A LESSON FROM MY TATAY: ADVANCE HAPPY FATHERS’ DAY
FATHERS’ DAY IS ON JUNE 13 OR 14… DI KO SURE.. BASTA SA MGA DATE NA YAN, DOON YUN..
========================================================================
intro:
hindi mo naman talaga mapipili kung sino ang magiging magulang mo. iba-iba nga lang sila kung magpakita ng affection at magdisiplina.
may marahas, may sweet, may “parang walang paki”, may “akala mo naman may third and fourth eye dahil lahat na lang nang ginawa mo napansin na”, may parang bading kung magsaway, may “grabe kung magpakita ng affection kahit malaki ka na kung ma-baby ka parang hindi ka tumatanda”..
basta, kung mababasa sila, dadami pa sila!
========================================================================
hindi maipagkakailang sa buong buhay ko, ang naging kasama ko ay ang aking ama. sa loob ng 22 taon na lumaki ako (at lumalaki pa rin! kainis!) siya pa rin ang nandiyan. tibay nga ng tatay ko eh. akalain mo yun! nagtagal pa ang buhay niya kahit puro kunsomisyon ang binibigay ko sa kanya!
sa totoo lang, hindi sweet ang tatay ko. (mind you!) hindi siya tulad ng ibang ama na parating “I love you, anak!” o kung magasaway eh.. “anak, don’t go there! it’s too dangerous for your health. drink moderately. if symptoms persist, consult your doctor…”
alam niyo, para nga siyang militar noon… ahhhmm… kahit ngayon eh. takot ako talaga sa kaniya. sa tuwing darating siya ng bahay mula sa trabaho, naisip ko, sana uso ang overtime sa kanila (parati kasing nagsasara ang shop na pinagtatrabahuhan nang mga 6:00 PM. standard time.)
ito na ang kuwento..
========================================================================
noong bata pa ako, may pagka-loner talaga ako. ang mga kapatid ko, mahilig silang umalis, lumabas ng bahay, sumama sa mga kamag-anak namin para magbakasyon sa probinsya. ako? hindi na. sa bahay na lang ako. at least, doon nagpapahinga lang ako. walang istorbo basta ako lang mag-isa.
ang tatay ko rin loner… (pucha! ano ba yun?) so dalawa na kaming loner sa bahay. (kaasar! akala ko masosolo ko ang bahay.)
isang araw (6 na taon na yata ako noon), hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ko at gusto kong sorpresahin ang tatay ko.
wala akong alam na gawaing bahay noon dahil bata pa ako. pero sinikap kong linisin ang bahay. at malinis naman.
at ang hindi ko dapat ginawa…
ginawa ko.
ang magsaing (wala po kaming rice cooker noon. as in manual ang saing. pero sa stove para sosyal.)
kinuha ko na ang kaldero. sumalok ako ng 5 tasang bigas at hinugasan ko iyon. mga dalawang beses. at pagkatapos, ginaya ko ang ginagawa ng dati naming katulong. susukatin sa daliri pero malay ko ba noon kung para saan yung ganun. pero madami talaga yung nailagay kong tubig.
paningit: akala ko, kung ano’ng isinalok kung bigas, ganun din yun pag naluto. akala ko hindi na siya mage-expand… alam niyo naman, bata pa lang ako may taglay na rin akong katangahan. malay ko ba sa molecular composition ng bigas? na dadami pala yung pag naluto?
tuloy ang kuwento…
lumipas ang ilang minuto, kumukulo na ang sinasaing ko. hindi ko talaga iniwan ang sinasaing ko noon. pero napasin ko, lumampas sa kaldero ang bigas. in short, may natapon. ako naman si tanga, kinuha ko ang lahat ng sobrang bigas hanggang sa mangalahati na yung laman ng kaldero.
at para hindi makita, itinapon ko ang sobra sa likod-bahay.
at ang sinaing ko?
ayun! super lugaw..
lugaw na may sabaw. (hindi mo na siguro nanaising kainin yung kung naiisip mo lang kung ano nga ang hitsura ng finished product ko. siguro kung makikita mo iyon at ipapakain ko sa iyo, parang nakikita mo ang sarili mo sa palabas na pinamagatang “FEAR FACTOR”. )
nakauwi na siya (sino pa, kundi ang tatay ko?) galing sa trabaho.natuwa siya ng makita niyang malinis ang bahay. pero nang simula na niyang galugarin ang kusina, nakita na niya ang kalat na aking ginawa!
