February, 2008

MGA PAMBIHIRANG TRIP NG AKING NAKARAAN

KANINA LANG… (hapon)

setting: sa bahay

oras: 2:00 PM

(gutom na ako nang oras na ito)

ako: cha, pao… di pa ba kayo nagugutom?

cha: gutom na ako.

pao: ako din.

ako: pa-deliver tayo.

cha: sige! gusto ko jolibee.

pao: mcdo naman. para iba naman.

(nagtalo pa sina cha at pao kung ano ang gusto nila. pero nadaan yata nila sa bato-bato-pik at nanalo si cha!)

(pagkalipas ng ilang minuto… bumalik na ako para malaman ang desisyon nila.)

ako: ay, alam ko na! bibili na lang ako sa tindahan. magluluto ako ng ispageti!

cha at pao: ayaw namin yun kasi hindi masarap!

ako: hinde.. bibili ako ng meat sauce!

cha at pao: kahit na! gusto mo ba masaktan, ha ate?

(in-ate niyo pa ako!!!)

kung magiging caricature siguro ako nung mga panahon na iyon, i-drawing niyo na yung mukha ng cartoon character na gusto niyo na may vertcal na guhit-guhit yung noo tapos magulo yung buhok na may malaking tulo ng luha sa mga mata tapos lumobo pa yung sipon ko… kulay blue rin yung background ko…sabay singhot!

KANINA LANG… (umaga)

setting: sa kusina

oras: 8:00 AM

activity: nagpupunit ng dahon ng gabi para patuyuin at gagawin ang mga tuyong dahon na sangkap sa BICOL LAING.

pao: ate, ano ba ‘to?

ako: dahon ng gabi.

pao: ito ba yung nandun nakatanim nung nasa Pasay pa tayo?

ako: oo. yung dahon na hindi nababasa.

pao: ahhh… yung dahon na mahilig naming duraan kasi amazed na amazed kami ng mga kalaro ko kasi hindi dumidikit yung mga laway namin. ang galing. ito pala yun!

yakkk…..

+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_

naalala ko no’ng bata pa si cha. hindi pa siya nag-aaral noon.

mahilig siya maglaro. normal lang yun. bata siya eh.

pero… may tinatago pala siyang sikreto noong bata pa siya.

PSYCHO siya!

ibaik natin ang panahong 1995 (ata)

setting: sa bahay namin sa Pasay. sa kuwarto

oras: ang tagal na noon. di ko na maalala.

takot na takot kami kapag sumasapit na ang alas-sais ng gabi. yun na kasi ang oras na dumarating si Tatay galing sa trabaho. aborido kasi siya madalas. palaging galit.

noon pa naman yun. ngayon magiliw na siya at mas madaling kausap.

noon kasi, kapag uuwi siya, lagi niyang tinitingnan ang mga sulok kung madumi. dapat kasi malinis yun.

kung hindi, nagiging green siya at lumalaki ang katawan tapos napupunit yung damit niya! parang incredible hulk hogan! ganun!

lumipas ang isang oras. mapayapa naman. walang bungangaan portion. *hay… salamat.*

pero naging maiksi lang ang panahon na iyon. mamaya tinawag niya na kami ng mga kapatid ko.

____________, cha, pao, ker…

grabe ang resonance. parang galing sa banga! ano na naman kaya yon?

tatay: bakit may  butas ang kurtina? at mukhang sinunog ito! sinong may gawa nito?

dahil sa sobrang takot, walang nagsasalita sa amin. at konti lang, nagtaas ng kamay yung kapatid ko. si cha.

cha: AKO PO.

Tatay: bakit? bakit mo ‘to ginawa?

cha: kasi po… kasi po… (wala pa ngang ginagawa si Tatay umiiyak na siya.)

nang parang mang-aamba na ang Tatay ko na mukhang mamamalo na naman….

cha: kasi po…

… WALA AKONG MAGAWA.

NGYEEEE!!!!

para kaming nasa AngTV. haynako.

kung ako rin kaya walang magawa. sunugin ko yung bahay ng kapitbahay namin?

_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_++_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_

naaalala ko rin nung kinder pa yung mga kapatid ko.

di ba may subject tayo na WRITING? yung isusulat mo yung letter..

halimbawa: A.

paulit-ulit, tapos may grade na umiikot sa: VERY GOOD, GOOD, FAIR. tapos may STAR kapag super ganda yung gawa mo.

hindi ko na maalala kung sino kay cha at pao ang gumawa nito:

Tatay: ‘nak, nasaan na yung notebook mo? patingin nga ng grade mo sa Writing mo.

anak: ito.

paningit: alam niyo kasi, kung pwede nang i-enrol sa School of Recto ang mga batang 5 years old… candidate na yung kapatid ko. marunong na mag-edit ng Fair at nagagawang Very Good. sa’n ka pa?

kaso, masyado namang magaling ang mata ng Tatay ko. wala ring takas.

Tatay: ano ‘to? Very GAGE?

hahahaahh!!!! ibang klase talaga yung kapatid ko. imbes na Very Good.. Very Gage yung nailagay niya.

gage talaga!

at yun… napalo siya!

