January, 2008

KAYA KONG IPABASA SA MUNDO HUWAG LAMANG “SA IYO”

kaya kong ipamalita sa mundo

kung anong nararamdaman ko para sa iyo.

kaya kong ipamalita

na masaya ako kapag nariyan ka

kaya ko ring ipamalita

na nalulungkot rin ako kapag nariyan ka…

… kasi hindi kita malapitan.

kaya kong ipamalita sa lahat

na mahal na mahal na yata kita.

kaya ko ring ipamalita

na naninibugho ako kapag may lumalapit sa iyong iba.

kaya ko ring ipamalita

na gustong-guto kita…

… hindi ko nga lang kayang sabihin sa iyo.

kaya kong ipabasa sa lahat ang entry na ito…

huwag lang sa iyo.

… kasi kaibigan kita.

ASO-cena

prologue:

alam mo, sumasakit na ang ulo ko sa iyo. aaminin ko, madalas akong magpapansin sa iyo! pero bakit ka ganyan? anong tingin mo sa sarili mo?

God’s gift to all men?

Center of the universe?

sobra ka!

pero alam mo, special ka talaga.

kahit umaarte ka nang ganyan, hindi ko pa rin magawang magalit sa iyo.

*isang bagsak… ulol!*

+_+_+___+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+___+_+_+_+_+_+_

bakit ang isang bagay na simple. nagagawa kong komplikado?

at ang isang pagkakataong dumating, nagawa kong palampasin?

ang isang taong umuubos lang ng chakra ko, di ko magawang iwanan?

at ako, sa tingin ko, kaunti na lang ang oras ko… sana lang huwag kulangin.

+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_

noon…

naiinis ako sa lahat ng asong nakikita ko. ewan ko. para bang naiirita lang ako. at isa pa takot ako sa kanila.

pero hindi na ngayon.

sampung taon na rin ang nakalipas. naalala ko pa.

+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+

umuulan noong mga gabing iyon. malakas. walang tigil. medyo nagbabaha na nga sa mga kalye noon kaya wala na rin gustong lumabas kahit pa gusto nilang maligo sa ulan.

tahimik lang naman ang mundo ko noon. nanonood lang ng TV. humihigop ng mainit na sabaw… in short.. parang senyora!

yes! ako lang mag-isa sa bahay. at tatagal pa ito ng dalawang linggo.

nasa BIcol kasi ang tatay ko at mga kapatid ko para dumalaw sa mga kamag-anak. ayoko naman sumama. mas masarap nang nasa bahay ako kaysa makipagplastikan sa mga tiyahin ko na wala namang ginawa kundi punahin ang mataba kong pangangatawan!

may narinig akong parang umuungol-ungol sa tabi ng pinto. hindi ko na lang ito pinansin. medyo natakot nga ako kasi parang iba yung dinig ko. halimaw? hindi siguro. wala namang ganun.

ang halimaw lang naman ay ang tatay ko kapag nagagalit  at may dalang stick ng walis na pamalo kapag hindi ako umuuwi sa tamang oras. yun lang naman. parang frat! “di na po, master!”

naalimpungatan ako. naroon pa rin yung ungol eh. naiistorbo na rin ako kaya binuksan ko na lang ang pinto.

“hay.. ano ba naman? tuta? haynakow! at dyan ka pa nagkalat sa harap ng pinto namin at yung jebs mo dun pa sa tsinelas ko… ay gago!”

bsang-basa yung tuta. kulay itim. teka, malas daw yun di ba?

ay hindi.. pusa yun eh.

mas ayoko naman ng pusa.

may kasabihan ba para sa itim na aso? ewan ko.

di ko lang din alam kung anong pumasok sa utak ko at pinulot ko yung tuta!