anim na taong gulang na bata. anong alam ko sa sinaing? pero nagmarunong ako dahil akala ko matutuwa siya. tinawag niya ako. iba ang tono. hindi ko maipaliwanag. natatakot na ako dahil hindi ko alam kung anong sandata ang hawak niya.
magic broomstick?
green leafy palapa ng niyog?
sinturon ni Hudas?
sayonachi (tsinelas)?
o yung mighty Hand niya?
yung super kick niya?
big o small dipper (tabo)?
suklay na Pacifica Falayfay (yun ang pinaka-accessible na pamalo sa bahay namin)
tabla? lawanit? dos por dos?
hindi ko na alam.
hindi ko naman naisip ang Bantay Bata 163, Rescue 911, Pulis 117, Disaster Coordinating Council, Red Cross, How’s My Driving?, contact LTFRB, Home TV Shopping, o kung ano pa mang telephone number na papasok sa isip mo pag nasa panganib ka.
alam ko kasing kasalanan ko.
lumapit na ako sa aking tatay na alam kong umuusok na ang ilong sa galit.
nagulat ako! wala siyang dalang armas!
mainit ang kanin. bagong saing (disaster). inilapat niya sa mesa ang isang platong may laman na kanin na iniros niya.
“Anak, paano mo ito sinaing?”
“HIndi ko alam ‘tay. KAsi akala ko po, maluluto ko iyon.”
HIndi ko alam na tinungo na rin pala ni Tatay ang likod bahay.
“ANo naman ang mga tinapon mo sa likod ng bahay natin?”
Sa totoo lang magdadahilan na sana ako. pero hindi na naiintindihan ang salita ko. takot na takot na kasi ako noon. parang kinakain ko na rin ang salita ko.
iniupo niya ako sa upuan na malapit sa kaniya. iniharap ako sa kanin na tila ba sinadya ko na ring sayangin. oo, sayang naman talaga eh.
kinuha niya ang kanang kamay ko..
at..
ipinatong niya sa maiinit at umuusok na kanin!
sigaw ako ng sigaw dahil talagang naramdaman ko ang paso sa malilit kong kamay. mainit! parang maluluto ang kamay ko. 30 seconds din yun tantsa ko. matagal. iyak ako nang iyak pero parang wala siyang naririnig.
“ayoko na po.. ayoko na po… nanay… tatay… kuya… ”
kung sino-sino na ang tinatawag ko sa sobrang awa rin na nararamdaman ko sa sarili ko. hindi ko alam pero maaaring mababaw lang ito sa iyo pero sa isang batang katulad ko noon, naghahanap ako ng sweet na magulang pero wala iyon sa katauhan ng tatay ko.
wala ang nanay ko. wag mo nang itanong kung nasaan siya.
tumigil din siya ng malamang niyang sumusilip na ang mga tsismoso naming kapitbahay sa kaniya. malamang takot din siyang baka isumbong siya sa pulis.
iniwan niya ako at iniharap niya pa rin ako sa mainit na kanin na iyon.
“sa tingin mo makakain ko yan? itigil mo ang kalokohan mo!”
at pumasok na siya sa kuwarto.
umiyak lang ako. iyak nang iyak hanggang makatulog ako sa pagod, sa sakit, at dahil sawa na rin akong umiyak noon.
=======================================================================
hindi ako nagtanim ng galit. pero aaminin ko na talagang alam ko rin na sobrang parusa iyon para sa isang batang katulad ko.
=======================================================================
nalaman ko na lang noong 12 years old na ako…
isang magsasaka pala ang tatay ko noong bata pa siya.
========================================================================
inunawa ko na lang iyon. dahil alam ko naman na mali ko talaga. hindi ko siya masisisi.
hindi ako mabait kung iyon ang akala niyo.
maunawain lang siguro ako.
========================================================================
‘tay, Happy Father’s Day.
