March, 2008

WAKASAN ANG DISKRIMINASYON… (hindi masyadong seryosong write-up! wag dibdibin!)

wala na akong pakialam kung konti o walang magbasa nito. pero talagang hindi ko na mapigil ang ga daliri ko na mag-type sa aking keyboard. masamang-masama ang loob ko.

masaya. dahil kasama ko ang taong gusto ko at na-solo ko siya sa halos kalahati ng aking araw. pero hindi tayo magpo-focus sa istorya ng aming pagsasaya. dahil may isa akong aral na natutunan ngayong gabing ito.

+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_

matapos namin manood ng sine, nagpunta kami sa isang sosyal na kainan. nakakatuwa dahil pakiramdam ko para kaming nagde-date (pero kaibigan ko lang siya eh). Pumasok na kami roon, umupon sa isang pwesto at um-order na.

masaya naman ang aming kuwentuhan (sana lang nga masaya talaga siya.) pero pagkatapos naming kumain (actually ako ang nanlibre. tama na ang excuses. hindi ko na ipagtatanggol ang sarili ko. hindi na rin naman masama na ilibre ko ang crush-slash-friend-slash-ewan ko kung ano nga ba kami.com and everything that occupies space and has mass and weight-punyeta-ano bang pinagsasasabi ko-pakingsyet!)

seryoso na.

palabas na kami ng restaurant nang pumukaw sa akin ang tingin ng ilang kabataan na nasa tapat ( o mas tamang katabi) ng aming mesa. iba ang kanilang tingin. tila mapanghusga. hindi tila. alam ko. ang mga matang iyon. may bahid ng pagtataka at panlalait na rin. (aaminin ko po, ang inyong lingkod ay maganda naman. hindi nga lang sexy samantalang ang aking kasama ay guwapo at mukhang rakista. pag pinagsama mo, ang sama nga naman ng kombinasyon. parang kame-hame wave na may kasamang rasengan na ang tumira ay si Odette Khan.)

seryoso na talaga.

noon, kapag nakakakita rin ako ng bading na magsyota, tomboy na mag-asawa, zorayda-plus-piolo pascual-combination, tumitingin din ako. hindi na ako magpapaka-plastik. ako rin. minsan ding naging mapanghusga.

patawad.

alam ko na ngayon ang pakiramdam na naidulot ko sa kanila. masakit pala. hindi ko maintindihan.

hindi ako naging lubos na masaya ngayong gabi. bagaman nagkasama nga kami ng aking crush-slash-friend-slash-ewan ko kung ano nga ba kami.com and everything that occupies space and has mass and weight-punyeta-ano bang pinagsasasabi ko-pakingsyet! (reiterated talaga! hahahah!!), talagang nasa dibdib ko pa rin ang hindi ko maipaliwanag na pakiramdam.

hindi na ako uulit.

ang mahalagang aral lang naman na natunan ko ngayon…

*isa rin pala ako sa mga taong kumakalaban sa sarili ko para maging masaya. hindi ko na papayagang maramdaman ko muli ito.

*isa rin pala ako sa mga  taong dumadagdag sa diskriminasyon sa ating bansa. masamang factor pala ako sa ecosystem ng Pilipinas. Pres. GMA, patawarin niyo po ako. hindi na po ako uulit.

*sa mga taong minsan kong nabigyan ng pakiramdam na nararamdaman ko ngayon, patawarin niyo ako. hindi ko alam kung ano ang ginawa ko. masama pala talaga iyon.

hindi ako mangangako.

pero hindi na ako uulit.

o ikaw, (oo ikaw nga!) pagalitan mo nga ako!

Ta’y Naman!

ang hirap naman maging feeling writer. hindi ko na malaman kung anong isusulat. wala kasi akong maisip talaga sa ngayon. mayroon akong p-in-ost dito nung isang beses (March 10 yata) )kaso isa lang yata ang nagbasa at saka parang OP yata siya sa lahat ng nilalagay ko rito kaya binawi ko na lang.

meron din akong nilagay na komento kasunod ng isang komento diyan sa blog ko na nilagay ng isang nagbasa na nagngangalang Bitoy. di ko siya kilala kaya lang talagang affected ako sa nilagay niyang comment. pero sa tingin ko mali rin yung ginawa ko kaya binawi ko rin at binura ko na. sa palagay ko hindi na rin dadaan yun dito kasi “ampaget ng blog ko”, as he said.

pero hindi naman ako naniniwala san kaniya. nasabi niya lang yun kasi hindi nga lang niya type ang sinulat ko. baka intelehente kasi siya. yung blog ko para lang sa kung anong kaya kong abutin.

tama na ang chenelyn na ito.

pumunta na tayo sa kung ano ba talaga ang ilalagay ko.

