May, 2008

HOSPITAL SETTING

INTRO SA INTRO:

i am trying hard to write in English. and i’m still trying hard. trying hard talaga.

kaso nagmumukha talaga akong trying hard eh.

‘tong mga sinulat ko ngayon, hindi naman nakakatawa eh. nakakatae siguro, pwede.

=============================================================

INTRO:

kapitbahay na chismoso: sa’n ka galing?

ako: sa duty.

kapitbahay na chismoso: sa’n?

ako: sa duty po. sa _____________. (ospital)

kapitbahay na chismoso: ahhh..

ako, lalayas na. punta naman sa trabaho. (ang totoo, parati naman akong absent.)

mahabang kuwento pa kung magpapaliwanag ako. ang siste, volunteer ako sa isang ospital and at the same time, nagtatrabaho pa rin sa call center.

===============================================================

INTRO 2:

halos isang buwan din akong nag-volunteer. at halos isang buwan namang hindi pumapasok o di kaya late, o di kaya half-duty sa trabaho (bait ng boss ko, di pa ‘ko tinatanggal! ako na nga nagmamakaawa eh!)

===============================================================

DRAMA NO 1:

setting: sa ward, 1:30 PM

characters: lalaking pasyente, bantay ng pasyente na itatago natin sa katauhan ni Ate, at siyempre ang banong bida, ako!

ang pangyayari..

bantay ng pasyente na itatago natin sa katauhan ni Ate: Nars, pa-suction naman.

at siyempre ang banong bida, ako: Opo, no problem.

dali-dali kong tinungo ang kuwarto ng pasyente ni Ate. natutuwa naman ako kasi kaya ko nang gawin ang mag-suction.

For your information, ang pagsa-suction ay isang paraan para bawasan ang mga naipong plema (o secretion kung tawagin.. di ko na nga alam dahil hindi lang naman plema ang inaaalis eh.) sa sistemang panghinga ng isang pasyente. gumagamit ka ng isang makina na kung tawagin ay suction apparatus. At sa ganoong paraan, makakatulong itong maibsan ang hirap sa paghinga ng pasyente. (syetness! sinusubukan kong tagalugin lahat kaso tumutulo ang sipon ko.)

tuloy ang istorya…

nanghingi na ako sa bantay ng gagamitin. gloves, suction tip (yung parang hose pangsuction) at tubig (pang-hugas at pantanggal bara, flush.) at sinimulan ko na. binibilisan ko lang ang ginagawa ko kasi baka maubusan ng hangin ang pasyente. kasabay kasi ng suctioning, pati hangin, nahihigop rin ng aparato. sa loob ng 3 minuto, tapos na ako.

pero maya-maya, nag-request pa ang pasyente. ulitin ko raw. nag-aalala ako per sige inulit ko. (huwag kayong mag-alala. hindi pagkamatay ng pasyente ang ending. dahil kung magkataon, wala nang nakasulat na ganito ngayon.praise the Lord. at uli, kung magkataon, unang murder case ko yon.)

isang minuto, tapos na ako (kalkulado talaga.)

pero bago ako umalis, tila nag-iba ang mukha ng pasyente. nangingisay siya at tumitirik ang mata. (naku, seizure yun! ano na naman ang gagawin ko?)

sa sobrang taranta..

ang banong bida, ako: Ate,tumawag ka ng nurse! Dali!

(naisip ko na lang… pucha! nurse nga pala ako dito! parang na-wow mali ko ang sarili ko… ewan ko nga kung matatawa ako o hindi eh. parang gusto ko sabunutan ang sarili ko.)

===============================================================

DRAMA NO 2:

setting: sa ospital pa rin. parehong ward.

characters: ako (at patuloy pa ring nagiging bano sa pagtagal ng mga araw_, isang CI (clinical instructor) na echusera, at isang staff nurse

ang pangyayari…

noong mga oras na iyon, naatasan akong palitan ang Oxygen tank ng isang pasyente dahil ubos na iyon. malaki naman  kasi ako kaya alam kong kaya ko ang trabaho. mabigat at malaki rin ang isang punong oxygen tank. alangan namang buhatin iyon kaya pinapaikot mo siya.

sa totoo lang, mukhang madali pero hirap na hirap ako ng mga oras na iyon. 15 mins na ako at pawis na pawis hindi ko man lang maigalaw ng isang pulgada ang malaking tangke. pakyu naman ako!

monologue: puta naman! ang bigat at ang hirap. help!