Totoo ngang ang palo ng magulang nakakapagpataba ng anak. ‘ta mo, ang taba-taba ko. ahahahhahaha!!!! at lease hindi ako payatot.
sa mga palong iyon, natuto akong magpahalaga sa lahat ng bagay. waldas nga lang akong tao pagdating sa pera pero tinuruan mo akong ma-appreciate ang mga bagay kahit maliliit lang. natuto akong magpahalaga sa mga bagay na mayroon ako at magsumikap para magkaroon ako ng mga bagay na wala ako.
natuto rin akong hindi maging mayabang (hindi nga lang sa lahat ng oras humble ako.), magdasal sa lahat ng oras; hindi lamang sa oras ng panganib. natuto akong magpasalamat sa lahat ng lalo na sa buhay na mayroon ako. hindi nga lang ako relihiyoso pero may takot ako sa Diyos. at hanggang ngayon, takot pa rin ako sa iyo. ahahahah!!!
tay, mahal ko po kayo.
at kahit magkapaluan pa tayo kahit malaki na ako, ayos lang. basta wag lang parang frat!
love you tay..
(isingit mo si Willie Revillame. pagkatapos kong umiyak , tatanungin ako, “Anong talent mo?”
sasagot naman ako “sasayaw po.. *sabay singhot sa lumobong sipon*)
========================================================================
huwag niyong isiping dito lang umikot ang kabataan ko. mabait naman ang tatay ko. sadyang ang pangyayaring yan, doon sumuot talaga ang lahat sa utak ko.
++===
bating panapos: HAPPY FATHERS’ DAY sa mga tatay na nagbabasa, sa mga tatay niyo, sa lolo niyo.. basta kung sinong tatay niyo. okay?
wak na iyak…














anak ka pala ng lupa kaya naman grounded, at well, pasintabi sa iyong tatay, may pinaghuhugutan ang pagiging lukaret
mahirap nga maging anak pero siguro nga mahirap din maging magulang..pag panahon na natin atleast alam natin matatandaan ng mga anak natin ang mga ganyang bagay bukod sa marami ng hotlines hehe
mabuhay tayo at ang ating mga tatay..sana pagdating ng araw pagpalain din tayo ng mga magiging tatay ng ating mga ank (awwww ching!)
kakatach naman ang kwen2.. naiyak aq pramiz..
kasi naalala q tatay q.. HAPPY FATHER’S Day sa lahat po ng tatay! Kung wala kau natural wala rin kami.. we love you!
traditionalna tatay…
buti nga un lng sinapit mo sa tatay mo…ako nga kinuryente pa kze tigas ng ulo q…pasaway at kung anu ano pa akalain mo 8 yirs old ako ilagay ako sa sako…”tay sori poh sumalangit nawa ang kaluluwa nyo poh…”naikwento q pa kze parang nakita ko din q din ang sarili q sau eh…newey kalimutan na yan happy father’s day kahit ala n me tatay…ok ka poh!
hala! grabe nman tatay moh! akquu nga kahit ata hindi ako umuwi ng isang taon hindi xkeen ggwin ng tatay qkuu yan! ni lamok ayaw pa padapo saken nun eh! never akong pingbuhatan ng kmay ng tatay qkuu! kakatakot tatay muh! pero bilib aqku sau! kung aqkuu ikaw naglayas na aqkuu sa pagtatampo sa ginawa nya!
hayz..so sad nman …but its ok…tatay muh pa rin xa…sabi muh nga…mabait nman tlga ang tatay muh..malaz muh lng BIGAS pa ang sinayang muh…dahil alm nman nating lahat na importante ang bigas…at isa pa plang mgsa2ka ang tatay muh…un na un e…ahehe…sabi nga bwal mgsayang…ehehe…happy father’z day…muchLOVE!!!!
atleast you’ve learned from that experience. Ang alam ko naging icon mo sya kasi kung di mo sya kinatakutan hindi mo malalaman ang value ng bawat bagay… ako nga pagtumingin na ang tatay ko sasalubungin ko na ung hawak nyang tambo na ipapalo nya sa akin kasi minsan magalit yun pero lalapat sa puwit ko. pero pagnagbigay ng pera galante. I missed him… patay na kasi….
aww. nakakatouch ha. happiee father’s day!
