LOOKING FOR MY LONG LOST FRIENDS… :)

baon ang isang pakete ng DIP SEA (branded na fish cracker) na nabili ko malapit sa gusali ng aming opisina, naglakad na ako pauwi at napadaan ako sa isang tindahan ng mga appliances. lahat dun meron sila. TV, air-con, refrigerator, washing machine at siyempre pa, ang stereo.

napakalakas ng tugtog noon. talagang agaw atensyon sa lahat ng dumadaan dahil nag-iisang appliance store lang naman sila dun. nasa tabi sila ng EVER Commonwelath.

HIndi ako nagpo-promote no?

natawa lang kasi ako dahil may narinig akong nakakatawang at nakaka-relax din namang pakinggan na mga tugtuging HIP-HOP.

habang naglalakakad ako at kumakain, pinakikinggan ko ang kanta. sumasabay ako. palibhasa wala naman akong kasunod na naglalakad kaya ang lakas ng boses ko. feeling ko gumagawa ako ng MTV sa daanan.

ewan ko. nakakaloka lang talaga. super sabay ako dahil kahit papaano nahahabol ng utak ko ang lyrics nang mahintuan ako. iba. iba yung salita.

TAGALOG? BISAYA BA? teka. teka.

pero hindi eh… LOW (kanta ni FLO-RIDA) yun.

tumigil ako at tumambay ng konti dun sa appliance store.

oo nga. low yung tugtog pero eto yung lyrics:

Adtong ni aging gabiee
Gi invite me og birthday (og brthday)
Sa party dghanang butiti (butiti)
Wa me balow (wa me balow)
D I kad2 mka hillo low low low……

di ko rin alam kung anong ibig sabihin pero tawa ako nang tawa. hindi naman dahil katawa-tawa iyon sa masamang paraan. para lang kasing kakaiba.

kung kasing manhid ka ng naturukan ng anesthesia, malamang walang dating sa iyo yun.
—————————————————————————————————–

di ko rin alam kung gaano ka-talentado ang mga bata ngayon. ang bilis mag-rap. as in. kahit may mura, walang preno. sige-sige lang. kahit hindi nila naiintindihan ang kanta at lumulobo na yung mga sipon nila, go lang nang go.

may mga kantang pang-siga. ewan ko kung sinong nakaimbento ng kantang yun. yung iba, sayaw lang. at ang nakakagulat, alam ng mga bata ang kantang tumatalakay sa pag-ibig at mga pangangaliwa. grabe na to!

may mga grupo kasi ng mga bata-batuta sa tabi ng bahay namin na naririnig kong kumakanta and they are blasting their rhymes.

“Kay sakit naman isipin na sa puso mo ako’y pangalawa
sa tuwing makikita
kitang kasama siya pinipikit ko aking mga mata at sa gabing kasama mo
siya
halos hindi ako makahinga kayakap ko ang bote ng tequila
nagmumukmok sa ibabaw ng lamesa naghihintay haggang sumapit ang umaga
ng muli kang makasama.

…and so on and so forth…

at akalain mong umentra naman ang babaeng bata na ito ang linya niya:

“Sa puso koy nag-iisa kahit merong iba kahit hindi tama ang ginagawa
sinta basta bay makasama lang kita kahit kapiling mo pa siya. At wag ng
mangamba kahit sabihin na kalimutan ka di ko to makakaya basta bay
makasama lang kita kahit kapiling mo pa siya”

uyy.. gagawin niyang shoutout sa friendster… hahahah!

nakakalurkey talaga ang mga bata. panalo. alam na nilang gumawa ng singing and rap group.

upgraded na ang pagro-role playing ng mga bata ngayon.

dati, lutu-lutuan at bahay-bahayan lang ang alam nila. o kaya teacher-teacher-an…

sali niyo na sa Wowowee!!!

—————————————————————————————————–

hindi naman yan ang kuwento ko ngayon.