______________________________________________________________

hindi ko talaga alam kung ako nga ba ang paboritong anak ng tatay ko o ako lang ang trip niya pag-initan. kasi ba naman, ang dami ko na yatang naisip na exceptions na ginawa niya sa akin. pero ito talaga ang natatandaan ko…

by the way, 22 years old na pala ako.

ako: Ta’y oh, 22 na ako. pwede na ba ako mag-boyfriend?

Tatay: Hindi pa.

ako: anak naman ng…. ta’y, ako na nga po ang pinaka-tabachoy sa magkakapatid, ayaw mo pa ‘ko magkasyota. bakit naman ganun? si kuya mag-aasawa na yan. dapat sundan ko na.. (ahahah!!)

Tatay: Hindi nga pwede.

ano ba naman yun? ang utos ng hari hindi nababali…

hindi mo lang alam Ta’y kung ilang taon na akong natitigang. ang lupit mo naman.

ito fresh pa kahapon lang:

ATTEMPT NO. 1: (kagagaling ko lang sa work, 9:00AM)

Ako: Tay, aalis nga pala ako mamaya…

Tatay: dead-ma

result: failed.

ATTEMPT NO. 2:

ako: Ta’y, aalis lang ako mamayang gabi. hindi na nga pala ako natulog. naglaba na ako, binilad ko na yung manok, nilabhan ko na rin po yung aso… (in short, ginawa ko talaga lahat payagan lang ako.)

Tatay: Wag na. Hindi ka na nga makagulapay diyan dahil wala kang tulog. wag ka na umalis.

ako: eh dali na.

ang totoo niyan, gigimik kasi kami  ng mga kaklase ko nung college. sa Guilly’s (bar tapat ng ABS-CBN) daw. talagang nagpupursige akong sumama noon kasi kasama namin yung crush ko nung college. eh siyempre, once a year lang naman ako lumalandi bakit hindi ko pa i-fulfill di ba?

result: failed ulit.

ATTEMPT NO. 3:

Ako: Ta’y sige ganito na lang. Dun na lang kami sa bahay ng kaklase ko. Hindi na ako lalayo. Tapos bago mag-10PM uwi na ‘ko. dali na Ta’y.

Tatay: O sige na nga.

result: successful (bakit kailangan talaga magsisinugaling pa ako para successful?)

para maiksi, ayun tuloy kami. sayaw to the max.

hindi ko kasi na-celebrate yung birthday ko nung March 6 kaya tinaon ko na lang sa sweldo.

e ayun, pag-uwi ko kaninang umaga, sermon mode. daig pa story-telling sa haba at daig pa homily sa simbahan sa sobrang makabagbag damdamin. at para pang action… paano naman kung mamura ako ng tatay ko akala mo ba may armalite at M16 (ratatatatattatatattatat!!!) walang tigil yan. ewan ko nga lang kung humihinga pa si Tatay.

akala ko nga may hazing na magaganap. namamalo pa kasi si tatay kahit malalaki na kami. Siguro nga kung payat lang ako at hindi mabigat, ibibitin niya ako patiwarik sa puno ng sampalok ng kapitbahay namin. Buti na lang nga mas malakai ako sa tatay ko.

ibang klase.

Pero mind you, hindi ako palasagot na bata kaya in-absorb ko lang lahat ng mga mala-ultraviolet rays niyang mga salita na nanghina talaga ako. Parang naubos ang chakra ko. at pagakatapos, nag-sorry na lang ako. naligo at natulog. hindi na nga rin ako nakapasok ng trabaho ngayong gabi.

______________________________________________________________

ITO LANG NAMAN ANG GUSTO KO MALAMAN.

BAKIT ANG MGA MAGULANG  NAGPAPAALAM KA NG MAAYOS, HINDI KA PAPAYAGAN? PERO PAG MAGSISINUNGALING KA PAPAYAGAN KA?

TAPOS MAGAGALIT PAG INUMAGA KA NG UWI AT NALAMAN NA NAGSINUNGALING KA.

TAPOS GANITO ANG LINYA:

“MAGPAALAM KA LANG NAMAN NANG MAAYOS, PAPAYAGAN NAMAN KITA…”

para rin ulit akong nasa set ng AngTV nito eh..

ngyeeee!!!