wew! bigla ku tuloy namiss tatay ku. deads na din kc sya. tsk! apee father’s day sa lahat ng tatay. ^_^
huhuhu.. alala ko tuloy tatay ko. may you rest in peace ‘tay.. lav u kahit palagi mo akoa pinapalo kasi lagi akong tumatakas sa bahay.. heheh.. happy fathers day sa mga dad, daddy, erpats, papa, tatay, tatang!
pareho p0 pala tau ng sitwasyon di nagkakalayo! pero nakakatouch at kahanga hanga po kau! kc nadelivered nyo po ng maayos ang kwento nyo!!happy fathers day to all dad..!!
thanks a lot for sharing your experienced and it all reminds us that a father is always a father who really cares for us no matter what are failures in our lives. il a appreciate your Father for doing that atleast you’re able to know the consequences….and from their you’ve learned that life in not an easy road to…. regards
wow, ang galing mo pala talaga.. magsaing ng kanin, haha, joke.. happy father’s day din sa tatay mo, ang swerte niya ata sa anak niya e, hehe
ako iba naman ang istorya sa inyo,malayo naman ang loob ko sa daddy ko,maaga kasi akong naulila sa mommy ko,5 yrs old lang ako ng mamatay siya,kaya ayun iniwan na ako ng daddy ko sa mga lolo at lola ko(parent’s nya)at nag-asawa uli.sabik na sabik ako sa pagmamahal ng isang ama,minsan lang kami magkita pag may okasyon lang ba gaya ng pasko,pag birthday ko nga di pa nya ako dinadalaw o binabati,pero okey lang kasi ang lolo ko ang halos pumuno ng pagkukulang niya sa akin,ng lumalaki na ako at nagka-isip pag nagkikita kami ng daddy parang ilang ako sa kanya pakiramdam ko gusto ko siyang yakapin,kuwentuhan at kamustahin pero bakit hindi ko magawa bagkos pupunta na lang ako sa kuwarto at iiyak…,hanggang nakatapos ako high school at nakapag-asawa ako sa edad 17,dahil naman sa sobrang higpit ng lolo at lola ko,nagkaroon ako ng 4 anak at kami paring ng asawa hanggang ngayon at dito sa amerika naninirahan kasama ang aming mga anak..pero bago kami umalis ng pilipinas namatay ang daddy ko…totoo pala ang kasabihan na ang pagsisisi ay nasa huli dahil hindi ko nasabi sa kanya kung gaano ko siya kamahal,kaya sana kayo kung buhay pa ang daddy,tatay nyo ngayon palang sabihin nyo at palagi nyong sambitin ang salitang mahal na mahal ko po kayo…sa daddy ko at sa lolo ko kung nasaan man kayo “HAPPY HAPPY FATHER”S DAY” I LOVE YOU!!!
aus to ah.. thnk u for sharing your xprience with us tol
ika nga nila madaling maging tatay peru mahirap magpakaama…parti ng ating buhay ang humarap sa mga hamon, na patuloy nating nilalabanan untel now…so dat s part of growing up.if u done mistakes,,then you will funish…HAPPY FATHERSDAY TO ALL……
without them, we are not here in this complicated world. ups and downs r really part of life.only changes r permanet things in this world.
okay lang yan…mahal ka niya kayo ganun ang tatay mo..be happy kasi may tatay ka pa, unlike me…
sabihin mo sa kanya ng personal na mahal mo siya…huwag lang dito sa blog…baka pagsisihan mo kapag di mo nagawa…ciao!!!
Buti pa ikaw may tatay, kase me wala na sa piling namin….May nanay nga ako kaso diko maramdaman na nandito siya para sa amin…dhey
kawawa k naman……my ganun talaga n mga magulang pero swerte ko na mabait aNG FATHER and MOTHER ko……Pero swerte k na rin kc my mga magulang k na kinagisnan.d tulad ng ibang bata jan na naging palaboy sila…….
