December, 2007

MENSAHE KO SA INYO: BONGGACIOUS NA PASKO AT PA-STAR NA BAGONG TAON!!!

INTRO + ACKNOWLEDGMENTS:

tama na muna ang emote.

magpa-Pasko at magba-Bagong Taon na mga kapatid! kumusta na ba kayo?

naisip ko lang unang-una sa lahat ang magpasalamat. akalain niyo, pang-21 na Pasko ko na ito at buhay pa ako. at eventually, pang-21 na Bagong Taon ko na rin. (wag lang akong mamamatay… joskolord!) Ta’s next year sa March birthday ko na. Ta’s 22 na ako nun. Tas gurang na ako. Siiiiyeeeettttt!

anyways, hinto muna ang mundo ko. ilalagak ko ang lahat ng oras ko sa para sa ating Panginoon (Katoliko po ako. Hindi ako anti-Christ.)

Siguro kung mag Friendster din sa langit at nagbabasa si Lord ng blog, malamang nasabi niya (or nag-comment na siya):

“…walanghiyang bata ‘to, wala nang ginawa kundi ang magreklamo at mag-emote. Samantalang nung Board exam niya, dasal nang dasal na pumasa siya, pinagbigyan ko. Sana magkatrabaho siya, pinagbigyan ko. Yung lovelife natagalan lang ng konti… ito na naman! emote na naman. Pangarap niya ring magpahinga ng 1 week.. pinagbigyan ko… (actually, nagka-pharyngitis ako at 1 week na akong under voice rest at hindi pumapasok sa trabaho.) reklamadora talaga! Wis ko na knowing kung paano ko pa aayusin ang jutak ng bagets na itish! ”

Sorry na nga po.

Alam ko naman na dapat ipinagpapasalamat ko ang lahat ng blessings na natanggap ko ngayong taon. Salamat talaga. Salamat at buhay ako. Salamat at kumikita ako. Salamat at nasa piling ko pa rin ang pamilya ko. Salamat sa mga kaibigan na laging umiintindi sa kaartehan ko. Salamat… nalaman ko na hindi rin naman pala ako nag-iisa.

Actually hindi rin blanko ang buhay ko with regard to lovelife kasi alam ko na “love” niyo ako (kasama ka na dun sa ayaw at sa gusto mo.) kasi kahit anong mangyari binabasa niyo yung blog ko. Ito, it caught you reading this… saya no?

Salamat sa pamilya ko. kahit palagi nila akong iniimbyerna keri lang.
Alam ko love niyo ako. Sana lang marunong din mag-internet yung Nanay
at Tatay ko. di ko kasi talaga masabing love ko sila. Ewan ko ba.
nahihiya ako. basta ‘Tay, ‘Nay, mahal na mahal ko po kayo. Yaan niyo
po, magnu-nurse na ako. Malapit na. (pucha, para akong nasa WOWOWEE.., at pagkatapos kong maiyak, tatanungin ako ni Willie, “anong talent mo?” ako naman +sniff+ “sayaw po” walanjaks! taena!)

Salamat sa bespren ko. Mae… sa pag-aadik natin, makakamit na rin natin ang mga pangarap natin. kakalimutan muna natin ang mga lalaki… magdroga muna tayo. at mag-nurse. at magsunog ng kilay sa mga exams. (sa New Year ko na ibibigay yung gift ko sa’yo. naubos na sweldo ko eh. ta’s magbubuhay mayaman na ulit tayo. heheheh!!! Sana talaga mag-top ka. ‘lam ko kaya mo yan!)

salamat sa Group 29… mga tol, miss ko na kayo. Salamat sa pag-unawa niyo sa akin. salamat dahil sa kabila ng nagawa kong pagkakamali, hindi niyo ikiniling ang pagkakaibigan natin. salamat. lalo na kay Loise. sa taong naging sanhi ng kaguluhang iyon, aaminin ko hanggang ngayon, masama pa rin ang loob ko sa iyo. pero nagpapasalamat ako sa iyo dahil tinuruan mo akong maging mapili na sa susunod ng mga taong pagkakatiwalaan. at tinuruan mo rin akong makita ko sa sarili ko ang mga mali ko. salamat sa iyo.

