September, 2008

EXAM-EXAM-AN!

INTRO:

HINDI PORKE’T MAGALING KA SA INARAL MO NOON AY MAGALING KA PA RIN DOON HANGGANG NGAYON… LALO NA KUNG HINDI MO NI-REVIEW NG GANOON KABUTI.

—————————————————————————————————–

August 27, 2008

alas cinco y medya… saktong-sakto.. nagising na ako. medyo mainit ang katawan ko. pawis na pawis ako. ewan. masakit ang ulo ko.

o… ano bang iniisip niyo? kayo ah… wish ko lang di ba?

exam ko kasi mamaya (huwag niyo nang tanungin kung para saan). alas otso y medya. kailangan kong umalis nang maaga dahil magji-jeep lang ako mula Commonwealth papuntang Pasay.

—————————————————————————————————–

Mahaba ang biyahe. Muntik na nga akong ma-late. At kamalas-malasan, nahuli pa ng pulis yung pangalawang jeepney na nasakyan ko. Pero nakarating naman ako ng buo sa venue.

—————————————————————————————————–

Alas otso kinse.

mega-announce ang nurse-coordinator para sa magaganap na disaster.

NAg-aral naman ako.

Nagawa ko pang um-absent ng isang gabi sa trabaho para lang makapag-review. Medyo masama nga yata ang loob ng TL (team leader) ko sa akin dahil um-absent na naman ako. PInilit kong huwag munang pansinin iyon dahil gusto kong mag-focus dun sa inaral ko.

At ito na… dumating na ang dalawang bouncer ng examination hall para siguruhing walang kopyahan na mangyayari at magiging matino ang kalalabasan ng pagususulit.

tama na… focus na sa aking papel.

tahimik ang paligid. ang ingay lang ang ay tunog ng mga papel na inililipat ng mga kasama kong nagte-test kung tapos na sila sa page 1.

ako… page 1.

number 1.. ay hindi ko alam ‘to.

lipat.

number 2… ay hindi ko pa rin alam.

lipat.

number 3.. teka, mamaya na to.

lipat.

number 4… ahhh.. di ko rin to alam.

lipat…

teka… waahhhhhhhhhh!!! wala ata akong alam. number 5 na ako, wala pa rin akong masagot!

dinadaya ko na lang ang sarili ko. DIVINE INTERVENTION  na ang kailangan ko rito.

o Diyos ko, tulungan niyo ako. alam kong walang himala.

Akala mo lang wala, pero meron! meron! meron!

gusto ko na lang patawanin ang sarili ko. parang masisiraan ako ng loob.

shake your head… erase! erase! erase! kaya ko to… 1 to 60  ito.  ngayon pa ba ako masisiraan ng loob? sinuong namin ng bestfriend ko ang bagyo para makapagpasa kami ng application.

pumunta ako dito hindi para bumagsak kundi para pumasa at makapasok sa training!

naks… brave! pa-cheeseburger ka naman!

ahh…. basta! sige.. go! go!

laktaw…

laktaw…

pag hindi alam, laktaw.

itaktak mo na yan to the tune of 100 pesos! yan ang ibinayad namin sa examination fee.

“5 mins to go.” sigaw ng examiner.

“nagapala, sa number 54. 2 lang ang choices. so bonus na yan. e di may one point na kayo. are you happy?” singit niya para matakpan ang pananakot niya sa amin.

“ay. 15 mins pa pala…” joke! joke! joke!

tae! hindi ko na alam. parang natatae na ako na hindi ko maintindihan. umiikot sa buong examination hall ang dalawang bouncer. paano na ako? gusto ko sana mangopya sa bestfriend ko. katabi ko kasi siya sa kanan ko.

huhuhuhu!!!! bakit hindi ko makita?

kaso iba na ito eh. mas nakakahiya na’ng mangopya. yung alam niya, kukunin ko lang para mailgay sa papel ko at mailigtas ang sarili ko sa kahihiyan kapag bumagsak ako. hindi na ako estudyante. hindi gawain ng isang propesyonal ang mangopya at mandaya.

huwag na.

sa kabila na lang ako mangongopya. ngyeeee!!!!

pagtingin ko sa kaliwa ko, ahahah! wala nga pala akong katabi. nakalimutan ko. siguro konsensya ko lang yung nakita ko. ahahah!!!

eh di wala na akong makopyahan. sariling sikap na ito.

gamitin ang universal exam tactics.

