HINDI SA LAHAT NG ORAS…

madalas akong nakatanggap ng papuri mula sa mga mambabasa ko.
madalas din akong makatanggap ng papuri mula sa aking mga kasamahan sa trabaho.
madalas din akong makatanggap ng papuri mula sa mga kaklase at kaibigan…

pero hindi sa lahat ng oras.

dahil mas madalas akong nakakagawa ng mga pagkakamaling naging lalong mali kasi hindi ako nag-iisip. (bobotix! grabe!)

_+_+_+++_++_+_+_++_+_+_++

ang blog na ito ang naglalaman ng lahat ng negatibong chakrang dumadaloy sa dugo ko. lahat ng dumi ng kaluluwa’t isipan ko, dito umaagos. lahat ng sama ng loob at sama ng ugali ko, dito ko lahat tinapon. lahat ng galit ko sa mundo dito ko inilabas. at lahat ng mga bagay na hindi ko mailabas, dito ko ibinulalas. 

lahat ng pangarap ko, dito ko sinisimulang tuparin. ang pagmamahal na hindi ko maipadama sa taong mahal ko, dito ko ipinamamalita at ipinagmamalaki. ang pangmamaliit ko sa sarili ko dito lang nawawala. at natutunan ko nang makita isa-isa ang mga bagay na hindi ko alam ay mayroon pala ako. (feeling ko kaya ang ganda-ganda ko rito.. lalo na kapag may napepeke sa mga litrato ko! —- uyy.. babae ako. hindi ako bakla no?)

buti na lang marunong akong magsulat. siguro hindi ko na rin masasabing plastik ako kasi lahat ng hindi maganda sa akin, halos nababasa ng madlang Pilipino. sana nga lang may nailagay rin akong maganda rito.

+_+_+_+_++_+_++_+_+

lubos talaga akong nagpapasalamat sa mga nagbabasa ng blog ko at sa mga "sumusubaybay" ng mga sinusulat ko. salamat sa mga taong nag-iisip na magaling ako rito. salamat sa mga taong nagbibigay ng tips nila para humusay pa ako.

pero alam niyo, may isa akong pagbabakasakali sa pagsusulat ko.

sana isa sa mga nagbabasa ang maging kapalaran ko.

in short…

pahingi ni boypren! (tang ina, I’m single! shheeeeeeeeeeett!!)

sana matamaan ka. di mo na ako kailangan ligawan.

maging sino ka man.

aahahah!!!!!

+_++_+_+_+++_+_+_+

hindi naman ako marahas na tao. yung entry na sinundan nito, gawa-gawa ko lang yun! takot kaya ako sa dugo at takot ako sa patay. kasi baka mabuhay.

katakot ba?

++_+_+++_++_+

kailan ba talaga ako magtitino? o ako lang talaga ang nagsasabing hindi ako matino?
ano sa tingin mo?

+_+_+_+_+_+_+_

alam mo, nakakapagod ka na! nakakainis ka!
palagi mo na lang akong pinaaasa.
o kaya hindi naman talaga. ako lang itong palaasa.
kunsabagay bakit ba ako nagagalit sa iyo?
anong karapatan ko?
eh kaibigan mo lang naman ako?

(pucha, kapag ako bumabanat na ng ganito.. kasi pagod na ako. pagod na akong mainlab. masyado nang masarap.. di ko na kaya.)
++_+_+_+_+_++_+



28 Comments so far

  1.   'dOnnA' on December 17th, 2007

    girl,tlgang nkkrel8 aq s mga cnusulat mOh….halos preho ng tintkbo ang story ng ating lyf & luv story…hehehe…nluv din kc aq s friend q eh….nakz…preho p taung ngha2nap ng mgi2ng TADHANA ntin!!!!!!hahaha…i enjoy reading ur blog..more POWER 2 u….God Bless….mwuaahhh…kip on writing….

  2.   anna on December 17th, 2007

    mahirap problem mo girl, kulang na boys sa world. hehe

  3.   BADBURN on December 17th, 2007

    kung tungkol sa isinulat mo ang aking tutugunan ay hnd natin masasabi kasi walang nakakaalam kung sino at kelan darating ang kelot sa buhay mo. hnd ito nakikita at nalalaman kung kelan. kusa itong dumarating sa buhay ng isang tao. desperada ka na ba? isa lang ang ibig sabihin nyan tsong, wala kang misteryo sa katawan.

