April, 2008

SUCCUBUS

tabunan na natin ang naging trip ko sa Baguio. Tama na yan.

Nito kasing umaga, wala naman talaga akong magawa. Ni-retrieve ko na mga past posts ko at nakita ko itong entry (poem-poem-an in the making na sinubukan kong gawing kanta ang pangit naman.)

Ikukuwento ko lang sa inyo ang history niyan.

Alam niyo kasi nung college pa ako, may isang professor na sobrang crush na crush ko. Ang guwapo na kasi, ang talino pa. At mukha pang mabango. Kung iisipin niyo na naging moreno (yung kulay sa balat… hindi si Kuya Germs!) si Dingdong Dantes, siya ang lalabas! Guwapo no? Feeling ko, ako si Marimar! Awwww!!! Whitney Tyson version. heheheheh!!!

hmmm..sa sobrang paghanga ko sa kanya, dalawang taon ko siyang crush. lagi nga akong kinikilig noon kapag nakikita ko siya sa window ng classroom niya.

ito ung nagawa kong tula para sa kanya. wala nga lang din talaga akong guts na iparating ito sa kanya kasi estudyante niya ako… well.. noon pa yun!

title po: SUCCUBUS. (In Western medieval legend, a succubus (plural succubi) or succuba (plural succubae) is a demon, who takes the form of a beautiful woman to seduce men, especially monks [1] in dreams to have sexual intercourse. They draw energy from the men to sustain themselves, often until the point of exhaustion or death of the victim. From mythology and fantasy, Lilith and the Lilin (Jewish) and Lilitu (Sumerian) are in redactive Christian fables (folktales not part of official Christian theology), considered succubi…. via wikipedia.com)

==================================================

SUCCUBUS

I:
my words fly with the wind
my whispers fill the air
my song sang by the birds
this way i wish
my voice to reach you

R:
i always long to say
i love you ’til the day comes
that i may live the same way as yours
but for now, i can do nothing but wait

C:
tonight i stare an inch far from your face
watching you sleep
my existence felt frozen
but i won’t let you feel its coldness
i doubt that you would understand
if tonight you’ll see me
it might be the last
so i chose to remain
a ghost who’s unseen, never felt

forever i’m waiting

II:
if i’ve lived long before
i might as well wish not to live anymore
or tonight shall i wish
to take you with me
from your sleep

unawaken.

==================================================

hulaan ko, comment ko dito, isa lang o dalawa. English kasi eh. PAg ito umabot man lang ng 20, papa-cheeseburger ako!!! burger! burger! kweng-kweng!

ANG NAGING TRIP NI KOKOK SA BAGUIO

***pasensya na sa mga “konserbatibo-kuno” na mga taong makakabasa nito… wag kayo mag-alala. walang porno dito. walang extreme. walang discrimination. wala nga ring sense. nagkukuwento lang.***

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

BATING PANIMULA:

“hahahahhah!!!!”

ito na lang siguro ang kaya kong ibulalas pag-uwi ko sa bahay.

ambisyosa, echusera, bungangera, reklamadora, whatever bilena!

galing akong Baguio. at hulaan niyo kung sino ang kasama ko.

kung ito ang iniisip mo:

crush-slash-friend-slash-ewan ko kung ano nga ba kami.com and everything that occupies space and has mass and weight-punyeta-ano bang pinagsasasabi ko-pakingsyet…

…puwes, may tama ka diyan! (pinagdarasal ko lang talaga na hind sana siya mapadaan sa blog ko dahil kapag nalaman niya ‘to, baka pati friendship namin bye bye na… wag ganun, di ba?)

bulgar na bulgar naman ako. pictures namin, ayan, kung may oras ka tingnan mo sa folders ko. feeling ko tuloy para akong may boyfriend (grabe’ng feeling ko!!! to the highest level na. ang kapal ng mukha ko! oo na. aminado naman ako diyan. kembot lang. hehehehh!!)

kaibigan ko lang po siya. ako lang ang ambisyosa. wala siyang kasalanan. ako na ang madumi utak.

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

KATAWAN NG.. HINDI ITO SULAT:

hindi ko na masyadong pahahabain ang kuwento.

anong ginawa namin sa Baguio?

ito:

pagkagaling sa bus…

*naglakad.

*naghanap ng matutuluyan.

*nang makahanap, nagpahinga.

