MGA PAMBIHIRANG TRIP NG AKING NAKARAAN
KANINA LANG… (hapon)
setting: sa bahay
oras: 2:00 PM
(gutom na ako nang oras na ito)
ako: cha, pao… di pa ba kayo nagugutom?
cha: gutom na ako.
pao: ako din.
ako: pa-deliver tayo.
cha: sige! gusto ko jolibee.
pao: mcdo naman. para iba naman.
(nagtalo pa sina cha at pao kung ano ang gusto nila. pero nadaan yata nila sa bato-bato-pik at nanalo si cha!)
(pagkalipas ng ilang minuto… bumalik na ako para malaman ang desisyon nila.)
ako: ay, alam ko na! bibili na lang ako sa tindahan. magluluto ako ng ispageti!
cha at pao: ayaw namin yun kasi hindi masarap!
ako: hinde.. bibili ako ng meat sauce!
cha at pao: kahit na! gusto mo ba masaktan, ha ate?
(in-ate niyo pa ako!!!)
kung magiging caricature siguro ako nung mga panahon na iyon, i-drawing niyo na yung mukha ng cartoon character na gusto niyo na may vertcal na guhit-guhit yung noo tapos magulo yung buhok na may malaking tulo ng luha sa mga mata tapos lumobo pa yung sipon ko… kulay blue rin yung background ko…sabay singhot!
KANINA LANG… (umaga)
setting: sa kusina
oras: 8:00 AM
activity: nagpupunit ng dahon ng gabi para patuyuin at gagawin ang mga tuyong dahon na sangkap sa BICOL LAING.
pao: ate, ano ba ‘to?
ako: dahon ng gabi.
pao: ito ba yung nandun nakatanim nung nasa Pasay pa tayo?
ako: oo. yung dahon na hindi nababasa.
pao: ahhh… yung dahon na mahilig naming duraan kasi amazed na amazed kami ng mga kalaro ko kasi hindi dumidikit yung mga laway namin. ang galing. ito pala yun!
yakkk…..
+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_
naalala ko no’ng bata pa si cha. hindi pa siya nag-aaral noon.
mahilig siya maglaro. normal lang yun. bata siya eh.
pero… may tinatago pala siyang sikreto noong bata pa siya.
PSYCHO siya!
ibaik natin ang panahong 1995 (ata)
setting: sa bahay namin sa Pasay. sa kuwarto
oras: ang tagal na noon. di ko na maalala.
takot na takot kami kapag sumasapit na ang alas-sais ng gabi. yun na kasi ang oras na dumarating si Tatay galing sa trabaho. aborido kasi siya madalas. palaging galit.
noon pa naman yun. ngayon magiliw na siya at mas madaling kausap.
noon kasi, kapag uuwi siya, lagi niyang tinitingnan ang mga sulok kung madumi. dapat kasi malinis yun.
kung hindi, nagiging green siya at lumalaki ang katawan tapos napupunit yung damit niya! parang incredible hulk hogan! ganun!
lumipas ang isang oras. mapayapa naman. walang bungangaan portion. *hay… salamat.*
pero naging maiksi lang ang panahon na iyon. mamaya tinawag niya na kami ng mga kapatid ko.
____________, cha, pao, ker…
grabe ang resonance. parang galing sa banga! ano na naman kaya yon?
tatay: bakit may butas ang kurtina? at mukhang sinunog ito! sinong may gawa nito?
dahil sa sobrang takot, walang nagsasalita sa amin. at konti lang, nagtaas ng kamay yung kapatid ko. si cha.
cha: AKO PO.
Tatay: bakit? bakit mo ‘to ginawa?
cha: kasi po… kasi po… (wala pa ngang ginagawa si Tatay umiiyak na siya.)
nang parang mang-aamba na ang Tatay ko na mukhang mamamalo na naman….
cha: kasi po…
… WALA AKONG MAGAWA.
NGYEEEE!!!!
para kaming nasa AngTV. haynako.
kung ako rin kaya walang magawa. sunugin ko yung bahay ng kapitbahay namin?
