HOSPITAL SETTING
INTRO SA INTRO:
i am trying hard to write in English. and i’m still trying hard. trying hard talaga.
kaso nagmumukha talaga akong trying hard eh.
‘tong mga sinulat ko ngayon, hindi naman nakakatawa eh. nakakatae siguro, pwede.
=============================================================
INTRO:
kapitbahay na chismoso: sa’n ka galing?
ako: sa duty.
kapitbahay na chismoso: sa’n?
ako: sa duty po. sa _____________. (ospital)
kapitbahay na chismoso: ahhh..
ako, lalayas na. punta naman sa trabaho. (ang totoo, parati naman akong absent.)
mahabang kuwento pa kung magpapaliwanag ako. ang siste, volunteer ako sa isang ospital and at the same time, nagtatrabaho pa rin sa call center.
===============================================================
INTRO 2:
halos isang buwan din akong nag-volunteer. at halos isang buwan namang hindi pumapasok o di kaya late, o di kaya half-duty sa trabaho (bait ng boss ko, di pa ‘ko tinatanggal! ako na nga nagmamakaawa eh!)
===============================================================
DRAMA NO 1:
setting: sa ward, 1:30 PM
characters: lalaking pasyente, bantay ng pasyente na itatago natin sa katauhan ni Ate, at siyempre ang banong bida, ako!
ang pangyayari..
bantay ng pasyente na itatago natin sa katauhan ni Ate: Nars, pa-suction naman.
at siyempre ang banong bida, ako: Opo, no problem.
dali-dali kong tinungo ang kuwarto ng pasyente ni Ate. natutuwa naman ako kasi kaya ko nang gawin ang mag-suction.
For your information, ang pagsa-suction ay isang paraan para bawasan ang mga naipong plema (o secretion kung tawagin.. di ko na nga alam dahil hindi lang naman plema ang inaaalis eh.) sa sistemang panghinga ng isang pasyente. gumagamit ka ng isang makina na kung tawagin ay suction apparatus. At sa ganoong paraan, makakatulong itong maibsan ang hirap sa paghinga ng pasyente. (syetness! sinusubukan kong tagalugin lahat kaso tumutulo ang sipon ko.)
tuloy ang istorya…
nanghingi na ako sa bantay ng gagamitin. gloves, suction tip (yung parang hose pangsuction) at tubig (pang-hugas at pantanggal bara, flush.) at sinimulan ko na. binibilisan ko lang ang ginagawa ko kasi baka maubusan ng hangin ang pasyente. kasabay kasi ng suctioning, pati hangin, nahihigop rin ng aparato. sa loob ng 3 minuto, tapos na ako.
pero maya-maya, nag-request pa ang pasyente. ulitin ko raw. nag-aalala ako per sige inulit ko. (huwag kayong mag-alala. hindi pagkamatay ng pasyente ang ending. dahil kung magkataon, wala nang nakasulat na ganito ngayon.praise the Lord. at uli, kung magkataon, unang murder case ko yon.)
isang minuto, tapos na ako (kalkulado talaga.)
pero bago ako umalis, tila nag-iba ang mukha ng pasyente. nangingisay siya at tumitirik ang mata. (naku, seizure yun! ano na naman ang gagawin ko?)
sa sobrang taranta..
ang banong bida, ako: Ate,tumawag ka ng nurse! Dali!
(naisip ko na lang… pucha! nurse nga pala ako dito! parang na-wow mali ko ang sarili ko… ewan ko nga kung matatawa ako o hindi eh. parang gusto ko sabunutan ang sarili ko.)
===============================================================
DRAMA NO 2:
setting: sa ospital pa rin. parehong ward.
characters: ako (at patuloy pa ring nagiging bano sa pagtagal ng mga araw_, isang CI (clinical instructor) na echusera, at isang staff nurse
ang pangyayari…
noong mga oras na iyon, naatasan akong palitan ang Oxygen tank ng isang pasyente dahil ubos na iyon. malaki naman kasi ako kaya alam kong kaya ko ang trabaho. mabigat at malaki rin ang isang punong oxygen tank. alangan namang buhatin iyon kaya pinapaikot mo siya.
sa totoo lang, mukhang madali pero hirap na hirap ako ng mga oras na iyon. 15 mins na ako at pawis na pawis hindi ko man lang maigalaw ng isang pulgada ang malaking tangke. pakyu naman ako!
monologue: puta naman! ang bigat at ang hirap. help!
hindi ko alam may nakkarinig pala sa monologue ko.
staff nurse: ako na nga. ganito o!
itinuro niya sa’kin kung paano. bilib ako kasi kahit mas maliit at di hamak na balingkinitan ay nakakaya niyang galawin ang tangke. and eventually, naibigay na pasyente.
