteng to. hay… siguro alam nung nagpo-post na i am in pain. I’M TOUCHED, ARENT U? PA-CHEESEBURGER NAMAN KAYO! wahahaha

minsan sa ating pag-iisa, may mga bagay tayong naiisip. mga pangarap. hindi yung pangarap na reachable. may mga pangarap lang kasi na halos imposible nang abutin. paano ko ba ilalagay into words? ako kasi may mga bagay na gusto ko mangyari pero wala eh. gusto ko magkaroon pero wala ako. gusto ko yung maging ako pero hindi naman. yung mga ganun ba.

malapit na kasi ang Pasko. nag-resign na pala ako sa trabaho. tang ina, wrong timing. shates! di ko naisip ang 13th month, ang quarterly bonus, ang sweldo.. ang bobo ko talaga. palibhasa tinamad na ako mag-calls at ayoko na talaga. para sa training na wala namang sweldo. ang tapang ko mag-resign wala naman akong ipon. boba, boba, boba!

————————————————————

MY SO IMPOSSIBLE CHRISTMAS WISHLIST NA NANGANGAILANGAN LANG NG HIMALA AT END OF THE WORLD BAGO MATUPAD…

1. sana sexy na lang ako… at maputi ang kili-kili ko..

-para naman makasali ako sa Rexona dance at sa Ms. Fitrum sa Wowowee.

2.  sana  bading na lang ako…

-nood kayo anime na GRAVITATION yung title. malalaman niyo kung bakit.

3. sana maraming-maraming-maraming-maraming-maraming-maraming-maraming-maraming-maraming-maraming-maraming-maraming-maraming-maraming-marami akong pera…

-sa sobrang dami, di ko na alam kung saan ko gagastusin. ung bang pampunas kona siya ng pasamanong madumi. at sulatan ko na siya ng draft ng blog ko.

-pag nanalo ako sa lotto, hahanapin ko na ang magkasamang pwersa ni Belo, Calayan at MEndez! Mag-volt in na sila dahil susugod na ako sa clinic nila! humanda na sila! wahahahaha!

4. sana anime na lang ang lahat ng tao…

-para lahat ng klase ng facial expressions nagagawa ko. kaya ko manapak na makakapunta sa kabilang part ng universe, ang balat ko walang guhit. kayang maging hugis puso ng mata ko pag in-love ako, magba-blush ako sa ilalim ng mata, iiyak ako na kayang pabahain ang Espana abot hanggang Rotonda, ang bibig ko mas malaki pa sa kweba, kaya kong umikot at sumayaw-sayaw  at kahit lumipad… at kaya ko maging kulay blue, may buhok na daig pa ang taong nabili na lahat ng conditioner sa buong mundo dahil ung mga anime characters ang ganda ng buhok nila… ang dami-dami pa.

5. sana lahat na lang libre

-tutal mas masarap kumain pag libre, di ka na maga-abroad kase andito lang sa paligid ang kailangan mo, walang kailangang bilhin kaya di rin kailangan ng pera. pwede mo nang alisin ang wish no 3.

6. sana lahat ng lalake na lang ako.

-pihado di man ako gwapo, cute naman ako. chubby man ako, funny naman ako. di naman ako masyadong matalino, pero witty naman ako. di naman ako mayaman pero sureball may work ako. sigurado, may syota na ako ngayon. madami pa sila. buong baranggay.  pati bakla kakabit sa akin.  pati tomboy magiging girl pa sa girl. at sigurado rin, ang yabang ko nun! sobra!

7. sana MASSCOM na lang course ko.

-malamang artista na ako at ako ang gaganap na TABA TINA (si tina na mataba noon at naging sexy at naging super ganda. naghihiganti sa mga nang-api sa kanya!), kalaban ni BETTY LA FEA. malamang ipo-postpone next year ang LALOLA. (o, yung mga fans nila, wag magalit. wish lang naman to.), pati EL CUERPO taob na! wahahahaha! grabe! apog men… apog! nagamit ko pa pinag-aralan ko. o kaya, newscaster na ako. o kaya pwede na rin akong sumabit kay Kuya Kim. okey na yun!

8. sana ibon na lang ako.

-para makalipad ako sa iba’t-ibang lugar. at pwede pa ako mag-migrate sa iba-ibang bansa kahit wala nang papers. migratory bird ba?

9. sana sabon na lang ako.

-baka sakaling mabili niya ako sa store at ako ang isasabon niya sa katawan niya! yahoo!!! tiba-tiba tayo men!

10. sana matupad lahat ng wish ng mga tao para malaman nila na hindi iyon ang sagot sa lahat!

-quote daw  iyan ni Jim Carey. galing niya mag-Tagalog no?

————————————————————

hay… paano ba tutuwid ang utak na baku-bako? mas baku-bako pa sa taong may pimples na tinubuan ng mukha, parang taling nagkapili-pilipit, parang ispageti sa tinidor, parang baklang nagsabunutan, parang kulot na buhok na hindi masuklay, parang.. para akong gago…

balik uli ako pag may masasabi nang matino.