_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_++_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_
naaalala ko rin nung kinder pa yung mga kapatid ko.
di ba may subject tayo na WRITING? yung isusulat mo yung letter..
halimbawa: A.
paulit-ulit, tapos may grade na umiikot sa: VERY GOOD, GOOD, FAIR. tapos may STAR kapag super ganda yung gawa mo.
hindi ko na maalala kung sino kay cha at pao ang gumawa nito:
Tatay: ‘nak, nasaan na yung notebook mo? patingin nga ng grade mo sa Writing mo.
anak: ito.
paningit: alam niyo kasi, kung pwede nang i-enrol sa School of Recto ang mga batang 5 years old… candidate na yung kapatid ko. marunong na mag-edit ng Fair at nagagawang Very Good. sa’n ka pa?
kaso, masyado namang magaling ang mata ng Tatay ko. wala ring takas.
Tatay: ano ‘to? Very GAGE?
hahahaahh!!!! ibang klase talaga yung kapatid ko. imbes na Very Good.. Very Gage yung nailagay niya.
gage talaga!
at yun… napalo siya!
+_+_+_+_+_+_+_+_+_+__+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+
ako? wala nang tanong-tanong. mas magaling ako sa kanila.
ang kaya kong gawin… gayahin ang pirma ng Tatay ko.
Grade One ako nun. may DEWORMING PROGRAM ang iskwelahan ko noon taon-taon para sa mga pupils.
sobrang takot lang ako talaga sa bulate na sa sobrang takot ko sa kanila, ayoko sila ilabas sa butas ng pwet ko. SCOLECIPHOBIC (taong may phobia sa bulate) na talaga ako noon pa man. hindi ko rin alam kung bakit.
nagbigay ang principal namin ng waiver sa bawat isa sa section namin. parang ganito yung format:
dear Mr/Mrs. Elevado,
Our school is conducting a deworming program which is endorsed by the Department of Health.
(at sinundan pa nung maraming chenelyn forte… )
yes, I agree __
no, I don’t agree___
Signature of Parent: ______________________
at dahil ayoko sumama sa deworming cheverloo noon, ako na ang pumirma para sa tatay ko. at ang chinekan ko, NO, I DON’T AGREE.
sino bang baliw na magulang ang magdi-disapprove ng ganitong programa para sa anak nila lalo na at libre?
ewan ko. pero sa palagay ko, wala.
ang baliw?
eh di ako.
+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_++_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+
trainee pa lang ako noon sa call center na pinasukan ko noon. nakakatawa kasi para lang talaga ko estudyante kahit na graduate na ako.
medyo malayo nga lang ang relasyon ng kuwento ko sa intro.
alam niyo kasi, nakakuwentuhan ko ang kaklase ko kanina. ito yung pag-uusap namin.
oras: 11:30 AM to 01:30 PM (TELEBABAD MODE. TAGAL NA KASI NAMING DI NAG-UUSAP)
isang segment lang ang kuwentong ito sa kabuuan ng chismax to the max naming pagtetelepono.
ako: alam mo tol, dati may co-trainee ako.( lagi ko kasi tine-text yung lalaki. ) may girlfriend siya. nagselos ata sa akin.
kaklase ko (Steph): ah.. oh… tapos?
ako: tinext ako. ang sabi sa akin, pokpok daw ako. pucha!
kaklase: Tol, ang jologs naman nung girl! (apektado yung kaklase ko, impyernes!)
ako: oo nga eh. pero alam mo, okay lang naman sana yung sinabi niya na pokpok ako. pero ang di ko matanggap, may putok daw ako? mantakin mo yun? sa sinabi niyang yun, parang yinurak-yurakan na niya ang buo kong pagkatao. yung pokpok matatanggap ko pa. pero yung may putok ako… oh God, please!
kaklase: ahahahahh!!!!
ako: ahahahhhh!!!!
aminado naman ako, mabaho paa ko. pero wala akong putok!
wala akong putok, ok? (defensive? hehehehhh…)
+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+__+
malapit na nga pala ang birthday ko. isang taon na naman ang madadagdag sa edad ko.. mennnnn!!!!!
kasabay ko magdidiwang si cha. hindi po kami kambal. pero sabay kami ng birthday.
ang gustong regalo ni cha ay P2000. nakakaloka. hindi rin naman ganoon kalaki yung sweldo ko. sa isang gastadora na katulad ko, ang laking kawalan nun sa sweldo ko.
pero okay lang naman yung. kapatid ko naman siya eh. one-time regalo ko na lang yun sa kaniya.