UMBRELLA METHOD. ito ang paraan kung saan sa isang sagot makikita mong in-embrace na niya ang lahat ng choices. hindi ka papalya.. hindi na… hindi na… hinde.. hinde…hinde…

LONGEST ANSWER. ito naman yung pinakamahaba sa lahat ng choices. yun naaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!!!!!!!!!! happy birthdaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaayyyyy… hanggang kapusin ka ng hininga at tawanan ka ng clown.

WHICH IS DIFFERENT. alin.. alin.. isipin kung alin ang naiba. kapag di mo pa naisip, goodluck na lang!

FIFTY-FIFTY. ito ung ELIMINATION METHOD din kung tawagin. ito yung iko-cross out mo ung 2 o higit pang pampagulo sa mga choices. at yun, may 50% kang chance na maging tama o mali sa mapipili mo. kung HARI ka NG SABLAY.. isang tama, sampung mali… sabihin mo na lang TIRA-TIRA.. you’re the man!

VITAMIN C. ito yung kung manghuhula ka at ang choices ay A-D, ang laging tamang sagot ay letter C. ako naman, iba ang teorya ko diyan. ako laging letter b. 80% ang efficiency nito sa akin. wala naman kasing 100% pag nanghula ka. pwera na lang kung sing asim ng powers mo ang powers ni Madamme Auring!

BAHALA NA SI BATMAN PRINCIPLE.
hulaan na ito!!!! bobotic mode! let’s get ready to rambol na!!!

nadali ako sa computation. hindi. nadurog ako. nakita ko. parang hindi ko alam. walang choices. hindi parang. hindi ko talaga alam.

ewan. hindi naman ako kinakabahan. hindi naman ako inaantok.

anuver??????

hindi naman ako baguhan sa pagte-take ng exam, BOARD EXAM nga naipasa ko, ito pa kaya?

sige.. sige… dayain mo pa ang sarili mo. false hopes? ewan. hindiiiiiiiiiii!!!!!!!!!

sinubukan ko. sige, sagutan mo. sagutan mo hanggang dumugo ang utak mo.

ito ang example:

ISOKET 80CC. DOSAGE IS 3MG/HR. WHAT IS YOUR FLOW RATE?START NICARDIPINE DRIP. 250CC. 2MG/MIN. WHAT IT YOUR FLOW RATE?

pakiramdam ko, hindi na ako magkakaanak in the future kaiisip. ubos na ang egg cells ko. pati DNA ko sunog na. neurons ko wala nang connections.COMA na. parang namilipit ang fallopian tubes ko. pumutok ang obaryo ko. nababakbak na ang uterine walls ko. lecheng exam! ang hirap! putek!

iniisip mo sigurong over-acting ako.

oo, yun na lang ang magagawa ko nang mga panahon na iyon. ang magpaka-OA. e yun na lang ang magpapagising ng namumuo kong platelets. parang gusto ko na talagang umuwi.

walang choices. kulang ba ang tanong? o ako lang ang kulang?

pero ito ang nasa isip ko:

a. Consult the physician.
b. COmpare with the pharmacist.
c. STOP… taking the exam and go home.
d. Pray.
e. PAss your paper. Huwag mo nang pwersahin ang sarili mo dahil hindi mo naman talaga alam. Umuwi ka na lang sa inyo at magsulsi. Tapos pa-deliver ka sa Jolibee. B7. Go Large! Coke Zero yung drink. 45 mins to deliver.
f. All of the above.

alin kaya diyan?

may mga tanong naman na sobrang sigurado ako sa sagot. Kahit papaano may naaalala pa ako sa mga natutunan ko sa duty ko dun sa pina-volunteer-an ko. meron. meron naman.

abangan na lang natin yung result. hahaha!!!

OUTRO:

KAPAG AKO BUMAGSAK, IIYAK AKO.