+_+_+_+_+_+_+_+_+_+__+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+

ako? wala nang tanong-tanong. mas magaling ako sa kanila.

ang kaya kong gawin… gayahin ang pirma ng Tatay ko.

Grade One ako nun. may DEWORMING PROGRAM ang iskwelahan ko noon taon-taon para sa mga pupils.

sobrang takot lang ako talaga sa bulate na sa sobrang takot ko sa kanila, ayoko sila ilabas sa butas ng pwet ko. SCOLECIPHOBIC (taong may phobia sa bulate) na talaga ako noon pa man. hindi ko rin alam kung bakit.

nagbigay ang principal namin ng waiver sa bawat isa sa section namin. parang ganito yung format:

dear Mr/Mrs. Elevado,

Our school is conducting a deworming program which is endorsed by the Department of Health.

(at sinundan pa nung maraming chenelyn forte… )

yes, I agree __

no, I don’t agree___

Signature of Parent: ______________________

at dahil ayoko sumama sa deworming cheverloo noon, ako na ang pumirma para sa tatay ko. at ang chinekan ko, NO, I DON’T AGREE.

sino bang baliw na magulang ang magdi-disapprove ng ganitong programa para sa anak nila lalo na at libre?

ewan ko. pero sa palagay ko, wala.

ang baliw?

eh di ako.

+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_++_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+

trainee pa lang ako noon sa call center na pinasukan ko noon. nakakatawa kasi para lang talaga ko estudyante kahit na graduate na ako.

medyo malayo nga lang ang relasyon ng kuwento ko sa intro.

alam niyo kasi, nakakuwentuhan ko ang kaklase ko kanina. ito yung pag-uusap namin.

oras: 11:30 AM to 01:30 PM (TELEBABAD MODE. TAGAL NA KASI NAMING DI NAG-UUSAP)

isang segment lang ang kuwentong ito sa kabuuan ng chismax to the max naming pagtetelepono.

ako: alam mo tol, dati may co-trainee ako.( lagi ko kasi tine-text yung lalaki. ) may girlfriend siya. nagselos ata sa akin.

kaklase ko (Steph): ah.. oh… tapos?

ako: tinext ako. ang sabi sa akin, pokpok daw ako. pucha!

kaklase: Tol, ang jologs naman nung girl! (apektado yung kaklase ko, impyernes!)

ako: oo nga eh. pero alam mo, okay lang naman sana yung sinabi niya na pokpok ako. pero ang di ko matanggap, may putok daw ako? mantakin mo yun? sa sinabi niyang yun, parang yinurak-yurakan na niya ang buo kong pagkatao. yung pokpok matatanggap ko pa. pero yung may putok ako… oh God, please!

kaklase: ahahahahh!!!!

ako: ahahahhhh!!!!

aminado naman ako, mabaho paa ko. pero wala akong putok!

wala akong putok, ok? (defensive? hehehehhh…)

+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+__+

malapit na nga pala ang birthday ko. isang taon na naman ang madadagdag sa edad ko.. mennnnn!!!!!

kasabay ko magdidiwang si cha. hindi po kami kambal. pero sabay kami ng birthday.

ang gustong regalo ni cha ay P2000. nakakaloka. hindi rin naman ganoon kalaki yung sweldo ko. sa isang gastadora na katulad ko, ang laking kawalan nun sa sweldo ko.

pero okay lang naman yung. kapatid ko naman siya eh. one-time regalo ko na lang yun sa kaniya.

ang nakakatawa kasi, inutangan ko siya ng P500 kanina pagkakain namin.

at madami pang pag-uusap. pero ito ang natatawa talaga ako.

cha: hoy… malapit na birthday natin! regalo ko. yung P2000 ko!

ako: ang mahal naman! (pero um-oo naman ako nung una naming napag-usapan yun)

(humaba na ang usapin. nagtatatawa ako kasi para kaming gago. pero ang totoo, ibibigay ko naman yun.)

cha: (kumuha ng bolpen at test booklet niya) ito, bibigyan kita ng kasulatan. pirmahan mo yan.

ito ang nakasulat:

Pumapayag ako na bigyan si Chari ng P2000 sa March 6 (birthday namin) at P550 (five-six kasi magpautang!) sa March 15 (sweldo ko).

anak ng tinapay! ayun.. pumirma naman si panget!

GUSTO KONG MAGING WRITER: PART 2 1/2

Setting

3:00 PM–Natagpuan ko na lang na naglalakad mag-isa sa kahabaan ng Commonwealth Avenue. (Huwag niyo sanang isiping isa akong “prosti” o “mamasang”. Call Girl po ako. Call center girl.)

Nag-iisip lang naman ako. Ilang beses na rin kasi akong nakakatanggap ng mga koment sa blog na ito na hindi kagandahan. Keri lang naman kung ano man ang sabihin ng mga nagbabasa. Kaya lang, naisip ko na masyado ngang mabababaw ang mga naisusulat ko. Puro emote. Puro “siya”. Puro ako, ako, tapos ako, tapos ako ulit.