Salamat kay Ma’am Alen.. este… Alen na lang. pareho na kaming RN! yeeeeesssss!! she reminded me of the things that I almost forgot. Thank you, Alen. Sana makapasa ka rin sa exam mo. Grabe, friends na tayo. dati CI lang kita at estudyante mo ako. Ngayon… grabe na talaga! mahal kita Alen. Hiling ko ang kasiyahan sa buhay para sa iyo.

Salamat sa lahat talaga ng nagbabasa ng blog ko. Nakaka-relate kayo.
Yung iba nile-lecture-an ako. yung iba napadaan lang. yung iba
pumupuri. nang-away naman yung iba. Yung iba naman pinagtatanggol ako.
yung iba, wala lang. Salamat sa inyo. sa totoo lang kayo na ang
pinakamagandang nangyari sa buhay ko. drama no? kasi sa inyo ko nakuha
ang pansin na noon hindi ko malaman kung paano ako magkakaroon. salamat
talaga. dahil sa inyo, naramdaman ko na ngayong taong ito naging importante ako.

salamat din “sa taong palagi kong binabanggit pero hindi ko
mapangalanan”. dahil sa iyo, nagiging masaya pa rin ang bawat umaga ko
(lalo na pati gabi ko kasi nakikita kita sa work!) kahit binasted mo na ako sa ikatlong pagkakataon. hindi mo lang talaga
alam. nagawa mo na. ngayong Pasko, love na love pa rin kita. dahil sa iyo nakakapgsulat ako. demmet! (stuuuuupppeeeddd!!!)

Salamat sa mga ka-trabaho ko. Salamat sa pagtanggap niyo sa akin sa
team. Mahal ko kayo. dahil sa inyo, nagdadalawang-isip akong mag-resign
kaso kailangan lang talaga.

Hmm… salamat kay “Sandler Benz” (pare, hindi talaga kita kilala pero salamat kasi kapag may mga scripting ka, naniniwala ako na mahal mo ako at natutuwa ako. pakiramdam ko ang ganda-ganda ko pag may mga banat kang, “sa’yo nahulog ang loob ko”… nakakataba ng puso. pati tuloy ako tumaba na naman ulit.. kaw talaga! may kasamang kilig sa last line.)

Salamat din kay “Apple”. sa page-emote ko, nakasama kita kahit sandali. online. lovelife lang yan. tuldok lang yan ng kabuuan ng pagkatao natin. mangabog tayo sa ating mga karerang pinili.

sa mga nakalimutan kong pasalamatan… pasensya na. pero salamat talaga!! salamat… salamat!  yeah!

ANG MGA HILING KO…

world peace. seryoso. sa konting panahon na lang maga-abroad na ako. paano na kung walang world peace? di na ako makakaalis ng Pilipinas?

hinde…

kasi para yan sa mga mahal nating OFW. para lagi silang maging ligtas. para sa mama mo, papa mo, o sa mga mahal mo (oo, ikaw nga. baka lang nagtatrabaho sa abroad ang mga taong malapit sa buhay mo… world peace para sa kanila. nasa London rin kasi Nanay ko.)

good health.
para sa lahat.

peace of mind, heart, body and soul… dapat lahat mapayapa. para masaya.

craftiness and heart into everything. focus. basta. kung anong meron. para sa akin ‘to. medyo hirap lang talaga akong magkaroon nito eh. at sa mga taong nangangailangan nito… para sa atin to!

safety.

ewan.. di ko alam kung ano talaga ang hihilingin.

kasi…

hindi ko rin talaga alam.

basta ang hiling ko, kung anong makakabuti sa ating lahat. at matibay na damdamin para harapin natin ang kahit anong dumating sa atin. sana maging matatag na tayong lahat.

Hiling ko…

isang mapayapang Pasko at masaganang Bagong Taon sa inyo at sa inyong mga pamilya.

MAHAL KO KAYO.

salamat.

So help us God.

P***** INANG PAG-IBIG ‘TO!

nakalimutan ko lang naman maglagay ng disclaimer di ba?

+_+_+_++_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_

wala na akong boses. literal. sisihin si BAMBOO!