Bilib ako sayo dika nagtanim galit sa tatay mo, ganon talaga magulang may kanya kanyang style ng pagpalaki sa mga anak. Swerte ko lang tatay ko di ako napalo kahit minsan..
hmmm touch naman ako sa kwento :-< hayz naalala ko tuloy tatay ng ex kew.. parang nung nagkwekwento ka akala ko eh same senti nga ex kew.. nywayzz gudluck sa life mo.. and have a nice day na rin.. napatingala kc ako sa blog mo biglang nangati mata ko kaya binsa ko agad.. ghe ingatzzz
aUs talaga ang story mo.. kakatoUch:(
hanep….nainspyr mo ko today(i mean ung story mo)!!!nagenjoy ako sa pagbabasa ng blog mo!!wooooooo!!!hinahangaan kta!! keep inspyring other’s lyf!!!
GODBLESS!!!
elow pO! . . . hangang-hanga po ko sa blog mo! . . ang galing nang pagkagawa. . . di naman sa gawa-gawa mo lang ang lahat, ang ibig kong sabihin ay ang pagka narrate mo sa mga nangyari at ang mga adlibs mong walang katulad! . . kaw na rin ang bumabara sa sarili mo . . hehe. . . sobra akong natawa sa story mo! lalong-lalo na nung pinaso ka na! . . . hehe. . jowk! . . . at meron din akong nakuhang lesson mula sa istorya mo (wag punuin ng bigas ang kaldero dahil itoy aapaw pagnaluto na) . . hehe. . . cge po! . . un lang po masasabi ko . . . ingat! god bless!
i love it…….
Nice Blog…I hope i can make a blog like this 2…
SOMETIMES I CANNOT EXPRESS MY FEELINGS TO MY DAD! BUT I LOVE MY DAD SO MUCH.. DADDY ALWAYS TAKE CARE…MUAH! YOUR THE BEST DAD EVER… LOVE U PO!
Love is expressed in many ways… ang mahalaga, yung intention, kahit hindi naging maganda ang outcome.
tama ang ginawa mo,, maswerte ka dahil may tatay kang dumidisiplina sa yo… tandaan mo lahat tyo may obstacle… happy fathers day
nmiss ko ung tatay kooo…T-T gnyan din ang tatay ko.. para sa kbila nun i love him very much.. gustong2 ko na wang mkita at mkasama ulit… haaay..
so….loner ka rin pala dati.
..ako din eh… duun ako madalas sa library. Tinatago ko yung muka ko sa likod ng librong binabasa ko.
Iyak talaga ako ng iyak dati O…palagi akong tinutukso mga clasmates ko…. huhuhu… TUKSUHIN NILA AKO NGAYON…. KAKAININ KO SILA!!! grrr…sunugiiin..sunugiiin!!!!
Heheh…ako totoong Militar si Daddy…. deh… Pulis lang. Binabalibag niya ako. sinasakal…pinako niya kaliwang kamay ko…. binabatukan kaya siguro parang naalog na utak ko..Hehehehe.
Anyways… halam mu… karapat dapat talaga nating pasalamatan ang mga pagka strikto nila … Dahil doon… naging mas matapang ang mga personality natin.
lumayas na si daddy… pero ok lang… I love him …
Ipag patuloy mo rin ang pagmamahal mo sa iyong dakilang ama…
AMeeen.
Thanks for that inspiring story, you delivered it well, sir! Keep the hope flaming and the values intact since you’ll use it sooner or later. Goodluck!
very nice story^^.. i loved it, na-move ako sa kwento mo..very well said.. and the nice thing is, u added humor.. so nakakakaiyak po na nakakatawa.. very nice and inspiring.. ^^,
nakakatakot naman ang tatay u,pero khit ganun tatay u pa rin sya.naalala ko 2loy tatay ko,pero dead na sya..tatay ko mabait magaling magdisiplina sa amin.tingin pa lang nya takot na kmi..mahal na mahal ko tatay ko kc sya ang inspiration ko noong nag-aaral pa ako.happy father’s tatay..i love u.ngaun andito na me malaysia nagsasapalaran…pero hanga ako syo kc khit ganun tatay mo anjan p rin cla sa inyo.
