August, 2008

LOOKING FOR MY LONG LOST FRIENDS… :)

baon ang isang pakete ng DIP SEA (branded na fish cracker) na nabili ko malapit sa gusali ng aming opisina, naglakad na ako pauwi at napadaan ako sa isang tindahan ng mga appliances. lahat dun meron sila. TV, air-con, refrigerator, washing machine at siyempre pa, ang stereo.

napakalakas ng tugtog noon. talagang agaw atensyon sa lahat ng dumadaan dahil nag-iisang appliance store lang naman sila dun. nasa tabi sila ng EVER Commonwelath.

HIndi ako nagpo-promote no?

natawa lang kasi ako dahil may narinig akong nakakatawang at nakaka-relax din namang pakinggan na mga tugtuging HIP-HOP.

habang naglalakakad ako at kumakain, pinakikinggan ko ang kanta. sumasabay ako. palibhasa wala naman akong kasunod na naglalakad kaya ang lakas ng boses ko. feeling ko gumagawa ako ng MTV sa daanan.

ewan ko. nakakaloka lang talaga. super sabay ako dahil kahit papaano nahahabol ng utak ko ang lyrics nang mahintuan ako. iba. iba yung salita.

TAGALOG? BISAYA BA? teka. teka.

pero hindi eh… LOW (kanta ni FLO-RIDA) yun.

tumigil ako at tumambay ng konti dun sa appliance store.

oo nga. low yung tugtog pero eto yung lyrics:

Adtong ni aging gabiee
Gi invite me og birthday (og brthday)
Sa party dghanang butiti (butiti)
Wa me balow (wa me balow)
D I kad2 mka hillo low low low……

di ko rin alam kung anong ibig sabihin pero tawa ako nang tawa. hindi naman dahil katawa-tawa iyon sa masamang paraan. para lang kasing kakaiba.

kung kasing manhid ka ng naturukan ng anesthesia, malamang walang dating sa iyo yun.
—————————————————————————————————–

di ko rin alam kung gaano ka-talentado ang mga bata ngayon. ang bilis mag-rap. as in. kahit may mura, walang preno. sige-sige lang. kahit hindi nila naiintindihan ang kanta at lumulobo na yung mga sipon nila, go lang nang go.

may mga kantang pang-siga. ewan ko kung sinong nakaimbento ng kantang yun. yung iba, sayaw lang. at ang nakakagulat, alam ng mga bata ang kantang tumatalakay sa pag-ibig at mga pangangaliwa. grabe na to!

may mga grupo kasi ng mga bata-batuta sa tabi ng bahay namin na naririnig kong kumakanta and they are blasting their rhymes.

“Kay sakit naman isipin na sa puso mo ako’y pangalawa
sa tuwing makikita
kitang kasama siya pinipikit ko aking mga mata at sa gabing kasama mo
siya
halos hindi ako makahinga kayakap ko ang bote ng tequila
nagmumukmok sa ibabaw ng lamesa naghihintay haggang sumapit ang umaga
ng muli kang makasama.

…and so on and so forth…

at akalain mong umentra naman ang babaeng bata na ito ang linya niya:

“Sa puso koy nag-iisa kahit merong iba kahit hindi tama ang ginagawa
sinta basta bay makasama lang kita kahit kapiling mo pa siya. At wag ng
mangamba kahit sabihin na kalimutan ka di ko to makakaya basta bay
makasama lang kita kahit kapiling mo pa siya”

uyy.. gagawin niyang shoutout sa friendster… hahahah!

nakakalurkey talaga ang mga bata. panalo. alam na nilang gumawa ng singing and rap group.

upgraded na ang pagro-role playing ng mga bata ngayon.

dati, lutu-lutuan at bahay-bahayan lang ang alam nila. o kaya teacher-teacher-an…

sali niyo na sa Wowowee!!!

—————————————————————————————————–

hindi naman yan ang kuwento ko ngayon.

