PINATAY KO SILANG LAHAT
ang ibang tao, nakahahanap ng kasiyahan sa kalagitnaan ng pag-iisa.
kaso ako, hindi ko malaman kung ano ba talaga ang magpapasaya sa akin. kung gaano kalikot ang bulating nabuhusan ng asin, ganoon din ako kapag hindi ako mapakali.
hindi ako makatulog. alas-tres na nang umaga.
wala akong magawa. patay na patay ang paligid. madilim. malamig. walang katunog-tunog. lahat tahimik.
paikot-ikot ako sa katre. at ang langitngit ng kahoy ang nagbigay ng ingay sa nakabibinging katahimikan.
nag-isip na lang ako kung ano ang gagawin ko para makatulog ako.
sinubukan kong magsulat pero walang lumalabas na kahit anong konsepto sa utak ko. nagtimpla na lang ako ng gatas at umupo sa isang tabi at nanood ng TV.
Nasabi ko na lang sa sarili ko, “Di ba, ito naman ang gusto ko? Ang mag-isa? Walang kasama. Walang nag-iingay. Walang pumupuna. Walang nagagalit. Walang pumapansin. Walang nakikialam. Wala. Wala lahat. Bakit kahit nakuha ko na yung gusto ko hindi ako masaya?”
Tuloy ang lipat ng channel… walang palabas. Puta naman o! Gusto ko sanang magwala kaso lang natutulog na ang mga kapitbahay namin. Baka makaistorbo lang ako. Kunsabagay, ano naman ba ang mapapanood mo ng alas-tres ng umaga. Nagpapahinga pa ang mga kapuso at kapamilya natin diyan.
BInuksan ko na lang ang pinto at lumabas ng bahay. Tumingala na lang ako sa langit. Sana may shooting star para matuwa naman ako. kaso wala eh. Kasi maulap noon at mukhang uulan pa.
Naalala ko na lang bigla…
“Kung nandito lang si Tatay, siguro sasawayin ako noon at pagsasabihan na naman ako kasi gising pa ako? O kaya kung nandito lang si Kuya, mumurahin na naman ako noon kasi papasok raw ang lamok. O kaya kung nandito lang yung mga maliliit kong kapatid, isusumbong nila ako kay Nanay kasi dis-oras na lumalabas pa ako ng bahay? O kaya kung nandito lang ang Nanay ko, siguro yayakapin ako noon at pababalikin sa loob ng bahay?”
Naguguluhan na ako. Anong gagawin ko? Bakit natatakot ako? Bakit dinadaga ang dibdib ko? Dakit ko ba sila naiisip? Di ba hindi ko naman sila kailangan di ba? Dapat masaya na ako. Wala na sila.
“Hahahaha!!! Ano ba itong pinagsasabi ko?”
Papasok na sana ako nang mapatid ako. Ang duguang katawan pala ng Tatay ko na puno ng saksak sa dibdib ang nakaharang. At sa upuan ang Nanay ko na putok ang ulo mula sa pukpok ng kahoy. At sa kuwarto, ang halos putol-putol na katawan ng Kuya ko dahil pinanggigilan ng taga. At sa labahan, ang dalawang malilit kong kapatid na nakatago pa sa likod ng sirang lawanit… lawit ang mga dila dahil nasakal ng lubid.
Ako ba? Ako ba ang may gawa nito?
Hindi. Hindi siguro.
Ewan ko.
HAhahaha!!! Dapat masaya na ako di ba? PInatay ko na sila. Bakit natatakot ako? Di ba ito naman ang gusto ko? ANg mabura na kayo sa buhay ko?
Diyos ko, anong ginawa ko?
Sinara ko ang pinto. Tumungo ako sa platera. Kinuka ko ang maliit na punyal at ginilit ko ang sarili kong leeg.
Hindi ko nakayanan.
Nagawa ko ang lahat ng ito. Hindi ko alam kung bakit.
Pinatay ko silang lahat.
+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+
hindi ko talaga kaya maging marahas. ang pangit ng sinulat ko eh.
patayin niyo na rin kaya ako noh?
subok lang.
baka pwede na.














hi hello.good morning from switzerland. alam mo cool yong sulat mo at medyo nakakatakot isipin kong magawa ng isang tao yan. katulad ng sinulat mo! alam mo ba ang puso ko ngayon kinakabahan sa lahat ng sinulat mo. super! dios ko po! sana gabayan ng panginoon na walang makagagawa niyan. yan lang ang panalangin ko.may mga words na babagay sa akin! tungkol sa hindi maka-tulog, at paikot-ikot sa kama,nag iisip sa nakalipas na pangyayari pero hindi kona maibalik pa ang kahapon.pagsisisi nalang.pero ngayon start nako ng panibagong buhay ko dito sa swiss. at planong magka.pamilya dito hindi sa pinas. pero uuwi parin ako diyan at visit paminsan minsan.thank you! ingat ka. god bless you friend. from anakim
in fairness…kakatakot tlga ung sinulat mo h…gling….ndala ako…
pno po ba gmwa ng blog?..
grabeeeeeeee!!!!!!!!!!masyadong EMO ang story mo ha…….pde k ng mging writer ng horror pocket book cgurdong mbenta s merkado..hope meron k png ipo2st n another blog..til nxt tym…..