*naligo, sabay kami. (hahaha!!!! pare joke lang. siyempre hindi. eh di nawalan na siya ng gana sa buhay niya kung nagsabay nga kaming maligo. saka hindi kami kasya sa banyo. sayang!!!)

*umalis ulit.

*namasyal. (hindi ko na alam masyado yung mga lugar eh. pero kung ano yung nasa isip mong mga lugar sa Baguio, yun din yun.)

*naglakad.

*naglakad.

*naglakad.

*at saka naglakad.

*at hindi ko malilimutan….

===umakyat.

===bumaba..

====umakyat.

(isingit mo na lang diyan kung kelan kami kumain. basta ganon na iyon.)

in fairness sa Baguio, ang common structure na makikita mo, hagdan, hagdan, at saka hagdan. wag mo na rin kalimutan yung hagdan. pucha, at saka hagdan pa pala. gago!!! nagka-phobia yata ako sa hagdan nang makarating ako doon.

tang ina! hindi ko na mawari ang kapagurang nararamdaman ko talaga. ako kasi aaminin ko naman na mabigat kasi ako kaya talagang hindi ko halos kinaya. naka-cross fingers na nga lang ako eh.

parang gusto ko na nga lang sabihin, “Lord, hindi ito ang hangganan ng buhay ko. ayoko mamatay na virgin! please?’

habang humahangos ako at pawis na pawis, siya naman dire-diretso. kapag sobrang layo niya na mula sa akin, hinihintay naman niya ako (potah, parang yung joke ng bading ‘to na nababasa ko sa cellfone ah?)

sa gabi? anong ginawa namin?

paksyet…

wala nga eh.

sayang talaga.

ang ginawa niya lang pansinin yung malaki kong hita at asar-asarin ako.

ako…? ahhahahah!! gusto ko naman. abnormal ako eh.

pero yung kilig? set aside ko muna yun. talagang pagod kasi ako.

kaso hindi rin naman ako makatulog. kasi wala naman akong magawa kundi pakinggan ang “not-so-music-to-my-ears” niyang paghilik. hindi rin kami tabi sa higaan. sayang talaga!

pero habang tinititigan ko siya sa pagtulog niya, isa lang ang nasa isip ko: “kelan ka kaya tatahimik para makatulog naman ako?” (ooowwsssss!!! plastiiiiiikkkkk!!!! ahahahahahh!!!! niyyyeeee!!!)

uyyy. wag niyo namang isiping malibog ako. kasi…

hindi ka nagkakamali!!! aahahahah!!! joke lang ulit. nagpapatawa lang ako.

seryoso.

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

REFRAIN:

naikuwento ko sa ilang malalapit na kaibigan ang pagpunta kong ito sa Baguio na kasama ang aking ‘ispesyal na kabungguang siko”…

ito ang script.. (iisang script lang talaga ang nasabi ko at iisang script lang din ang narinig ko sa kanila. ito na iyon.)

ako: tol, alam mo pupunta kami sa Baguio.

tol: kayong dalawa lang?

ako: oo tol. excited na ako.

tol: uyyy… mag-iingat ka. pigilan mo sarili mo. magdala ka ng condom. maligo ka ah? umayos ka. wag mo siya pipisain. maging gentle ka. wag mo pipilitin. magpapaalam ka.

(tang ina oh!!! bakit kaya lahat ng aking mga “tol”  ganyan mag-isip sa akin. parang wala na akong karapatang maging wholesome ah??? ayos naman kayo! ahahahahhah!!!)

at ito pa’ng isang script. galing to sa kaniya.

crush-slash-friend-slash-ewan ko kung ano nga ba kami.com and everything that occupies space and has mass and weight-punyeta-ano bang pinagsasasabi ko-pakingsyet:

“uyy.. walang gapangan ah?”

(waahahhhhhh!! bakit alam niya yung nasa isip ko? paano ko pa itutuloy ang aking mastah plan?)

nagbibiro lang po ang inyong lingkod. hindi naman po ako bastusin. konti lang. konti lang talaga. maniwala ka please?

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

BATING PANAPOS:

reklamo lang ako ng reklamo.

pero alam mo, masaya ako. masaya talaga ako.

hinding-hindi ko malilimutan nang marating ko ang Baguio.

salamat.

kung may na-offend man, pasensya na po.