+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+

wala na akong naging tema sa pagsusulat ko kundi ako lang. ako. ako. at wala nang iba kundi ako.

eh kung pamahalaan naman ang tirahin ko rito? wag na. masyado nang maraming tumutuligsa sa kanila. alam na naman nila yun. sisiksik pa ako sa mga epal na yun eh tuligsa sila nang tuligsa wala naman silang nagagawa. pinapalala lang nila ang sitwasyon.

eh kung krimen naman kaya? ano ako, SOCO?

eh kung ang edukasyon kaya? wag na rin. di rin naman kasi ako super talino. below sea level lang ang IQ ko. pasadsad na sa dalampasigan! AWWW!!!

eh kung mga aso kaya? wag na rin. konti lang naman ang alam ko tungkol sa mga hayop na yan!

eh kung ang kalikasan na lang kaya? hmm… baka sabihin niyo pa sa akin, destroyer ako. wala lang din akong masyadong maiaambag. magtanim na lang tayo ng kamote.

eh kung mga lovelife na lang natin? di na! wala naman talaga ako niyan.

eh kung pagkain? sige. saan tayo?

eh kung ang world peace?

o kaya yung birthday ko na lang?

+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_

eh ang korni ko kaya?

oo nga.

ganito yata talaga.

alam niyo na kasi kung bakit…

sa ikatlong pagkakataon.

BINASTED NA NAMAN NIYA AKO.

di ko lang matanggap. naiyak lang talaga ako.

sa sobrang lungkot ko, akala ko magta-transform ako eh.

yung tipong hihiwalay yung kalahati ng katawan ko tapos yung upper part lilipad papunta sa Tuguegarao.

taena talaga!

*tulo sipon*

DESPERADONG KAMOTE

intro:

patawarin niyo sana ako kung nakalimutan kong maglagay ng disclaimer sa blog entry ko na pinamagatang “PINATAY KO SILANG LAHAT”.

hindi ko alam na may effect pala siya sa nakakabasa.

patawad talaga.

+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+

PAUNAWA:

desperado na ako. magpa-Pasko na, wala pa rin akong syota. 21 years nang malamig ang lahat ng mga ARAW NG MAGSYOTA na nagdaan sa buhay ko.

tumigas man ang puso ko sa lamig, nagagawa pa ring tunawin ito ng init ng pag-irog na nararamdaman ko para sa iyo lang.

+_+_+_+_+_+_+_++_+_+_

ang pinaka-sentro ng entry-ng ito:

Bakit ikaw…
malayang-malaya mo akong saktan?
Samantalang ako…
hindi ko magawang gumanti sa sama ng loob na binibigay mo sa akin.

Bakit ikaw…
nagagawa mong sabihin ang lahat ng gusto mo?
Samantalang ako…
hindi ko masabi ang simpleng “Gusto kita”.

Bakit ikaw…
ginagawa mo ang lahat ng bagay na ayaw ko?
Samantalang ako…
kahit ayoko, pero basta sinabi mo, gagawin ko.

Bakit ikaw…
kaya mong maging masaya kahit wala ako?
Samantalang ako…
halos parang bawian na ng buhay kapag lumipas na ang isang minutong hindi kita nakikita.

Bakit ikaw…
kaya mong simulan ang bawat usapan at handa naman akong makinig?
Samantalang ako…
nagsisimula pa lang magsalita, tumatalikod ka na at iniiwan mo ako sa ere.

Bakit ikaw…
nasasabi mo ang lahat ng sama ng loob mo at naroon naman ako’t dumadamay sa iyo?
Samantalang ako…
lahat na yata naibulalas ko at wala lang sa iyo.

*Bakit ikaw…
mukha ka naman paa pero kung mangarir ka lima-lima?
Samantalang ako…
nagpa-cute na at lahat wala pa ring pumapansin?

(joke lang. hindi yan kasali.. guwapo ka kaya para sa akin? yes naman, bumawi!)

(mabalik tayo…)

Bakit ikaw…
Samantalang ako…

+_+_+_+_+_++_

ibig sabihin lang, huwag na akong umasa.

naging panaginip ka na.

ibig sabihin hindi ka na magkakatotoo.

tama na.

ayoko nang umasa.

ilang blog entry pa ba ang kailangan kong gawin para lang makarating sa iyo kung gaano kita ka-gusto.. ha?