—————————————————————————————————–

minsan, gumawa ako ng isa pang friendster profile dahil dini-delete ng iba kong mga kaklase yung profile ko kasi naging fan profile na nga. hindi sila pumayag na maging fan ko.. ahahah!! sabagay hindi naman sila mahilig magbasa ng blog ko at nadamay lang sila sa conversion ng profile ko.

anyways, ibang klase din. nagsimula ako ng panibago pero hindi na naging mahirap sa akin na hanapin ang mga friends ko dahil ma-network naman ang friendster.

pero ang talagang hinanap ko ay yung mga kaklase ko noong highschool at college.

ilang taon na rin yun nung huli kaming magkita.

napakarami nang nagbago sa kanila. sa akin, ewan ko. meron ba? wala yata. heheheh!!!

tawa ako nang tawa kasi kung ano-ano ang nasasabi ko. hinanap ko sila by name. kahit 1 of 35 ang results na nakikita ko, sige pa rin ako. ewan ko rin kung anong pumasok sa ulo ko nun at naghahanap ako ng mga long lost friends ko.

tulad na lang nito:

“dati-rati lang nung highschool kami, ang tahi-tahimik nito. as in mas maingay pa sa kanya ang mayang tiririt, ngayon rocker na at may banda pa!”

“noon, lagi lang siyang pinapagalitan ng teacher namin kasi lagi siyang walang assignment, ngayon English teacher na siya sa mga Korean students! taray!”

“noon lang hinahabol-habol ko to kasi sobrang crush ko siya, pero bakit ngayon mukhang nag-crash? wahhhh!!! na-stress?”

“dati lang ang likod niya at  harap walang pinagkaiba ngayon, may dibdib na siya! huwaw!”

“parang baby-baby lang ang mukha nito dati, ngayon may baby na siya. kainggit!”

“noon ang taba-taba niya, ngayon sexy na! saan ko kaya to matatagpuan nang sumama naman ako sa kanya!”

“ito ang super talino noon sa klase namin, ngayon, mas big time pa! Kyemelyn School of Chorvaloo in the Far Away Country taking Bachelor of Eklavoo Major in Chuvaness! ”

“Hahahaha!!! Nag-Nursing din pala si gago!”

“Sino na nga ba ito? Kilala ko ito eh… ”

“Ah!!! NAging sila? Eh dati parang aso sila ah! Ngayon tao na! hahah!! Joke lang! nainggit lang ako.. ”

“Dati super ganda nito ah.. bat ngayon yung pimple niya parang tinubuan ng mukha?”

“Dati ito ung may crush sa’kin na hindi ko pinapansin kasi scholar pa ako nun. Ngayon may asawa’t anak na siya. HUHUHUH!!!”

“ayy… ang guwapo niya pa rin… ”

“dati negra to ah! Ba’t ngayon ang balat niya, sa sobrang puti, siya na ang second place pagkatapos ng bond paper!”

“oi… celebrity na siya!!!dati unpopular siya sa school namin. pero nung sumali siya sa TV Show na “Chorvahan Na!!” ayan, sikat na siya ngayon. Maalala pa kaya ako nito?”

“NAKANANG! soldier! pa-burger ka naman!”

“pucha! paano siya tumangkad ng ganun? dati hanggang balikat ko lang siya eh..”

“babae ba siya o lalaki? Alam ko sir ang tawag namin sa kaniya noon sa CAT? bat may boobs na siya? ”

“ui… nasa States!!! ”

“Private profile? feeling maganda pa rin talaga hanggang ngayon!”

“tagal na nila.. sila pa rin!”

“teka ito yung nambu-bully sa akin dati ah… ano nangyari sa kanya? NAgkasakit ba siya? Siguro na-karma… Belat!”

“Eto yung nagnakaw ng libro ko dati saka calculator ko nung pirmahan ng clearance sa Geometry. Ang kapal! Nasa public pictures niya pa ang mga gamit ko! Grabe!”

“Aysus! Behbeh koh 45.76 I love you so much forever…happy monthsary… daysary… hoursary.. exaj!!!! hiningal ako sa “H” ah!”

“PLEASE ADD ME.. anuver? ”

“ahhahah!! CALL CENTER HOPPING? dinaig pa ako!”

“fourth year… college… huminto ba siya? O nagtrabaho muna? ”

“ay iba na to ah… 2nd year college kami nun, 2nd year pa rin siya… ”

“bum.”

pero alam niyo, hindi maikakailang ang dami na ngang nagbago. ako, mataba na ako dati. at tumataba pa. ahahah!!!

talagang parang pagkatapos ng eskuwela, nandiyan pa rin ang pagkakaibigan pero hindi rin maitatago na nagkaniya-kaniya na rin.

dati, sabi sa akin ni Chorvah nang matapos kami ng high school, sabay daw kami mag-enroll sa kolehiyo.. ek-ek.. pero nawala na siya.