ang nakakatawa kasi, inutangan ko siya ng P500 kanina pagkakain namin.
at madami pang pag-uusap. pero ito ang natatawa talaga ako.
cha: hoy… malapit na birthday natin! regalo ko. yung P2000 ko!
ako: ang mahal naman! (pero um-oo naman ako nung una naming napag-usapan yun)
(humaba na ang usapin. nagtatatawa ako kasi para kaming gago. pero ang totoo, ibibigay ko naman yun.)
cha: (kumuha ng bolpen at test booklet niya) ito, bibigyan kita ng kasulatan. pirmahan mo yan.
ito ang nakasulat:
Pumapayag ako na bigyan si Chari ng P2000 sa March 6 (birthday namin) at P550 (five-six kasi magpautang!) sa March 15 (sweldo ko).
anak ng tinapay! ayun.. pumirma naman si panget!














hahaha..nakakaaliw ang mga sinulat mo..:) may talent ka neng…ipagpatuloy mo..
kulit..
hehehe..
astig!
astig ah!ilyk 8
Nice! galing mo.. nawala stress q.. hehehe.. ^^,
cute!!
maganda ang kwento mo…
in some ways naka-relate ako..
ganda mo!!!!!
I couldnt understant soe words but I could tell ts good…ehehehe, could you tell me how I could have y own blog though?
Nice blog girl, nice shot! KUDOS!
basta mga nkaraan sa akin ay ayaw ko..kasi may mga times na sa C.R. ako..heheheeee.pero ganda ng istorya mo ha…fantastic..
Amg LuPeeT…
HeHEhE…
wow gling nman…. ipag pa2loy mu yn fwens… ganda nya!!
nakakatuwa at nakakaiyak sa tawa kasi mababaw ang kaligayahan ko!!! keep up the good work para kang female version ni bob ong!!
gusto mong maging writer kailangan mong magkaroon ng karanasan para makapagsulat ka nang magandang kwento, di mo na itatanong isa akong experienceable writer.
Ipagpatuloy mo lang yan…wag ka makinig sa negative comment!ok yung gawa mo,maganda!!!
galing mo maam! tga saan ka ba…text mo nga me 1 tym, 09269024808…wag knang magtipid ng load…writer ka naman e! wait ako ha!
your best so far.. keep it up, might be the next jessica zafra? balato nalang pag bumenta! hehe ciao(pang-colcenter na goodbye)(pero d ako colcenter, trip ko lang expressin!) harhar
Hi there! I was the one who analyzed ur blog, sensya na po, dipa tapos yung study. Pero I’ll make sure na mae-email ko po yung results sa’yo.
Nga pala, may friend ako na halos kapareho mo magsulat, maaaliw ka sa blog niya, promise!
Baka sakali lang gusto mong mabasa yung “Wala lang” series niya. It’s so funny.
___
Ok din mga entries mo! Keep it up po!
eto po yung blog niya: http://www.samtrain.multiply.com
ang ganda ng mga cnv moh…………plingq isa aq s mga un s mga nbasa q un n yta ang the bst s lhat ng un at sna mrami k png mgaw d lng un,,,,,,,,,,,,,,,,,
mhal n mhal k nla kya whag m na icpain un
sna d lng un ang mgawm a,,,,,,,,,,,,,,,
bravo!!!gling tlgaaaaa……….
magaling ak pero may pagka baliw…creative haah!!!!!!!!
ang haba! pero nakakatawa.. uubusin ko to! hays. tapusin ko na nga.. pa add naman friend o. para updated ako sa blog mo. ^_^
nice blog…you made me laugh…i need one.thanks!
hi acctually i realy like you blog.your so smart person to create this blog i realy like it thanks
hi acctually i realy like your blog.your so smart person to create this blog i realy
like it and i enjoy’d to reading keep up the good works bhe malayo mrarating mo i wish also i hve a talent like you………..hw cud you encourage me………..joxssssssss jaz cont.writing thanxxxxxxxxxx
hahahahaha ^^
nice..n miss q tuloy mga utol q n singkukulit ng mga utol mo…
nice..n miss q tuloy mga utol q n singkukulit ng mga utol mo…
un lng po un! aq gusto qng maging song writer… ‘di dahil ikaw ang pamagat n ngawa qng knta knina lng!!!
hi ! cutie !
though now Lng kta nmit s fRnzteR s0bRng nag enjoy din tLg akoh s blog moh…
taz s pRofyL mu nRin…
mejo bihiRa rin kZe akong mag fRnzTeR eh kya unawaRe p koh in dis woRLd….
hehehe!
haha..gwa ka p nga ttawa tlga aq!!!! LOL!!!