TINDER-ELLA

ACT 1: SCENE A.

ilang taon din akong naging sales person. sa bawat panahong daraan tulad nito, “-ber months”, ayan na naman ang

raket namin. halos lahat na yata kaya naming ibenta. computer, kalkalator (hahah! i mean, calculator!), lagari,

kubyertos, kawali, lighter, gasul, kutsilyo, gunting, hair accessories, pampapayat ng mataba, pampataba ng

payat, pampalaki ng maliit, pampahaba ng maiksi, pampasaya sa nalulungkot, ewan. basta. lahat.

una kong sinubukan ang mag-demo ng kutsilyo. diyan sa department store sa Recto. ang saya-saya ko dahil sa wakas

may trabaho na ako. ang daming kutsilyo! ang gaganda at lahat bago. sana maiuwi ko sa amin nang masubukan ko pag

nagluto ako sa amin.

ang ganda talaga ng mga kutsilyong iyon! bilib na bilib ako.

unang araw ko sa trabaho.

“galingan mo ah? pag madami kang nabenta, sinisiguro ko sa iyo na bibigyan kita ng maraming komisyon!”

“talaga boss? o sige po!”

dali-dali na akong pumunta sa estante namin. yan na! i’m so excitement! ahahah!

“sir, ma’am lapit po kayo. may bago po kaming produkto. NICE kutsilyo. mura na, malinis at stainless pa. hali po

kayo, tingnan niyo. ”

pakiramdam ko, ako si Rachel Ray. Para akong may cooking show na ako ang bida! Cooking ng inang yan! Ang saya

ko.

Lumapit na ang mga tao. Mga kulang-kulang 15 sila. at unti-unting dumadami. okay na rin. at least feeling ko may

televiewers ako. Karamihan sa kanila mga nanay.

“Okay ba yan?” sambit ng isang tangahanga.

“opo ma’am, sir! okay sa olrayt! Lahat kaya nitong gawin. Kaya nitong maghiwa ng gulay within 30 seconds. hindi

na kayo maiiyak sa sibuyas dahil napakabilis trumabaho nito. o kaya tingnan niyo ang chopping board na ito,

kayang-kayang lagariin! at tingnan niyo ang bagong-bagong combat shoes na to na sobrang kapal! kayang-kayang

hatiin! Magpikpik ng bawang? walang problema. pitpit to the max sa isang hampas lang.”

ang totoo, pagod na ako. kulang pala ang isang horsepower, 35 joules, at 47.99 kwh of force para makumbinsi mo

ang tao na bumili ng produkto mo. ibang klase. hiningal ako dahil halos hindi ako huminga makumbinsi ko lang

silang bumili ng NICE kutsilyo. mura na, malinis at stainless pa. hali po kayo, tingnan niyo.

“maghiwa ng sobrang tigas na baka? walang kapawis-pawis. with our state of the art craft, it’s the best tool you

can never miss in your kitchen…blah blah blah…

…and it’s so safe kaya nitong papatay ng tao. rapist, magnanakaw, oportunista… name it! puputulin ko pa

daliri ko! ayoko na. hinihingal na ako. para akong gago. pero go lang. bumili na kayo kung ayaw niyong masaktan!

Php450 lang. isang set na. may kasama pang dvd na bold kung gusto mo.”

ewan ko kung anong klaseng ispirito ang sumanib sa akin. buti na lang hindi ko nasabi yan.

nahulog na ang microphone kong may headset na basang-basa na ng microdroplets ng laway ko. tawa ang mga tao.

tawa rin ako. para akong gago. sige lang. ang mahalaga naman bumili sila.

ilang linggo. nakakakumisyon naman ako sa aming NICE kutsilyo. mura na, malinis at stainless pa. hali po kayo,

tingnan niyo. at pagkatapos ng isang taon, nakaipon na rin ako. binigyan ako ng boss ko ng isang set ng NICE

kutsilyo. mura na, malinis at stainless pa. hali po kayo, tingnan niyo. at ginamit ko na sa bahay namin.

impyerness, kumbinsing!

masaya ako. kahit hindi ako nakatapos ng high school, masaya ako dahil masasabi ko na rin na may kaya akong

gawin!

pero  sawa na ako sa pagdedemo ng kutsilyo. gusto ko iba naman!

petiks  for one month. pahinga muna.

pero pagkatapos nun, hanap ako uli ng bagong target.