ahemmm
jUz feeling xo remorseful from not having the chance to be close with my papa :c
well masasabi ko sau ganun tlga buhay ng mga batang makulit.. hehe!!.. di k mkpag intay s tamang panahon mu.. pero sakit ng ginawa niya parusa sau.. peru sbi nga BATA p kc.. ako din nman basta maisipan ko kahit mali or tama basta gusto ko ggwin ko.. pero ang papa ko??.. d best father tlga!! siya n ang kasama ko mula p 5 years old ako..wla n kc ako mama.. patay n..bak to my papa!.. never yan kc nagalit samin mgkkpatid.. sobra haba ng pisi niya..never kmi nakatikim ng palo..as in!!.. kahit lakwatsa di siya ngglit.. basta ingat lagi daw kami s lakad nmin..wla siya reklmo kahit pagod s work..lahat bibigay niya smin!!.. kya super siyang ama!!.. gang ngaun.. 3 n lang kami naiwan s bahay.. may kanya kanya n kc fmily mga kapatid ko.. at ako din.. ANAK.. pero wla ako narinig n galit s knya 4 wat hapend s buhay ko.. at siya p nga ang YAYO ng anak ko pag nasa work ako.. SUPER TLAGA SIYANG AMA!!! kaya super mahal n mahal ko papa ko.. nweiz, HappY Father’s day s papa ko.. late n?.. at sau pulis pangkalawakan… bata k p nun.. at list aral un sau..my natutunan k.. kaya ingat k pre!!! hope maging frend tau..
hahahahahahahahahahaha quite funny!!
tama ka, darating ang oras na mauunawaan mo/natin ang mang bagay na hindi masagot ng kasalukuyan. at kahit maging tatay ka na rin, marami ka ring magiging mga tanong na may panahon pa ring dadating para masagot ang mga ito. God bless!
it must have been a honest mistake in your part and i am not convinced that your dad was right imposing that damned punishment should i say. granting that you’re telling the truth and nothing but the truth you’re worth-sympahtizing. Nice attitude though.
I got so touched with your blog.. I can relate to your story. my father is also the strict type, parang HENERAL sa lahat ng pagkakataon, parang laging martial law whenever he is around but I am still thankful for all the lessons he taught me .
HoW ToUcHEd..
a tear drop…di ko nakuhang saluhin….tibay mo! isa kang mabait na anak…..ganun din ang fadir mo….dapat lang na matutuhan mo mga bagay-bagay…para di ka lumaking sutil….eniway, congrats, galing ng interpretasyon mo sa aral ng buhya…mas madami pang ganito mas marami pang magbabago….write more and i will read all.
nice one dude. we have the same status, right now I’m still coping with that. my father is always nibbled me. aw. but i take that as a challenge.
KUDOS everyone.
galing naman…
pagpatuloy mo langg yan…
ako ksi iwas ako sa tatay ko..
you know d kami close
bilib naman ako sa lawak ng pang-unawa mo. at least lumaki kang ganyan(personality ang pinaguusapan hindi physical ha):p gusto ko man maki-iyak pero di naman kami ganun ka-close ng erpat ko. except during those days na nagsisimula na ako mag-yosi hindi cya nagagalit instead binibigyan pa nya ako ng imported yosi from his balikbayan tropas. i find that verty fatherly from him, sa ngayon ako na nagbibigay ng pang-yosi sa tatay ko. o diba? sa yosi lang umiikot ang mundo naming mag-ama? lol
pulis pangkalawakan pa comment >>> sobrang na cry ako…. ngayun lng ako nag open ng blog wala kase mawaga… iiiiiii kainis naiiyak tlg ko…..
at least noon ka pa naging bata, mura pa bigas noon. Kung ngayon ka nagsayang ng bigas at P50/kilo o pumila pa ang tatay mo sa NFA rice, di ko ma-imagine gagawin sa yo ng fadir mo. Di tama ang ginawa nya sa yo pero tao lang sya at malamang punong-puno ng samut-saring isipin sa buhay. Pag ikaw na ang naging nanay, turuan mo agad anak mo kung paano ang tamang pakikialam sa mga bagay bagay para di sya matulad sa yo. Better yet, appreciate ang motive ng pakikialam, alamin kung bakit nga ba nakialam ang isang paslit. Kagaya mo, you meant no harm but you got punished for it. Well, let’s just call it “a lesson from the past”, nagkataon “terror” teacher mo, si tatay. Okey lang, natuto ka naman yata. Thanks to him na rin. Happy father’s day sa kanya at sa super bait kong tatay (kasama na nga lang sya ni Lord). Godbless…
by the way, eyesore picture mo, palitan mo naman. Kapag binanabasa ko blogs mo, bilib ako, pag nakikita ko picture mo, turn off ako (astig ka i’m sure this won’t hurt, para sa yo din to, k?)