THANKS FOR THIS ONE. NAKAKARELAX. FUNNY KASI. ^^
adik ka noh??
hehehe
pero ang ganda ah
me sense
wa nga lang aral
hay
wow!!!ang ganda nman ng kwento muh! pwede k ng mging 1ng writer,,hehe! Ang gling mu ha,Go! Go!
hey gurl, ganda ng blog mi,, natuwa ako..hehe kip it up!
!!ang galing naman nkakawala ng mind!!!
reminds me so much of scriptwriting (which i used to be so good at) for high school role playing. you have it,girl! definitely another jessica zafra in the making!
by the way…u and zafra have an amazing resemblance! twins separated at birth?
ang ganda aTe!
ang panget ng blog mu.. hnd dpt ‘tu pinababasa sa iba.. kung talent man tong mttawag mas magandang itago mu nlng..
pasenxa n hnd man lng ako umabot sa middle ng blog mu, ang panget kc tlga..akala ko may sense kya binasa ko ung umpisa..wlang sense! that’s all.. pls take it as a positive comment..
hai… gnda puh ng storya ng lyf muh..
hahaha.. nkkaloka..
ntanggal ung sma ng araw qu ngyon…
tpatn muh kya c bob ong??
haha, cgeh, till der pu…^.~
neng grabe ang galing mo. h3hh3h3 para kng c sonia.ung writer ng pocket book.parehas kyo ng utak.h3h3h3 kaaliw,gud luck.god bless!
nakakatawa ka naman!.,. hehe.. nakatawa kc nakarelate aq dahil mga simpleng day to day lyf experience ito ng isang tao at.. tao din aq.. so, ganun na nga.. nakaktuwa.
MAGALIMG-MAGALING HA! HA! HA!
PARA KANG ISANG VETERAN NA SA PAGSUSULAT. MAGANDA ANG ISINULAT MO SANA MAKAGAWA KAPA NG MARAMI AT MAGING ISANG MAHUSAY NA MANUNULAT.
you write well. go on..
just read your post night of March 15.. hehe..
It is soooooooooooo nice, man..
It is just so amazin’.. hehe.. parang bulateng nanggaling sa malay ko yung mga blogs ko.. hehe..
your blogs are so great.. no contest.. blog lang pala.. haven’t read your other posts..
i’ll find time to enjoy your other emotional outbursts..
thanks for sharin’ your talent to the world..
..ciao..
-ian
nice poh mgnda poh ung story
hehehe ang gnda, pwde k ng mgng isng writer or pwedeng journalism, my talent k kc ei, isa png story, plz!!!
hi poh ate,.
hahaha funny yung mga blogs mo,lam mo writer ako ng skul papaer namin at pede kita idemanda sa ginagawa mong yan,.(HAHAHA JOKE..) nakakatuwa aman u ate,nilalagay mo bawat memories ng buhay mo dito,nyahahahahaha,. yung tatay mo,busalsalin mo yung nguso pag dumadada,. hehe joke bait aman u na junakis,.
KIP IT UP ate,nice worksssss,.
(hahaa dami??)..
angsaya u ate,..
ang cute naman ng mga sinusulat mo! at ang dami mong readers! ur the queen bee of pinoy blogs! akala ko hindi ako jologs, jologs din pala ako heheheh! natawa talaga ako sa write ups dito!
ang cute!! “WALA AKONG MAGAWA” hahahah lol nyc!!
ang masasabi q lang.. SOBRANG NAKAKAWALA NG GUTOM..hehe..
again..nice blog post.
astig ka… saka ung ibang nagcocomment sa page nato….(hindi ako kasali sumilip lang ako at may iiwan)
you remind me of my aunt…. i like you so much!!!
kulit..
para nakong gagi dito..sa kkatawa..galing mu talaga ate(ump!feeling close?!)ahaha..
very nice!!
nahilo aku dun!!pero infairnes magaling!hehe..