SI SATURNINO BASILLA AT ANG SALITANG BURGIS

intro:

ako: taga-Morayta ka ba?

tao: hindi eh.

ako: pero nag-aaral ka ba malapit sa Morayta?

tao: oo. taga-FEU ako. bakit?

ako: kilala mo ba si Saturnino Basilla?

tao: (nag-isip) hindi eh. ngayon ko lang narinig ang pangalang yan.

ako: ah ganun ba? sige, di bale. salamat na rin.

iyan ang naitatanong ko pag trip ko magtanong sa mga nakakasalubong ko pag dadaan ako ng FEU (school ko po yon mga chufatids!) may kilala ba kayong tao na ganyan ang pangalan? actually, minsan ko nang nailathala ang paghahanap ko kay Saturnino dito sa blog ko. kaso, dati nga di ba?— langaw mode lang ang blog ko kaya walang pumansin. kaya ngayon, hahanapin ko uli siya.

tula uli ang drama ko.

===============================================================

Sa bawat sulok ng Morayta,

O sa bawat dingding ng underpass,

Walang araw o gabi na dumaan

na hindi kita nakita.

**

Ngunit naramdaman ko na lang na parang gusto kitang makilala

Lalo na ng ako ay tumuntong ng ikatlong taon ng aking kolehiyo.

Tila ba sinusunog ako ng aking pagnanais

Na ikaw ay aking makausap.

Sa bawat poste sa daanan,

Sa mga pasilyong papunta sa aking iskwelahan,

Ang iyong nag-iisang tanong

Nakapaskil sa PC-han, parlor,  at mga kainan…

**

BURGIS KA BA? (napatanong din tuloy ako sa sarili ko kung burgis ba ako?)

**

Burgis?

**

gangster ba ito?

guild of actors and actresses AKA mga manloloko na nanloloob sa mga bus at jeep?

organisasyon ng mga lolang nagbebenta ng pampawala ng regla at pampalaglag ng bata sa may Quiapo?

sekta ng mga mama na nagtitinda ng mga sex gadgets especially mga vibrators na madaling ma-low-bat sa may Recto?

isang pila ng mga chicks for sale sa kahabaan ng Rizal Avenue?

frat ng mga tindero ng calamares sa may UE?

boybands at mga maintenance ng FEU?

pederasyon ng mga mang-aagaw ng lakas?

grupo ng mga barker ng jeep sa may PRC?

isang tumpok ng mga nursing students na feeling konyotix hindi naman?

koleksyon ng mga Arki people na weirdo-weirdo-han mukha namang gago?

ano ba ito?

**

ni salitang burgis hindi ko alam ang ibig sabihin.

ang mukha mong iginuhit mula sa spray paint na hindi ko alam kung saang pagmumukha ibinase.

kamukha mo ba si Beavis? si Butthead? si Bentong? si Budoy? sino ba?

tapos iginuhit ka pa nang pabaligtad!

lupit mo dude!

**

Bihira na rin tayong magkita nung malapit na akong makatapos.

Kaya pag may oras ako, sinusubukan kong gamitin ang teknolihiya baka maka-chat kita.

sa yahoo, sa google, sa friendster, sa redtube, sa titanime at kung saan-saan…

hindi ko makuha ang resultang hinahanap ko.

saturnina, basilio, crispin.. leche! hindi kita makita!

**

Nang tuluyan ko nang linisan ang aking Alma Mater

Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataong makapagpaalam sa iyo.

Hindi ko alam kung sa pagbalik ko, naroon ka pa rin ba o mawawala na lang bigla.

**

Hindi mo ako kaibigan.

Hindi mo rin ako kaklase.

Hindi mo ako tagahanga.

Hindi mo ako kamag-anak.

Hindi mo ako kaaway.

At lalong hindi mo ako kakilala.

**

Kahapon lang naisip kong lumuwas ng Maynila.

Una kong tinungo ang underpass kung saan ko unang nakita ang pangalan mo.

Pero nang marating ko na ang unang baitang pababa,

kahit na anong bakas mo ay wala akong nakita.

Natabunan na ng puting pintura.

Wala ka na.

ang tanging mga salitang nakita ko: NO VANDALISM.

================================================================

kung ganoon, sino ang gumawa sa kaniya?

at ano ba’ng ibig sabihin ng salitang Burgis?



10 Comments so far

  1.   Bawi on May 5th, 2008

    langaw. hahaha =P namiss kita pulis!

  2.   PULIS on May 6th, 2008

    huhuhuhu..langaw.. dapat ba akong magpa-cheeseburger dito?

  3.   PULIS on May 6th, 2008

    nakita ko na siya.. artist pala s saturnino basilla…

    ’steg!

  4.   TaBa on May 8th, 2008

    tahimik kasi hindi lang namin alam ano tumama sa amin :)
    mga ganito ata ang hinahanap sa esKWELA sa kabilang kanto

    lakad na…

  5.   TaBa on May 8th, 2008

    at tiyak ako mapapaisip ka uli tungkol sa salitang “B”

  6.   DIMPLE on May 10th, 2008

    Hindi kaya sila magpinsan ni RESTITUTO PRUTAS?

    Galing mo talaga! =)

  7.   JaSoN on May 10th, 2008

    langaw ibig sabhn ng burgis?

  8.   Shalom RN on May 17th, 2008

    hahaha.. saturnino basilla.. isang deviant artist.. cool.. Ü

  9.   GeLo-tEo-aNgElo on June 30th, 2008

    kilala ko kung sino sya,, at si burgis,… feu din ako, buhay pa sila, at madalas magexhibit… burgis - ang alam ko social climber ang mining nun..? o, simply susyalero/ra…

  10.   postgrunge666 on September 26th, 2008

    ayuz yng blog moh!!!ah!!!…..

Leave a Reply