—————————————————————————————————–

ACT 2: SCENE B.

at ito, dun naman ako sa raon. ang saya-saya. may bago na naman.

ang ibebenta ko?

DVD player at mga CD. pirated pero okay lang. mas madali kita nito dahil maraming parokyano. madaming bibili.

bumbay ang boss ko this time.

“o kailangan dito, mabilis, maliksi, matalino, magaling magsalita at magpalusot. at magaling magligpit ng

estante pag nandiyan na ang mga comrades ni Chairman at ni BFF. kailangang matinik kung nandiyan na ang pwersa

ni Shaider. ok?”

“opo manager!”

“oh, ma’am sir… anime, grey’s anatomy isang box, dr. house, anime, bleach, naruto, hentai, bold, paris hilton,

angel locsin, sampaloc dorm scandal, malinaw ma’am sir. pwede i-testing. pag di gumana. pwede pong ibalik. we

have your movies here for as low as P10. try it now. audio rin. yoyoy, willie, regine, manny pacquiao… para sa

bayan ang presyo na ito. ”

ayus! dami. suki ko estudyante, mga manyak, mga retailers, mga teacher, may artista. naalala ko may isang

komedyante bumili sa akin. nagpa-picture pa ako.

smooth sailing ang business namin. ang saya-saya. mura man, malakas naman ang kita. di ka mawawalan ng customer.

kahit madami kami dun, assured that we have the top of the line CD writers thaT records everything in high

definition!

panira lang pag dumarating ang alagad ni Chairman.

pakiramdam ko, soundtrack na namin ang kanta ng Maskman…

“Humanda na kayo, kampon ng kadiliman. Oras na ng pagtutuos. kasamaan ay dapat matapos. Narito na sila (tenk!

tenk! tenk!) bayaning tagapagtanggol! Sa masama’y lilipol!!!”

hala! ito ang na-develop ko sa walong buwan na inilagi ko. naging mala-Flash ako sa bilis kong magligpit ng

gamit namin. takbo!organized. at lagi akong nakakatakas. at kinabukasan babalik muli! “Thriller!” bilib ang boss

ko.

pero natakot ako eh. paano na lang ako? eh kug mahuli ako ng pulis? mag-isa nga ako sa buhay pero hindi pwedeng

ganito. wala ngang mag-aalala sa akin pero may matino akong bahay na inuuwian kaya ayokong makulong. at isa pa

ayokong malagyan ng tatoo. ayoko.

iniwan ko na ang trabahong iyon. walang pasabi. alis agad. wala nang backpay. ayoko na.

hindi ko alam kung bakit hook na hook ako sa pagtitinda. kasing hook kung paano ka na-hook kay Dao Ming Ze at

F4. gustong-gusto ko ang nagbebenta. masaya kasi para sa akin. yun lang nagsasawa ako agad. pero yun at yun rin

ang hinahanap-hanap kong trabaho.

balik department store ako. sa Carriedo naman.

pero hindi naman ako nagdedemo doon. dun ako sa women’s apparel.

lahat na ng babae nakita ko na. magaganda na akala ko may pera, wala naman pala; mga jonget na minsan kong

hinusgahan na hindi bibili, bibili pala (sorry po. ito ang common na ayoko sa mga sales person sa mundo.

nangyayari talaga ito. hindi ko sinadyang isnabin po kayo. magtatanda na po ako.); mga tama lang. tamang bili,

tamang layas; yung mga rich kids na estudyante, mga simpleng tao, nakakatuwang customer, bakla at tomboy, kung

sino-sino pa..