—————————————————————————————————–

minsan, gumawa ako ng isa pang friendster profile dahil dini-delete ng iba kong mga kaklase yung profile ko kasi naging fan profile na nga. hindi sila pumayag na maging fan ko.. ahahah!! sabagay hindi naman sila mahilig magbasa ng blog ko at nadamay lang sila sa conversion ng profile ko.

anyways, ibang klase din. nagsimula ako ng panibago pero hindi na naging mahirap sa akin na hanapin ang mga friends ko dahil ma-network naman ang friendster.

pero ang talagang hinanap ko ay yung mga kaklase ko noong highschool at college.

ilang taon na rin yun nung huli kaming magkita.

napakarami nang nagbago sa kanila. sa akin, ewan ko. meron ba? wala yata. heheheh!!!

tawa ako nang tawa kasi kung ano-ano ang nasasabi ko. hinanap ko sila by name. kahit 1 of 35 ang results na nakikita ko, sige pa rin ako. ewan ko rin kung anong pumasok sa ulo ko nun at naghahanap ako ng mga long lost friends ko.

tulad na lang nito:

“dati-rati lang nung highschool kami, ang tahi-tahimik nito. as in mas maingay pa sa kanya ang mayang tiririt, ngayon rocker na at may banda pa!”

“noon, lagi lang siyang pinapagalitan ng teacher namin kasi lagi siyang walang assignment, ngayon English teacher na siya sa mga Korean students! taray!”

“noon lang hinahabol-habol ko to kasi sobrang crush ko siya, pero bakit ngayon mukhang nag-crash? wahhhh!!! na-stress?”

“dati lang ang likod niya at  harap walang pinagkaiba ngayon, may dibdib na siya! huwaw!”

“parang baby-baby lang ang mukha nito dati, ngayon may baby na siya. kainggit!”

“noon ang taba-taba niya, ngayon sexy na! saan ko kaya to matatagpuan nang sumama naman ako sa kanya!”

“ito ang super talino noon sa klase namin, ngayon, mas big time pa! Kyemelyn School of Chorvaloo in the Far Away Country taking Bachelor of Eklavoo Major in Chuvaness! ”

“Hahahaha!!! Nag-Nursing din pala si gago!”

“Sino na nga ba ito? Kilala ko ito eh… ”

“Ah!!! NAging sila? Eh dati parang aso sila ah! Ngayon tao na! hahah!! Joke lang! nainggit lang ako.. ”

“Dati super ganda nito ah.. bat ngayon yung pimple niya parang tinubuan ng mukha?”

“Dati ito ung may crush sa’kin na hindi ko pinapansin kasi scholar pa ako nun. Ngayon may asawa’t anak na siya. HUHUHUH!!!”

“ayy… ang guwapo niya pa rin… ”

“dati negra to ah! Ba’t ngayon ang balat niya, sa sobrang puti, siya na ang second place pagkatapos ng bond paper!”

“oi… celebrity na siya!!!dati unpopular siya sa school namin. pero nung sumali siya sa TV Show na “Chorvahan Na!!” ayan, sikat na siya ngayon. Maalala pa kaya ako nito?”

“NAKANANG! soldier! pa-burger ka naman!”

“pucha! paano siya tumangkad ng ganun? dati hanggang balikat ko lang siya eh..”

“babae ba siya o lalaki? Alam ko sir ang tawag namin sa kaniya noon sa CAT? bat may boobs na siya? ”

“ui… nasa States!!! ”

“Private profile? feeling maganda pa rin talaga hanggang ngayon!”

“tagal na nila.. sila pa rin!”

“teka ito yung nambu-bully sa akin dati ah… ano nangyari sa kanya? NAgkasakit ba siya? Siguro na-karma… Belat!”

“Eto yung nagnakaw ng libro ko dati saka calculator ko nung pirmahan ng clearance sa Geometry. Ang kapal! Nasa public pictures niya pa ang mga gamit ko! Grabe!”

“Aysus! Behbeh koh 45.76 I love you so much forever…happy monthsary… daysary… hoursary.. exaj!!!! hiningal ako sa “H” ah!”