Sabi sa akin ni Owen (teacher ko dati), subukan ko raw magbasa ng akda ni Rio Alma (Virgilio Almario– cute!). YUn ang hiningi kong regalo sa best friend ko para sa Pasko. At yun, ang natanggap ko: Bakit Kailangan ng Himala?

Okay naman yung mga poems. Nosebleed nga lang ako. HIndi ko kinaya ang wordings. Yung iba parang haiku na hindi naman. Free falling lang lahat.

Sumubok rin akong sumulat ng “akala-ko-malalim-na-akda-hindi-naman-pala-akala-ko-lang” poems. May mga nakabasa nun sa penster.ph. Ang sabi nila, hindi ko raw alam ang pinagsasasabi ko. Nakakasuya raw. Ewan. Random na ito.

Gusto ko talaga maging writer. Sabi ng iba, magaling daw ako (salamat), isang henyo (salamat ulit), kwenek-kwenek (at kung ano-ano pa). Marami naman sila. Pero alam ko na hindi pa talaga.

Sabi ng ilan , gago raw ako, hindi matino, hindi malaman kung saan papunta… salamat din. Kaya lang kung mumurahin niyo ako, murahin niyo yung sinulat ko tapos ako na rin. Pero wag masyadong personal. Kasi hindi niyo pa naman ako nakikilala.
Paano kaya yun?

Pero alam niyo, napagtanto ko na ngayon na hindi naman ako sumusulat para lang magpa-impress.

Dati ang misyon ko: Magpapansin. At natupad naman.

Pero ngayon, medyo alam ko na kung bakit ako nagsusulat.

Kasi, ang hindi masabi ng labi ko na kinukubli ko sa ngiti (kanta yun ah?), nailalabas ko sa pagsulat ko.

In short, tuloy ang emote!

Alam ko ikaw rin.

Emote-emote-an.

+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_

Ngayon, unti-unti ko nang natatanggap na kaibigan nga lang talaga kita.

Echusera ako. hahahah!!!

+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_

ANG ISTORYA:

napakabilis talaga ng panahon. malapit na pala akong ma-regularize sa trabaho ko. parang kailan lang, halos isumpa ko na ang pagiging CSR (Customer Service Representative) ko kasi bobita talaga ako. IQ below sea level. Pero ngayon, nag-improve na ako. 6 feet below the ground na lang. hahhahah!!

pero alam mo, may mga panahong natatamad na ako. Gabi-gabi kasi, pare-pareho na lang ang ginagawa ko. Pare-parehong script, iba-iba lang ang tono.

parang ganito:

hi.. Thank YOU for CALLING _____________. MY name IS (pause) ___________. May I have THE SERVICE PHONE NUMBER (bibilisan mo lang sa parteng ito) starting with THE AREA CODE (pause… 15 mini-seconds) PLeasE (dapat may lambing)?

pero ang malupet na parte, nung bago pa lang ako.

kapag nagsisimula nang mag-ring ang telepono ko, ide-deliver ko na ang spiel. at kumakabog na ang dibdib ko. English-an na naman kasi. Nosebleed na naman. Mahina kasi ang pakinig ko at ang totoo, hindi ako mahilig makinig.

at ang nakakatawa, hindi ko nga talaga maintindihan kung paano nagsasalita yung Amerikanong customer. Ang dami na niyang nasabi. Blah-blah-blah-yada-yada. At ako… sumasakit na ang  ulo ko at nagdadasal na sana kunin na ako ni LOrd nung mga panahon na iyon.

Gabi kasi dito. Sa USA, umaga. Sheeeeeeeeetttt!! Gising na gising ang mga dugo nila. Reklamo dito.. reklamo doon. Ako, tanga, walang alam. Ang tanging nagagawa ko noon ay ang galitin sila hanggang bagsakan na nila ako.

ITO ANG ISANG EXAMPLE:

Ako:

Ako pa rin: How may I help you today?

Customer: I want to turn one of my receivers on. Can you help me?

Ako: I will be glad to assist you with that (garalgal mode sa sobrang kaba). I’ll just pull up my tools (kuno)

after 2 minutes…

after 3 minutes…

at ilang minutes pa ang lumipas

Customer: why does it take you so long just to activate my receiver? Let me speak to a manager please…!!!!!!

Ako: I’m sorry about that. My system is just updating (palusot)

Customer: okay. (kalmado na)

After 3 minutes ulet..

Customer: hello, are you there?

Ako: Yes I’m there (ahahahah!!! sa sobrang kaba, yun ang nasabi ko.)

Customer:(natawa siya) Where are you located?

Ako: We’re located in Manila, Philippines.

Customer: oww.. that’s why your accent sounds so funny.

Ako: (press the mute button) ulol ka! (press the mute button ulit… tawa na lang.)

Customer: Oh my God! You know what?! I don’t know what to say and I don’t wanna talk to  you. I want to speak to a manager . Right Now!

AKo: I’m… I’m..

blag!

binagsakan na niya ako.

marami pa. isang buwan kong tiniis yan.

natatawa na lang ako kapag naaalala ko.

_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_++_

na-miss ko lang yung mga panahon noong isa pa lang akong estudyante…