“thank you come again… thanks for giving the exact amount ma’am. eto po, dahil worth P1000 ang nabili niyo,

may free gift po kayo. Punta na lang kayo sa bay18 to claim your free gift. isang pares ng elegant earrings with

studded pwet ng baso at manipis na metal plating. especially made for beautiful women like you.”

ang ganda ng uniporme ko. ang iksi at feeling ko ang sexy-sexy ko. kaso lang pag nasa jeep ako, bakit kaya lahat

ng lalake nakatingin sa akin? maiksi lang naman ang one piece, one colored uniform ko at kapag bumababa ako ng

jeep halos makita na ang panty kapag yumuyuko ako. yun lang naman tapos tinitingnan na nila ako? wala naman

akong motibo ah?

isama mo pa ang stockings kong skin tone at Havana footwear.

ayoko na rin. after 6 months, nagsawa ako. petiks muna.

pero kape-petiks ko, naubos rin ang pera ko. ayun, hanap uli.

hindi ko maiwan ang Maynila. ano bang meron dun at doon ko gustong-gustong magtrabaho? taga-Rotonda naman ako?

hindi ko rin masagot ang sarili kong tanong. pero I love Manila. heheh! at love ko rin si Mayor Atienza! yehboi!

hanggang ngayon.

at ang nakakatawa, sobrang desperado ako noon. punta ako ng Quiapo. nagdasal. wala na akong pera. kailangan

rumaket. paano kaya.

may isang lalake sa may LRT 2 at nakita kong may mga dala siyang mga de-kahon at parang luging-lugi siya.

“kuya, wala akong raket. Gusto mo ba ako na ang magbenta? ta’s balikan kita. wala lang talaga ako. ok lang ba?”

hindi na siya nagsalita. binigay niya sa akin ang bag.

at anong laman?

parang gusto kong matawa nang mabuksan ko ang box. anong strategy ang gagamitin ko dito? hindi kaya kuyugin

ako?:

“HUHUHU… sex ring.. vibrator… bili na kayo?”
“dude, pampaligaya? gusto mo?”
“the best sex toy in the whole universe. wanna try? for only P300 you’re guranteed 100% satisfaction at the

comfort of your own self.”

wait there’s more!

“pag bumili ka ng isa, libre na ang isa pa. para sa iyo at sa partner mo. tig-isa kayo! tahimik to. di

tumutunog. at pwede na yung battery na nabibili mo sa tindahan yung sampu-apat. di pa madaling ma-low bat! bili

na! ang mag-iingay kayo lang! hindi yung vibrator.”

and we don’t stop there.

“refer your friend and get P5 off sa sex ring! pangiliti din to! you can use it anytime but not anywhere. just

wear it in your middle finger at mapapasigaw na kayo! get get aww!”

ang bastos ko ba? hindi ko nga nabenta eh. wala. butata. ang hirap kaya magbenta ng bagay na hindi mo masubukang

gamitin?

waahhhh!!! anong gagawin ko?

—————————————————————————————————–
ilang buwan pa ang lumipas.

“jingle bells.. jingle bells.. jingle all the way… ”

benta mode uli. sa DV. Christmas decors.

ubos na yata strategy ko. naging commoner ako. ang makulit na tindera, bow.

“Ma’m, sir, try niyo po yung mga Christmas balls namin. makintab at di madaling kumupas ang kulay. We have red,

green, gold, silver… Mura lang po. at may candy kane din kami., mini Santa, Christmas light po. may blinker at

wala. in different colors rin po. maganda po i-display sa bahay at sa hardin niyo sa halamanan. at star na

pantuktok sa Christmas tree. may Christmas tree rin po kami, 3-6 feet lahat meron. may Christmas package din

kami. bili kayo for P2500, lahat ng nabanggit ko makukuha niyo sa isang bagsakan…

may panregalo rin kami rito.. ano pa sa inyo.. pili lang…”

lapit kay ma’am, lapit kay sir.. sila naman lalayo.

makakalit amo Intsik pak wala kami benta. baka wala ako sweldo pak wala benta. Huwak kayo kalimot bili amin. Pak

wala bili amin, wala pela. Ako iyak, tadyak akin kasela sa bahay pak wala bayad lenta. Potah!

—————————————————————————————————–

to be continued…  someday.

—————————————————————————————————–

addendum:

“Manong pabili nga ng taho? ”

“Ilan?”

“dalawa.”

“magkano?”

“lima isa. so bale sampu.”

“ma, bayad. (P100.)”

“wala ka bang barya?”

“keep…. ”

“…the faith in God.”

“… ito sampu Kuya. Thanks.”