hindi ko alam may nakkarinig pala sa monologue ko.

staff nurse: ako na nga. ganito o!

itinuro niya sa’kin kung paano. bilib ako kasi kahit mas maliit at di hamak na balingkinitan ay nakakaya niyang galawin ang tangke. and eventually, naibigay na pasyente.

sa station… (ang tambayan ng nurses. dun sila nagsusulat at nagchichikahan na rin.)

umentra ang echuserang CI..

staff: si Ma’am (she addressed me as Ma’am) mukhang gugulungan ng Oxygen kanina… (bungisngis siya ng konti)

ako: (okey lang naman) eh kasi di ako marunong eh. pa’no ba yun?

echuserang CI: itanong mo sa estudyante.

parang natapakan yata ang pride ko. hindi na kasi ako estudyante. RN (registered nurse) na ako hindi ko pa alam.

moral lesson (tama ba?): sa bawat araw na lumipas, ako na ang kusang loob na nagpapalit ng Oxygen. at natuto na ako. kinarir ko yun! minsan nga kahit wala namang may kailangan, kinukuha ko lang. wala akong magawa eh. iniikot ko lang tapos ibabalik ko rin. para na nga akong gago. (ano ka ba? joke lang.)

===============================================================

DRAMA NO 3:

walang setting…

FRIENDSTER PROFILE VIEWS: 576 (WOW! madami na ito para sa akin.)

kapatid ko: ate, yung nag-view sa iyo, nagview din sa akin. ina-add pa ‘ko. kilala mo ba yan?

para akong caricature na naging blue at nagtransform na kasing puti ng papel… alam mo ba yung itsura ni Mojacko kapag nababasa ng tubig?

hindi ko tuloy alam kung ginamit lang ang profile ko.. paksyet oh! ako kasi hindi in-add.. :(
===============================================================

OUTRO:

ang hirap din pala. ako? madaldal akong tao at yun ang pinipilit kong baguhin sa sarili ko. ang sarap-sarap magsalita pero ang hirap-hirap na kapag gagawin mo na ang sinabi mo.

bawi na lang ako.

sa June.

===============================================================

OUTRO NO 2:

salamat sa nagbabasa ng blog. wala tong kuwenta pero may pumapansin pa rin. at deepdive. pati yung mga posts ko nung unang panahon nahahanap niyo pa at nagko-comment pa. salamat talaga.

iyak na ko.

saka ko na pagkakaperahan ang pagsusulat ko. pag magaling na ako.

sa ngayon, libre ko muna kayo.

‘tong mga sinulat ko ngayon, hindi naman nakakatawa eh. nakakatae siguro, pwede.

MENSAHE KO PARA SA NANAY KO…

sorry na kung hindi ako nagpapaalam ng maayos pag gigimik ako (eh kasi naman ayaw mo ko payagan)…
sorry na kung palagi ko na lang dinudumihan yung damit ko lalo na pag puti (eh kasi sa ospital madugo ang labanan)…
sorry na kung pinapakain mo ko ng agahan hindi ako kumakain (kasi late na ‘ko)…
sorry na kung bibigyan mo ko ng baon, lagi akong nagrereklamo (kasi kulang)…
sorry na kung minsan pag pinapagalitan mo ko lagi akong sumasagot (kasi pagod lang ako)…
sorry na kung minsan nagpapasama ka sa akin sa simbahan, hindi ako bumabangon agad sa higaan (kasi antok pa ako)…
sorry na kung madalas akong magreklamo na mas paborito mo yung bunso kong kapatid (kasi siya lagi kinakampihan mo pag nag-aaway kami)…
sorry na kung pinakikilala mo ako sa lalaking gusto mong maging boyfriend ko, tumatakas ako at kung ano-anong kalokohan ang pinaggagagawa ko (kasi naman yung pinipili mo talagang has a face only mothers can love)…
sorry na kung hindi man lang ako nakikinig kapag nagkukuwento ka (kasi paulit-ulit.. saulo ko na nga eh)…
sorry na kung minsan pinapainom mo ako ng gatas ayoko uminom (kasi ang akala ko para lang sa may osteoporosis lang yun)…
sorry na kung may boyfriend naman akong patago (kasi ayaw mo sa kaniya)…
sorry na kung minsan pag magbabayad ako sa tuition, may 20% na tubo (eh kasi naman wala na akong panggimik)…
sorry na kung hirap akong mag-sorry (nahihiya kasi ako eh)…
sorry na po.
i love you.
ma, nay, mommy…
o kung ano pa man ang tawag natin sa nanay natin…
HAPPY MOTHERS’ DAY…