HINDI SA LAHAT NG ORAS…

madalas akong nakatanggap ng papuri mula sa mga mambabasa ko.
madalas din akong makatanggap ng papuri mula sa aking mga kasamahan sa trabaho.
madalas din akong makatanggap ng papuri mula sa mga kaklase at kaibigan…

pero hindi sa lahat ng oras.

dahil mas madalas akong nakakagawa ng mga pagkakamaling naging lalong mali kasi hindi ako nag-iisip. (bobotix! grabe!)

_+_+_+++_++_+_+_++_+_+_++

ang blog na ito ang naglalaman ng lahat ng negatibong chakrang dumadaloy sa dugo ko. lahat ng dumi ng kaluluwa’t isipan ko, dito umaagos. lahat ng sama ng loob at sama ng ugali ko, dito ko lahat tinapon. lahat ng galit ko sa mundo dito ko inilabas. at lahat ng mga bagay na hindi ko mailabas, dito ko ibinulalas. 

lahat ng pangarap ko, dito ko sinisimulang tuparin. ang pagmamahal na hindi ko maipadama sa taong mahal ko, dito ko ipinamamalita at ipinagmamalaki. ang pangmamaliit ko sa sarili ko dito lang nawawala. at natutunan ko nang makita isa-isa ang mga bagay na hindi ko alam ay mayroon pala ako. (feeling ko kaya ang ganda-ganda ko rito.. lalo na kapag may napepeke sa mga litrato ko! —- uyy.. babae ako. hindi ako bakla no?)

buti na lang marunong akong magsulat. siguro hindi ko na rin masasabing plastik ako kasi lahat ng hindi maganda sa akin, halos nababasa ng madlang Pilipino. sana nga lang may nailagay rin akong maganda rito.

+_+_+_+_++_+_++_+_+

lubos talaga akong nagpapasalamat sa mga nagbabasa ng blog ko at sa mga "sumusubaybay" ng mga sinusulat ko. salamat sa mga taong nag-iisip na magaling ako rito. salamat sa mga taong nagbibigay ng tips nila para humusay pa ako.

pero alam niyo, may isa akong pagbabakasakali sa pagsusulat ko.

sana isa sa mga nagbabasa ang maging kapalaran ko.

in short…

pahingi ni boypren! (tang ina, I’m single! shheeeeeeeeeeett!!)

sana matamaan ka. di mo na ako kailangan ligawan.

maging sino ka man.

aahahah!!!!!

+_++_+_+_+++_+_+_+

hindi naman ako marahas na tao. yung entry na sinundan nito, gawa-gawa ko lang yun! takot kaya ako sa dugo at takot ako sa patay. kasi baka mabuhay.

katakot ba?

++_+_+++_++_+

kailan ba talaga ako magtitino? o ako lang talaga ang nagsasabing hindi ako matino?
ano sa tingin mo?

+_+_+_+_+_+_+_

alam mo, nakakapagod ka na! nakakainis ka!
palagi mo na lang akong pinaaasa.
o kaya hindi naman talaga. ako lang itong palaasa.
kunsabagay bakit ba ako nagagalit sa iyo?
anong karapatan ko?
eh kaibigan mo lang naman ako?

(pucha, kapag ako bumabanat na ng ganito.. kasi pagod na ako. pagod na akong mainlab. masyado nang masarap.. di ko na kaya.)
++_+_+_+_+_++_+

PINATAY KO SILANG LAHAT

ang ibang tao, nakahahanap ng kasiyahan sa kalagitnaan ng pag-iisa.

kaso ako, hindi ko malaman kung ano ba talaga ang magpapasaya sa akin. kung gaano kalikot ang bulating nabuhusan ng asin, ganoon din ako kapag hindi ako mapakali.

hindi ako makatulog. alas-tres na nang umaga.

wala akong magawa. patay na patay ang paligid. madilim. malamig. walang katunog-tunog. lahat tahimik.

paikot-ikot ako sa katre. at ang langitngit ng kahoy ang nagbigay ng ingay sa nakabibinging katahimikan.

nag-isip na lang ako kung ano ang gagawin ko para makatulog ako.

sinubukan kong magsulat pero walang lumalabas na kahit anong konsepto sa utak ko. nagtimpla na lang ako ng gatas at umupo sa isang tabi at nanood ng TV.