————————————————————

TEKA, IKAW BA, MALIBAN SA WORLD PEACE, ANONG WISH MO PARA SA PASKO?

pati nga aso ko tinatanong ko, CHUBA, WHAT DO YOU WANT FOR CHRISTMAS?

ako, gusto ko ng IFONE. ;)

MY FIRST PSEUDO-CRUSH.

hindi naman ako mahilig mag-discuss ng mga bagay na masyadong seryoso. nanalo si Obama. Okay. Thank You Lord. o yan.

hindi ko rin hilig ang makipag-bonding sa mga kapatid ko. pero may mga bagay lang naman kaming napag-usapan habang nag-aagahan kami.

hindi ko alam pero habang naglalaba ako, hindi ako maka-get over. tawa lang ako nang tawa. yun bang mga bagay na naaalala natin nung mga bata pa tayo. nung hindi pa masyadong developed ang mga isip natin at hindi pa tayo masyadong aware kung nakakahiya ba tayo o hindi. wala tayong keber sa mundo. chenelyn lang kung anong mapag-tripang gawin.

hahahaha!

—————————————————————-

INTRO: I THINK I AM JUST FILLED WITH LOVE TODAY.

first time ko magka-crush nung Grade Four ako. actually, kasi yun ang uso. yung mga kaklase ko, may crush kaya dapat ako mayroon din.

meron sa kanto namin naglalaro ng basketball. pangalan niya, Juni. hindi ko alam kung ano ang kilig pero lahat ng kalaro ko, lagi siya ang bukambibig sa akin. kesyo daw, cute siya, magaling maglaro ng basketball at marunong daw sumayaw. hindi ko alam kung macho dancer si Juni. sabi lang nila.

nakatira si Juni sa apartment malapit sa amin. dun nakatira ang mga mayayaman sa street namin. so ibig sabihin, mayaman siguro siya.

PANINGIT: TAGA-PASAY CITY PA AKO NOON.

wala siyang dating sa akin. kasi bata lang naman ako noon. pero tuwing hapon, habang ang lahat ng mga bata ay tulog, nandun kami ng mga kaklase-slash-kapitbahay ko sa basketbulan. hinihintay namin ang barkada ni Juni na maglaro. naglalaro kami ng 10-20 at chinese garter at kung ano-ano pang malalaro namin, pampatanggal inip. ako, si Lallie, si Yeyeng… at kung sino-sino pang trip sumama.

ayan na…

“ahhhhhhhh! Andiyan na siya. OMG! dali! dali! tama na yan! MAglalaro na sila.” sigaw ng kalaro ko. Kilig na kilig siya. hindi ko alam kung nag-iinit siya o ano. Grade 4 pa lang kasi ako noon. Kung kasing berde lang ng utak ko noon ang utak ko ngayon, malamang sinabi ko na sa kalaro ko, “Ano ka ba? Kung kiligin ka akala mo may vibrator sa loob ng katawan mo?! Yung clit mo gusto na kumawala! ahahaha!ang bastos ko naman!”

kainis! ako na ang maglalaro dumating pa ang mga kumag!

So ayan na, ang mga feeling F4. palibhasa alam nila na crush daw namin sila.

Grade 6 yata si Juni at ang kanyang mga barkada. ewan. basta.

nahawa yata ako sa mga kaklase ko noon at ako rin nagtititili na rin pag nakaka-shoot siya.

“Wow! Juni ang galing-galng mo mag-shoot! I loooooove youuuuuuuu!”

hindi ako makapaniwala na nagsisisigaw kami ng ganon. siguro, kung andun lang ang mga tatay namin, sasabihin sa’min parang kinikiliti mga kiki namin pag nakaka-shoot siya. nakakatawa. ang bata-bata pa namin nun. pero malay ko ba kung mas malandi ang iba diyan. since birth, makati pa sa higad. kaloka!

at nang sumablay ang isa nilang kasama sa pagsu-shoot ng bola, napunta ang bola sa kinatatayuan namin. hindi kami magkandaugaga kung sinong mag-aabot sa amin ng bola.

lumapit si Juni. pawis na pawis. hindi ko alam ang cute noon. pero nakakatuwa na lumapit siya.

tulala lang kami. at hindi ko namalayan na ako pala ang pumulot ng bola. hawak ko iyon at walang sabi-sabi, kinuha ni Juni ang bola sa mga kamay ko.

pero, lumingon siya, hinagod niya ang pawisan niyang buhok. at sinabi, “Salamat.” sabay ngiti at umalis na siya.

