Ta’y Naman!

ang hirap naman maging feeling writer. hindi ko na malaman kung anong isusulat. wala kasi akong maisip talaga sa ngayon. mayroon akong p-in-ost dito nung isang beses (March 10 yata) )kaso isa lang yata ang nagbasa at saka parang OP yata siya sa lahat ng nilalagay ko rito kaya binawi ko na lang.

meron din akong nilagay na komento kasunod ng isang komento diyan sa blog ko na nilagay ng isang nagbasa na nagngangalang Bitoy. di ko siya kilala kaya lang talagang affected ako sa nilagay niyang comment. pero sa tingin ko mali rin yung ginawa ko kaya binawi ko rin at binura ko na. sa palagay ko hindi na rin dadaan yun dito kasi “ampaget ng blog ko”, as he said.

pero hindi naman ako naniniwala san kaniya. nasabi niya lang yun kasi hindi nga lang niya type ang sinulat ko. baka intelehente kasi siya. yung blog ko para lang sa kung anong kaya kong abutin.

tama na ang chenelyn na ito.

pumunta na tayo sa kung ano ba talaga ang ilalagay ko.

______________________________________________________________

hindi ko talaga alam kung ako nga ba ang paboritong anak ng tatay ko o ako lang ang trip niya pag-initan. kasi ba naman, ang dami ko na yatang naisip na exceptions na ginawa niya sa akin. pero ito talaga ang natatandaan ko…

by the way, 22 years old na pala ako.

ako: Ta’y oh, 22 na ako. pwede na ba ako mag-boyfriend?

Tatay: Hindi pa.

ako: anak naman ng…. ta’y, ako na nga po ang pinaka-tabachoy sa magkakapatid, ayaw mo pa ‘ko magkasyota. bakit naman ganun? si kuya mag-aasawa na yan. dapat sundan ko na.. (ahahah!!)

Tatay: Hindi nga pwede.

ano ba naman yun? ang utos ng hari hindi nababali…

hindi mo lang alam Ta’y kung ilang taon na akong natitigang. ang lupit mo naman.

ito fresh pa kahapon lang:

ATTEMPT NO. 1: (kagagaling ko lang sa work, 9:00AM)

Ako: Tay, aalis nga pala ako mamaya…

Tatay: dead-ma

result: failed.

ATTEMPT NO. 2:

ako: Ta’y, aalis lang ako mamayang gabi. hindi na nga pala ako natulog. naglaba na ako, binilad ko na yung manok, nilabhan ko na rin po yung aso… (in short, ginawa ko talaga lahat payagan lang ako.)

Tatay: Wag na. Hindi ka na nga makagulapay diyan dahil wala kang tulog. wag ka na umalis.

ako: eh dali na.

ang totoo niyan, gigimik kasi kami  ng mga kaklase ko nung college. sa Guilly’s (bar tapat ng ABS-CBN) daw. talagang nagpupursige akong sumama noon kasi kasama namin yung crush ko nung college. eh siyempre, once a year lang naman ako lumalandi bakit hindi ko pa i-fulfill di ba?

result: failed ulit.

ATTEMPT NO. 3:

Ako: Ta’y sige ganito na lang. Dun na lang kami sa bahay ng kaklase ko. Hindi na ako lalayo. Tapos bago mag-10PM uwi na ‘ko. dali na Ta’y.

Tatay: O sige na nga.

result: successful (bakit kailangan talaga magsisinugaling pa ako para successful?)

para maiksi, ayun tuloy kami. sayaw to the max.

hindi ko kasi na-celebrate yung birthday ko nung March 6 kaya tinaon ko na lang sa sweldo.

e ayun, pag-uwi ko kaninang umaga, sermon mode. daig pa story-telling sa haba at daig pa homily sa simbahan sa sobrang makabagbag damdamin. at para pang action… paano naman kung mamura ako ng tatay ko akala mo ba may armalite at M16 (ratatatatattatatattatat!!!) walang tigil yan. ewan ko nga lang kung humihinga pa si Tatay.

akala ko nga may hazing na magaganap. namamalo pa kasi si tatay kahit malalaki na kami. Siguro nga kung payat lang ako at hindi mabigat, ibibitin niya ako patiwarik sa puno ng sampalok ng kapitbahay namin. Buti na lang nga mas malakai ako sa tatay ko.

ibang klase.