sa station… (ang tambayan ng nurses. dun sila nagsusulat at nagchichikahan na rin.)
umentra ang echuserang CI..
staff: si Ma’am (she addressed me as Ma’am) mukhang gugulungan ng Oxygen kanina… (bungisngis siya ng konti)
ako: (okey lang naman) eh kasi di ako marunong eh. pa’no ba yun?
echuserang CI: itanong mo sa estudyante.
parang natapakan yata ang pride ko. hindi na kasi ako estudyante. RN (registered nurse) na ako hindi ko pa alam.
moral lesson (tama ba?): sa bawat araw na lumipas, ako na ang kusang loob na nagpapalit ng Oxygen. at natuto na ako. kinarir ko yun! minsan nga kahit wala namang may kailangan, kinukuha ko lang. wala akong magawa eh. iniikot ko lang tapos ibabalik ko rin. para na nga akong gago. (ano ka ba? joke lang.)
===============================================================
DRAMA NO 3:
walang setting…
FRIENDSTER PROFILE VIEWS: 576 (WOW! madami na ito para sa akin.)
kapatid ko: ate, yung nag-view sa iyo, nagview din sa akin. ina-add pa ‘ko. kilala mo ba yan?
para akong caricature na naging blue at nagtransform na kasing puti ng papel… alam mo ba yung itsura ni Mojacko kapag nababasa ng tubig?
hindi ko tuloy alam kung ginamit lang ang profile ko.. paksyet oh! ako kasi hindi in-add.. ![]()
===============================================================
OUTRO:
ang hirap din pala. ako? madaldal akong tao at yun ang pinipilit kong baguhin sa sarili ko. ang sarap-sarap magsalita pero ang hirap-hirap na kapag gagawin mo na ang sinabi mo.
bawi na lang ako.
sa June.
===============================================================
OUTRO NO 2:
salamat sa nagbabasa ng blog. wala tong kuwenta pero may pumapansin pa rin. at deepdive. pati yung mga posts ko nung unang panahon nahahanap niyo pa at nagko-comment pa. salamat talaga.
iyak na ko.
saka ko na pagkakaperahan ang pagsusulat ko. pag magaling na ako.
sa ngayon, libre ko muna kayo.
‘tong mga sinulat ko ngayon, hindi naman nakakatawa eh. nakakatae siguro, pwede.














Nice blog. Sana po maging maayos kana. Im sure naman kaya mo na kasi RN kna. Kaya mo yan.
You can make it!!!
ui gnda ng blog hehe..gleng pa mgsulat…burger??haha
ganda
make the most of your talents while you’re still young.
astig..
nice
Galing!
I really enjoyed reading your stuff. keep it up!
nice one!
your cool
ang saya basahin ng mga blog mo.. ^_^ sana laging libre.. hahaha! Gud luck po sau and God Bless!
hey.. i realy like ur blog.. it was time reading it.. keepit up and make the best out of it!!!!
get well soon…
two thumbs up! *_*
great blog… goodluck sa karir!
OWAYT! Idol!
Idolo, pwede magtanong?
ANO ANG MAS MABIGAT? UNG OXYGEN TANK NA WALANG LAMAN O YONG MERON?
Sagutin mo, pang matalinong tanong yan.. +:)
take me!!
ok ka kasi
eeehhhh!!!ganon ba un!!??hayaan mu na lang…saka mu na nga lang kami singilin..hehehe….
unique post. cheers!
ganda ng blog mo ha. turuan mo nga rin ako kung pano ko papagandahin yung blog ko.
ok ah… ganda!!!1
cool!!!!
npangiti mo ko s blog m ah! nice
thanks for making me smile….
Ang kagandahan lang ng blog mo kahit maganda ay maraming bumabasa, di tulad ng blog ko na maganda naman ang mga topic siguro sa dami na rin ng mga nagbo-view sarap ng maraming kamag-anak at kaibigan no. keep on writing kanya-kanyang taste lang yan.
nice blog! sad aqoh kanina pero nung nabasa ko blog mo atleast nawala ung lungkot ko thanks 4 making me smile promiz!
haha.
echusera! watta word. lol.
hmmm hindi nman talga madali mgtulak ng oxygen tank mabigat pa ata sa katawang lupa ko yun..
galing mo!!!
well napatwa mq sa blog mo hehehe
double thumbs up!!!galing-galing mo!!!keep it up…pwede makiburger na rin?im so amazed with your ideas and the way you make hirit..kaya pala fan ka ng marami…naintriga ako sa sister ko na fan ka….go puliS!!! mag praktis ka nang magpraktis sa ospital…hehe..pwera biro,maghospital experience ka na fulltym. ikanga:Nurses’ hands are the hands of life…THE HANDS OF A NURSE does the job THAT NOT EVRYONE CAN DO…
go philippines!