  4.   BADBURN on December 17th, 2007

    ok na rin ang isinulat mo. kung ano ang nararamdaman mo ay isinambulat mo sa madlang tao.
    subukan mong dalhin ang mga mambabasa mo sa mismong eksena at maramdaman naman nila na hnd pala sila nagbabasa lang kundi sila mismo ang gumaganap sa karakter.

  5.   mj on December 17th, 2007

    WAPAACK!!!!MAHIRAP YANG HINAHANAP MO…

  6.   leonard on December 17th, 2007

    thinks again for the second time b4 changing the destiny of your mindless aviator.

  7.   april on December 17th, 2007

    sobrang na touch ako sa sulat mo…how i wish im brave enough to tell the everyone what i feel….yong parang gusto mong ilabas lahat ng sama ng loob mo pero natatakot kang malaman ng iba.

  8.   sherwin on December 17th, 2007

    nakaka iyak naman ang story mo gurl… hayaan u lang may darating at darating din na karapat dapat sayo… stay cool lang enjoy u lang ang buhay single… malalaman u din ang hirap kapag may ka relasyon ka nah!!!…. mas masarap parin ang buhay single…^_^

  9.   sherwin on December 17th, 2007

    ALAM MO MADALI KANG INTINDIHIN EH…MADALI KA RIN CGURONG MAHALIN..SA TINGIN KO LNG KULANG KA LANG SA TIWALA SA SARILI TSANG…TRY MO EXERT MORE NG CONFIDENCE SA SARILI MO..TSAKA UNG CNASABI MO NA MADALAS TAUNG MABIGO SA PAG-IBIG NATURAL LNG UN LAHAT TAU AY MAY KANYA-KANYANG KAPALARAN AND PURPOSE SA MUNDONG ITO…AND BESIDES DI KA BA NANINIWALA NA MERONG PLANO SA ATIN ANG DIYOS LAHAT TAU EH MAY KANYA-KANYA NG PATUTUNGUHAN…BSTA WAIT KA LNG DARATING DIN UNG HINIHINTAY MO…GHE INGATZ NA LNG!!!

  10.   _mitch_ on December 19th, 2007

    minsan same tau ng st0ry bout our lives… minsan dina down q rin sarili q d0nt kn0w y… am i paranoid to think that all people that crossing my way had a problem w/ me? maybe thatz reality.. itz hard to smile wen u are totaly d0wn… im tired emotionaly.. i remember last night wen i had that nightmare.. i t0t i cant go back anym0re… but hir i am, buhai parin…m0re p0wer to you..(o_0)

  11.   dennis on December 19th, 2007

    honesly at first glance natakot ako…… tignan utuloy takot n me sau..

  12.   Crinan on December 19th, 2007

    Another Hopeless Romantic.. Mabuhay lahat ng Single! %-D

  13.   John on December 19th, 2007

    nakakapagod talaga ang maraming laman ang utak ha ha ha…visit my blogs also,ok? Merry CHRISTmas policewoman!!!!

  14.   pretty imee on December 20th, 2007

    more power to u gurl, kip on writing,.just pray wag ka mawalan ng pag-asa! lahat naman tau dumadaan sa mga ganyang stages ng buhay! ingats

  15.   melmarie on December 20th, 2007

    “In everything you do put God first and He will crown your efforts and give you success.”
    A verse in the Bible na hindi ko pinaniwalaan at pinansin noon when a friend of mine give this message to me. pero dumating din sa punto na kinailangan ko itong paniwalaan to achieve my ambition and dreams, and now i am successful in my work, in my family and in everything i do. I can now proudly stand and declare that Jesus is the only way, the only way i know. we only need to believe.