Pero mind you, hindi ako palasagot na bata kaya in-absorb ko lang lahat ng mga mala-ultraviolet rays niyang mga salita na nanghina talaga ako. Parang naubos ang chakra ko. at pagakatapos, nag-sorry na lang ako. naligo at natulog. hindi na nga rin ako nakapasok ng trabaho ngayong gabi.

______________________________________________________________

ITO LANG NAMAN ANG GUSTO KO MALAMAN.

BAKIT ANG MGA MAGULANG  NAGPAPAALAM KA NG MAAYOS, HINDI KA PAPAYAGAN? PERO PAG MAGSISINUNGALING KA PAPAYAGAN KA?

TAPOS MAGAGALIT PAG INUMAGA KA NG UWI AT NALAMAN NA NAGSINUNGALING KA.

TAPOS GANITO ANG LINYA:

“MAGPAALAM KA LANG NAMAN NANG MAAYOS, PAPAYAGAN NAMAN KITA…”

para rin ulit akong nasa set ng AngTV nito eh..

ngyeeee!!!



57 Comments so far

  1.   jEn on March 16th, 2008

    cmula b dti ganun tatay mo?
    or ngkganyan kz mhilig u gumala nung college lyf mo? hheheheheh
    bsta sakin isa lng tingin q dyan.. ur father cares:P mwuah

  2.   Mikhael on March 16th, 2008

    hahahahahah…. nakakatawa ung blog na toh!! hehehe.. nakakarelate aq sa kinuwento mu kc ganyan din ang aking inay!! ^_^ aun lang

  3.   Jojo on March 17th, 2008

    i like this blog, refreshingly funny and down to earth.

    and your writing style is cool, pwede ka script writer sa tv sitcom.

    ang galing ng sense of humor mo! keep it up

  4.   Bawi on March 17th, 2008

    bwahahhaha! lagot ka pag nabasa to ng superiors mo! nice post, btw. ;)

  5.   eric on March 17th, 2008

    ah………….wat can i say is magaling magaling magaling.bravo.parang comedy na seryoso,he he.pwede ka nga script writer.

  6.   ღღ mutya ღღ on March 17th, 2008

    Nice one gurl..
    funny but interesting story..
    buti nalang di mahigpit parents ko hehehe!..

    God Bless!

  7.   Elerlenne on March 18th, 2008

    Nice. . . true 2 lyf talaga pro ndi kc ganun parentz ko. . ,whehehe

  8.   rina on March 18th, 2008

    gurl magsaya ka kc it only shows n labs ka ni dadi mo…
    mas matakot k if d k na pancnin ni dadi or ni mami…

    nice work…

  9.   achiles bryan on March 18th, 2008

    ok lang naman mag sulat ah!!wala naman akong nakikitang mali kaso kailangan mo talagang mag pakilala ng totoo!!!CHARBOOOOOMM!!!!!

  10.   animae on March 19th, 2008

    nakakatuwa ang kwento mo… sa pagkaka-alam ko kapag kasi totoo ang sinabi mo ay mahirap paniwalaan kaysa sa kasinungalingan lalo na pag hindi mo talaga ugali ang magsabi ng totoo.. pero hindi ibig sabihin na magsinungaling ka nalang forever, mahirap yon! hindi ko rin sinabi to dahil gawain ko ito, pero ganito kasi ang na vi-view ko, kapag kasi ang sinalita mo ay kasinungalingan, may impact kasi ito sa taong nakikinig- katulad nalang ng sinabi mo sa tatay mo na sa bahay ka nalang ng kaklase mo- iba kasi ito sa karaniwang linya mo na gigimik ka o aalis ka kasama mga kaklase mo sa college. binigyan mo kasi sila ng assurance na hindi ka gagawa ng bagay na hindi nila gusgustuhin… Ito lang naman ang masasabi ko. GOD BLESS…

  11.   judie on March 19th, 2008

    ang cute m tlga pls add me

  12.   Anne on March 19th, 2008

    pwede k nga writer….. basta pag gigimik k umuwi k nlng ng maaga, pra wlang sermon sa umaga… at kung magsisinungaling k be sure n wlang d k magsisisi h… cute mo

  13.   becky on March 19th, 2008

    haba aman un… katamad basahin
    hehe,,,

  14.   William on March 19th, 2008

    Ganun talaga yon siguro, ika ngay may generation gap, but time will come na pag parent ka na rin maiitindihan mo bakit ganon ang mga parents. Parents have been young just like us, they know the danger coz they have been there before kaya ganun sila sa makatuwid mahal ka noon.