Nasabi ko na lang sa sarili ko, “Di ba, ito naman ang gusto ko? Ang mag-isa? Walang kasama. Walang nag-iingay. Walang pumupuna. Walang nagagalit. Walang pumapansin. Walang nakikialam. Wala. Wala lahat. Bakit kahit nakuha ko na yung gusto ko hindi ako masaya?”

Tuloy ang lipat ng channel… walang palabas. Puta naman o! Gusto ko sanang magwala kaso lang natutulog na ang mga kapitbahay namin. Baka makaistorbo lang ako. Kunsabagay, ano naman ba ang mapapanood mo ng alas-tres ng umaga. Nagpapahinga pa ang mga kapuso at kapamilya natin diyan.

BInuksan ko na lang ang pinto at lumabas ng bahay. Tumingala na lang ako sa langit. Sana may shooting star para matuwa naman ako. kaso wala eh. Kasi maulap noon at mukhang uulan pa.

Naalala ko na lang bigla…

“Kung nandito lang si Tatay, siguro sasawayin ako noon at pagsasabihan na naman ako kasi gising pa ako? O kaya kung nandito lang si Kuya, mumurahin na naman ako noon kasi papasok raw ang lamok. O kaya kung nandito lang yung mga maliliit kong kapatid, isusumbong nila ako kay Nanay kasi dis-oras na lumalabas pa ako ng bahay? O kaya kung nandito lang ang Nanay ko, siguro yayakapin ako noon at pababalikin sa loob ng bahay?”

Naguguluhan na ako. Anong gagawin ko? Bakit natatakot ako? Bakit dinadaga ang dibdib ko? Dakit ko ba sila naiisip? Di ba hindi ko naman sila kailangan di ba?    Dapat masaya na ako. Wala na sila.

“Hahahaha!!! Ano ba itong pinagsasabi ko?”

Papasok na sana ako nang mapatid ako. Ang duguang katawan pala ng Tatay ko na puno ng saksak sa dibdib ang nakaharang. At sa upuan ang Nanay ko na putok ang ulo mula sa pukpok ng kahoy. At sa kuwarto, ang halos putol-putol na katawan ng Kuya ko dahil pinanggigilan ng taga. At sa labahan, ang dalawang malilit kong kapatid na nakatago pa sa likod ng sirang lawanit… lawit ang mga dila dahil nasakal ng lubid.

Ako ba? Ako ba ang may gawa nito?

Hindi. Hindi siguro.

Ewan ko.

HAhahaha!!! Dapat masaya na ako di ba? PInatay ko na sila. Bakit natatakot ako? Di ba ito naman ang gusto ko? ANg mabura na kayo sa buhay ko?

Diyos ko, anong ginawa ko?

Sinara ko ang pinto. Tumungo ako sa platera. Kinuka ko ang maliit na punyal at ginilit ko ang sarili kong leeg.

Hindi ko nakayanan.

Nagawa ko ang lahat ng ito. Hindi ko alam kung bakit.

Pinatay ko silang lahat.

+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+

hindi ko talaga kaya maging marahas. ang pangit ng sinulat ko eh.
patayin niyo na rin kaya ako noh?
subok lang.
baka pwede na.

KAY TAGAL KO RING NAWALA… HETO AKO’T NAGBABALIK!

acknowledgements:

salamat sa mga taong walang sawang nagbabasa ng blog ko. salamat talaga. alam niyo, kanina nagsusulat lang ako rito tapos sa hindi malamang kadahilanan, (o sa hindi malamang katangahan!) nabura! ano bang ginawa ko? ang dami pa naman nun!
anyways, naaalala ko pa naman kung ano yun.

gusto kong umapela sa ilang komentong nabasa ko. (exactly!)

una: nagpapasikat raw ako sa mambabasa
—-> korek! naging epal pa ako kung hindi ko gagawin yan?

ikalawa: “fack u” raw!