“tang ina.. aray”

kinagat ako.dumudugo yung daliri ko.

hindi lang alam ng impaktong itong kung ano ang ginawa niya sa akin. natakot ako. namutla ako talaga.

sa sobrang gulat ko, nabitawan ko ito. hulog sa sahig una mukha. sabagay kulang pa yan sa kaniya.

di ba malakas raw ang rabies ng tuta kaysa sa malaki nang aso? ewan ko. natatakot talaga ako. malay ko sa rabies at malay ko sa tutang iyan. ang alam ko natatakot na talaga ako.

nagpalakad-lakad ang tuta sa loob ng bahay. wag kayong mag-alala. hindi siya naging tiyanak o kung ano pa mang naiisip niyong nilalanag. tuta pa rin siya.

pero ako? anong mangyayari sa akin? magiging werewolf kaya ako?

umakyat ako sa upuan at itinaas ko na yung paa ko. hala! tumatahol yung tuta!! anong gagawin ko? baka kakagatin na naman ako nito? naku naman!!! inay ko po! ako lang naman ang mag-isa sa bahay noon.

ayoko naman siya paluin kasi baka lumaban tapos kagatin ulit ako.

limang minuto.. tumahimik siya.

ako?

nagbibilang ng ilang segundo. hinihintay ko na lang kung anong oras ako mauulol. kalkulasyon ko nga eh… kung alas-siyete ako kinagat ng impaktong ito, mga alas-nueve bubula yung bibig ko. at mangingisay ako ng 100 seconds at uungol na rin ako after 5 minutes… niyahhhhh…!

nagdadasal talaga ako. at yung tuta? ewan ko na kung nasaan na siya.

tiningnan ko kung nasa paahan siya ng upuan ko. wala. wala siya.

naglakad ako ng dahan-dahan at naghugas ng kamay. uminom rin ako ng mainit na tubig na may kasamang tinutong na bawang na ewan ko ba kung effective. yun kasi ang payo ng katulong namin dati sa akin kapag nakagat daw ako ng aso.

baka naman mag-transform ako nito at maging si BOy BAWANG ako?

tama na ang kalokohan. nasaan na yung tuta. para akong gago. pero anong magagawa ko? takot talaga ako sa tutang iyon. NOTORIOUS siya! kinagat niya ako eh.

“aha!”

naroon na siya sa ilalim ng katre ko. sana lang wag siyang magkakalat doon.

chu…chu…chu.. *sipol.. sipol… kahit hindi marunong”-technique ang gamit ko. baka ma-please ko.

at ayun lumabas siya.

kumuha ako ng lumang liyanera at hinugasan ko ito. binuhusan ko ito ng gatas. at pinainom ko sa kaniya.

ang cute pala ng tuta kapag ganito. parang wala silang problema. iinom lang ng gatas. tapos matutulog. tapos magpapataba lang at kekembot. magpapa-cute tapos mangangagat pag trip nila. hay, sana ganito rin ako. pero ayoko maging aso. ang gusto ko, mananapak ako pag trip ko. tapos kekembot. sabay takbo! hahahaha!!!

pero saan ko na ilalagay ang tutang ito pagkatapos ng ulan na ito? hindi ko naman pwedeng itira ito sa bahay. baka pagdating nilang lahat dito, kagatin rin sila?

keri lang naman. kasi naging friends na kami. kinakausap ko na nga siya kung minsan. lalo na kapg galing ako sa eskwela at siya ang sumasalubong sa akin. tinatabi ko na rin siya sa pagtulog at  kasama kong tumatambay at kumain ng ice cream kapag wala akong pasok.

wala namang naging problema nang dumating na yung tatay ko at mga kapatid ko. tanggap naman nila. nagtagal nga ang tuta hanggang naging aso na siya…

malaki na nga siya at matanda na.

napansin ko na lang na noong huli, ginagalis na siya. hindi ko na siya pwede ipasok sa bahay. at lalong hindi ko na rin pwedeng yakapin. wala na yung dati niyang magandang buhok na kapit na kapit sa balat.  ang payat-payat na rin at ewan ko.

naalala ko. malapit na nga yata siyang mamatay wala pa rin akong naibibigay na pangalan sa kaniya. kung ano-ano lang ang tinatawag ko sa kaniya.

pochi.

bantay.

blackie.

hello aso (kalaban ni Hello Kitty).

doggie…

basta. wala pa siyang pangalan talaga.

ewan. ang gulo-gulo.

ganoon ba talaga ang aso kapag tumatanda?