  15.   PULIS on March 20th, 2008

    teka, pagtatanggol ko sarili ko. kasi naman alam niyo, hindi niyo lang alam eh.. (ano ba yun?) kapag ako ang nagpapaalam, pahirapan. pero yung mga kapatid ko, keri lang. oo agad. di ba? naunawaan niyo ba ako? ahahhahhh!!!

  16.   wil freddrik on March 20th, 2008

    oh……. andami naman palang natutuwa sa sinusulat mo eh…. nagenjoy din me… sulat ka pa…

  17.   Marilou on March 21st, 2008

    hey just browsed and saw your blog. it made me laugh. very creative writing.
    more. ^_^

  18.   Des on March 21st, 2008

    Ate, kakatuwa. Naiimagine ko mga nakalagay sa post mo na to. :D

  19.   Ken on March 21st, 2008

    aus nakakatawa xa..hehehe…

  20.   c L a r i n e on March 21st, 2008

    ayos pwede nang pang-export!=)

    kabaligtaran ka ng buhay ko. 16 years old pa lang po ako, kahit hindi na ako umuwi wala akong naririnig sa nanay at tatay ko eh.=)(may halong kasinungalingan un)

    pero sa bf isue! apir tayo..pareho lang tayo! aus na rin un!hehe

  21.   Rosario on March 22nd, 2008

    sus, malaki na ba tatay mo?
    baka kasi di nya lang na - outgrow childhood nya….
    ganun talaga…
    palit kayo….gusto mo ‘kaw magpalaki sa kanya…

  22.   Russell on March 22nd, 2008

    ano yun ba yun? parang komiks noong panahon ni nora aunor… parang bata batuta komiks!! hay naku…

  23.   Russell on March 22nd, 2008

    joke lang… magaling magaling magaling!!

  24.   ninay on March 22nd, 2008

    nice…ang ganda ng sinulat mo…na-appreciate ko…cguro dahil ganun din ako…heheheh!

  25.   Ysay on March 23rd, 2008

    so far, 19 ako..pero kahit papano pinapayagan naman akong lumabas kahit gabi na. ang masasabi ko..ang HIGPIT NG TATAY mo… kita mo ha may trabaho ka na at lahat ayaw ka paring payagang magkabf.. at jusmiyo hindi ibig sabihin na kapag nagkabf ka na e IKAKASAL ka na rin.. pero ala akong karapatang kuwestiyunin ang desisyon ng tatay mo. hmmm..good luck sa lahat..hahah hwaiting!! ^^

  26.   Repa on March 23rd, 2008

    nakakatuwa ang kwento mo malaadventure ang dating hehehe subalit batid kong hindi ka natutuwa sa kahigpitan ng iyong mahal na ama kung sa bagay nga naman babae ka marahil ngay inisip niya lang ang kapakanan mo magandang araw

  27.   ANREY LAMM on March 23rd, 2008

    ETOH lang masasabi ko noh, kung tatay ko ang tatay moh? wag nalng. mabuti nang tatay ko ang tatay ko, at tatay mo ang tatay mo.
    ‘tang ynah… nkakaloka.
    takot lng yang tatay mo na ma preggy aguilar ka. kaya sabihin mo mag “TRUST” sayo.

  28.   Jheck on March 23rd, 2008

    funny…parang pang maalaala mo kaya …ganun talaga mga peyrents..pero wen u got old and also have a family and children you will understand why ur father is like that…pag yung anak mo namagpapaalam sayo..papayagan mo kaya? sa sobrang gulo na ng country natin…baka theyres just protecting you… over protected ba? keber ka na lang ng bonggang bongga!!!!

  29.   catherine on March 23rd, 2008

    kakaaliw ka naman..but i can relate..yun nga lang that was so long ago..but i hope maayos feud mo with your dad..mother na kasi ako now at yung di ako masyadong trip before eh yung mama ko..but now naiintindihan ko na sya..maiitindihan mo din papa mo..by the time comes na maging AMA ka na!!!hehehe…love your work!! hope we become friends!