SI SATURNINO BASILLA AT ANG SALITANG BURGIS

intro:

ako: taga-Morayta ka ba?

tao: hindi eh.

ako: pero nag-aaral ka ba malapit sa Morayta?

tao: oo. taga-FEU ako. bakit?

ako: kilala mo ba si Saturnino Basilla?

tao: (nag-isip) hindi eh. ngayon ko lang narinig ang pangalang yan.

ako: ah ganun ba? sige, di bale. salamat na rin.

iyan ang naitatanong ko pag trip ko magtanong sa mga nakakasalubong ko pag dadaan ako ng FEU (school ko po yon mga chufatids!) may kilala ba kayong tao na ganyan ang pangalan? actually, minsan ko nang nailathala ang paghahanap ko kay Saturnino dito sa blog ko. kaso, dati nga di ba?— langaw mode lang ang blog ko kaya walang pumansin. kaya ngayon, hahanapin ko uli siya.

tula uli ang drama ko.

===============================================================

Sa bawat sulok ng Morayta,

O sa bawat dingding ng underpass,

Walang araw o gabi na dumaan

na hindi kita nakita.

**

Ngunit naramdaman ko na lang na parang gusto kitang makilala

Lalo na ng ako ay tumuntong ng ikatlong taon ng aking kolehiyo.

Tila ba sinusunog ako ng aking pagnanais

Na ikaw ay aking makausap.

Sa bawat poste sa daanan,

Sa mga pasilyong papunta sa aking iskwelahan,

Ang iyong nag-iisang tanong

Nakapaskil sa PC-han, parlor,  at mga kainan…

**

BURGIS KA BA? (napatanong din tuloy ako sa sarili ko kung burgis ba ako?)

**

Burgis?

**

gangster ba ito?

guild of actors and actresses AKA mga manloloko na nanloloob sa mga bus at jeep?

organisasyon ng mga lolang nagbebenta ng pampawala ng regla at pampalaglag ng bata sa may Quiapo?

sekta ng mga mama na nagtitinda ng mga sex gadgets especially mga vibrators na madaling ma-low-bat sa may Recto?

isang pila ng mga chicks for sale sa kahabaan ng Rizal Avenue?

frat ng mga tindero ng calamares sa may UE?

boybands at mga maintenance ng FEU?

pederasyon ng mga mang-aagaw ng lakas?

grupo ng mga barker ng jeep sa may PRC?

isang tumpok ng mga nursing students na feeling konyotix hindi naman?

koleksyon ng mga Arki people na weirdo-weirdo-han mukha namang gago?

ano ba ito?

**

ni salitang burgis hindi ko alam ang ibig sabihin.

ang mukha mong iginuhit mula sa spray paint na hindi ko alam kung saang pagmumukha ibinase.

kamukha mo ba si Beavis? si Butthead? si Bentong? si Budoy? sino ba?

tapos iginuhit ka pa nang pabaligtad!

lupit mo dude!

**

Bihira na rin tayong magkita nung malapit na akong makatapos.

Kaya pag may oras ako, sinusubukan kong gamitin ang teknolihiya baka maka-chat kita.

sa yahoo, sa google, sa friendster, sa redtube, sa titanime at kung saan-saan…

hindi ko makuha ang resultang hinahanap ko.

saturnina, basilio, crispin.. leche! hindi kita makita!

**

Nang tuluyan ko nang linisan ang aking Alma Mater

Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataong makapagpaalam sa iyo.

Hindi ko alam kung sa pagbalik ko, naroon ka pa rin ba o mawawala na lang bigla.

**

Hindi mo ako kaibigan.

Hindi mo rin ako kaklase.

Hindi mo ako tagahanga.

Hindi mo ako kamag-anak.

Hindi mo ako kaaway.

At lalong hindi mo ako kakilala.

**

Kahapon lang naisip kong lumuwas ng Maynila.

Una kong tinungo ang underpass kung saan ko unang nakita ang pangalan mo.

Pero nang marating ko na ang unang baitang pababa,

kahit na anong bakas mo ay wala akong nakita.

Natabunan na ng puting pintura.

Wala ka na.

ang tanging mga salitang nakita ko: NO VANDALISM.

================================================================

kung ganoon, sino ang gumawa sa kaniya?

at ano ba’ng ibig sabihin ng salitang Burgis?