ayoko naman umiyak no? aso lang siya.

kaya lang sa bawat pagdaan ng mga araw, nakikita kong nanghihina na rin siya. teka… may naisip ako.

pero hindi ang buhayin siya. kundi kung paanong tapusin na ang paghihirap niya.

nakatali siya sa isang poste na malapit sa bahay namin. inalis ko ang lubid at isinama ko siya sa iang street na hindi ko rin alam kung paano ko napuntahan.

ililigaw ko na lang siya.

akmang iiwanan ko na siya, naiyak talaga ako kasi sa tagal na hindi ko siya naririnig na umiiyak at umungol… narinig ko ulit nang bitiwan ko ang tali niya..

alam ng asong ito na iiwanan ko na siya.

para akong bata. kung tutuusin isa lang itong drama ng limang-taong gulang na bata na nire-reenactment ko lang.

patawad.

kinuha ko na lang ang tali ulit at isinama siya sa aking pag-uwi.

habang nasa daan, nakita ko.. “dr. churvah veterinary services….”

nag-isip ako ulit.

injection?  na may lamang ganot sa loob na ipapatusok ko na lang sa binti ng aso ko para makatulog na siya.

alam mo na siguro ang iniisip ko.

hinila ko ang tali. ayaw sumama ng aso.

bakit ganoon? bakit parang alam niya kung ano ang balak ko gawin?

kumatok na ako sa pinto.

konting usap…

at hindi na ako pumasok sa loob.

pero umuwi na ako ng walang dala.

alam mo na siguro ang nangyari.

+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+

PS1: sa ngayon okay pa naman ako. pero mukhang umeepek na yung kagat sa akin. nauulol na naman ako eh.

++_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_++

PS2: hindi yan totoo… binase ko lang yan sa napanood ko sa TV.

balik tanaw

PROLOGUE:

naisip ko laNg. kung ang langgam ay nakatigin sa lupa, at ang daga nakatingin sa langgam, at ang pusa ay nakatingin sa daga at tayo ay nakatingin sa pusa, at May Tumitingin sa atin…

sa Nakatingin sa atin, may nakatingin din kaya sa Kaniya?

naisip ko lang naman.

+_+_+_+_+_+_+_+_+_+

nakakatuwang isipin na dalawang taon na pala akong na-inarte dito.

unang taon, walang pumansin. ay, hindi. meron pala. pero bilang lang sa mga daliri ko sa paa.

sa ikalawa, uy.. ang saya! 500+. kaloka! napansin na rin ang echuserang ito…

nagsimula talaga ng matindi kong pagpapapansin sa "ang rebelasyon ng isang echusera". akala ko walang papansin sa joke ko na yun. hindi pala. 70+ eh..

akala ko natapos na yun dun. hindi pa pala. nang maglagay na ako ng mga iba pang entry, nagpatuloy ang pasok ng mga komento. hindi ko alam, featured blog pala ang aken! at ayun! may so-called "fans" na ako.

hindi ko na maalala kung kailan ko nai-post ang "basted". pero ang saya dahil pagakatapos nun, mayroon nang nanliligaw sa akin! imagine? ang saya-saya talaga! feeling ko maganda ako. pero yung taong gusto ko, mukhang walang epek sa kaniya. pero sa palagay ko nababasa na niya lahat ng naisulat ko rito. kung nababasa mo ito ngayon, LOVE PA RIN KITA… :) (rukawa, rukawa! L-O-V-E rukawa!)

pero ito ang da best. nang maisulat ko ang "gusto kong maging writer" dun bumuhos ang koments. at lahat, matino! impyernes! at may mga writer na nakabasa ng blog ko at hanggang ngayon, tinuturuan pa rin nila akong magsulat ng matino.

at yung iba, kahit walang sense, hindi rin maiiwang walang laman! may komento. 1, 2, 3, 16, 29…

pero kapag nagsusulat ako ng matinong entry, bakit walang nagbabasa?

sa "suicide note", ubos ang chakra ko, pero anim lang yata ang nagbasa. yung "tanong ni Hudas", isa lang yata. di ba ako bagay maging matino? heheheh..

+_+_+_++_+_