  30.   anna on March 24th, 2008

    kaaliw story mo…tatay mo p din cya no matter what kaya tama ung attitude mo na wag sumagot….GOD BLESS!!

  31.   dink on March 24th, 2008

    hahaha, cguro dapat mong isipin na maswerte ka dahil meron kang ama, pero dapat mo alamin kung anong dahilan ng iyong ama bakit ganyan sya maghigpit sayo, maaaring meron kang nakaraan na ginawa na natanim na sa isip ng iyong ama. anyway thats life just do what makes you happy gudluck!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

  32.   Dhong on March 24th, 2008

    I must say you have a talent, but there are words thats for me a “bulgar”, just be glad you still have a dad, you and your dad has a different personalities…. someday you’ll understand… when you are already in his shoe…

  33.   x_ღ ひかり on March 25th, 2008

    nice blog po.

  34.   Điλŋλ on March 25th, 2008

    haha .. nice nice nice .. very funny .. :]] !

  35.   SONYBOY on March 25th, 2008

    before anything else, i want to “blurt” (to utter suddenly or inadvertently ang sabi sa dictionary.com pero intentional naman-hehe, just to say something) this out first: HAHAHAHA and ha and ha!

    times like this(doing nothing so naghahanap ako ng something new to read and fortunately i went over your blog) is really a luxury because napatawa mo ko. bwahaha! so a big THANKS to you and for you!

    congrats! you deserve to be featured. oh accept my invite coz i’d be asking you to be on my list of friends para mabookmark and masubaybayan ko blog mo…hope you’ll give to my request. friends?

    good day!

  36.   shella on March 25th, 2008

    gusto q yung sinulat mo promse comment ka nman skin,,,,,kung may pagkakataon kah,,,,,,,,

  37.   vanvan on March 26th, 2008

    hahaha! natawa nmn ako sa sinulat m. hehe.. maybe coz nkakarelate ako..HAHA. as in. prang remake ng amin. kaya lng ‘di na ako pinapalo.. hehe. 16 ako..

    aywayzz.. merong ayaw sa blog m??tell you.. fan m ko. haha.. galing mo.. way to go.. hehe=]

  38.   vanvan on March 26th, 2008

    kakabasa ko lang ng ‘about me’ m.. haha. shockss.. baka naman kinopya ko yon na di ko na matandaan,. haha! parehong pareho..

  39.   robert on March 26th, 2008

    nice! magaling kang magkwento! i enjoy readng ur story.thats true naman eh.

  40.   True side of me on March 27th, 2008

    I’m having a bad day today..and about to write something about it.. Everything u just wrote makes me laugh, and I even share it sa nanay ko.. U have a good sense of humor. =) Nice day!

  41.   Thierry Lee on March 27th, 2008

    hi! i just happen to stumble upon your blog. Sabi mo walang nagcocomment sa blog mo? Ang dami kayang nag-comment? Just asking…was your story really based on true experience? kaaliw kasi. hehe. Nice blog ha. Talagang napatawa mo ako ng malakas at muntik na akong matumba sa wheel chair ko sa kahahalakhak. Can you be my friend? So I would have a daily dose of laughter by reading your blog. Keep it up.

  42.   flor on March 27th, 2008

    cguro gawain mo na dati kaya ala na tiwala tatay mo. remember po parents know best. baka pag reach mo ng 30 payagan ka na kahit saan. he he he!!!! good luck!!

  43.   rico on March 28th, 2008

    nkrelate me sa story ng lyf mo..im a guy pero ganyan din trato ng parents ko lalo na mom ko.. pero khit ano p sbhin nila mapilit prn me sa gusto ko.alam ko kc na doon me sasaya. pero kht wat p gwin nting desisyon xpect mo prin ang mhbng sermon but atlease nag enjoy ka. enjoy life hbng BUHAY pa tyo..

  44.   muchi on March 28th, 2008

    im just new at friendster. pero meron na ako ibang blog sa ibang site.. ok ka naman mag sulat ah! saka we r all amateurs here.. so dont wori. i suggest u keep on writing. good therapy pa un to vent out ur feelings..