“PLEASE ADD ME.. anuver? ”

“ahhahah!! CALL CENTER HOPPING? dinaig pa ako!”

“fourth year… college… huminto ba siya? O nagtrabaho muna? ”

“ay iba na to ah… 2nd year college kami nun, 2nd year pa rin siya… ”

“bum.”

pero alam niyo, hindi maikakailang ang dami na ngang nagbago. ako, mataba na ako dati. at tumataba pa. ahahah!!!

talagang parang pagkatapos ng eskuwela, nandiyan pa rin ang pagkakaibigan pero hindi rin maitatago na nagkaniya-kaniya na rin.

dati, sabi sa akin ni Chorvah nang matapos kami ng high school, sabay daw kami mag-enroll sa kolehiyo.. ek-ek.. pero nawala na siya.

Reunion daw… ewan. di na rin kami nagkakatagpo. Nasaan na kaya sila?

Ikaw, nami-miss mo ba yung mga kaklase mo dati? Nung elementary ka? HighSchool, College? O yung mga batchmates mo?

FRIENDS FOREVER….



25 Comments so far

  1.   jeanne debbie on August 23rd, 2008

    ..ate..nkkralate aq d2 s0brah..gn2 dn gngwa q weh..at take n0te ngkidea kmi n mag reuni0n..s oct 25 p0h..mga cLasm8 q nung eLementary p..hehe..xcted n nga aq weh..

  2.   carlito on August 24th, 2008

    yap! tama ka, sarap balikan ng mga nakaraan at ihambing sa kasalukuyang panahon na ginagalawan natin…. hehehe… ay nahawa na ata ung mga words ko dahil sa lalim ng mga idea mo…

  3.   diet on August 24th, 2008

    nakakamis talaga lalo na yung mga taong laging nasa tabi mo mga kalokohan na nagagawa nyo kapag magkakasama kayo ang sarap balikan…..

  4.   bHeV_" on August 25th, 2008

    shocks sobrang miss noh…sarap kasing balikan ung mga moment…kaya lang parang may mga sarili na kaming mundo ngayon ung iba naman pag’nagkakasalubong nagkakahiyaan ng magpansinan…tila walang pinagsamahan…diba ouch talaga…

  5.   Jerry on August 25th, 2008

    Private profile? feeling maganda pa rin talaga hanggang ngayon!” haha sumali pa sa social site na ganito ano tapos private profile dapat nag tiis na lang sya sa email haha

  6.   jerry on August 25th, 2008

    aus ah

  7.   marlyn on August 25th, 2008

    Very nice I love it!!! by Kris Aquino:-) Ang galing mo tlg hanga ako. Ang galing mong mag isip. Fan mo na ko ha. Napapasaya mo ako. Thank you. Gawa ka pa ng iba ha. Aabangan ko!

  8.   RANDY BLYTHE on August 26th, 2008

    AZTIGA NIMO!!! KEEP ON rock!!! OI>>>>>>>>>>>katawanan WAHAHAHAHA KATAWANAN KEU KA……..

  9.   jEn on August 28th, 2008

    shatz! galing… how bout a round of aplause? hhehehe

  10.   0.o)rEiNa lEa on August 28th, 2008

    ganda po ng topic mu…..=-)

  11.   Ruby on August 28th, 2008

    wow bilib ako sayo!!!!!GALING nmiss ko tuloy ung friend ko na dati kasama ko ngaun wala!!!!huhuhu mahabang istorya kasi pang maalaala mo kaya bka nga daig pa!!!!hahaha thanks

  12.   sandra on August 28th, 2008

    hahaha…..
    kakatawa ka!!!
    FYI, ung kumanta ng low bisaya version tga cagayan de oro un, at excuse me, di mga bata kumanta nun!! dj sa MOR kumanta nun!!!
    galing tlaga naming mga bisaya noh?!! pwo, d nman nkkatawa lyrics nun eh! nkktuwa lng pakinggan pwo di nkktawa!!! gets mo?!