Reunion daw… ewan. di na rin kami nagkakatagpo. Nasaan na kaya sila?

Ikaw, nami-miss mo ba yung mga kaklase mo dati? Nung elementary ka? HighSchool, College? O yung mga batchmates mo?

FRIENDS FOREVER….

ONE LINERS

========================================================================

bago ko simulan ang kuwento, ito kasi yun..

papasok na ako sa trabaho at sumakay ako ng taxi.

huminto na ito sa harap ng building ng opisina namin nang magbayad ako ng P50 dahil yun ang metro.

nang ibigay ko…

mega-turo si manong sa sticker niya:

“ADDITIONAL TEN PESOS FROM THE FARE.”

syet!

========================================================================

masyado yatang mabilis para sundan ko ang post ko dito nung JUL 30.

wala lang. kasi may bigla lang akong naisip.

mahilig kasi ako gumawa ng one liner jokes. naaalala niyo ba yung mga ganito:

***

“hindi lahat ng green ay masustansiya…”

-plema

***

yung mga ganyan. hindi ako nagpauso niyan no?

madalas kong biruin ang mga kaibigan ko, gagawan ko sila ng one
liner at jini-GM (group message) ko sa kanila. tatawa naman sila. ako
naman ubos ang load. ahahhaha!!

========================================================================

medyo malayo ang post ko sa naiisip ko pero may koneksyon ng konti.

hindi ako gagawa ng joke ngayon. ayoko lang din sigurong pakawalan ang ideyang nasa isip ko ngayon.

siguro kung ang mga tao sa Pilipinas ay gagawa ng ganito, baka may lalabas na mga ganitong klaseng one liners.

“ang mahal naman ng pamasahe. manong, sukli ko po…”

-estudyante

========================================================================

“kailangan namin ng bahay…”

- pulibi sa kalye na na-demolish lang ang bahay nila kanina

========================================================================

“ang taas naman ng bill namin sa tubig at kuryente…”

-kapitbahay na jina-jumper ng isa pa nilang kapitbahay.

========================================================================

“ang hirap naman nito…”

-batang may hawak na libro pero hindi marunong magbasa

========================================================================

“ang sakit ng katawan ko…”

- batang inaabuso ng kanyang magulang

========================================================================

“sino bang dapat iboto?”

- first time voter na nakatayo sa harap ng mga tarpaulin ng mga bagong kandidato.

========================================================================

“nasalubsob ang paa ko!”

- batang papasok sa eskwela na ang suot ay lumang-lumang sapin sa paa.

========================================================================

“wala na ba kayong makain?”

- asong kakatayin ng mga lasenggo

“oo nga… ”

- sabat ng mga dagang nahuli rin ng lasenggo para lutuin.

========================================================================

“ibagsak! ibagsak!”

- sigaw ng mga nagra-rally

========================================================================

“hay, ang kalat talaga…”

- monolgue ng metro aide na nagwawalis ng kalat na iniwan ng mga nag-rally

========================================================================

“gusto ko nang umuwi kaso hindi pwede. huhuhuhu!!!”

-OFW na nami-miss na ang pamilya niya. hindi lang siya makauwi kasi kailangan niyang magtrabaho sa ibang bansa para kumita ng malaki para sa pamilya niya.

========================================================================

“anyeong haseo!”

- koreanong estudyanteng transferee sa isang university sa Pilipinas.

========================================================================

“huwag po…”

- batang babaeng nagmamakaawa sa amang manggagahasa sa kaniya.

========================================================================

“… … … ”

-empleyadong walang masabi sa boss niyang nangpa-power trip.

========================================================================

“wala pa pong response galing sa ahensiyang hiningian namin ng tulong”

- pasyenteng magaling na at nakikipag-usap sa social worker at doktor pero hindi pa makalabas ng ospital kasi wala silang pambayad.

========================================================================

“i want to be a nurse.”

- Pilipinong doktor na kumuha ng BS Nursing

“sama kami…”

- mga may edad nang second courser for the sake na maka-abroad din. o maki-uso na rin.

========================================================================

“tumahimik na kayo!!!!!!!!!!”

- nanay na nakukulitan na sa labindalawa niyang anak.