  16.   melmarie on December 20th, 2007

    NPPGOD K N NGA B S IYONG BUHAY
    MAY MGA SNDLING ISIP MOY GULONG GULO
    KAIBIGAN NAIS KONG IYONG MLMN MY DIOS N PD MONG MLPTN
    ANO MNG KLGYAN ANG IYONG CNUSUONG WAG KNG MTKOT MNLIG KY HESUS….. LHAT HLOS NG PRAAN I NGW MO
    UPNG KALUNGKUTAY MAIBSAN…NGUNIT HANGGANG NGAYON I D K MLIGAYA KAHIT NA LAHAT NG NAIS MO’Y NKAMTAN..ANG HINAHANAP MONG 2NAY N KPYPAAN KAY HESUS, KAY HESUS MKKMTAN….
    MHL K NG DIOS AT SIYAY NAGHIHINTAY… KUMAKATOK SIYA S PINTUAN NG IYONG PUSO
    WAG MONG SYNGIN ANG ORAS AT PAGKKTAON NAIS NI HESUS IKAY MALIGTAS…. MAHAL K NG DIYOS…

  17.   'dOnnA' on December 21st, 2007

    hi…nbsa q ang ibang comment plalo n kay BADBURN!!!!ACTUALLY PRA S KNYA 2…..hindi lahat ng desperada wla ng misteryo s katawan nOh,…grabeeeeeeh k ha…effective ang mga story nya ha……hmpppp….

  18.   Escape on December 21st, 2007

    astig my naaalala ako sayo c pareng bob ong ang kumpare kong manunulat (jowk lng d ko yon kumpare hanga lang ako sa kanya kc magaling yun magsulat pareho kng sino ka man… salamat natuwa ako sa article mong ito magaling ka babae…

  19.   jackielyn sison on December 21st, 2007

    wow wala akong masabi,halos kumpleto paliwanag u about not just hu u are but wat exacly ordinary people fell,ordinary people called as werd,oa,cant explain but the truth is easy to understand..hope i can also write lyk u did..so madamdamin.

  20.   Lawliet on December 21st, 2007

    galing!….

  21.   eli on December 21st, 2007

    Ok yn gngwa mo mrunong k mkarealised ng mga pagkkmli m.Pero sna lng s bwat pgktuto mo s pgkkmali mo ksbay non ay ang pgtungo s mabuting pgbbgo. Lhat tau may imperfctions wla nmn kse ng perpktong tao s muundo db? Wag k paapekto ituloy m lang ang nasimulan mo..gya ko mnsan n rin akong nakaranas masaktan ng todo, sa totoo lng til now ramdam ko lokohin k b nmn ng taong pnakmmhal mo..pero ok lng si God na ang bahla s knya. Merry Christmas huh!!

  22.   - OKIDOC - on December 22nd, 2007

    WEKEPEK!!! huh! buhay talaga parang gago lang minsan,naka ka eng eng talaga.d bale gurl darating yan..pero gurl pili ka lang ng di chickboy ha..alam mo na dumarami ang lahi nila,mga pwede sa chick pwede sa boy!!!!!at infairness sila ung mga gwapo…nyahahahahaha!!!!-okidoc?

  23.   Yen on December 23rd, 2007

    ako po ay nabighani s iyong sinulat…

  24.   khrisel on December 23rd, 2007

    …hi frIeNd wG K SnA MwLan nG PAg aSa 2tAl mRamI PÄNAMAN DYNG IbAnG LaLaKi..ang aja kya m yan..wg kng susukö…nandyn lng c ‘göD’PrA 2LUNgan k nyA S Mga PrÖBLEMA M0H??AND I PrÖbE M SA Mga tao n knG CNU K DTI IkW PrIn yAN..CGE..INGAT KNA LnG HA..BST..GOd is alwayZ ThERE…MAG PrAY KRN..

  25.   Jhulie on December 23rd, 2007

    jz commenting..cguRo poh..evaluate uRself n lng kung how much u do for him and for uRself..be fair of it sometimes kze msyado n naabuso ung self..emotions at ndudurog n ung feelings e..at unti unti mamumuo ung galit..it shouldn’t happen and go to that extent jz learn WHEN TO HOLD ON and WHEN TO LET GO..oki guRL??!!! dOnt rush.. in GOD’s time and uR right time U WILL GONNA MEET HIM..

  26.   nat on January 14th, 2008

    liligawan na sana kita eh, meh malaking hikaw ka lang sa labi hehe..

  27.   Nezia on February 27th, 2008

    ate, alam mo, female version ka ni Bob Ong… hehehe ^^, galing mo po! keep writing.. God Bless!

  28.   Fe on March 24th, 2008

    haha! angkulit ng story mo ah..
    pang maala-ala mo kaya! wahaha!!

Leave a Reply