—-> inaamin ko na I can’t please everybody. pero kung mumurahin niyo ako rito, pakitama yung spelling. para matuwa ako.

ikatlo: sa mga nakaka-relate at nakakaintindi at natutuwa (apela ba ‘to?)
—-> salamat. ipagpapatuloy ko.

ikaapat: kikita raw ako rito? (isa pa ‘to!)
—-> salamat! hahanap ako kung saan ko ito mailalagay na magkakapera ako.

ikalima: magbasa raw ako para mas matuto

—-> salamat ulit. maaaring hindi niyo ako sang-ayunan sa sasabihin ko. pero kasi, ayokong magbasa kasi ang tendency, nagagaya ko yung nababasa ko kahit ayoko. kung ano na lang ang itapon ng utak ko, yun ang isusulat ko. randomized nga lang. nagbabasa rin naman ako. pero sa aspetong teknikal.

ikaanim: nagmamagaling raw ako
—-> oo na! yun na nga. aminado naman ako. paulit-ulit kayo!

ikapito: sa mga nagkokomento ng hindi-naman-related -whatsoever-kahit-saang-anggulo-mo-tingnan…

—-> gusto niyo rin maging blog ang blog ko? okay lang. para sa lahat naman ito.

comment lang nang comment…

+*+*+**+**++*+*_*+*+*+*+*+*++*+*+*+*+*+*+**

naaalala niyo pa ba nung sinabi kong sumali ako sa isang nationwide poem writing contest at natalo ako (o hindi dumating yung entry ko o hindi ko lang matanggap  na natalo ako?). mula iyon sa KOMISYON NG WIKANG FILIPINO

ito yung isinali ko. sige, komentohan niyo. alam kong maraming kulang diyan. o may mali rin siguro. tatanggapin ko. murahin niyo man ako.

Ang Mga Tanong ni Hudas

Sa aking paghahanap…

Makikita ba Kita,
Kahit ako’y nabulag na ng kinang ng makamundong kayamanan?
Makikita Mo ba ako,
Kahit ako’y nagtatago sa isang sulok mula sa Iyo?

Marirnig ba Kita,
Kahit ako’y nabingi na ng papuri at ng aking kayabangan?
Maririnig Mo ba ako,
Kung ngalan Mo’y tawagin ko bagaman nasa malayo?

Maiintindihan Mo ba,
Kung ako’y nautal na hanggang sa mapipi dulot ng aking kasinungalingan?
Maiintindihan ko ba,
Kahit na ako’y pilit na sa Iyo ay hindi nakikinig?

Maabot kaya Kita ,
Kahit ako’y nasa lugar na sadyang kay baba?
Aakayin Mo ba ako,
Kung ako’y lugmok na’t di makatayo dulot ng aking kahinaan?

Sa aking pagkaligaw…

Sasama ba ako sa Iyo,
Kung ako’y maiwang naglalakad na mag-isa?
Isasama Mo ba ako,
Kahit na ako’y nagpupumiglas at sadyang nais lumihis ng landas?

Patutuluyin Mo ba ako,
Kung ako’y sasama at magbabalik-loob sa Iyo?
Tatanggapin Mo ba ako
Kahit na noo’y nagawa kang ipagpalit sa kaunting kalansing ng pilak at ginto?

Yayakapin

Mo

ba ako


Kung ako’y tumatangis
Papahirin ang aking luha
Kung ako’y umiiyak?

At sa aking pagkawala…

Mapapatawad Mo ba ako
Kung ako’y magsisisi
At luluhod sabay ng aking pagdurusa’t pagkasawi
Kahit na ako’y lubos na nagkanulo sa Iyo?

naiiyak naman ako. ang mga naisulat ko, parang sa ukay-ukay.

may nakatago pero nagagandahan ako.

at mura lang. (wala lang. may masabi lang.)

+*+*+*+*+*+*+*+*

pansin ko lang, IDOL KO YATA SI HUDAS?

hindi naman.

slight lang.

wekwek!

+*+*+*+*+*

mabalik tayo sa dati kong pangalan..

PULIS PANGKALAWAKAN.