========================================================================

“dapat supervisor na ako eh.”

- empleyadong biktima ng palakasan system

========================================================================

“bakit siya ang inuna niyo eh kanina pa ako dito?”

- aleng medyo matanda na at hindi kagandahan na hinuli dahil pinasingit ng lalaking cashier ang magandang namimili.

========================================================================

“ayoko na talaga.”

- taong ilang beses nang kumuha ng licensure exam na take 8 na hindi pa rin pumapasa.

nag-asawa na lang. hay….

========================================================================

“gusto ko nang mag-asawa.”

- anak ng mga magulang ng isang pamilya na lahat umaasa sa kaniya. may 4 pa siyang kapatid na nag-aaral sa kolehiyo. 35 years old na siya.

========================================================================

“bilisan mo!!! ”

- 2 snatcher hinahabol ng pulis

========================================================================

“ahhhhhhhhhhhh….”

- ale, sumisigaw kasi hinila ng 2 snatcher yung pareho niyang hikaw sa 2 tenga.

ang sakit nga.

========================================================================

“i want to marry you…”

- Pinay na pinapangakuan ng kasal ng kanyang boyfriend na foreigner habang siya ay may asawang tao dito sa Pilipinas at may 5 maliliit na anak.

========================================================================

“i am sorry.”

- alam niyo na kung sinong nagsabi niyan

========================================================================

“manong, paki-palitan kasi hindi po umandar.”

- teen ager na pumunta sa Quiapo kasi bumili siya ng DVD pero ang totoo umandar naman iyon. kunwari lang hindi para mapalitan na nang bagong DVD. take note, pirated pa yan! na-pirata pa si manong! aysus!

========================================================================

“ma’am, ma’am bold. sampaloc scandal. paris hilton.”

- manong sa Quiapo na tinawag ako para bentahan ako ng pornographic DVD.

hahah! tawa ako nang tawa pag-uwi ko. alam na alam ni manong na nanonood ako ng ganon! ahahaha! (o, wag ka umarte, dumadaan naman karamihan ng tao sa ganyan no?)

bibili sana ako wala lang akong pera nun kasi estudyante lang ako at naka-uniform pa. heheh..

========================================================================

“masayang masaya po ako… huhuhuh!”

- aleng nakapasok sa Wowowee sa pa-contest na Willie of Fortune. desperadong manalo.

========================================================================

“itaktak mo na yan to the tune of P5, 000!”

- manager

========================================================================

“paano ko kaya ito itatago?”

- babaeng 14 years old na nabuntis ng kanyang 19 year old na boyfriend na hindi na niya alam kung nasaan na.

========================================================================

“ayoko nang mag-dispute sa sweldo ko dahil mauubos ang oras ko. magtatrabaho na lang ako.”

- empleyadong may reklamo sa sweldo niya pero pinili na lang magtrabaho pa rin dahil alam niyang mabagal ang dispute process sa opisina nila.

========================================================================

“antok na ako.”

- call center agent na bago lang sa night shift at hindi nakakatulog sa umaga.

========================================================================

“anak, anak, yo ar byutipol layk mami.”

- nanay na mine-make-up-an ang anak niyang nangangati ang mukha. sasali kasi sila sa pa-kontest sa TV. That’s My Boy.

========================================================================

“ma, dalhin niyo ‘ko sa ospital!!!!”

- 16 years old na lalaking feeling emo at sa pag-aakalang ang paglalaslas ang magpapatunay na emo siya, ayun, hindi na tumitigil ang agos ng dugo sa pulsuhan  (ito ang ang tagalog ng wrist?) niya.

PEER PRESSURE.

kasi sabi ng friends niya, emo ang uso. TH!

========================================================================

“hindi ako adik!”

- lalaking dinadala sa rehab.

========================================================================

“salamat sa Diyos buhay ka anak!”

- nanay na umiiyak sa saya dahil naka-survive ang anak niya mula sa motorcycle accident.

sumingit kasi sa lane. ayun, nabangga ng kotse. buhay siya. putol nga lang ang paa.

========================================================================

“boss, baka naman pwede nating pag-usapan ‘to?”

- mamang may traffic violation at nagbibigay ng “pang-meryenda” sa pulis na nakahuli sa kanya

========================================================================

hindi pa tapos. kaso andami na yata masyado.

wala akong pinapatamaan. ONE LINER lang.