KAY TAGAL KO RING NAWALA… HETO AKO’T NAGBABALIK!
acknowledgements:
salamat sa mga taong walang sawang nagbabasa ng blog ko. salamat talaga. alam niyo, kanina nagsusulat lang ako rito tapos sa hindi malamang kadahilanan, (o sa hindi malamang katangahan!) nabura! ano bang ginawa ko? ang dami pa naman nun!
anyways, naaalala ko pa naman kung ano yun.
gusto kong umapela sa ilang komentong nabasa ko. (exactly!)
una: nagpapasikat raw ako sa mambabasa
—-> korek! naging epal pa ako kung hindi ko gagawin yan?
ikalawa: “fack u” raw!
—-> inaamin ko na I can’t please everybody. pero kung mumurahin niyo ako rito, pakitama yung spelling. para matuwa ako.
ikatlo: sa mga nakaka-relate at nakakaintindi at natutuwa (apela ba ‘to?)
—-> salamat. ipagpapatuloy ko.
ikaapat: kikita raw ako rito? (isa pa ‘to!)
—-> salamat! hahanap ako kung saan ko ito mailalagay na magkakapera ako.
ikalima: magbasa raw ako para mas matuto
—-> salamat ulit. maaaring hindi niyo ako sang-ayunan sa sasabihin ko. pero kasi, ayokong magbasa kasi ang tendency, nagagaya ko yung nababasa ko kahit ayoko. kung ano na lang ang itapon ng utak ko, yun ang isusulat ko. randomized nga lang. nagbabasa rin naman ako. pero sa aspetong teknikal.
ikaanim: nagmamagaling raw ako
—-> oo na! yun na nga. aminado naman ako. paulit-ulit kayo!
ikapito: sa mga nagkokomento ng hindi-naman-related -whatsoever-kahit-saang-anggulo-mo-tingnan…
—-> gusto niyo rin maging blog ang blog ko? okay lang. para sa lahat naman ito.
comment lang nang comment…
+*+*+**+**++*+*_*+*+*+*+*+*++*+*+*+*+*+*+**
naaalala niyo pa ba nung sinabi kong sumali ako sa isang nationwide poem writing contest at natalo ako (o hindi dumating yung entry ko o hindi ko lang matanggap na natalo ako?). mula iyon sa KOMISYON NG WIKANG FILIPINO
ito yung isinali ko. sige, komentohan niyo. alam kong maraming kulang diyan. o may mali rin siguro. tatanggapin ko. murahin niyo man ako.
Ang Mga Tanong ni Hudas
Sa aking paghahanap…
Makikita ba Kita,
Kahit ako’y nabulag na ng kinang ng makamundong kayamanan?
Makikita Mo ba ako,
Kahit ako’y nagtatago sa isang sulok mula sa Iyo?
Marirnig ba Kita,
Kahit ako’y nabingi na ng papuri at ng aking kayabangan?
Maririnig Mo ba ako,
Kung ngalan Mo’y tawagin ko bagaman nasa malayo?
Maiintindihan Mo ba,
Kung ako’y nautal na hanggang sa mapipi dulot ng aking kasinungalingan?
Maiintindihan ko ba,
Kahit na ako’y pilit na sa Iyo ay hindi nakikinig?
Maabot kaya Kita ,
Kahit ako’y nasa lugar na sadyang kay baba?
Aakayin Mo ba ako,
Kung ako’y lugmok na’t di makatayo dulot ng aking kahinaan?
Sa aking pagkaligaw…
Sasama ba ako sa Iyo,
Kung ako’y maiwang naglalakad na mag-isa?
Isasama Mo ba ako,
Kahit na ako’y nagpupumiglas at sadyang nais lumihis ng landas?
Patutuluyin Mo ba ako,
Kung ako’y sasama at magbabalik-loob sa Iyo?
Tatanggapin Mo ba ako
Kahit na noo’y nagawa kang ipagpalit sa kaunting kalansing ng pilak at ginto?
Yayakapin
Mo
ba ako
Kung ako’y tumatangis
Papahirin ang aking luha
Kung ako’y umiiyak?
At sa aking pagkawala…
Mapapatawad Mo ba ako
Kung ako’y magsisisi
At luluhod sabay ng aking pagdurusa’t pagkasawi
Kahit na ako’y lubos na nagkanulo sa Iyo?
naiiyak naman ako. ang mga naisulat ko, parang sa ukay-ukay.
may nakatago pero nagagandahan ako.
at mura lang. (wala lang. may masabi lang.)
+*+*+*+*+*+*+*+*
pansin ko lang, IDOL KO YATA SI HUDAS?
hindi naman.
slight lang.
wekwek!
+*+*+*+*+*
mabalik tayo sa dati kong pangalan..
PULIS PANGKALAWAKAN.














graveh aNg gLig mOng mgsuLt…weL npahanga m aq..pwede k ng mging writer..niCe!!!
baka siguro kalahati lang ng tula mo ang nakarating sa poem writing contest kaya ka natalo, ang haba kasi eh hehe..
alam mo,bilib ako sayo.artista ka tlga dahil nailalabas mo ang saloobin mo,ng walang kiber sa komento ng mga nakakabasa..writer din ako,yun nga lang sa diary ko lng..sa sobra kcng personal ng mga isinusulat ko,baka iwan ako ng bf ko ehehe.kiding aside,mahirap magsulat,ngunit mas mahirap ang ipabasa ang mga ito sa mga tao.keep it up!
kung si Jesus ang tinatanong ,,e nasagot na nya yan… at di ba nga santo pa si Hudas… walang dudang masinop at powerful ang paglalarawan ng tula…pero parang isang side lang ang me mukha…ewan lang den…baka naman sa akin(reader) mo tinatanong yan…e tao lang kami po…gustuhin man namin umunawa ng lubos…me kakulangan pa din…parang hindi po masyadong natumbok…para kanino o sino ang kinakausap ng tula….hindi ito gaanong na i-hint sa tula….pero granting na isang kumpol ng talinghaga ang tula….baka naman ako ang mali saking pagbasa…
at anyrate…..isang well-crafted na artistic piece ang tula…at needles to say…isa kang mahalagang makata ng ating panahong…mabuhay ka po!