DESPERADONG KAMOTE

intro:

patawarin niyo sana ako kung nakalimutan kong maglagay ng disclaimer sa blog entry ko na pinamagatang “PINATAY KO SILANG LAHAT”.

hindi ko alam na may effect pala siya sa nakakabasa.

patawad talaga.

+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+

PAUNAWA:

desperado na ako. magpa-Pasko na, wala pa rin akong syota. 21 years nang malamig ang lahat ng mga ARAW NG MAGSYOTA na nagdaan sa buhay ko.

tumigas man ang puso ko sa lamig, nagagawa pa ring tunawin ito ng init ng pag-irog na nararamdaman ko para sa iyo lang.

+_+_+_+_+_+_+_++_+_+_

ang pinaka-sentro ng entry-ng ito:

Bakit ikaw…
malayang-malaya mo akong saktan?
Samantalang ako…
hindi ko magawang gumanti sa sama ng loob na binibigay mo sa akin.

Bakit ikaw…
nagagawa mong sabihin ang lahat ng gusto mo?
Samantalang ako…
hindi ko masabi ang simpleng “Gusto kita”.

Bakit ikaw…
ginagawa mo ang lahat ng bagay na ayaw ko?
Samantalang ako…
kahit ayoko, pero basta sinabi mo, gagawin ko.

Bakit ikaw…
kaya mong maging masaya kahit wala ako?
Samantalang ako…
halos parang bawian na ng buhay kapag lumipas na ang isang minutong hindi kita nakikita.

Bakit ikaw…
kaya mong simulan ang bawat usapan at handa naman akong makinig?
Samantalang ako…
nagsisimula pa lang magsalita, tumatalikod ka na at iniiwan mo ako sa ere.

Bakit ikaw…
nasasabi mo ang lahat ng sama ng loob mo at naroon naman ako’t dumadamay sa iyo?
Samantalang ako…
lahat na yata naibulalas ko at wala lang sa iyo.

*Bakit ikaw…
mukha ka naman paa pero kung mangarir ka lima-lima?
Samantalang ako…
nagpa-cute na at lahat wala pa ring pumapansin?

(joke lang. hindi yan kasali.. guwapo ka kaya para sa akin? yes naman, bumawi!)

(mabalik tayo…)

Bakit ikaw…
Samantalang ako…

+_+_+_+_+_++_

ibig sabihin lang, huwag na akong umasa.

naging panaginip ka na.

ibig sabihin hindi ka na magkakatotoo.

tama na.

ayoko nang umasa.

ilang blog entry pa ba ang kailangan kong gawin para lang makarating sa iyo kung gaano kita ka-gusto.. ha?



6 Comments so far

  1.   Agi on December 17th, 2007

    Hello. Tuloy tuloy na ang pag papapansin ko no?

    Hindi ko rin alam kung saan makakabili ng syota eh. Pero sana nga i-sale yun ngayong pasko, nag hahanap din ako eh.

    Ang epal ko no?

  2.   E R I N on January 13th, 2008

    pwede ba i-post ko to sa blog ko at mabasa ng ex ko?
    whahahahaha!!!
    on the second thought…
    baka naman sabihin ng bago nyang jowa miserable na naman ako…
    pucha kapal kase! ahas na tas xa pa ang proud…
    favor naman oh…
    gawa ka ng blog about mga ahas at manlolokong jowa…
    help me to feel better and not bitter…
    naaliw talaga ako sayo…
    thanks ha!

  3.   SirAuLo on January 14th, 2008

    nice =)

  4.   wendel on February 5th, 2008

    sana may makagawa ng blog na para sa mga taong martir salamat aabangan ko po yan..

  5.   BhAbEsLiBerTy on March 21st, 2008

    Haaayy…pagibig,hamakin ang lahat makamtan ka lamang.,hahahaha.,jowk lng poh!

  6.   jon on April 4th, 2008

    bat di ka mag apply sa abs para maging writer?pwede ka magdrama lalo na sa komedi pero mas okey kung dramady.para kang syota ko dati e,kainis ka ang galing mo!!

Leave a Reply