“wahhhhhhhhhh! sabi niya, salamat daw! grabe!!!! ahhhhh!!! I love you talaga!”

inggit na inggit ang mga kalaro ko noon. at simula noon, kami na ang official STALKER ni Juni.

sa apartment na tinitirahan niya, may rooftop. siguro, 7th or 6th floor yun. walang elevator sa apartment na iyon. pero si Yeyeng at si Lallie parang hindi napapagod. ako, bilang pinaka-tabachoy sa kanila, 4th floor pa lang, parang gusto ko nang magpatiwakal sa sobrang hapo.yung tipong sa sobrang pagod mo, pag-uwi mo, kain ka ng tao at extra rice!

di pa uso ang camera-phone noon. beeper pa lang. maski digi-cam wala. kaya wala kaming ebidensiya sa pang-ii-stalk namin.

hapon iyon. parang 3 o’clock habit na nga namin ang abangan siya.  dala ang aming mga mahahabang garter at lubid na gawa sa madaming goma na panglaro ng i love you…televerse-televerse, dugyot man kami dahil pawisan kami, kembot lang. makita lang namin siya.

ang rooftop ay sampayan ng mga katulong. lahat ng nakikita namin doon, mga Dodong at Inday na nagliligawan sa tuktok. feeling nila, walang nakakapansin sa kanila. palibhasa wala naman si Ma’am at Sir at ang mga batang binabantayan nila, tulog.

naglalaro kami. ayawan. kain ng ice candy, grape juice flavor, na binili namin sa tindahan ni Ate (hindi ko alam ang pangalan ng tindera) pinapatay namin ang oras dahil ayon sa aming source, pupunta daw si Juni sa rooftop. maglalaro daw sila ng barkada niya.

at lumangitngit na ang gate. ayan na si Juni. pero mag-isa lang siya!

bakit kaya?

gusto namin lumapit sa kanya. pero hindi namin magawa dahil nahihiya kami. tuwang-tuwa kami. gusto namin tanungin kung ano ang apelyido niya at kung kailan ang birthday niya. anong section niya at kung teacher niya ba si Ma’am Gutiza at si Ma’am Melizo. at kung paborito niya ba si Sir Inovio at si Sir Duenas. Kung anong tinatanim nila pag EPP nila. kung teacher niya ba si Ma’am Handig sa PE kasi teacher din namin siya. at kung ganun nga, pakiramdam namin, siya na ng destiny namin kasi pareho kami ng teacher. Haller? As if naman na yun ang basehan ng kapalaran namin?  basta pareho ang teacher kami na? hahahhah! ang babaw! grabe!

nakatunganga lang si Juni sa isang tabi. Hindi kaya magsisilong siya ng sinampay? o gusto lang niya magpahangin? o gusto lang niyang tingnan ang mga tao sa baba at tawagin sila at titingnan niya kung maririnig ba siya ng mga tao dun? o g usto niya lang makita ang mga tao sa kabilang street?

at ang nakakaloka pa, yung isa kong kalaro, may dalang AUTOGRAPH BOOK. ano ba si JUni? artista? hahaha! nakakatawa talaga.

—————————————————————-

yung mga tipong:

DESCRIBE YOURSELF: JUDGE ME. MIRROR PLEASE (GRABE SA KA-JOLOG-AN!)

DEFINE LOVE: Love is like a rosary that is full of mystery. (CLASSIC! KABUGERA!)

WHAT IS YOUR DREAM: to be a scientist. (pagdating ng college, Nursing!)

WHO IS YOUR FIRST KISS: parents! (tae, incest ba to? low IQ kasi kami sa mga ganoon!)

WHAT IS YOUR FAVORITE FOOD: all that I can eat. (kaya niya siguro kumain ng plato, halaman, lupa, kuko, kulangot… ewww!)

WHAT IS THE NAME OF YOUR CRUSH: SECRET (walanjo! secret. pero secret ni kyeme, si chorva, ni ineng, kung sino-sino. hay….)

WHO IS YOUR BESTFRIEND: chenelyn. I love her so much. (eh as if  naman bababa ang singil sa taxi pag nasagutan niya lahat.)

WHAT IS YOUR ZODIAC SIGN: Piesces. (grabe, ako din eh. Piesces din. hahahah!)

WHAT IS CRUSH: crush is paghanga. love is blind. crush is what i feel for you. (tae, panalo sa banat!)

MOTTO IN LIFE: do not do to others what others don’t. (siguro nosebleed na yung nagsasagot.)

MESSAGE TO THE OWNER: thank you for the support, thank you for writing me here! i am so happy that i am your friend. thank you for the autograph.

Just Always Pray At Night (may mga ganyan pang nalalaman. English pa yung  message di mo naman maintindihan.)

at sa dulong page pa nagsulat. pa-importante.

—————————————————————-

going back…

lapit siya…

pero wala. di matuloy. at yun, naiwan na lang kaming nakatitig kay Juni, hanggang umuwi na siya.

wala. naikuwento ko lang. nakakaloka talaga kasi eh. wala na kaming nabalitaan kay Juni pagkatapos noon.

yung iba ko namang mga kalaro, desperada. sobra.

bumili ng autograph tapos sila ang nagsagot. sandamakmakna echusera!

—————————————————————-

MORAL LESSON: bantayan ang inyong mga anak. dahil hindi niyo alam kung kelan sila dadapuan ng kalandian! ahahah!

—————————————————————-

AKALA MO PANG-XEREX XAVIERA ANG PAGKAKA-NARRATE! HEHEHEH!

—————————————————————-

napagkuwentuhan lang.

di kaya isa na si Juni sa napadaan sa blog ko?

—————————————————————-

MASAYA NAMAN TAYO NIYAN?