MAGALING KA YUP.
ang galing… alam mo yun na parang napaka artistic nung ginawa mong pagkakasulat… I like it to the fact na parang nagsisisi ka sa pagka post mo…ang ganda… walang biro…
hi?napa ka ganda nang pagkasulat moh…
ayos galing u dapat bigyan k ng award
death is always near….
hiNdi mAkatoTohAnAn, kAibigAn.
pEro mAy seNse nG onTe!
grave.. knbhan ako sa sinulat mo ha..? d monman cguromaggawang ptayin ang pamilymo noh…. mga iniicomolang yang.. non sense.. pero inferness ha ganda ng story mo… good job.. tc ha..
-anNa from pasig-
well its one of the great blog that i have read. great really its great. post more blogs ok.
walandyu.. ok ang pgkakasunod2 ng story…kala ko multo ang nagsulat…? eniwey, ur beter than those of silly paketbuk rayters na ewan ko kung panu pumasa sa editor nila…….puna lang pohhh,,binasa ko kze taz hiningan aq ng comment kaya eto..
grabe kah nman,true b yun?,pnu muwh ngwa un aq nga rn hehehe”,hai nq kah tlge wla k ng gnwa qndi mnkot hahaha”,ng enjoy aq dun ah swear!.
grabe masyadong maganda pagkkasulat mo!!sobrang nasuspense ako!sa kalagitnaan..cguro nga mapapatay kita pagngkita tyo dhil sa sinulat mo joke..sobrang na impress ako..maybe pag nabasa yung blog mo walang di magkkainterested at cguradong magccoment syo!thanks sa blog galeeengg… t.care..
sobrang galing mo hanga ko sau ipagpatuloy mo yan pwede yan pag kaperahan wag lang masobrahan baka mental naman ang kabagsakan..hehehe joke,okey yong story mo..
wow,idol joke! hehehehehe,ayos po ang sinulat nyo pwede ka na maging writer sa horror pocket book, gawin kaya natin yang pelikula no, sama mo na rin yung sinulat ko na love story hehehehe pano kaya?! gud luck en kip up d gud work… (”,)
ayos ang blog u. pede ka ng editor ng isang suspense movie. keek up the good work!
wow astig kinilabutan ako don pare.. artist kaba.. pare tumayo talaga balahibo ko nun..
mahiig din ako mag-isa atmagpatutog ng musika.. add mko dito sa friendster free2bent@yahoo.com..
nakakatakot ka
u are freakin scary dude! wats wid the pen?
good job..
papatayin ko palang sila!!!!!!!!!!!!!!!!
ang galing u..
Hi! I’ve been reading your blog for quite sometime now and I really find it interesting. Just one question though, is this entry original? You might wanna check this link: http://chuppapy.blogs.friendster.com/... sobrang pareho ang laman! Just FYI.
More power!
Hi! san u sila nilibing hehehe
wow ghanda naman poh ng story mu…natakot ako 1st i read ur story but wen i finish read i understand…. shit kala ko true na un,,,,
gravehhhhhhhhhhhhhh
kakakaba!! hehe gud job
hope marami ka pang i pose na story
ung super interesting wag ka na manakot uli huh!!!!!!
god bless u hope u will be the nxt writter someday,,,………muah!! t.c
jhackie her!!
kkatak0t Nma’ pero iNfairnes mganda!!!
this is a masterpiece… u made myheartbeat stopped!
congrats
grabe ka kid! tinakOt mO kO. . .hindi kO inaasahan na mababasa ko to! may queSTioN aqo, maY tkOt k ba s DiYos????isang kasaLanan aNg pamaTay ng taO, kuNg totoo nga na laging mag-isa k, eH mas maganda iLaan mO aNG Oras aT panaHon mO kaY JESUS, surrender ur Life to him, nOt kay saTan, he bLames u. . .dOn’t think negaTive waY, jusT aLways think pOsiTive wHat ever happened into ur Life,.TC aNd GodbLess!!!!
grabe ka kid! tinakOt mO kO. . .hindi kO inaasahan na mababasa ko to! may queSTioN aqo, maY tkOt k ba s DiYos????isang kasaLanan aNg pumaTay ng taO, kuNg totoo nga na laging mag-isa k, eH mas maganda iLaan mO aNG Oras aT panaHon mO kaY JESUS, surrender ur Life to him, nOt kay saTan, he bLames u. . .dOn’t think negaTive waY, jusT aLways think pOsiTive wHat ever happened into ur Life,.TC aNd GodbLess!!!!
grabe ka kid! tinakOt mO kO. . .hindi kO inaasahan na mababasa ko to! may queSTioN aqo, maY tkOt k ba s DiYos????isang kasaLanan aNg pumaTay ng taO, kuNg totoo nga na laging mag-isa k, eH mas maganda iLaan mO aNG Oras aT panaHon mO kaY JESUS, surrender ur Life to him, nOt kay saTan, he bLames u. . .dOn’t think negaTive waY, jusT aLways think pOsiTive wHat ever happened into ur Life,.TC aNd GodbLess!!!!
J-E-S-U-S LOVES YOU,
HE never LEAVE YOU
NOr for saKe yOu!!!
…hi?! ang ganda ng cnulat mo?! Nk2suspense hehehe?! Try mo nga ang luv story?! ang lwak kc ng imagination mo eh?!
lufet mo dude… kip up the good work..
I LIKE IT =p
ganda! pero napredict q ang susunod na mangyayari… medyo nadisappoint, slight. ^^,
very creative…
hmmm…. nakakainis ka… mapapaiyak mo ko…hehe
hey.. orig nga ba tong post mo? mejo naguluhan ako…
http://chuppapy.blogs.friendster.com/
yeeahhhhh!!!!!!1