napaka-late na cguro ng komento ko pero nais ko lang din mag-share ng most fearful moment ko sa tatay ko..un ung araw na malaman ko na alam na ng tatay ko na nabuntis ako ng bestfriend ko na naging boyfriend ko at iniwan ako sa ere pagkatapos..19 years old pa lang kami nu’n…ung araw na kakausapin na nya ako hindi ko na alam kung ano mararamdaman ko..parang gusto ko na lang himatayin para at least may pity factor pa un kaysa naman sa delubyong naghihintay sa ‘kin sa napipintong malalim na diskusyon namin ng erpat ko..anyways,2 months pregnant na ako nang ma-discover nya ang napaka-iresponsableng bagay na nagawa ko…to cut the story short pal…since hindi ko naman blog ito…ganito ang sinabi niya sa akin….(napakasoft-spoken nya nung mga sandaling yun…hindi siya ganun ever since)…sinabi ko kc hindi ubrang ikasal kami ng lalaking nakabuntis sa’kin dahil iniwan nya ko sa ere nung mga panahong kailangan ko siya…naging duwag sya..at my expense…hindi ko kayang magpakasal sa isang taong pinagkatiwalaan ko ng buo at hahayaan na lang ako sa most difficult time ng buong buhay ko.at the same time ayaw ng ermats nya na magsama kami dahil nga mga bata pa kami..san daw kami titira?anong kakainin naming?? ..going back…ganito ang sambit ni erpat…”hindi kita mapipilit kung ayaw mo…kaya hahayaan kita sa gusto mo…tinanong kita ngayon kung sigurado ka sa naging desisyon mo…dahil ayokong dumating ang araw na maaalala mo ang araw na ito at pagsisihan mo…ayokong dumating yung araw na makikita na lang kitang umiiyak…ang magagawa ko na lang nun ay punasin ang iyong mga luha, pero hindi ko na maibabalik ang panahon….”……so yun ang sinabi niya….so speechless ako the whole time na nagsasalita siya….anyways….belated fathers’ day sa lahat ng mga dakilang ama,,,love you ‘tay!kahit man lang sa friendster neh masabi ko yun…
oppss ok lang b khit mejo late n un comment ko mejo nkarelate din ako s wento ng buhay bata mo…ang s akin nmn ganun din pareho ata tau ng age nun ng try ko mag saing tama ka ala nmn rice cooker nun kya stove lang syempre bata hinugasan ko muna un bigas at nkababad n ng husto s tubig pero ala p akong npaparingas n apoy hanggang s umiiyak n ako kc pano mag aapoy un kahoy eh basa inaabot n ako ng 48yrs indi ko p naisasalang un bigas ko kya s takot ko binaon ko s lupa un bigas n nababad sk ko tinabunan ng lupa pero mababaw lang kya nun umuwi ang tay ko kinakabahan ako n parang maiihe n ako s takot indi ko pinahalata na nag attempt sna ako magsaing ng siya na un gumagawa s kusina un pinaghugasan nia tinapon sakto dun s lupa kng san ko binaon un bigas waaaaaaa sapol kita ng tatay ko un bigas lumutang indi n ako nkpagsinungaling alam n nia kng ano nangyari pero indi nmn ako pinalo o pinarusahan tulad ng ginawa sau ng tatay mo ako tiningnan lang nmn ako ng tiger look un understood n un n galit cia skin pero never ako npagbuhatan ng kamay…un lang po maraming salamat s pagshare ng istorya mo….keep it up!
he!he!he! nakakatuwa talaga promise! Napatawa mo na naman ako.May lumabas tuloy na hangin sa wetphu ko. Take note ha may natutunan din (ako bilang isang ulirang INA) kahit tawa lang ako ng tawa dito.Alam mo ba kung ano… Mag ingat, may bantay bata!!! he!he!he!
wow!
Good post.