  45.   yvi on March 28th, 2008

    hello!maganda naman yong sinulat mo,ah!keep on writing,express yourself.it’s all about your own life,your own self kaya never mind kung pintasan man nila.good luck!

  46.   melinda on March 28th, 2008

    Saan nang-gagaling ang mga comment na ito, kasi ito rin ang problema ko parang walang bumabasa ng blog ko. Di ko tuloy alam kung blogger friendly and friendster.Congrats ha!

  47.   nimfa on March 29th, 2008

    unbelievable! ang galing.

  48.   oNe NyT on April 2nd, 2008

    hahaha.. good one.. its hilarious!

  49.   Faith Anne on April 4th, 2008

    ehehe,,,naka relate akoh sa blog nato hap!!!

    may tama ka dito ka fwenzter…

  50.   LaiLa on April 15th, 2008

    hi…i like your blogs..pranka at wlang paki sa sasabihin ng iba..keep it up…

  51.   tartz azteCianx on April 16th, 2008

    hehe, still.u’re really lucky bcoz u’ve ur father by ur side.
    nwe, 15 pa lang aq pro ntuto ng lesson.i’ve got myself into trouble wen i went into a plce -wit a frnd- without my mother’s knowledge bout it.

    hmm, d naman xa gnung ksma. (wla naman ung attempt na loss of purenss..)
    cguro nsobrahan sa trust ung ermats q.that’s y dey confscted my fone well, ‘i askd for it’.hehe.
    kea,heto d na basta2 nkaklbas.
    pro d n mxado ngaun.coz im tryn to win back their trust.

    and u knw wat? it had never been easy to win it back.

    i desrve it naman.hayy!

  52.   Maria lallaine on May 17th, 2008

    alm mo..mnzn akla ntn iknukulng tyo ng mga mgulng ntin s knlng mga kmay..sumtymz kla ntin d nila tyo fvorite..or mybe sumtyms kla m ayw k nla mging msya..pero s kbla mn ng laht ng mga akla mung yun, d m alm n gngwa nla ung mga bgy n un pra stin..pra s ikkbti ntin..gngwa nla mnzan ung bgy n nkkpgpsma ng loob ntin,kz alm nla n my mli dun..alm mu aq?dti feelng q prang glit sla s kn.pro nung tym n klangan kung lmayo z knila zka q lng n realize n d aq mkktyo s srli qng mga paa kng wla cla..as of now..mlungkot aq kc dti d q cla iniintndi..pro we nid 2 b tnkful..(sbi nga nla?)hndi lng dhil s my mga mglng tau.kndi dhil my mga mglng taung nanadyn prti pra s ikbbti ntin..i hope these words might help u 2 see what s right..(even though i’m not the right prsn)GODBLESS U OLWEYS.. and also ur family..

  53.   obet on May 21st, 2008

    astig k tol!!lupet moh!!gwain q din yun eh..haha

  54.   jOaN on May 30th, 2008

    pulis ka di ba?ihandcap mo na lang muna tatay mo..hehehe.biro lang..mgada sya. napatawa mo ako.thanks

  55.   cOrz on May 30th, 2008

    xiiiitt..haha..funny, that’s like a regular routine for me..haha..onga naman yun talaga litanya nila.. MAGPAALAM KA KASI, PAPAYAGAN NAMAN KITA.. hahaha,,yahhh ryyytt..
    i like your blog talaga..^^

  56.   мёĞęťħ on June 16th, 2008

    nakita ko na na ung mga scence na gan yan sa sister in law ko kaya ayun nag asawa ng maaga!!!nice blog..

  57.   Jess on June 18th, 2008

    ang dami mo ng mga readers ah…nglalagay pa ng mga comments! congratulations! …sabi ko sa sarili “..ako na lang yata ang hindi ng_comment dito ah…dyahe..makisingit nga..”
    Sa totoo lang, dito lang sa blog mo ako nagbasa ng medyo matagal…hehehe…cencia na ha. Lalo na sa mga entries mo tungkol sa “tatay” …hehehe…tatay na kc ako eh… sige lang, day, ilabas mo lahat ng himutok (tama ba’ng tagalog ko…hehehe…cebuano kc ako eh…from iligan city) mo rito!! Makakaseguro ka’ng andito kami’ng aalalay sa ‘yo.

Leave a Reply