  13.   SupladO™ on August 30th, 2008

    nasan na nga bang barkada ngayon. . . brings back memories. lots of memories. naiintindihan ko lahat ng tanong at mga pagkamangha mo sa mga bagong buhay ng mga friends mo. pero idol, matanong ko lang. . . masarap ba ang dip sea?

  14.   Seatmate #2 on August 30th, 2008

    :]

  15.   red on August 31st, 2008

    ive noticed npsmyl tlga ako sa blog mo ?hahaha.tawa pal d lng smile” im rhed.diaz@yahoo.com ‘,favorite kc nmen ng ate frensis ko ung KABET ” hahaha” nkkrelate,but its enuf to say “MASARAP AN BAWAL” hehehe ” well hands up ako sau jan nkkmiss tlga an mga ngng part ng buhay nten” old and new “an saya at sarap mbuhay pgmdme ngmmahal ksma dun c KABET ” hahahah” peace”wait gsto ko rin un dip sea” ubos nb pti plastic knain mo na din “hehkhehehkkkk

  16.   aRjEay♫ ♫ ♫ on August 31st, 2008

    ang srp nmn bshin ng blog mo..hai..nmis q tului ang mga chorva qng m8s

  17.   a'd'a'm ü on August 31st, 2008

    galing..
    nice one..
    sa totoo lang tinatamad ako magbasa..
    pero nung nabasa ko 2, e2 2loy 2loy na..
    na imagine ko rin pag tapos na rin kami ng pagaaral,
    k2lad rin kaya na sau??
    heheheh..
    ganda ng blog mo..
    very interesting..
    god bless ate..

  18.   a'd'a'm ü on September 1st, 2008

    ate gus2 kong mging k2lad mo,
    isa ka sa mga halimbawa kung bakit ako gagawa ng sarili kong blog.. kasi habang binabasa ko mga blogs mo.. narealize ko lang ang sarap pala magshare ng mga experiences.. prang d2 mo inilalabas yung mga expressions mo tsaka yung mga nararamdaman mo..
    balang araw makakapag share din ako ate..

    galing mo po,

    IDOL..

  19.   aiko aiko aiko on September 2nd, 2008

    wow… naiyak tuloi ako.. hehe graduating ako eh, masaya tlga highskul lyf.. haay..(T_T)
    ganda nito.. weeeh
    God bless!

  20.   kurogtong on September 20th, 2008

    OO, namimiss ko din mga classmates ko noon..

    Lalo na si “Enel Muma” (ngongong Ethel Booba) na sa laki ng boobs ay natatakpan na ang mukha nya.. Gusto ko kasing humingi ng konting “biyaya” sa kanya..

    Too bad, kasi sa balita ko, pinabalik na sya sa kanila kasi imbes na mag aral, nagtayo sya ng “BREASTFEEDING COMPANY” exclusive for men.. Awts! Wala atang internet access sa lugar nila kaya di ako matutulungan ng friendster or google earth pa!
    ============================

    Langya ka talaga, adik ka girl! Hahaha!

  21.   malik on September 22nd, 2008

    minsan masarap hanapin ang nasa tabi tabi lang

  22.   larry on October 14th, 2008

    ok ah..gustuhin ko man silang makita ginawa ko na lahat ng way makita lang cla pero wala na clang panahong mag friendster kc matatanda na na.. e bakit ba kung matanda na ang sarap yata magfriendster,,,haaayy mis ko na mga skulmates ko lalo na si ms alvarez ung teacher ko nung 4thyr hs na niligawan ko, may apo na kaya cya 2day?

  23.   kajit on October 15th, 2008

    grabe.. kainggit noh.. sarap magreminis huh i miss them tuloy… thanks ah… natuwa ako sa blog mo…

  24.   jacklynhinos on October 22nd, 2008

    ganda po ng topic mu…..=-)

  25.   kid on November 6th, 2008

    ang taba naman ng utak mu, mantakin mu naiisip mu yun? hahaha

Leave a Reply